|
Post by soniafrancesca on Jan 27, 2011 23:41:14 GMT 8
Maraming nagtatanong sa akin sa Facebook kung kelan daw ako magkakaron ng bagong release. Hindi ko iyon masagot lalo kung ang tinutukoy ninyo ay ang pagsusulat ko sa Precious. I've been writing for them, and still writing at the moment. Ang problema, nahihirapan na akong makapasa. Sa tingin ko, sa ngayon kung interesado pa rin kayong malaman, huwag na muna kayong umasa na may ire-release akong novels sa kanila. Except for the reprints. As for new novels, meron akong two novels sa kanila under the Stallion Riding Club: Revisited. Sa mga individual novels under PHR, wala po. You could say that I'm a little frustrated about it. Gusto ko rin naman talagang magsulat sa kanila. I love writing for Precious, kaya nga siguro hanggang ngayon kahit laging malabo pa sa iniinom kong kape ang posibilidad na pumasa mga gawa ko sa kanila, sige pa rin. Pero wala talaga, eh. Siguro nga hindi na maganda ang mga gawa ko para makapasa sa standard nila. Still, I will keep writing for Precious. Marami pa kasi akong pending stories sa kanila. Like: SRC: Revisited Calle Pogi Dos Cafe Helenas (with the Rancho kids) Precious Hearts (with the PHR writers as my heroines) Planet Indigo Club X Lahat iyan, mga series. Bukod pa ang mga individual stories ng mga characters kong nabanggit na sa mga nauna kong nobela gaya ng original twins ng Rancho Estate na sina Bea at James, nina Boris at Lindy ng Let Me Call You Sweetheart, at yung iba pang side characters na tumatak sa isipan ninyo. Sa mga nabanggit na upcoming series, ang SRC: Revisited pa lang ang ongoing. The rest, wala pa. Puro pa lang mga concepts. So yes, marami pa akong planong isulat for Precious Hearts. Pero dahil sa wala pa rin sa mga gawa ko sa ngayon ang nakakapasa sa kanila, kailangan kong mag-sideline. Siyempre dahil kailangan kong kumita at pagsusulat lang ang alam kong trabaho. Sana suportahan nyo pa rin ang mga isinulat ko para sa ibang publications. Thank you.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 2:19:41 GMT 8
Nobody But You will have another title when released. May nakakuha na raw ng ganong title last kasi. I just dont know kung ano na ang bago niyang title. But my pen name, Marrion Grace, will still be the same.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 2:23:52 GMT 8
Matanong ko lang sa mga admin dito....
Is Cafe Helenashive for Sonia Francesca only? Or included din dito ang kanyang 'other works'?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 2:25:54 GMT 8
...I felt like being caged...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 2:59:06 GMT 8
Its been a while since I wrote something here. For one thing, MAY INTERNET NA AKO SA BAHAY. Un nga lang, tamad pa rin akong mag-net ng madalas. Pangalawa, nag-e-English na ako. Pangatlo...ay...wala na akong maisip sabihin. ...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 3:03:54 GMT 8
Masama na ang tingin ko sa malakig black mug ko. Gusto ko na uli lumaklak ng mainit na kape habang binabayo ni Bagyong Egay ang ating bayang sinilangan
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 5:06:43 GMT 8
NP: Chae Dong Ha's music.
Bilang pagpupugay sa isa sa mga miyembro ng powervoice group SG Wannabe who died a few days ago. Sayang ang lalaking ito. Very talented and still young to die of suicide just because he was depressed. Listen to his song How Can I Forget. Mararamdaman mo ang pain sa boses niya. Hay...sana ibinigay na lang niya sa akin ang boses niya. At nang nagkaroon ako ng chance na makasama sa music industry ng Korea si Sung Si Kyung.
Anyway, may you rest in peace now, dude. Thanks for leaving us your legacy of great music.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 6:01:40 GMT 8
I just remembered something funny. A week ago, I had a series of meetings with PHR bigboss as to how he could pull me back to write the way I used to. Then suddenly, he popped a question.
"Magsabi ka nga ng totoo, Sonia. Ang dahilan ba kung bakit hindi ka na makapagsulat ngayon ay dahil nabigo ka?"
I just laughed with a knotted forehead. "Saan nyo naman nadampot ang ideyang iyan, Sir?"
"Hindi ba't naging 'kayo' ni Ron? Nabigo ka ba sa kanya? Nag-break kayo kaya hindi ka na makapagsulat ngayon?"
"Diyos ko, Lord. Hindi ko naman naging boyfriend iyon, Sir."
"Pero bakit kumalat dito na nagkaroon kayo ng affair?"
"Affair?!"
Okay. To be clear, it was true that I had a 'thing' for Ron before. He was a co-writer of mine at Precious Pages. I even wrote a story dedicated to him back then. MISSENT. Take note, I said 'it WAS true'. Meaning, the feeling had long been gone. And we're now good friends. One time I told him about my little 'crush' thing for him and I think he was a bit surprised.
...
*tinamad na akong mag-english*
Tinanong ko siya kung bakit hindi man lang niya ako pinansin noon kahit alam na niyang may gusto ako sa kanya. Haller, ang effort. Sabi niya, intimidated daw siya sa akin. IN-TI-MI-DA-TED?! Hindi na niya iyon sinagot...o mas tamang sabihing hindi ko na maalala ang sinabi niyang dahilan kung bakit siya natatakot kuno sa akin. So yun nga. After that conversation, cool na kami sa isa't isa. Biruan blah blah. We even joked having a 'secret affair'. Iyon ang biruan namin sa naging pag-uusap namin tungkol sa mga kaganapan sa loob ng opisina ng Precious. In short, 'secret affair' means major major tsismisan.
Di ko alam kung paanong nakarating ang 'secret affair' na iyon sa kinauukulan. Hay. Ang hirap na talagang magkuwento ng mga sikreto ngayon sa ibang tao. Anyway, may communication pa ba kami ngayon ni Ronski? Well, I still have his number. Nakakalimutan ko lang siyang i-text para mangamusta. Mukhang ganon din ang lolo nyo. O baka busy na sa lovelife niya? Uuuy! Haha!
So there. End of report.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 20, 2011 6:03:25 GMT 8
I should finish my d**n manuscript today.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 23, 2011 20:31:14 GMT 8
Finally, done with the SRC: Revisited DEVON FABRIQUIER's story.
Sa totoo lang, naboboring akong isulat ang SRC na to. Walang bago. Ano kaya puwede kong gawin sa mga bago kong tauhan, para maiba sila sa mga naunang miyembro ng SRC? GRRR!!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 29, 2011 0:16:51 GMT 8
BLUE NIGHT.
Natatawa ako sa sarili ko habang sinusulat ko ito. Ibang-iba kasi ang genre na ito sa genre na kinasayan ko. Bakit? Walang comedy. Pero magulo pa rin. Sabi ko nga sa text ko kay Pret, binigyan ko ng malaking sakit ng ulo ang sarili ko nang magsulat ako ng mystery-romance. Weset!
Pero in fairness sa akin, I like this story. Kakaibang Sonia kumbaga. Definitely not the usual laugh-trip stories readers were so used of.
Still interested?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 29, 2011 0:20:21 GMT 8
I dont know if anyone still remember the novel i posted here two years ago. 'Yung story ni Uruha. Ah....I LOVE THAT STORY. May mga nagtatanong sa akin noon kung anong novel ko ang pinakagusto kong story. Wala akong sinasagot. Until I wrote Uruha's story. Suddenly, i have my favorite story.
And my favorite guy? SI URUHA SIYEMPRE! Waaah! I wish mabasa ninyo iyon. Pret gave it a good review when she read it. Kaya alam kong okay iyon. Sana ilabas iyon ng Precious...
Please...
Love you, Uruha! Waah!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 30, 2011 1:47:05 GMT 8
I heard the very first song of Sung Si Kyung that made me fall for his voice. SCENT OF LOVE. Cant help remembering the time when I realized I was falling for a certain Korean guy. This was the song that would always remind me of him. Hope he had a good life.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 2, 2011 3:07:05 GMT 8
I visited a pocketbook store earlier today with Pret. Naging friend na kasi namin ang nagbabantay sa store na iyon. And guess what she asked me the moment she saw me.
"Hindi ka na raw magsusulat sa Precious...FOREVER."
Un tawa namin ni Pret nun time na iyon, para kaming nagdedeliryo dahil sa gutom. Haha! Hay...some people just really won't stop bugging me. Unfortunately for them, I would never stop writing until.............................I go to Korea? Wahehehe! Pero naloloka na ako sa mga balitang nakakarating sa akin tungkol sa hindi ko na pagsusulat sa Precious. Paano mangyayari iyon kung nakapag-renew na nga ako ng kontrata? Ng isang magandang-magandang kontrata? I would never pass on that kind of priviledge. Haller!
Just to be clear, yung mga lumalabas na novels ko ngayon sa ibang publication, ipinasa ko iyon LAST YEAR pa. Mukha lang bago dahil ngayon lang na-release sa market. As for me not being able to write for Precious.........SINO NAMAN ANG NAGSABING HINDI AKO NAKAKAPAGSULAT SA KANILA? It just so happen na hindi pa lang nare-release dahil naka-series siya. At ang Precious may policy na hangga't hindi nabubuo ang isang series ng at least six books, hindi iyon ipi-print. 'Yung sa series ko sa kanila, dalawa pa lang ang nakakapasa at isa ang wala pang resulta.
Un. Chos. Ek-ek. Kape tayo. *cheers*
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 2, 2011 3:56:58 GMT 8
I remember something again.
Just last week, a reader sent me a message. Nasa PHR MOA daw siya at bumibili ng Floral Collections ng inyong abang lingkod nang marinig niya ang isang babae. Sinasabihan daw nun na huwag ng bumili ng novels ko dahil ganito ganon. Natawa na lang ako.
Tsk tsk. 'She' really doesnt know how to quit. Well, goodluck sa kanya. Mahaba-haba pa ang lalakbayin niya dahil marami-rami pa ang naka-lineup na reprints ko. I know she's lurking around here from time to time.
To 'you', may you finally find your peace. Kapag nagsawa ka ng maurat nang dahil sa existence ko, lapitan mo lang ako. Hindi naman ako mapagtanim ng galit. You may have given me a lot of headaches and I have all the reasons in the world to hate you. But I choose not to. Especially since nakikita ko ang dedication na isinulat mo dun sa isang notebook na ibinigay mo sa akin noon.
You were nice. So...yeah, I choose to see the goodness youve shown me before.
Sorry, pero talagang hindi ko kayo masasamahan sa galit ninyo.
|
|