|
Post by soniafrancesca on Nov 30, 2011 4:59:12 GMT 8
**heto naman ang version ko...**
IMPRESSION ver.2 vol.1 (hehe..epal ako eh) by Sonia Francesca
Yipeeee!! Ako rin! Ako rin! May sarili rin akong version ng impression ko sa kapwa kong mga prinsesang dukha ng PHR.
Okay...siguro alam na ninyo halos lahat ngayon na pareho kami ng likaw ng bituka ni Sofia sa maraming bagay. Dahil pareho kaming nanggaling sa sinapupunan ng aming sintang paaralan ng PUP (Pila Uli Pila.. joke! hehe). Magkaklase kami mula first year-fourth year sa college of masscommunication. Dati pa man ay napapansin ko na si Jeje (my petname for her). Studious kasi ang bruha. Matalino. lagi lang sila ng mga profs namin ang nag-uusap lalo na sa philosophy at Mga Aral Ni Rizal (anak daw kasi siya ni Rizal). Parang magulo ang mundo ni Jeje kahit di ko pa siya nakakausap noon. lagi kasing magulo ang buhok hehehe. Naalala ko pa nga nang pag-usapan namin siya ng iba naming friend noon (magkaiba kasi kami ng group of friends noon).
"Huwag ninyong lalagyan ng kilay si Jeje. Gaganda iyan. Matatabunan ang beauty natin."
Pero di rin kami nakatiis. Inayusan namin siya. Lumabas ang totoong ganda ng lola nyo dahil noon pa man ay cute na talaga siya. Sabi namin ng mga kaibigan ko, dapat siya na lang ang muse. Kaso mas trip pa ng loka na magpakadalubhasa dahil walang kuwenta raw kaming mga tao. Lukring talaga.
Anyway, for me, Sofia is the most intelligent person I’ve known. Ang dami niyang alam. Tuwing nagkukuwentuhan kami ng kung ano-ano, di puwedeng wala siyang masasabi. At di lang iyon basta kuwento. HISTORY ng stoyang iyon ang sasabihin niya. Ganyan siya kagaling. Siya rin ang pinaka-sweet na taong nakilala ko. Lagi siyang may gift sa lahat ng okasyon. O kahit nga wala pang okasyon. Basta kapag naisipan niyang magbigay, magbibigay yan. Nga lang, iyon e kung may pera siya. Pag walang pera iyan, huwag mo siyang kakausapin dahil lalamunin ka niya ng buhay.
Mas matanda ako sa kanya pero kung kumilos siya at magsalita, parang siya ang nanay ko. She's very protective of her friends. Pero levelheaded din iyan. Sa barkada namin, siya ang isa sa voice of reasons namin. Kahit friend ka niya, kung alam niyang mali ka, di ka niya kakampihan. Puwera na lang kung buwisit din siya sa kabilang panig. Di ba, je? Hehe
Sa professional writing, siya ang pinakamasipag na nobelistang kilala ko. Napakametikulosa. Lahat ng isinusulat niya, fully-researched ang mga iyon. Kaya walang sinoman ang makakapag-akusa sa kanyang di niya pinaghihirapan ang mga isinusulat niya. Hanga talaga ako sa utak ng batang ito. Ang lalim mag-isip. Kala mo matanda na. Lalo na nang maisulat niya ang minsan kong naging crush na si Rohann. Ole!
Si Sheena Rose naman. Hmm, di ko na matandaan kung kailan kami unang nagkita ni Sheena. Pero naalala kong parang nagpapakiramdaman pa kami noon. Pareho kasi kaming hindi palakibo. Mukhang isnabera si Sheena. Naiilang pa ako noon na makipag-usap sa kanya kasi nga parang lagi siyang magagalit sa akin, haha! Tapos one time, nabanggit namin na trip naming subukan ang mga ginagawa ng characters namin minsan. Tapos niyaya ko siyang mag-bowling. Go naman siya. Kain muna kami sa...sa...di ko na matandaan. Pero naalala kong doon ko nalaman ang ilang importanteng bagay tungkol sa kanya. That she came from a family of writers, that she didn’t attend any writing workshops to perfect her romance writing skills at hindi siya nare-reject-an in the first years of her career. Hanga ako sa kanya nun. Walang reject. Samantalang ako, inaalmusal ko ang rejections ko haha!
After that bowling incident, feeling ko lang naman, nagkasundo kami kahit paano ni Sheena. Nagbubulungan na kami ng kung ano-anong tsismis pag nagkikita kami sa ofis kasama ibang mga writers na kasabayan namin. Palibhasa, pare-pareho kami ng kapalaran sa buhay pagsusulat kaya kami—kami magkakadikit, nyahehehehe!
Malupit ding magbitiw ng one-liner iyang si Sheena. Akala mo tatahi-tahimik pero once na nakapalagayang loob mo na, malalaman mong hindi naman pala siya ganon ka-stiff sa buhay. I like her. Feeling ko kasi magkaugali kami. ‘Yun bang tipong nasa loob ang kulo, wahehehehe! Peace, Sheen! Ano pa ba… Ah, transparent din iyang si Sheena. You'll know when she's happy coz her eyes lit up. At pag di niya type, swoosh! Up her eyes go!
May isa pa akong natuklasan kay Sheena Rose nito lang huling beses kaming nagkasama nang magpunta kami sa Tagaytay Highlands for a brainstorming session with the other writers. Nakahiwalay ang kaluluwa niya kahit gising siya mula ala sais ng umaga hanggang ala una ng hapon. Kahit anong gawin mong alog sa kanya, hinding-hindi mo siya makakausap ng matino. Nagbiro nga ako one time na kung susuntukin ko siya ng mga ganong oras, siguradong hindi siya aangal. Pero after that, para na siyang lumaklak ng isang drum na kape. Kung may CCTV camera nga lang siguro sa bawat sulok ng Tagaytay Highlands noon, siguradong mukha namin ni Sheena Rose ang laging nakaplastada habang lihim na ‘nangungulekta ng mga species ng bawat halaman’ na matipuhan namin. Mukha lang kaming interesado sa pagtu-tour sa amin ni Sir Jun pero huwag ka, pag nilingon mo kami sa likuran ng grupo e panay ang hugot at bali namin ng mga nananahimik na halaman na nadadaanan namin. Meron pa nga na isang halaman na nagustuhan namin ‘yun bulaklak. Nahirapan akong pumutol kaya hinayaan ko na lang. Paglingon ko sa likuran ko, si Sheena, buong giting ng binubunot ‘yung halaman, gamit ang dalawa niyang kamay habang nakatukod ang isang paa sa lupa. Nagtagumpay naman siya. Hooray! Itinago namin ang mga ‘kontrabando’ sa bitbit naming jacket at naglakad na parang wala kaming ginawang masama ni minsan sa buhay namin. Tawa na lang ng tawa yung mga kasama namin sa likuran ng van nung nagbibilang na kami ni Sheena ng mga nakulimbat naming halaman.
O di ba? Cool iyang si Sheena Rose kahit mukhang laging tulala. He-he!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 30, 2011 5:08:10 GMT 8
**Wlang nabanggit si Sofia tungkol sa amin ni Sheena sa entry niya na itey. Its all about herself. Un yun.**
Ang Buhay ng Isang Tennyo by Sofia
Tadaaa!!! Sabi ko na nga ba huli man at magaling ay maihahabol din. After twenty years, mayroon na rin kayong mababasa tungkol sa akin. Sino ba kasi ang paimportanteng Sofia na iyan?
Noong unang panahon, may isang prinsesa na ipinanganak sa matulaing bayan ng Montalban. At pinangalanan siyang Prinsesa Jernalie. Bata pa lang siya, puno na ng tsimis ang buhay niya. Ikaw ba naman ang ipanganak sa Tsismisan Street at puro tsismis ang masasagap mo, natural na magiging tsismosa ka na rin. Sabi ng tita ko, tuwing iuuwi nila ako sa probinsiya sa Nueva Ecija ayaw nila akong alagaan. Masyado daw akong matanong. Bakit may buwan? Bakit may araw at bakit masyado akong maganda? Something like that! At di nila masagot.
Mahilig na rin ako sa pantasya noong bata pa ako. Parang matanda na rin daw akong mag-isip. Gustong-gusto kong makinig sa kwento ng kung sino-sino. At siyempre, bata pa lang ako ambisyon ko nang maging isang prinsesa. Pangarap din kasi ng nanay ko iyon sa akin. Ambisyosa!
At a very young age, natuto akong maging independent. Nagpunta sa abroad ang mother ko at ang aking fatherland naman busy sa work. Gusto ko nang magbasa ng kung anu-anong istorya. Favorite ko noon Sibika at Science. Naaaliw lang ako sa kasaysayan ng mundo. And I really admire people who are intelligent.
Siguro nine years old ako nang sabihin ko na gusto kong maging hard hitting broadcast journalist katulad ni Korina Sanchez. Kaya nga noong high school ako, sumali agad ako sa school paper. Naging staff ako mula first year hanggang maging editor in chief. Pero wala akong kahilig-hilig sa feature writing. Habang mahal na mahal iyon ng mga kasama ko sa staff ng paper, isinusumpa ko naman iyon. Sabi ko nga, just give me the facts and I'll do it. Pero huwag mo akong pupwersahin na gumawa on the spot. Artist ako! Kailangan ko ng mood kapag nagsusulat... katwiran ko kuno para lang di ilaban sa Feature Writing COntest.
At saan doon papasok ang pagiging romance novelist ko? Nakiadik ako sa pocketbook. kahit na nagdi-discuss ang teacher ko, nagbabasa ako. Siyempre, isa akong henyo. Alam ko naman ang idini-discuss niya. kaya ko pa ngang mag-recite habang nagbabasa ng pocketbook. Kaso nabuko ako. Kaya ayun! Get out daw ang kagandahan ko.
Dumating ako sa point na nuknukan ako ng yabang. Sabi ko, kaya ko ring magsulat ng novel katulad ng ginagawa ng iba. Ayun! Sa kabutihang palad reject ang unang novel ko... pangalawa hanggang pangatlo. Pero di ako sumuko. Kasi sabi ko bata pa naman ako. Siguro kailangan ko lang talagang matuto.
I took up Journalism at PUP. Siguro nakatulong iyon ng malaki para mabuksan ang mata ko sa mundo. Kasi mas maganda daw magsulat kung mas realistic. Kaya kailangan kunin mo rin ang mga experience mo sa buhay para maisulat mo.
Summer of 2001 nang makapasa ako sa workshop ng PHR along with Sonia Francesca and Keene Alicante who happen to be my college friends. Bago matapos ang workshop, nakapasa ang dalawang nobela ko. Kaya malaki ang naitulong niyon sa akin. And after more than six years, here I am - nagpapakabaliw sa pagsusulat ng nobela. Single and available. Sa totoo lang di siya madali. Ang sakit kaya sa ulo. (Ang pagsusulat... di ang kawalan ko ng fafaness.. okay?)
Pero kapag sinasabi sa akin ng mga readers ko na di lang sila basta nae-entertain kundi may natututunan din sila, itinutuloy ko pa rin ang pagsusulat kahit na feeling ko api-apihan ako ng mundo. Siguro iyon ang purpose ko sa buhay. Ang aliwin ang ibang tao at baguhin ang mundo sa sarili kong paraan.
Ano beh? Ang drama na. Sa ngayon, ine-enjoy ko ang pagiging tennyo ko. Shing! Hindi siguro ako magiging mayaman pero satisfied naman ako sa buhay ko. Basta may cosplay, may anime, may Asia Novela, makakabiyahe ako sa iba't ibang lugar, makakakuha ng magandang pictures (I love my camera) at maraming fafaness na makaka-inspire sa akin, tuloy ang buhay. Basta para sa akin masarap pa ring maging bata habang iniintindi ang komplikadong mundo.
At sana makasama namin kayo nina Sheena Rose at Sonia Francesca sa journey namin na ito. And that sums up the story of the "Tatlong Aping Prinsesa.... Kailan magkaka-fafa?" Abangan
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 30, 2011 5:16:51 GMT 8
**ay, meron ding pala akong 'about me' kagaya nun kay Sofia hehe!**
...Ang Shing Shing ni SONIA FRANCESCA... by Sonia Francesca
Hi! Welcome to our new home...(syet! ang hirap magpakatino!)...Anyway, bakit ako napunta rito? wala lang. gusto ko lang mag-blog. tsaka gusto kong makapag-post ng mga bagay-bagay na gusto kong ipost ng walang epal hehehhe.
Marami kasi akong gustong sabihin at gustong ikalat na mga kaalamang walang katuturan sa mundo. This is my personal, and sometimes weird, views on love and life of being a Romance Novelist in my country, Wow Philippines!
okay, first up...about me. i'm single. and available. that's all you need to know hehehhe.
When did i become a writer? Let's see...Noong grade 6 ako (o di ba? biglang nag-tagalog), binigyan ako ng isang notebook at ballpen ng kaklase at ka-seatmate kong si Josephine Jesoro. sabi niya, 'Cherie, igawa mo ako ng kuwento'. Ako naman si Aning, nagsulat nga. Wala, eh. Bata pa kasi. Di tuloy ako nakasingil ng talent fee. Anyway, mabalik tayo sa usapang kalbo...un nga. When i first held that little, dillapidated blue notebook of hers, nakalmot pa ng nakausling spring nun ang malakandila kong daliri. But then again, nakapagsulat ako, sa unang pagkakataon, ng isang sonata. JOke! Nobela...yes. No. Be. La. Hindi ko na matandaan kung ano ang kwento nun pero alam kong kontrabida roon ang pinaka-hate kong kaklase. Si...uuy, sekreto! Baka mabilanggo ako. So, ung nga. Dun na nag-start ang pagkakaroon ko ng interes sa tsismis. By tsismis I mean, kwento. Kasi naman, maraming kuwento naman talaga ang mapupulot mo sa paligid mo. You just have to be a keen observant para ma-absorb mo ang mga mumunting aral ng buhay, bukod sa alikabok at polusyon ng bansang ito.
I remember one stormy afternoon, i was writing another novel. I was still in my gradeschool then. Sci-fi iyon. Ginagaya ko sina Shaider at Bioman. Tapos sinigawan ako ng nanay ko na ipasok ko na raw ang mga sinampay kasi uulan na. Um-oo lang ako pero patuloy pa rin sa pagsusulat. Para akong adik nun. 'Yun bang tipong hindi ko titigilan hanggat hindi ako nasa-satisfy. TaPos biglang dumilim ang paningin ko. 'Yun pala, tinabunan na ako ng nanay ko ng mga sinmpay. Sabi niya, walang kuwenta naman daw ang ginagawa ko. Sulat ng sulat kung ano-ano hindi na makatulong...blah, blah (pagkinuwento ko sermon ng nanay ko, baka magbigti na kayo). Pero hindi rin naman ako napigilan ng nanay ko sa pagsusulat. In my pimple years a.k.a. highschool years, my imagination became even more restless. Overflowing, that's the right term. And I knew i had to have an outlet or else, sa banga ako pupulutin (wala iyang kuneksyon kaya wag ka na mag-isip). So for the nth tme, i picked up a pen and pulled out my stitched scratch paper and started writing again. Hanggang sa ma-realized ko na lang na gusto ko pala ang magsulat. Ang magkuwento ng kung ano-ano. Ang humabi (naks! so deep! wuuu!) ng mga kuwentong pag-ibig (yeahboy! dumudugo na ilong ko!) according sa gusto kong pangyayari. Pero hindi pa rin ako confident noon sa mga sinusulat ko kaya patago pa rin ang lahat ng mga kuwetno ko hanggang isang araw, nakita ko na lnag na binabasa na ng mga kaklase ang aking little blue notebook at wala silang ginawa kundi ang tumawa at magsabunutan. Hindi ko rin alam kung ano kuneksyon ng sabunutan sa binabasa nila pero tinawag nila ako at inisa-isa nila ang mga characters dun sabay sabing 'ako si ano ha?' Ganon. Un bang parang nung nauso ang Bioman na ...'ako si Yellow Four!' at 'Ako si Pink Five!' shing! shing! Sa huli wala akong nagawa kundi pagtiyagaan sila dahil pinarte parte na nila ang 12 characters ko sa kuwentong iyon sa notebook. Doon din nabuo ang ASTIGirls94ever. Oh, ha? Kala nyo kayo lang may grupo ano? hehehe So there. For the first time in my life as a closet writer, nagawa kong ngumiti at kahit paano ay ipagmalaki ang isang nobelang naging dahilan para magkaroon ako ng isang grupo ng mga kaibigan na hanggang ngayon ay nakakausap ko pa rin. I guess in some ways, nakakatulong ako sa pagbubuo ng isang matatag na pagkakaibigan thru the things that i write. Well, sana nga. Masaya iyon kung magkakkatotoo ang mga sinabi ko...
Okay, lets move on to the next stage of my adventure as a writer. Naging masyado na akong mahangin nung maka-graduate ako ng highschool kaya nagpasa ako sa isang publication ng nobela, dahil na rin iyon sa mga sinasabi ng mga kaibigan at kakilala ko na nakabasa na ng raw novels na gawa ko. But when i passed it to a publication, I was rejected. Kulang ang salitang disappointed para i-describe sa nararamdaman ko. If you ever watched Bambino starring Jun Matsumoto, ganon ang feeling ko. 'Yun bang nailagay ako sa isang sitwasyn na feeling ko kaya ko pero nang masubukan ko ang totoong mundo ng romance writing, wala pa akong ibubuga. Needless to say, kinalimutan ko ang lahat ng may kinalaman sa pagsusulat at nagfocus na lnag ako sa pagaaral ko sa college. Pero destined na yata talaga akong maging manunulat dahil naging kaklase ko ang dalawang taong naging daan para maalala ko ang aking first love. Ang pagsusulat. Kinaladkad nila ako sa workshop ng Precious Pages and the rest, as the say, is shing! shing! hehehe.
If there is one thing that I want to say about all this...is to never to give up your dream. Sayang kasi, eh. Lalo na sa mga closet writers dyan. Maraming pupuna sa mga sinusulat at isinulat ninyo. Hindi iyan maiiwasan siyempre, we're in the print media. Alangan namang panoorin nila ang isinulat mo. At natural lang na magko-comment ang mga makakabasa. But take it all in. What makes a great writer is that she/he was open to all criticism, accepts it, and discard all the things that are not important. Well, pauso ko lang iyan pero para sa akin, ayos iyan....
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 30, 2011 5:20:42 GMT 8
**...Kaya siempre, meron din si Sheena hehe!**
...SHEENA ROSE...ayiiiing! By Sheena Rose
OK, my turn.
Ayun na nga, ako si Sheena Rose, medyo-medyo manunulat ng Tagalog pocketbooks at nagpapanggap na professional blogger. September 8 nang maisipan naming tatlo—ako, si Sonia, at si Sofia—na buuin ito. Siguro, mga may topak lang kami para dagdagan pa ang mga trabaho namin samantalang kulang na nga kami pare-pareho sa tulog.
Some basic facts about me: Yeah, I’m single. Sino ba ang hindi? Sakit na yata iyon na hindi mapigilan ang pagkalat sa bawat paglipas ng panahon. I just turned twenty-four last September 4. Ni-reveal ko ang birthday ko para alam n’yo kung kailan kayo magpapa-LBC ng gift para sa akin. I’m telling you, may hidden agenda lahat ng ginagawa at sinusulat namin dito. Babae ako, sinasabi ko na sa inyo ngayon. Meron kasing PHR writers ang pinagsususpetsahang lalaki ng ilang pocketbook readers. Maganda ako. Sexy. Matangkad. Exotic. My greatest flaw? Most of the time I’m absorbed by fantasies and unrealistic ideas. Sa isang salita, ilusyunada.
Paano ba ako napadpad sa mundo ng pagsusulat ng romance novels? Ewan ko ba. Minsan, hindi rin ako makapaniwala na nandito ako sa mundong ito at kumakatha ng mga istoryang kadalasan ay mas madaling basahin kaysa gawin.
Sinasabi ng mga tao na nasa dugo ko raw ang pagsusulat dahil ang lola, mga tita at mga kapatid ko ay naging mga manunulat. Bata pa lang ako ay napapalibutan na ako ng mga reading materials. I was barely five years old when I learned how to read. Sa sobrang pagkaatat ko na maintindihan ang captions at dialogues sa mga komiks na usong-uso nang panahong iyon ay nag-self study akong bumasa. Nang magtagumpay ako, hindi na ako mahila ng kahit sino palayo sa daan-daang komiks namin. I’m not exaggerating. Bukod sa iniuuwi ng mga kapatid ko ay may kaibigan ang Daddy ko na nagbigay sa amin ng dalawang sako yata ng komiks. Hindi ko alam kung bakit. Baka alam niya na mga adik kami sa komiks.
Grade four ako nang may ma-published akong short stories sa komiks. Kung paano iyon nangyari, ganito: Sa kagustuhan ko na magkamal ng salapi, kumuha ako ng ballpen at scratch paper tapos nagsulat ng maraming ideas. Ibinigay ko iyon sa Kuya ko. Sa dinami-dami ng ideas ko, isa lang ang napili niya para i-revise, i-edit, i-type sa makinilya bago ipinasa sa Counterpoint Publication. Natanggap naman siya. Ang title niya ay Kuwintas ng Pag-ibig. Ang bayaran pa noon sa komiks ay 216 pesos. Tandang-tanda ko pa iyon dahil hindi ko rin makakalimutan na hindi ako ang nagpakasasa sa salaping iyon—masyado pa raw akong bata ayon na rin sa aking mahal na ina para humawak ng ganoon kalaking pera. Malaki na ang 216 pesos noon dahil beinte cinco sentimos lang ang kendi. May 864 na kendi na sana ako. Wooow! Bagamat hindi ko napakinabangan ang kauna-unahang talent fee ko ay sumulat pa rin ako. Ang title ng pangalawa kong na-published na short story sa komiks ay Makamandag na Kagandahan. Shucks, ambaduy!
Nang tumuntong ako ng grade six, unti-unting humina ang komiks at ang nauso naman ay novelettes—pocketbooks na 50 pages at minsan ay 3 o 5 ang kuwento. Nag-shift na rin dito ang mga kapatid ko kaya novelettes naman ang napag-trip-an kong basahin. Nang high school na ako, nag-lie low ang tatlo kong kapatid sa pagsusulat at tanging si Kuya Jon-jon na lang ang nagtitiyaga sa pagsusulat (na sinasabi ng mga tao na trabaho raw na walang kapag-a-pag-asang umasenso at ang mga writers daw ay namamatay na mahirap. Totoo ba? Mahirap pa rin kami nina Sonia at Sofia kaya totoo nga siguro, ha, ha!). Romance novels na ang trend noong mag-high school ako. Lahat ng natatapos na akda ni Kuya Jon-jon, hindi pa man napa-published, ay nauuna nang sumasayad sa mga kamay ko. I just love to read, especially romance.
Naaalala ko pa, noong high school ako, halos lahat ng classmates kong babae ay kinukumbinse ako na pagsusulat na lang daw ang piliin kong karera kapag nakatapos kami. Ang sagot ko sa kanila: ayoko! Tama ang nabasa n’yo, hindi ko pinangarap maging romance writer kahit adik akong magbasa nito. Bakit kamo? Dahil gusto kong yumaman. Eh, bakit naman ako pinipilit ng mga classmates ko na maging writer? Dahil alam nila na galing ako sa angkan ng mga writers (when translated, it also meant galing ako sa angkan ng mga poor) noong second year ako ay may classmate ako, si Aileen Guarin, na nag-request sa akin na igawa siya at ang crush niya ng story. Hindi kami masyadong close pero ginawan ko pa rin siya. Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong linggo ko natapos iyon. Pero hindi iyon ang huling pangungulit sa akin ni Aileen dahil noong third year na kami ay sumikat ang boy band na The Moffats. Inangkin niya si Scott Moffat at nagpagawa ulit siya sa akin ng story, pocketbook-style, starring… sino pa ba?… siya at si Scott. Gusto n’yo bang malaman ang istorya ng ginawa ko? Huwag na, baka kilabutan lang kayo. Pero sabi ni Aileen ay maganda naman daw ang ginawa ko at gabi-gabi niya itong binabasa. Ang pocketbook na iyon ang naging daan para maging malapit kaming magkaibigan. Well, among other things. I must admit, hindi ako nakaligtas sa boy band mania nang mga panahong iyon. Naaalala n’yo ba ang Hanson? I’m former Mrs. Jordan Taylor Hanson. Divorced na kami kaya single na ulit ako. Ayiiiing! Maliban kay Aileen, may iba pang nagpagawa ng stories sa akin though hindi ko tanda kung ilan ang natapos at napagbigyan ko. Sabi rin ng kaklase kong si Rhonel, mabulaklak daw akong magsalita at hindi niya alam kung kailan ako sincere at nambobola dahil sa mga sobrang emotional na isinusulat ko sa Farewell Book namin. Nagkaroon ba kayo ng Farewell Book? Iyon bang magandang notebook na binili lang sa National Bookstore at doon mo pasusulatin ng message ang lahat ng classmates mo dahil malapit na ang graduation (sniff, sniff). So iyon na nga, because I’m good in putting feelings and emotions into words daw, mag-writer na lang daw ako. Pero palagi akong umiiling at sinasabi sa sarili ko, “hinding-hindi ako magiging manunulat. Kukuha ako ng HRM at magiging manager sa hotel balang-araw.“
Fast forward to the future… you can guess what I mean.
Haay! Hanggang dito na lang. Nakakapagod palang magkuwento kapag walang bayad. He, he!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 30, 2011 5:24:39 GMT 8
SONIAFRANCESCA: Im a lazy girl.When Im not in front of my computer trying to be a writer, I’m on my favorite sofa dozing off the whole day. I like my mom’s cooking. I would eat anything she cooks. So yes, I’m a mommy’s girl. I’m not contented with my salary, I want to write a BOOK someday, and to be able to sleep for 24hrs straight. SOFIA: I don't consider myself intelehente. Pakiramdam ko marami pa akong dapat matutunan at intindihin. I am trying my best to be a nice person but I also have lots of inner demons to defeat. I love my father so much. Siya siguro pinakamahal kong tao sa mundo. Siyempre nandiyan ang family and friends ko. Simple lang naman ang gusto ko... maging mabuting tao at makatulong sa mundo sa pamamagitan ng pagsulat. Hindi man ako naging reporter o photojournalist pero mapapasaya ko ang mga tao at nae-educate in my own way. SHEENAROSE: My sign is virgo and a virgo girl is meticulous, rational, and has an eye for detail. I love to help others, but sometimes too shy to ask if a person needs my shoulder. I believe I have a rebellious streak dying to come out. I hate summer, and love rainy days. Yeah, I’m senti, but sometimes dense, too. I have a dream… then I forgot it when I woke up this morning. And that wraps it up. Peace! Ngiyaw!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jan 1, 2012 4:18:24 GMT 8
***December 23, 2011, 4:44AM. May bagong kaalaman sa Microsoft Word ang itinuro sa akin ng isa sa mga editors ng Precious.
Page Background.
Ano iyon? Well, iyon lang naman ang puwede mong paglaruan kung nagsasawa ka na sa plain white (or any color) ng iyong Word page sa tuwing nagsusulat ka. Ako madalas white background ng page lang talaga ang ginagamit ko. At minsan, black page background and gray font para makita pa rin siyempre ang isinusulat ko.
So, anyway, mabalik tayo dun sa bago kong kaalaman. Nakita ko kasi one time ang page background ng computer niya sa Editorial Department na fairy theme yata iyon. Na-curious ako kung paano niya iyon ginawa kasi feeling ko dati, ako na ang pinaka-expert pagdating sa Word Document. Pero may ilang bagay pa pala akong hindi natutuklasan. My gollygawgaw! Kaya naman siyempre nagpaturo ako.
Madali lang naman pala. Kapag nag-open ka ng Word Document click mo lang yung page layout o page background, lalabas dun un No Color, More Colors and Fill Effects. Click mo yung Fill Effects, then yung Texture, then click mo yung Other Texture. Tapos ‘yun, hanap ka na ng picture na gusto mong maging background ng Document mo. Tantyahin mo lang ‘yung laki o liit nung picture kasi kung masyadong maliit, magmumukhang checkered shirt yung document mo. Kung masyado namang malaki, mag-e-error iyon.
Anyway again, dahil sa natuklasan kong bagong kaalaman na iyon, natural lang na magpaka-adik na naman ako. Kung ano-anong picture ang sinubukan kong maging background ng mga Word Documents ko. And usually, isang particular picture ang ginagamit ko na may kinalaman sa ginagawa kong kuwento. Katulad na lamang nun isinusulat ko yung gothic novel ko. Siyempre ang background ng page ko, ‘yung ginawa ko ring cover ng novel ko na iyon.
And then there’s Blue Nights. May isang reader ako na na-inspire gumawa ng manipulated picture regarding that mystery-romance-unfinished novel of mine. Kinuha ko kasi na-capture nun ang lahat ng mga distinct element ng Blue Nights. Tapos ‘yun ang ginawa kong background ng page ko. But, wait! There’s more! Siyempre dahil dedicated sa aking muy peborit singer ang Blue Nights, makakalimutan ko ba namang hindi lapastanganin ang picture ni Sung Si Kyung? Hehe! Ang aking gouma (little sister) ay pinadalhan ako ng picture ng mamang iyon sa Facebook account ko, pampatanggal daw ng stress dahil mainit ang ulo ko nang mga panahong iyon. Epektib! Pagkakita ko sa picture na iyon, ngiti na lang ako ng ngiti na parang hyena. Hi-hi-hi !
Ayun, siyempre ginawa ko ring background ng ini-edit kong Blue Nights ang picture na iyon ni Sung Si Kyung. Ang problema, wala na akong ginawa kundi ang titigan ‘yung picture imbes na magsulat kaya tinanggal ko rin pagkatapos ng ilang segundo. Hindi magandang impluwensiya sa mga panahong kailangan kong magtrabaho para sa aming kinabukasan, eh. Next time na lang. Sa ngayon, makukuntento na lang muna ako sa pagpapahibang sa pinakamamahal kong boses. Muah !
NP: EVEN NOW by Sung Si Kyung (forget about the music video. May hitad siyang ka-partner dun, eh. Tseh!)
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jan 1, 2012 4:19:19 GMT 8
***December 23, 2011, 5:18AM. Speaking of Blue Nights. May pagka-creepy ang kuwentong ito, as in literally.
Una, ‘yung bulaklak na Tinkerbells na binanggit ko sa kuwento. Hindi ko alam na may nag-e-exist pala talagang ganong klase ng bulaklak sa mundo. Salamat sa mabait kong reader na naghalukay pa sa Internet para roon. Siguro dahil curious siya sa kung ano ang itsura ng Tinkerbells sa nobela.
Nagulat din ako nang makita ko ‘yung picture. It was the same as the one I’ve described in the novel! Little violet flowers that grow in the wild. Nung pinangalanan ko ang bulaklak na iyon sa kuwento, isa lang iyon katuwaan. Sabi ko nga doon sa isa kong reply sa mga nagtanong sa Facebook account ko, natatawa ako sa salitang Tinkerbells kaya isiningit ko iyon para maging pangalan ng isang bulaklak. Wala, kapritso ko kumbaga. And I was also thinking of Peter Pan’s Tinkerbell. Wala lang din, para lang may masabi.
Second coincidence. May isa uli akong reader na nag-search lang yata basta sa Internet ng salitang ‘blue nights’. And guess what she found? May nauna na palang novel na naisulat with the same title as mine. English novel. I’ve forgotten the name of the author. Sabi doon, dedicated daw yata ng author na iyon ang novel sa anak niyang namatay sa isang sakit na sa awa ng Diyos ay nakalimutan ko na naman kung ano. My veggies!
And third coicidence. ‘Yung name ng anak nung author na nakalimutan ko ang pangalan. Quintana Roz. Same as the name of the villa I’ve used on my own novel. Villa Quintana.
AWOOOOOOOOO!!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jan 23, 2012 9:33:37 GMT 8
***January 12, 2012, 3:57 AM. I don’t know if I’ve mentioned it before. But since I couldn’t remember, I’ll just mention it again. Stallion Riding Club’s famous GROUP HUG was inspired by Korean boyband Super Junior’s old music video Haengbok (Happiness). And that constantly used expression ‘shing shing!’ came from a funny message quote that has something to do with Shaider and fighting the evil forces. Frankly, I didn’t know it would be such a hit among SRC readers. Speaking of Stallion Riding Club. When I wrote that series, that was the very first time that I ever spent time researching about the things that I wrote. I’m a lazy researcher. Usually, I just improvised. And by improvised I mean I only rely on what I observed. Billionaire Boy’s Club’s magazine Philippine Stats came from my fascination with Philippine Tatler, a local magazine about our country’s very own rich and famous. O ha? Meron din tayo nun! At dahil tinamad na naman akong magpatuloy sa pag-e-English, magta-Tagalog na lang uli ako. Ubos na dugo ko, eh. Ayun. ‘Yung character ni Reiji Watanabe sa Los Caballeros na trying hard maging Pinoy, isang malaking trip lang iyon sa akin nang gawin ko. Kaya nga lakas ng tawa ko nang pumasa iyon sa metikulosong panlasa ng editor na may hawak nun. ‘Yung pangalan naman ni Jet Lee Madrigal ng Skylander e nanggaling sa pagpupumilit kong isingit sa mga nobela ko ang isa mga crush kong martial artist na si Jet Lee. Hiiiiiiyah ! Jigger and Trigger’s names…were their real names. Nakalimutan ko silang binyagan ng totoong pangalan. Hindi rin mawari ng kanilang ‘ina’ kung ano ang puwede nilang maging real names kaya hinayaan na lang namin na ganon na lang ang pangalan nila hanggang sa paglaki nila. Yes, Lee’s nickname from Rancho Estate, Lee Kum Kee, was inspired by a brand of soysauce. Axel (Drake de Roque, Once And Again) was my favorite guy’s name in the world. Florence’s scene from Matters Of The Heart where she was hospitalized for eating a yeast-infested hopia, was based from my own experience. The most handsome guy I’ve ever created? Love Story’s Go Gang Phil, of course haha! Who was my crush among the men I’ve written? I’ve grown a little school-girl crush on Trigger Samaniego when I was writing his story. Wala, naakit ako sa paghuhugas niya ng kotse ng half-naked, eh. The cutest guy character? Tommy Fontanilla of Crazy Little Thing Called Love and Raiden Altavano of Hooked On A Feeling. But I’m inlove with Sweet Sacrifice’s Uruha’s character. He was just sooooo adorable. I love him. Muah. Speaking of which, LaurenM’s money-monster boss from that said novel Marie Shayne Navarro, came from a very unusual inspiration. You’re familiar with Spongebob’s boss Mr. Krabs? Haha! Senator Jamic Realista, that uber ambitious politician who dreamed of becoming the next KING of the Philippines. Trax and Avex Aragon. Brothers. Musical genius. And total freaks. One has his own world, the other has TWO. David Klein Cristobal, an eccentric billionaire whose favorite past time was playing cupid to his friends who considered him a pest, and changing his profile picture on Facebook. Shiro Arabiscato, loves koreanovelas and romance novels, a hopeless romantic and a mafia gang leader. So far, ang mga nabanggit na iyon ang mga bago kong muy hombres favoritos. Gusto ko sana idagdag si Alucard (Dracula) Montefalco kaya lang…
|
|
|
Post by soniafrancesca on Feb 26, 2012 22:28:06 GMT 8
February 25, 2012. 10:05 am.Katatapos ko lang panuorin sa PowerDVD12 in 3D ang video ng Mr. Simple by SuperJunior. Kahit nagkanduling-duling ako dahil sa bagong feature na ito ng dvd program ko na iyon, ayos lang. Ganda pa rin tingnan ng Super babies ko, hehe! Anyway, bakit may entry ako ngayon about Super Junior? Well, one, coz I was once a fangirl of this korean boyband. And, two, I’m not a fangirl anymore but I still like them as a group. Isa pa, gusto lang din magpahayag ng aking opinyon tungkol sa mga napapansin ko sa grupong ito sa kung sino ang papatok sa panlasang Pinoy kung sakaling maging mainstream ang mga ito sa entertainment business ating bansang sinilingan. Sa tingin ko, una si Lee Dong Hae sa magugustuhan ng mga tao. Again, this was just MY PERSONAL OPINION. Sa mga hindi sasang-ayon sa akin, gawa na lang kayo ng sarili ninyong version ng inyong ‘my personal opinion’. Para ebribadi hapi. Okay, mabalik tayo sa usapang Lee Dong Hae. Base lang naman sa features ng mukha ng bebeng ito, I just think he would be the first to have a huge fanbase in the Philippines kung sakali. Sabi ko nga sa isa kong kaibigan na itatago natin sa pangalang Rachel Rante Tomaquin at Jernalie Dumapay, normal na kaguwapuhan ni Dong Hae ang taglay niya na swak na swak sa general taste (I think) ng mga Pinoy pagdating sa departamentong iyon. Hero-material, if I may say so. At sa lahat ng Super Junior members na nakita ko, siya lang ang pumasok sa folder ko ng mga lalaking balak kong ipasa at sa tingin ko ay papasa bilang cover ng pocketbook. He just had the face. Manly, if he was stripped off of those makeup and too much hair gel. Isa pa, hindi rin siya masyadong mukhang girly, face-wise. I don’t have anything against men who looked like girls. Or boys who looked prettier than girls. Leonardo DiCaprio was pretty when he was younger, and I love him. Pero iyon nga, pagdating sa mga Super Junior boys na malaki ang possibility na lumagapak sa front cover ng pocketbook for the face of a hero at makakapasa sa metikulosong taste ng mga Pinay pagdating sa mga guwapo, mangunguna si Dong Hae sa mga kagrupo niya. Not to mention he’s a good actor too. Check out his brilliant performance in Skip Beat live action as Sho Fuwa. Here’s a sample of Dong Hae’s picture that I might pass on to PHR’s illustrator for the future pocketbook/novel cover. Tell me if I wasn’t right about this. Who’s next? Cho Kyu Hyun. His laidback personality was really appealing and I find it very manly. Nevermind the fact that he’s an accident-prone hottie. Have you seen their mini-series wherein he was paired-up with Sung Min and Accident-Prone Hottie turned out to be a social psychopath? Man, he can act. And I mean ACT. So, yeah. Kyu bebe was next on my list of Super Junior potential superhero hehe! Hmm, let’s have a third one. LEE SUNG MIN. Why? I dunno. I just felt like he could really be one of those…those…BAKIT BA AKO NAG-E-ENGLISH??? AMF! Basta, gusto ko ang fezlak ni Sung Min. He landed third on my list, dahil nasa border siya ng pagkakaroon ng pretty at handsome face. At gusto ko rin ang pagiging mature ng ugali niya na sa tingin ko ay itinatago niya madalas sa hindi malamang kadahilanan. Well, its just my personal observation sa mga reality shows na napanuod ko sa kanila dati. At kapag lumabas ang ganong pesonality niya, it shows on his face and that’s what makes him stands out from his group. According to my personal observation. Word of the day. PERSONAL OBSERVATION. End of topic. Jologs na ako eh. P.S. Bakit walang picture si Sung Min? He didn’t land on the Hero Folder on my computer. Kaya wala akong maipapakitang picture niya na pasado sa taste ko para maging cover ng novels KO.
|
|
|
Post by Mhelai on Feb 27, 2012 12:41:51 GMT 8
I really should have put a like button here. Kaso, paano ko iyon magagawa kung hindi ako ang admin ng forum na ito? hahaha!
sorry sa pagsingit. XD
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 8, 2012 0:02:15 GMT 8
I just found another creepy coincidence in regards with my novels. May isang reader na gumawa ng video ng first part ng nobela kong Fade To Midnight. www.youtube.com/watch?v=YvKDCNDIuSA&feature=g-upl At habang hinihintay kong matapos ang pagdownload ng video e napansin ko ang ibang suggested videos sa gilid. Doon ko nakita ang isang particular video. Solaris by Midnight Realm. So, bakit ko nabanggit ang isang unknown band na iyan? Simple. I mentioned about creepy coincidences on my novels, right? And Fade To Midnight wasn't spared. Dahil ang SOLARIS ay parte ng Fade To Midnight. Solaris ang tawag sa warrior tribe na pinagmulan ng tatay ng bida sa nobela ko. Gusto kong tumawa. Gusto ko ring kilabutan. Well, may mga nagbanggit na rin sa akin na common na ang mga ganitong pangyayari sa mga isinusulat ng kahit na sinong manunulat. I was just a little bothered dahil ang daming beses na kasing nagkaroon ng coincidences sa mga gawa ko, gaya ng mga coincidences sa Blue Nights ko. I dunno. Its just really weird.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 7, 2012 3:35:08 GMT 8
Kanina, June 6, 2012, mga bandang alas nuwebe ng umaga, dahil hindi ako makatulog pagkatapos magsulat, sinulit ko ang unlitext ko. Heto ang nabasa ng mga walang muwang at nananahimik kong ka-text na no choice kundi basahin ang napakahaba kong kahibangan. Text #1 Ano ba naman itong sinusulat ko? Pambihira! Natatawa na lang ako dahil hindi ko talaga maiwasang isipin na may pagka-yaoi tong mga bago kong karakter. Ewan. Wala naman sa image ng mga ito. Avex and Trax. The next Drei and Ryu? Waaaah! Yaoi! Yaoi! Yaoi! Haha! Hay~ Pag natanggap to at nabasa ninyo, please bear with me. Kailangan lang talaga sa eksena. Puwede nyo rin pagpustahan kung sino ang uke at seme sa kanila. Text #2 Ang pagsusulat ay parang Alchemy. The Law Of Equivalent Exchange applies. One has to lose something in order to gain something. That said, I need to lose Reita in order to gain Los Caballeros 2: Brotherhood. *Edward Elric's voice from the anime*: What is Alchemy anyway? Napapala ng nagpapakadalubhasa sa Alchemy sa tulong ng Full Metal Alchemist: Brotherhood hehe! Malapit na ang ending sa Animax. Hmm, feeling ko sad ang ending nito. Wala, they can't pretend to be God kasi. Ow gosh! Im like so Inglishera todey~ May gaaaawsh! NOTE: Los Caballeros 2: Brotherhood is just a JOKE. Text #3 Stallion: Revisited is such a bore. Bakit ba kasi pumayag pa akong gawin ito? Wala akong maisip na bagong gimik kaya sa baul ka na muna ulet. *hagis sa baul* Club X. Ito bago. Kaso badtreeeeeeepp ang *tooot* nito. Kaya dyan ka din muna sa baul. *saksak sa baul* Doc Danny's story... *tulala* Gaaaaahhh~ *kiskis sa cheek* Gaaaaaaah~ *tago sa heart* Ayiiiiiiiiiiiii!!!!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 13, 2012 1:15:44 GMT 8
Alam kong lagi kong press release na hindi ako nagsusulat base sa ‘inspirasyon’, especially when it involved a guy. Well, buong pagpapakumbaba ko pong binabawi ang sinabi kong iyon. Dahil sa kasalukuyan, habang isinusulat ko ang ikaat na kabanata ng buhay ng mga bagong salta sa lupain ng mga guwapong mangangabayow, hayun at wala akong ginawa kundi ang isipin ang isang imahe na nag-trigger, sa unang pagkakataon, ng mga munti kong ‘inpiration bones’ sa katawan.
Yep, buong giting ko rin pong inaamin na iyon ay walang iba kundi ang mama na nakaupo sa piano, wearing black long sleeve polo and black pants, playing one of my fave piano pieces in the world, River Flows In You ni Pareng Yiruma. That image stuck in my mind that I just couldn’t put away my pen and paper until I ripped that image out from my mind and into the pages of my novel.
Ngunit, datapwat, subalit…hindi po siya ang bida sa ginagawa kong nobela ngayon. Iba. The place in question, Hanoel Coffeeshop in Antipolo, I think was the focal point of the story. And Im not kidding. Ang totoo, dapat ay ang shop lang na iyon ang gagamitin ko for this story. Pero sabi ko nga sa ka-text ko (na salarin kung bakit nakilala ko si Mr. Chris Lee), Hanoel won’t be complete without its rightful owner. So yes, kailangang nasa image ng place sa isip ko, at sa nobela ko, ang katauhan ni Mr. Lee. Bakit? Hindi ko rin alam. Basta ganon tumakbo ang utak ko ngayon sa isinusulat kong pasaway na kuwento.
Gayunpaman, okay din naman pala ang may ‘totoong inspirasyon’ na pinaghuhugutan ng drive para makagawa ng kuwento. Bagong experience to sa akin. Masaya. Nakakatuwa. AT MASAKIT SA BULSA. Ang layo kasi, eh. Mahal ang pamasahe. Buti na lang masarap kape nila.
So, anyway, all I’m saying is…………..ayoko ng magka-inspirasyon ulet.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 13, 2012 1:16:55 GMT 8
Note: Agent Itlog ang drama ko sa former group na nabuo within our group. Inday Rashel was Pret’s pet name by her aunts.
Naglalamyerda ako sa laman ng computer ko imbes na nagsusulat. At eto ang mga natagpuan kong kabaliwan.
Text ko ‘to nang araw na malaman kong magpapakasal na si Gang Phil last year (March or April 2011). Binalabog ang mundo ng mga malas na textmates kong napili kong bulabugin nang araw na iyon.
Here it goes…
Me: *Isinasayaw ng hangin ang bagong relaxed na hair habang nakatukod ang kamay sa katawan ng puno, ang isang kamay ay nasa dibdib* Ako’y namimighati. Ang puso k’y nagdurugo. Dahil ang minsan kong minahal na si Boy Pomads...ay nakatakda ng ikasal sa ika-22 ng Marso. Oh, ihrowg, bahket? Sinabi ko naman sa iyo na hintayin mo akoh. Pero why? Why oh why? *sandal sa puno* Paano na ang ating sumpaan sa ilalim ng liwanag ng kabilugan ng buwan? Ako na lamang mag-isa ang magpapatuloy sa buhay kong puno ng kabiguan. Napakalayo pa ng umaga. Hindi matanaw ang pag-asa. Hanggang kailan matitiis? Ang paghihirap ko? Please, huwag mong kantahin. Dialogue ko iyan. *mosquito massacre*
Me *segue lang*: Nasa GMA na pala si Ed Lingao. Buti naman at ng may matino ng silang documentary reporter. Matuto sila kay Ed kung paano ang tamang documentary reporting. Hmm?! *laki mata* Hmm?!?! *laki ilong*
Pret: Para kang timang.
Me: Seriously, I need a textmate na hindi pikon at medyo maluwag ang turnilyo sa utak. Eros, wala ka bang maibabahagi diyan sa lungga mo? JM, mag-share ka naman ng mga boylets mong itinatago mo. Melai, ikaw? Army? Wag muna ninyong intindihin sina Hernali at Inday Rashel. Mas matanda ako sa mga iyan. Senior citinzens first. *salampak sa sahig* I think i need a hug...
Me: Si Boy Pomads nga pala ay walang iba kundi ang aking pormer irogness na si Go Gang Phil, hik! Eros, hindi ko kailangan ng pagkain ngayon. Kailangan ko ng lalaking aaliw sa malulungkot kong gabi. Hernali, dito pa rin ako naghihintay paglabas mo ng simbahan. Pret, palitan mo na ang name ko sa cp mo. Gawin mo ng ‘Itlogs for sale’.
Mhelai: Eh??? Si Boy Bato?? Koreana rin ang bride? Awts.
Me: Mhelai, yep. Hay... *mahabang mahabang mahabaaaaaaaaaaaang buntunhininga* Wala lang. Gusto ko lang huminga ng ganyan. Pret, no need to understand me. Just admire meh. Shing! Je, hindi ito kamiserablehan. Ang tawag dito, coping up...with style... *moonwalk* Kapag hindi natuloy ang kasal ni Gangpi, ibig sabihin we’re meant to meet first. Pag natuloy...well...magiging scrambled egg aku, hiiiya!!
Jeje: La, kain kain ka lang ng chocolate. Hehe! Hug na lang kita at pagdasal ko mawala ang kahibangan mo. Magtigil ka! *sabay sampal ng malakas*
Me: Ito ang tunay na kaibigan. Nananampal. Lukrezia talaga tong Hernali na to. Heniwey...wala lang. Nag-iingay lang. Hindi epektib ang pagpapaawa ko. Wala man lang naawa sa akin at nagkusang-loob na bigyan ako ng lalaking taga-aliw. Alam ninyo, friends, hindi lang basta responsibilidad kundi moral na obligasyon ng isang kaibigan na alayan ng lalaki ang kaibigan niyang nagluluksa. Kaya FYI lang, wala na kayong choice! Fighting!
Note ulet: Matagal na 'tong text conversation namin na to eh. Siguro this March o last March 2011 pa. Cant remember. Boy Pomads ang pet name namin kay Gang Phil as well as Gangpi.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 13, 2012 1:20:14 GMT 8
This is a question and answer portion na pinauso ko rin last year.
Hotseat 101: Sonia Francesca
Nakaramdam ka na ba ng insecurity kina KA at Sofia? Oo. Lalo na kay Sofia. PUmapasa kasi novels niya. Haha!
Kanino ka mas close? KA or Sofia? Lagi kaming magkasama ni Keene kaya mas close ako sa kanya.
May pinagawayan na ba kayo ng matindi ni Keene? Ni Sofia? Meron. Si Keene nun nagselos siya kay JM. One month yata kami hindi nagkibuan nun. Ah, wait. Parang ibang away yata yun ah. With Sofia, best to just forget it.
Ano pinakagusto mong ugali ni KA at Sofia bilang kaibigan? Pinakaayaw? Kay Keene, very supportive. To the max! Sofia was the sweetest friend ever! Pinakaayaw kay KA, kapag badtrip siya dinadamay ako. Kay Sofia, may pagka-nagger ang lola nyong iyon haha!
What animal best describes you, KA and Sofia? Me: an old sloth, Sofia: mother hen, KA: deranged rhino
Weather? Me: lazy morning, Sofia: sunny summer, KA: global warming
Things you were curious about Sofia and KA? Je, magkano na talaga talent fee mo ngayon?haha! Pret, paano mong natitiis na magsuot ng medyas kahit sa kasagsagan ng summer?
Sofia and KA’s characters you wish you have? Sofia’s guts. KA’s keen observance of people
Given a chance, whos the guy you want Sofia and KA to have and why? Sofia, Zoilo. He could make her laugh in a blink of an eye. Pret, Melvin. He could make her blush.
Benefits of being friends with Sofia and KA? I won’t ever need a map to find my way when Im with them
What’s the bad part of being friends with them? Di ako natutong tumanda ng mga direksyon kasi lagi ng nakaasa sa kanila. Tsaka kawalan din ng lovelife. Nakakahawa yata yun eh.
What’s the secret of your lasting friendship? Accepting each other flaws but never tolerating it. Hindi madamot magpatawad. Kapag sinabing move on, totoo iyon at hindi na nag-iinarte pa. We really, truly treasure and value our friendship.
One thing about you that they didn’t know yet. Im tougher than I look, guys. *wink*
Say something about KA and Sofia that they would never expect you to say to them. Tae…hahaha!
Any more words for them? Pret, hinay hinay lang sa pagjo-joke minsan at marami talagang tao na hindi kayang tapatan ang utak mo. Jeje, youre fine as our friend. But to others, konting hinay sa katarayan. People think now that you’re ma-ere na. gosh. That said, im so glad napabilang ako sa circle of friends ninyo. Hindi ko mararanasan kahit kailan ang twisted sense of humor ni Pret at karatayan ni Hernali kung hindi ako napabilang sa friendship natin, together with Cherry’ sweetness, Rushell’s toughness, May’s green-mindedness, Jacke’s cuteness, and Lani’s pretty-ness (?).
Note: Nailagay ko na to sa Notes ko sa FB dati.
|
|