Post by soniafrancesca on Aug 2, 2012 2:00:07 GMT 8
Gaya-gaya, Puto-maya.
July 20, 2012. 6:33am. Interbyu-interbyuhan. Walang magawa eh.
Q: Is writing romance novels a career for you, or is it just a hobby?
SF: Noong una, hobby lang talaga. Feeling ko kasi sasabog na utak ko kapag hindi ko pa ‘nabawasan’ ang mga kuwentong nag-uumapaw na sa utak ko. At sa maniwala kayo o hindi, wala akong ideya kahit noong college pa ako na may career pala sa pagsusulat. Either that o talaga lang wala sa isip kong bigyan ng pansin ang mundo ng mga manunulat. Sineryoso ko lang ang pagsusulat nang malaman kong dito pala ako kikita ng malaki, hehe! Sa umpisa gusto ko lang talaga magkapera so yeah, I took it as a career. But I’ve grown to love writing as I go through my writing career.
Q: Paano nadiskubre ang talento mo sa pagsusulat?
SF: I had no idea na talent pala ang pagsusulat. Ang alam ko lang dati kasi gusto ko lang magsulat. Period. I think it was my mother who saw my potential as a writer when back in highschool, she went with me when I passed my very first novel at Bookware Publishings. Siya rin nag-comfort sa akin nung ma-reject ang una kong subok sa pagsusulat. Balak ko ng kalimutan ang tungkol sa pagsusulat nang mag-college ako. Pero mukhang doon talaga ang bagsak ko dahil sa Journalism course ako napunta kahit na ang in-apply-an kong college course ay Psychology. When two of my college buddies, Keene Alicante and Sofia, dragged me to PHR’s Writing Workshop in 2008, doon na lang siguro luminaw sa akin ang mundo ng mga manunulat ng Tagalog romance. Ang haba ng sinabi ko. Nasagot ko ba ang maiksing tanong mo?
Q: Your book Crush Kita Noon, Gusto Kahapon, Love Kita Ngayon from Rancho Estate series and Angelo Exel Formosa from Stallion series earned a Novel Of The Month. How does it feel?
SF: Shocked? Haha! Ang alam ko kasi feel-good lang ang mga gawa ko. Mabababaw kumbaga. Walang malalim na conflict at wala masyadong emotional struggles na alam kong nasa kategorya para maging Novel Of The Month. Kaya ‘yung saya na malaman na may novel akong pumasa roon, at dalawa pa, e doble ang saya siyempre. Parang extra gift ni Lord sa akin, hehe!
Q: Sino-sino ang paborito mong romance authors?
SF: Foreign romance authors, no one in particular. Kahit sino kasi ang nagsulat ng novels, basta natuwa ako sa kuwento, cool sa akin iyon. Local romance authors…Rosa Tan.
Q: Are you a romantic person? How romantic can you get?
SF: Romantic? I dunno. Hindi ko pa nata-try maglambing ng bunggang-bungga, eh.
Q: Then how do you get to write romantic scenes on your novels?
SF: Imagination.
Q: What is your definition of romance?
SF: A gentle hug and a sweet kiss.
Q: Ano ang secret fantasy mo?
SF: Too many to mention, haha! Okay, I’ll give one. I love the moonlight so…I want a romantic proposal under the moonlight. Or a kiss under the rain.
Q: What is the craziest thing you had done for love?
SF: I bought a mini-skirt worth two thousand pesos para lang makapagpa-cute sa isang guy. Teka, love ba iyon? Crush lang yata iyon, eh. Anyway, ayun. The guy got scared and hid away. My gas! Sayang ang dalawang libo, powtek!
Q: Naranasan mo na bang mabigo sa pag-ibig?
SF: Yep.
Q: So that means you have fallen inlove already.
SF: Yep ulet. Huwag ka ng magtaka kung bakit mababaw ang mga sagot ko sa earlier questions mo na may kinalaman sa love dahil laging one-sided lang ang mga love experiences ko. Saklap, ‘no? Pero okay lang. I’ve learned a lot. And I’ve EARNED a lot. Pinagkakitaan ko kasi ang lahat ng mga naranasan sa bawat pagkakataon na nai-inlove ako.
Q: No special guy right now?
SF: I have. Pero wala na siya, eh. Gayunpaman, my love for him remains in my heart. Hindi ko masasabi kung kailan iyon matatapos o kung mapapalitan pa ba siya sa puso ko. Hintayin na lang natin kapag may dumating na bagong pag-ibig sa akin. Chos.
Q: Have you written stories that are about the person you had loved?
SF: Yes. My Sweetheart Cherie is dedicated to my first love. Missent is for my second love, and the funniest and craziest love experience I’ve had. We’re friends now. Love Story is for my third love, the shortest love experience I had. The fourth one is for the current guy in my heart, I still haven’t written it yet. From the looks of it, mukhang hindi ko maisusulat ang kuwento ni Fourth hangga’t hindi humihintong tumibok ang puso ko para sa kanya.
Q: I’m curious of your fourth love.
SF: He’s Doc Danny. Lee Sun Jin in real life and a neurosurgeon. He died in 2009, at a car accident in Korea while on his way to the airport for his flight to Manila.
Q: Oh, sorry to hear that.
SF: Its okay. It’s been a long time na rin naman so tanggap ko na. Although paminsan-minsan hindi pa rin maiwasan na maluha kapag nakakaalala ang puso.
Q: Is that the reason why you couldn’t write a love story for him? Because he’s not here anymore?
SF: Not really. Bilang isang luka-lukang manunulat, may tendency kasi ako na nababaliw sa isang lalaking nagugustuhan ko habang isinusulat ko siya. At nawawala lang iyon kapag naisulat ko na siya sa kuwento ko at natapos. As for the loves of my life, hindi ko naman maisusulat ang kuwento ko tungkol sa kanila hangga’t may nararamdaman pa ako para sa kanila. When my heart stops loving that man, that’s the only time I will share them to my readers through my works. That said, I could only conclude that I’m still not over Sun Jin yet kaya hindi ko pa naisusulat hanggang ngayon ang kuwento niya kahit na-introduce ko na siya sa mga mambabasa ko.
Q: A, ganon pala. Ang weird mo pala talaga, Miss SF, hehe!
SF: I know, right? So, may tanong ka pa? Nadyi-dyinggel na ako, eh.
Q: Any message to your fans?
SF: Don’t be scared to love. Don’t be afraid of getting hurt. It’s natural. If you don’t experience falling inlove and getting hurt, you’ll be missing the most important part of being human. In short, maiinggit ka habambuhay. Beh!
P.S. I love you, fans! Your words of encouragement and praises always lift up my spirit. Everytime na nag-iisip akong iwan na ang pagsusulat, nakakabasa ako ng mga messages mula sa inyo at muling bumabalik ang kagustuhan kong mabigyan uli kayo ng kasiyahan. I always thank the Lord for giving me this special talent to make people laugh, smile and cry all at the same time. You, my dear readers, are my constant reminders how much God had blessed me through the years. I hope and pray na isa ang mga gawa ko ang makakapagpangiti sa inyo sa mga pagkakataon sa buhay ninyo na hindi ninyo magawang ngumiti. ‘Yun bang tipong tutulo na lang ang luha at uhog ninyo e nabibitin pa kasi bigla ninyong maaalala na hindi ka pala puwedeng magsabit ng inihaw na bangus sa ibabaw ng computer mo. O huwag isisi sa nananahimik na butiki kapag may nabiktima ang paglalabas mo ng air pollution. ‘Yung mga ganon. Well, I would never know. Gayunpaman, I will pray for your happiness everyday and for you to finally find that one person who would replace my novels in giving you reasons to laugh, smile and cry like there’s no tomorrow. Yeboi, break it down~
Thank you, from the bottom of my heart.