|
Post by soniafrancesca on Sept 17, 2011 5:17:50 GMT 8
STALLION: REVISITED book 3DEVON FABRIQUIER“Hindi basta nabubura ang marka ng pagmamahal ng isang Stallion boy.”TEASER Tinanggap ni Mio ang pasya ng mga magulang niyang pakasalan ang lalaking napili ng mga ito para maging asawa niya. Tradisyon ng kanilang pamilyang half-Chinese ang arranged marriage kaya ayos lang sa kanya. In any case, kapag hindi naman iyon nag-work out, she could always get an annulment. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang lalaking napili ng mga magulang niya para sa kanya. Dahil bukod sa wala ito ni katiting na patak ng dugo ng Chinese, ito rin ang lalaking naging dahilan ng matinding pagkabigo niya noong highschool siya. “…hindi lang basta responsibilidad kundi isang moral na obligasyon na protektahan ko ang kaligayahan ng ex-girlfriend ko…” Good ‘ol Devon Fabriquier. He just won’t stop giving her headaches, and constant reminders how much she was still inlove with this adorable jerk.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 17, 2011 8:56:04 GMT 8
**** Hmmm…what do you know? May totoo palang Tinkerbells na nag-e-exists sa mundo. At totoong kulay violet siya na maliliit na bulaklak! Isang reader ang nagbigay sa akin ng picture sa Facebook ng Tinkerbells. Natatawa lang ako at namamangha kasi noong isinusulat ko ang Blue Nights, hindi ko naman talaga naisip na may totoong Tinkerbells na halaman. I just thought that it’s a funny name for a plant and a unique one kaya pinangalanan kong Tinkerbells ‘yung bulaklak na ginamit sa novel na iyon. That’s a cool coincidence.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 17, 2011 8:59:03 GMT 8
*** I wanted to write something out of the ordinary. But in order for me to do that, I would need to strip myself of everything that I was so used to feel. Because writing was the extension of my soul. I’m planning to write stories about grief, revenge and hatred. I’ve been trying. I really feel like if I wanted to make it work, I would need to ressurrect the little monsters that I’ve long been chucked up in the deepest recesses of my soul.
I would need to be a real badass myself so I would be able to effectively write those kinds of stories.
Come to think of it, this was the first time that I realized that everything about me, what I feel, what I believe in, extends to everything that I write. When I’m happy, it shows in my works. When I’m not inlove, it mirrored on my stories. When I’m in sorrow, those who reads my works could feel it too. I thought only Japanese ideals about life were only real on Japanese territories.
My only worries was that my readers might get affected with it as well, because it might not be a good influence this time…
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 17, 2011 9:00:44 GMT 8
***Sunday School. October 16, 2011. Sabihin ng mababaw akong tao, pero talagang na-touched ako nang husto sa ginawa ng isa kong estudyante sa Sunday School kanina. Her name was Maxene. She was five years old now. Pero nang una ko siyang maging estudyante sa Sunday School, she was just three and a half years old, and a very shy kid. Hindi siya umaalis sa pagkakayakap sa binti ng Kuya Jamic niya. At kapag itinambak siya noon ng pamilya niya sa Sunday School classroom na separated sa church, lagi siyang ngumangawa. Laging hinahanap ang Kuya Jamic niya, kaya tuloy kasama rin sa Sunday School ng mga kiddielets (aged 2-7yrs old) si Jamic na naiilang dahil ang 16yrs old na siya. Hindi na magkasya ang lolo mo sa upuan ng mga fetus. Anyway, ayun nga. Glory be to God dahil unti-unti naging sociable si Maxene. Sabi ng mommy niya, wala daw social circle kasi si Maxene habang lumalaki at mga kuya niya lang ang lagi niyang kasama dahil nga madalas silang lumipat ng bahay noon. Nang mapirmi sila malapit sa church, naging active members ang pamilya nila at dahil maraming bata rin naman sa church ay nagkaroon ng mga kaibigan si Maxene. Nakapasok din siya sa kindegarten school ng church kung saan siya nagsimula ng mag-aral kaya mas lalong lumawak ang mundo niya.
Eventually, naging sosyalera ang batang iyakin at mahiyain. Ngayon, inglisera na ang lola nyo. Dati, Maxene was the only little girl in our midst. Very tiny and very very cute. Ngayon, ‘ate’ na raw siya. At ginawa na yata niyang ‘slaves’ ang mga mas nakakabata na sa kanya. She was doing okay now. I think she would grow up as a fine young girl, and not as a timid tomboy she used to be.
Anyway, mabalik tayo sa una kong sinabi kung bakit ako na-touched sa ginawa ni Maxene sa akin this Sunday School. Tungkol sa pagiging matulungin kasi ang topic namin. Everyone was answering they were helping out in their house. Sabi ko kasi, kung marami silang natulungan makikita iyon ni Jesus sa langit at pagdating ng Pasko ay marami silang matatanggap na gifts. Maja, 7 yrs old, said she helped out wash the dishes sometimes. Nang pinuri ko siya, nag-unahan sa pagsagot ang mga kasama niya. In short, payabangan sila. Maxene held up her hand, with her three fingers up.
‘Teacher, puwede three?’ ‘What three?’ ‘I helped at home only three times. Can I still get gifts from Jesus?’ ‘Of course. Hindi naman nagbibilang si Jesus kung gaano ka karami tumulong. Basta tumulong ka, kahit isa lang iyan, Jesus will give you gifts everyday.’
But kids will always be kids, kaya paramihan pa rin sila ng matutulungan para sigurado raw na mas marami kay Maxene ang makuha nilang gifts galing kay Jesus. After ng Sunday School, nagwala na sa playground ang mga bulinggit at ako’y pumasok na ng church dahil tapos na rin ang service. While talking to one of my co-leader, Maxene came up to me and gave me biscuit.
‘Teacher, it’s yours.’ ‘You’re giving it to me?’ ‘Yes.’ ‘Why?’
Maxene just gave me her signature cute-and-shy smile and left. Tinitigan ko lang ‘yung binigay niyang biscuit, my heart was melting. Ngayon lang ako nakatanggap ng isang gift sa isang bulinggit na nilalang. To think na puwede niya iyong ibigay sa ibang tao sa church na mas mabait sa kanya. But she gave it to me, and her smile told me it was because she likes me. Ah…ang sweet, ‘no? Then her mom asked me why was Maxene kept talking about Christmas and ‘three’. MAXENE WAS LISTENING TO MY TEACHING! Actually, that wasn’t the first time her mom came to me and asked about Maxene’s blabbering every after Sunday School, like the last time she kept on talking about a little guy daw name ‘Shakeyuz’ (Zaccheus) who climbed up a tree to see Jesus.
The truth is, I wasn’t really expecting those little kids at Sunday School to even bother listening to my Bible stories. But they did. And it wasn’t just Maxene, according to the parents who came to me asking about their kids’ non-stop recounting of the stories they heard on Sunday School.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko maiwan ang hawak kong Children Ministry kahit mega-conflict sa work schedule. I like seeing those little faces, holding their little hands, hearing their random outrageous stories and tending to their never-ending silly complaints about who’s gonna play on the swing. At sa ginawa ni Maxene nang bigyan niya ako ng biskwit, nadagdagan na naman ang rason ko kung bakit pagbubutihan ko pa ang patuturo ng mga bible stories at kagandahang asal sa mga batang alam kong pinakamamahal ni Jesus.
One day, I know God will call them and it will be their turn to teach little kids. Just like God had called me after I grew up on Sunday Schools. I only pray that these kids God put in my care would get enough good memories. Memories that would help them remember how good it was to be on Sunday Schools and would also enjoy teaching the kids that would be place on their care someday.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 29, 2011 1:20:06 GMT 8
***A4Tech keyboard. Price: 495.00. Slim-type, silver gray body, black keys, with holes at the back para hindi ma-stuck ang water kapag natapunan ng iniinom habang nasa harap ng computer. Mganda sana ang keyboard na itey kumpara sa antigo kong keyboard na pinalitan nito, na pinagtawanan ng isa kong reader dahil Jurassic Era pa raw iyon nag-e-exist.
Ang problema ko lang sa keyboard na ito, walang sangkalan. ‘Yun bang parang mga paa para ma-elevate ang upper side ng keyboard. Feeling ko lang naman e masyadong mababa ito at hindi ako kumportable. O kaya naman e naninibago lang ako. Puwede ring nag-iinarte lang ako.
Malambot din ang mga keys nito. Kumbaga sa touchpad ng pc notebook ko, e super light touch up to a point na kinakailangan ko pang huwag ipahinga ang mga daliri ko sa keyboard o magtutuloy-tuloy ang pagta-type ng keyboard ko blah blah blah oink oink! Ayoko na. Magtatrabaho na lang ako imbes na dumaldal dito tungkol sa kung ano-anong hindi ko naman mapapakinabangan.
All in all, I like my new keyboard (talagang hindi tumigil). At dahil sa presyo niyang 495 pesos, kailangang umabot ito ng apat na taon, siyam na buwan at limang araw para masulit ang ipinambili ko.
Three hundred lang ang budget ko sa keyboard ko, ‘no? Haller!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 7, 2011 1:12:47 GMT 8
*** “Brothers, do not slander one another.” James 4:11. This was the verse I read when I was doing my quiet time with the Lord. Sa totoo lang, isa ang sinasabi sa verse na iyan ang medyo mahirap sundin, especially if getting back at someone makes you feel better. Right? But let us always remember that one thing leads to another. Ang isang simpleng rude comment against someone ay malaki ang posibilidad na madagdagan ng madagdagan, lalo na at may sumasang-ayon sa iyo, hanggang sa mamalayan na lang natin na mas matindi na sa isang simpleng negative comment ang nangyayari.
Pero aaminin kong ako man ay madalas matukso sa ganyang temptation. Galit at asar ako sa isang tao, eh. Kailangang masira ko ang reputasyon niya kahit man lang sa harap, o pandinig, namin ng mga kaibigan ko. Kahit na nga kumakatok na sa kukote mo na mali ang ginagawa mo. Maganda sa pakiramdam, eh. Hindi ba?
Gayunpaman, bilang isang Kristiyano na binago na ng Panginoon, kailangan kong bantayan na ang mga sinasabi ko lalo na at hindi maganda. In my world as a writer, I know a lot of people would want to hear me say a thing or two about some person that bothers the heck out of me. I admit that most of the time I gave in to that temptation. Pero sabi nga one thing leads to another, hindi ba? Kapag nakapaglabas na ako ng mga hindi magagandang salita against that person, I feel so proud about myself. I feel like I deserve to give that person a piece of my mind. And everybody hails me.
But deep inside, I know I don’t feel good. I know I did something that I shouldn’t have. I hurt someone’s feeling so naturally that person would strike back. And the process would go on, exchanging hurtful words. IF I won’t stop first. I always thank God for transforming me everyday into a better person. It was hard keeping your thoughts to yourself. It was extra harder if you knew, and everybody was telling you, that you should speak out what’s in your mind so that person would finally shut up.
Hindi ko alam kung nararamdaman ninyo minsan ‘yung pakiramdam na parang may nangungulit sa inyo na mali ang ginagawa ninyo pero patuloy lang ninyong ginagawa dahil gusto lang ninyong makaganti. I always feel that thing. As a Christian, I knew what it meant. Or what it was. It was the conviction of the Holy Spirit, telling me to clean up my act. Would I listen? I should. Afterall, when was doing the right thing ever brought out something bad?
Hindi totoo ang mahiwagang takot ng mga tao na kapag gumawa sila ng mabuti sa kapwa ay aabusuhin na ang kabaitan nila. Lagi nating tatandaan, nariyan ang Diyos. And our God is always just. Laging nasa katwiran. Kaya paano nating sasabihin na kapag naging mabuti tayong tao ay mamamatay tayo ng maaga? O mapapahamak lang tayo. Kung ganon ang mangyayari, para na rin nating sinabi na wala sa katwiran ang Diyos.
Everyday I experience a lot of things, kahit nasa bahay lang ako. And everyday, I proved to myself that God will always be God. Always the righteous One, always the just the One. No more, no less. So if you do good, of course, God will bless you for it. Not kill you. Haller!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 7, 2011 1:17:48 GMT 8
***Sunday, November 6, 2011, 10:33pm. Finally, nakita kong nagkasundo na ang mga alaga namin sa bahay. Si Thom, ang aming black-black dog, at si Chibi, ang bagong ampon naming kuting na kasing laki lang ng tarsier.
Ibinigay sa amin si Thom ng tita ko nang malaman niyang mahilig kami sa hayop. Nun una ayaw ni nanay kasi nalungkot yata siya ng husto nun nahuli ng taga-Marikina Impounding Office yung huli naming aso na itatago natin sa pangalang Hunter. Our family loved that dog kaya kahit bawal sa lugar namin ang mag-alaga ng aso e inalagaan at itinago namin siya. Kaya lang, un nga. Nahuli pa rin. Nalungkot kaming magkakapatid nun kasi kahit gustuhin man naming tubusin si Hunter e hindi puwede dahil nga sa bawal mag-alaga ng mga hayop sa lugar namin. Madami raw kasi tao. Ewan ko rin kung bakit nauso iyon doon. Ayun, so nawala nga sa amin si Hunter at mula nun e hindi na kami nag-attempt na mag-alaga ng kahit na anong hayop.
A few years after, ‘yung matandang pusa na feeling inampon namin e nanganak ng apat. Dahil nga allergic na yata ang pamilya namin sa mga alagaing hayop, iniligaw ni tatay yung mga kuting. E may natirang isa kasi itinago ni Mother Cat. Nun nakita ko, naglalakad na at umiikot-ikot na sa computer table ko. Mahilig yata ang mga pusa sa maiinit na lugar. Anyway, natuwa ako sa kuting kahit pangit siya. Ang liit kasi pero ang sigla. ‘Yung bracelet na ibinigay sa akin ng ate ko, ibinigay ko dun sa kuting. Palatandaan na may nagmamay-ari na sa kanya kaya di na puwedeng galawin. Natuklasan ng tatay ko un, kasi natapakan niya. Sa sapatos pala niya nagkukuta yung kuting. Magagalit yata sana siya nun pero nakita niya yung ‘necklace’ kaya tinanggap na rin niya. Nanay ko ang masungit. Ayaw niya talaga. Pero siguro dahil nakikita niyang natutuwa mga anak niya kaya tinanggap na rin niya si muning.
Tigidowng was born. Yep, that little ugly kitten was named after one of my famous horse characters from my series novel Stallion Riding Club.
Kaya lang, gaya ng mga masasaklap na kapalaran ng mga hayop sa mundo, hindi rin nagtagal ang buhay ni Tigidowng. Natsugi siya sa hindi malamang kadahilanan, kasama nun napakagandang kuting din sa kapitbahay namin. Sabi may epidemya daw ng mga sakit sa mga pusa nun. Ewan ko kung totoo iyon. Anyway, ayun. Nalungkot na naman ang aming pamilya. Napamahal na kasi sa amin ang pangit na si Tigidowng. Lagi niya kaming napapasaya sa mga kapraningan niya sa mundo. Galing pa niya manghuli ng mga daga.
Pero may magandang idinulot naman ang pagdating ni Tigidowng sa buhay namin. Naging daan iyon para tumanggap uli kami ng mga alaga sa bahay namin. After ni Tigidowng, si Ondoy, the pretty white cat, ang sumunod. Ito ang matibay na pusa. At ang pinakamalinis na naging alaga namin. Si Tatay kasi laging nagpapaligo dun. Kahit laging sinisipon si Ondoy pagkatapos punasan at paliguan, go pa rin si itay sa paglilinis sa kanya. Minsan minalas na nasagasaan si Ondoy. Naghisterikal nanay ko. Nilunod niya tatay sa sermon kasi nga si tatay ang nagturo na lumabas ng bahay ang malinis na pusa. Ni-lay hands ko pa un si Ondoy para lang wag mamatay kasi nga siguradong malulungkot na naman kami. Ayun, glory be to God kasi nabuhay si Ondoy! Take note, hindi na siya nakakalakad nun kasi alam ko napuruhan ang buto sa balakang niya. Pero ang lolo mo, kahit ilang oras pa lang na nasasagasaan, lumalaboy na. Feeling ko, in-extend lang ni Lord ang buhay ni Ondoy para di kami gaano malungkot.
A few days later, tuluyan ng nakalakad si Ondoy kahit tanggap na namin na mamamatay siya dahil sa aksidente niya. Ayun, naka-recover at nakalakad uli. O ha? Galing ni Lord no? Kaya nun namatay si Ondoy, eventually, saglit na lang kami nalungkot. Pero that time, hindi na muna kami tumanggap sa pamilya namin ng bagong alagain.
Hanggang sa dumating sa amin si Thom. Bigay siya ng tita ko from Antipolo kasi natuwa kami sa aso nilang kulay puti nung one time na nagpunta kami sa kanila. Ayun, nun una inayawan siya ni Mabel, ang aming bunso. Kasi sa aming pamilya, si Mabel ang pinakamahilig sa hayop. Naalala ko pa dati nag-uwi si tatay ng manok na kakatayin sana. ‘Yung kulay puti. Pero si bunso, inalagaan iyon at pinataba. Binigyan pa ng pangalan. Kaya nun kakatayin na…paano pa namin yun kakatayin e may pangalan na di ba? Anyway, mabalik tayo sa tsika ko, ayun nga. Kahit ayaw sana namin mag-alaga ng aso e wala kaming magawa. Naroon na eh. Kawawa naman kung palalayasin namin un aso. Ang liit pa naman.
We named the dog, Thom. Short for Ithom, or Itom. Bisaya ng Itim. Dahil ang mother side ko e mga Ilongga. Eventually tinanggap na rin namin si Thom. We like him kasi parang adik kapag hinaharot. Masyadong nerbiyoso. Siguro tumitira rin ‘to ng kape kapag tulog na ang lahat sa bahay. At dahil nag-iisa lang siya naming alaga that time, na-spoiled ng husto ang lolo mo. Kaya nang dumating si Chibi, ayun, maya’t maya niyang inuurangod palabas ng pinto ang pobreng kuting. One time nahuli siya ni nanay na bitbit sa ulo si Chibi at dinala sa pinto. Mabuti na lang at bukod sa hindi alam kung paano lumabas ng pinto e hindi rin marunong kumatay ng kuting si Thom. Wala kaming magawa kundi maawa na lang kay Chibi, who thought Thom was her mother.
Yep. The poor little kitten saw the black spoiled dog as her mommy. Kaya kahit nilalamutak na siya ni Thom, o pilit siyang pinalalabas ng bahay, feeling pa rin yata ni Chibi e nilalaro lang siya nun aso namin. Kinakalmot-kalmot niya ng maliliit niyang kuko ang itim na mukha ni Thom habang kinakagat-kagat siya. Hindi niya alam, lalamunin na siya ni Thom anomang oras.
BUT! There’s always a sunshine after the rain. Naks! English! Wooo! Pagkatapos ng isang linggong stress sa mga alaga namin, finally nakita na rin namin silang nagkasundo. May isang sofa kasi kami sa bahay na inilaan namin bilang trono ni Thom. Dahil spoiled nga ang lolo nyo, ayaw niyang tinatapakan ni Chibi ang puwesto niya. Hindi na siya natutulog dun simula nang makita niya doon si Chibi. Pero ngayon, mukhang hindi rin siya nakatiis sa malamig na sahig.
Magkasama na silang natutulog ngayon ni Chibi sa sofa. Super baluktot nga lang ang puwesto ni Thom dahil ayaw pa rin niyang madikit man lang ang balahibo niya kay Chibi. Pero dahil nga dakilang manhid ang kuting, ginawa pa niyang ‘kumot’ ang buntot ni Thom. Ginawa ng lolo nyo, pasimple niyang dinaganan si Chibi. Kaya pala ngiyaw ng ngiyaw ang pobreng kuting. Hindi na makahinga. Buti na lang at nakalusot ang maliit niyang katawan sa pagkakadagan ni Thom.
Right now, mukhang nagkaroon na ng secret agreement ang dalawa. Share na sila sa sofa. Ewan ko nga lang kung hanggang kelan ang ganitong drama ng mga ito.
So all in all, gusto ko lang namang ipaalama na puwede naman palang magkasundo ang mga tao sa mundo. POSIBLE ANG WORLD PEACE.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 21, 2011 3:25:17 GMT 8
***November 15, 2011, 2:46 AM. Nagsesenti na naman ako. Emo mode. Para sa mga natural na praning.
Been listening to sad korean love songs again. Ewan ko nga ba kung bakit may moment sa buhay ko na gusto kong maging malungkot. Kunsabagay, according to the Bible, ‘a sad face is good for the heart’. Kaya okay lang ang malungkot paminsan-minsan. Mukha ka nga naman kasing sira ulo kung hindi ka malulungkot kahit minsan sa buhay mo, di ba?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 21, 2011 3:27:58 GMT 8
***November 16, 2011, 2:57 AM. Been listening to a set of an old love songs. Binigay ito sa akin ng kaibigan ko about four years ago. At matagal-tagal na rin mula nang huling beses kong marinig ang mga ito dahil nga sa mga bago kong koleksyon ng mga kanta.
Ngayon ko lang uli nabuksan ang mga ito dahil kailangan ko ng malungkot pero romantic na background habang isinusulat ko ang isang nobela kong tigib ng dalamhati. Yep, magda-drama ang lola ninyo. Request ng editor. Actually, noong iniiisa-isa nila sa akin ang dapat kong ayusin sa nobela ko, gusto ko ng umiyak. Madugo. As in madugong-madugo. It was never my intention to make people cry with my works. Kaya ang marinig ang mga editors na kailangang gawin ito para mas maging effective ang emotions ng mga ito and so on and so forth…it was frustrating. Pero sabi nila, kaya ko naman daw at para may bago naman silang makita sa gawa ko.
So I agreed.
And now im frustrating the heck out of me. Been trying my hands on creating the ‘feel’ that they were looking for my works. Kaya lang talaga…hay. Alam kong kaartehan na pero para sa isang manunulat na hindi naman talaga iyon ang genre, kahit ano pang sabihin nila, mahirap talagang magbago ng forte. Lalo na at masyado ka ng nasanay sa ganong genre.
Anyway, wala pa rin akong magagawa kaya ituloy na lang tutal nandito na rin naman ako. Baguhin ang sinusulat. Gawing kakaiba. Lalagyan ko na rin ito ng mga glitters at flowers-flowers mamaya. Confetti na rin para masaya.
Hay… *titig sa sinusulat* Paano kita gagawing drama…? My gollygawgaw.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 21, 2011 3:30:10 GMT 8
***November 16, 2011, 3:19 AM. Tinatamad pa rin akong magsulat ng revision kong puro kadramahan sa buhay kaya magpapatuloy ako sa pagdaldal dito sa aking blog-blog-an.
*cue tears* Wala na si Chibi… *sniff sniff* Ang aking munting kuting na si Chibi…huhuhu! Dumating kasi ang mga kamag-anak ni Itay. May kasama silang bata, I think she’s only three or four years old. I didn’t get her name kasi paalis na sila nang magising ako.
Ayun, she’s been eyeing my little Chibi pala since dumating sila. Nung pauwi na sila, nakita ko na lang bitbit niya si Chibi sa isang paa at basta na lang inihulog sa dala nilang balde. May pasalubong kasi silang mga fresh fish and seafoods, at doon niya itinambak si Chibi-kun. Wah! Kitang-kita ko pa nang takpan niya yung timba. Mamamatay si Chibi dun! Nagtatawanan pa yung mga tao dun nun buksan nila yung timba at nakita ko si Chibi na ngiyaw ng ngiyaw at pinipilit na makalabas. Sa awa ko, iniwan ko sila sa labas at pumasok ng bahay.
Sinundan ako ng mga pinsan ni tatay para makipagkuwentuhan kasi nagbabasa pala sila ng gawa ko at proud na proud daw sila na kadugo nila si Sonia Francesca. Ngiti lang ako pero talagang naiiyak ako kasi naalala ko si Chibi. Lumabas uli ako kasi magpapaalam na silang aalis. Nakita ko si Chibi na nakalabas na ng timba at nanginginain na sa ilalim ng kalan. Gusto ko sana siyang buhatin at itago sa loob ng bahay pero umalingawngaw ang ngawa nun bata. She really wanted Chibi. Ang nanay ko naman, kumuha ba naman ng plastic bag. QUE OROR! Mabuti na lang yung kapatid ko kumuha ng isa sa mga towellette na ginagamit kapag nagtutuyo ng mga hinugasang pinggan at plato sa karinderya namin. Ibinalot nila iyon kay Chibi. AT IBINIGAY DUN SA NANAY NUN BATA.
Tumabi ako sa tatay ako at sinabi ko sa kanya na hindi pa puwedeng humiwalay si Chibi sa nanay niya kasi hindi pa iyon kumakain ng solid foods. At sinabi ko rin na hahanapin sa akin ni Ate Marian, yung nagbigay sa akin kay Chibi, yung kuting na iyon. Pero wala. Walang nakinig sa mga magagaling na nilalang.
And so, I just watched them carried my Chibi-kun away. Nalulungkot ako. As in. Pramis. Kasi pangit iyon si Chibi at mukhang pusang grasa, kapag pumapasok iyon ng bahay galing sa maghapon niyang paglalamyerda sa labas kasama ng pusang umampon sa kanya, nililinis ko ang mukha nun bago ko siya hinahayaang matulog sa sofa namin na off-limits sa mga hayop. Hay…im so sad… T.T Baka paglaruan lang nun bata si Chibi dun sa Cavite eh. Baka lapirutin at i-torture lang gaya ng ginagawa ng mga bata rito sa amin kapag nakikita nilang pagala-gala si Chibi sa tindahan. Baka hindi siya pakainin sa tamang oras. Baka hindi siya patulugin sa malambot at kumportableng sofa.
Wala ng kaagaw si Thom sa puwesto niya sa sofa. Wala na siyang minamaltratro kapag hindi namin siya nakikita. Wala na rin kaming malambing na maliit at panget na kuting…
Ipagdarasal ko na nga lang siya na sana pagpunta namin sa December sa Cavite e buhay pa siya. Lord, please…
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 21, 2011 3:44:29 GMT 8
*** November 17, 2011, 2:01 AM. My latest pigout food. Marty’s Crackling spicy flavor and coffee. Nyam…nyam…
Kahit ubo ng ubo at nag-uunahan ang ‘number eleven’ sa ilong, sige pa rin. Walang kadala-dala—ay! *dampot sa nahulog na piraso* Walapangfiveminutes! *ihip ihip sabay subo* Nyam…nyam…
At para lang magkaroon ng kuwenta ang entry kong ito, magkukuwento ako.
May isang PHR new writer na ka-close namin nina Pret (Keene Alicante) at Jeje (Sofia) ang napagkuwentuhan namin minsan. Ewan ko lang kung napapasok din siya rito dahil ang alam ko e may sariling mga kuweba ang mga writers. Anyway, ‘yun nga. Nabanggit ni Pret minsan ang tungkol sa newbie na itey na amazed na amazed sa mga tulad naming sa gabi gising at sa araw e tulog.
Inakala niya yata na ang mga manunulat, especially ang mga romance writers, e magiging official writers lang kung makaka-pull off ng isang allnighter. As in ‘yung nagsusulat mula alas dose ng madaling araw hanggang sa magliwanag na. Dahil sinubukan yata niya iyon dati pero hindi niya nagawa.
Natawa na lang kami. Ni minsan kasi ay hindi namin pinlano na sa gabi kami magsulat. Sa tingin ko, ganun din ang ibang writers. Nagkataon lang talaga na mas nakakapag-relax ang utak namin kapag wala kaming nakikitang liwanag at hindi nakakarinig ng anomang ingay. Gayunpaman, hindi naman lahat ng writers ay sa gabi nagsusulat.
For example, si Rose Tan. I heard na office hours ang pagsusulat niyan. Si Cora Clemente yata e sa araw din nagsusulat pero nakasara lahat ng bintana with matching makapal na kurtina kaya wala daw liwanag sa kuwarto niya kundi yung ilaw ng computer niya. Si Heart Yngrid din pansin kong hindi naman talaga siya totally sa gabi nagsusulat. I think gang 2AM lang yata siya gising. Kasi sa mga time na iyon siya nagpapaalam sa amin sa Twitter hehehe!
And personally, I don’t recommend na laging magpuyat ang mga nagsusulat lalo na ‘yung mga baguhan. As much as you can, sa araw kayo magsulat para healthy living pa rin. Sabi nga ng nanay ko, iba pa rin ang tulog sa gabi. Hinding-hindi mapapantayan ng 16hrs sleep sa araw ang tulog sa gabi kahit 5hrs lang iyon.
In any case, sa mga nagsisimula pa lang magsulat, just find the right time kung saan talagang gumagana ang isip ninyo. Not necessarily sa gabi o madaling araw iyon.
Inaantok na ako…nyam…nyam~
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 24, 2011 17:30:33 GMT 8
***November 23, 2011, 7:26 AM. Nakita ko rin sa wakas ang mga ginamit kong stenopads noon para sa mga story drafts ko. Nakakatuwang makita ang ilang tambak ng mga notebooks na iyon na tanda ng dugo at pawis ko para lang maisulat ang Stallion batches 1-4, Calle Pogi, Billionaire Boys batch 2 at kung ano-ano pang nobelang naisulat ko.
Kumabaga, walang maaaring makapag-akusa sa akin na hindi ako ang nagsulat ng mga isinulat kong iyon dahil babatukan ko sila ng tambak ng mga stenopads ko na to.
Writer pala talaga ako. Hahaha!
Anyway, as I browse through those notes, nakita ko rin ang mga pinanggalingan ng lahat ng mga nobela kong iyon. Kung paano iyon nagsimula at nabuo at kung ano-ano ang mga dapat e kahihinatnan sana nila na malayo sa mga nabasa ninyo sa mga pocketbooks na na-print na. Mas type ko kasi ang magsulat ng drafts sa mga notebooks kahit na nga may computer naman ako at laptop. Iba pa rin kasi sa akin ang magsulat gamit ang ballpen at papel. At siguro kasi iyon madaling makita at maayos. Hindi katulad sa computer na kailangan mo pang magpakahirap isaksak ang kordon, i-on ang AVR, i-on ang CPU, i-on ang monitor, at hintaying mag-‘read’ ang computer. And by the time na nakumpleto na ni computer ang routine nito, nalusaw na ang mga ideya na naglalaro sa utak ko.
Kaya bili uli ako ng mga steno pads. I think most writers do this. Si Sofia ang madalas kong makitang magsulat sa mga stenopads. I just don’t know sa ibang writers kung nagsusulat din sila ng mga drafts sa mga notebooks, o sa kung saan-saang papel na puwedeng sulatan. It’s a good practice. At matutuwa rin kayong makita balang araw ang ‘marka’ ng mga pinaghirapan ninyong kuwento. Hindi katulad sa computer na kapag na-virus at kinailangang i-reformat, burado na lahat. Gaya nung nangyari sa akin. Yung mga nauna kong nobelang naisulat sa computer (BBC1, Skylander at Rancho Estate) na naglaho ng parang bula. Pero nung nakita ko yung mga draft notebooks ko, ang saya.
I found out that the original title of Calle Pogi was Los Compadres, dahil sila ang paboritong kunin na ninong ng mga bata sa barangay nila. In BBC1’s original draft, Lantis Nakago was supposed to be a villain of some sort that would crush all the other billionaire boys in sight. At may love scene pala dapat sina Chiza at Brad Crawford ng Stallion series. Pero hindi puwede sa mga fetus pa ang pag-iisip kaya ni-cut ko iyon ng bunggang-bunggah! Naroon din sa isa sa mga steno pads na iyon ang dramang lasheng ng tatay ni Sonja, na totoong nangyari dahil iyon ang drama ng tatay ko noong nalasheng siya habang pasimpleng nagbi-videoke ang nanay at mga kapatid ko.
Fadir na lasheng: “Mga walang galang…alshado na akoh!” *na-hatsing si ate, nagkakamot naman ng kinagat ng lamok si bunso, habang sina sharon (3rd sister) at nanay ay nagkakagulo sa paghahanap ng makakanta sa songbook. Naghuhugas naman ako ng pinggan habang lihim na tumatawa at inililista sa isip ang mga sinasabing kadramahan ni tatay*
O di ba? History iyan. History! Hahaha!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 24, 2011 17:34:53 GMT 8
***November 23, 2011, 7:50 AM. May isa pa akong natuklasang mga nakatagong yaman sa mga stenopads na nahalungkat ko. May mga quotes doon na hindi ko alam kung saan ko napagdadampot. See that? Iyon ang silbi ng mga ready-to-use notebooks. Ang tambakan ng mga naririnig, nakikita, o naiisip na mga eskena, dialogues, punchlines, at kung ano-ano pang mga bagay na maaaring magamit sa mga darating na panahon.
Nakita ko rin dito ang isang essay ko sa sarili ko ng mga ginawa ko minutes before my birthday. Here it is.
November 19, 2006, 11:37 PM. Okay, so here I am outside our house, mulling over some things. Things like my freaking stomachache, food, birthday, and life.
Yeah, it’s the night before my birthday. And I can only smile at the way things are tonight. Smile, wince, and smirk.
I still haven’t had that much rest after staying up the whole two days trying to write/finish a novel. (I’ll just go and check my kaserola full of water to boil for my pancit canton) Okay, I’m back. Anyway, as I was saying, I had one of those crazy nights of my life. I came home from an internet shop feeling really bad coz of a stomachache. Then I saw a lonely scared-looking dried fish on the table. I sighed. That’s what I’m eating tonight. The night before my birthday.
Tuyo.
So I went out and buy two pancit canton from our friendly neighborhood store. Bought in three pieces of monay too. But as the saying goes, ‘when it rains, it pours’. And badluck was pouring in tonight. We have no gas on our TWO gas tanks. Then I went out again to boil some water at our ‘ulingan’ near a dead tree. Two boys from our neighborhood accompanied me but they also have eyes on my only source of nourishment. Then the other guy said, ‘di ba may kalan kayo? Kabibili lang kanina.’
Oh, yeah. We do have a spare ‘kalan’. Sheesh. I went back inside the house. My precious bowl of canton almost toppled over. Sheesh again. I mixed some hot choco and alas! No sugar in sight. And finally, after so many disasters in less than an hour, I had my food ready at the table. Now I only have to wait a few minutes more before the clock strikes 12.
45 minutes before 12…40 minutes…35…32…27…26…Ah, what the hell. I wouldn’t make it on my birthday if I die of starvation now. So I eat.
Happy birthday…in advance!
Ayos di ba? Nakakapagsulat ako ng mga pangyayari habang binabagyo ng kamalasan. Sino lalaban? He-he!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 30, 2011 4:53:30 GMT 8
Konting background lang sa bagong entry ko na to para di magulat ang mga makakabasa. Years ago, dahil sa kadukhaan ay naisipan namin nina Sofia at Sheena Rose na gumawa ng blog para makapagkakitaan. Unfortunately, hindi iyon nag-click dahil kailangan daw pure English. Kumusta naman iyon di ba? Anyway, diretso pa rin kami sa kadaldalan namin hanggang sa pare-pareho na namin iyong makalimutan dahil sa kawalan na rin namin ng panahon na magsulat ng kung ano tungkol sa sari-sarili naming buhay. Until i decided na burahin na lang un blog at baka may maka-hack pa e gamitin pa iyon sa kung ano-anong kalokohan. Pero bago ko iyon tuluyang na-delete ay kinuha ko muna yung mga entries namin doon at ni-save ko sa aking computer. Kailan ko lang nahalungkat uli iyon at habang binabasa ko e natatawa na lang ako. Lalakas pala ng topak naming tatlo hehe! So anyway, dahil sa wala na naman akong magawa kaya isi-share ko na lang dito ang mga past blog entries na iyon.
Enjoy reading!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Nov 30, 2011 4:55:04 GMT 8
**I think this was way back 2008 or 2009...**
IMPRESSION... ok, nagkamali lang, tao lang By: Sheena Rose
Ang article na ito ay tungkol sa dalawa sa tatlong pinakapaborito n’yong celebrity sa whole wide universe (kunwari lang). Sino pa ba kundi sina Sonia at Sofia. (In case nagtataka kayo kung sino ang pangatlo, ako ‘yun. Kunwari nga lang.)
2004 nang masalta ako sa Precious. Nagkaroon ako ng chance na ma-encounter sina Sonia at Sofia, if I’m not mistaken, 2005 na. Magkasama silang dalawa. (Noon, kapag hindi sabay dumating sina Sonia at Sofia sa Precious, isang kataka-takang event iyon. Tinagurian namin silang kambal.) Si Sofia lang talaga ang natandaan ko sa kanilang dalawa dahil, well, siya lang ang nagsasalita. Si Sonia, nakaupo lang sa couch.
Ang una kong napansin kay Sofia ay ang bilis niyang magsalita, hindi ko kayang habulin. Dahil hindi kayang i-process ng utak ko lahat ng sinasabi niya, patangu-tango na lang ako habang iniisip, Parang ka-close niya lahat ng tao dito kahit ngayon lang niya nakausap. Ganoon ka-friendly si Sofia. Kahit hindi ka pa niya masyadong kilala, ikukuwento niya sa iyo ang latest trip niya sa Sagada. Second time na nagkita kami sa publication, nalaman ko na kung ano ang school niya, work experiences, may fascination siya sa lahat ng bagay na may kinalaman sa Japan, et cetera. Take note, hindi pa niya alam name ko (o nakalimutan yata niya).
Si Sonia naman, ilang months pa bago ako may natatandaan na nagkausap kami ng mahaba-haba. She found out na may lalabas akong series (The Sweet Refuge) at tinanong niya ako kung independent series ba ito. I told her, “no, under PHR imprint.” Pero siyempre, Tagalog. Ha, ha! Nabanggit sa akin si Sonia na may lalabas rin siyang series, her first, I think. Siyempre, alam na alam n’yo ang Billionaire Boys Club batch 1. Nalaman ko na friendly rin naman pala si Sonia, basta ‘wag mo lang ie-expect na kakausapin ka niya dahil wala lang, gusto lang niyang magsalita.
April 2005 nang pare-pareho kaming pumirma ng contract sa Precious so wala kaming choice kundi magkita-kita sa publication kapag Saturday. Natuklasan ko ang mga hilig nila. Unang-una na doon ang anime, Asianovelas, series ni Arielle, shows sa ABS. Medyo nagkakasabay-sabay na rin kaming umuwi kaya mas nakilala ko pa sila. Dati, naglilibrehan pa kami sa pamasahe. Pero kinalaunan, KKB na palagi. Wala, eh, mahirap ang buhay.
Katagalan, nagkaroon ng mga changes. Si Sonia, medyo makuwento na. Siguro, ganoon talaga siya. Kailangan, kilalang-kilala na niya ang isang tao bago siya makapag-open up dito. Si Sofia, naging fasyonista Hinding-hindi ko makakalimutan ang bandanna na palagi niyang itinatali sa ulo niya. Nasaan na ba iyon, Sofia? Ba’t di mo na ginagamit? And then there was a time na palagi siyang naka-skirt (nakakainggit!) Denim, bubble, floral, name it, she have it. Iba pang mga bagay na na-associate ko kay Sofia: Starbucks, Quiapo, Princess Hours. Si Sonia, mas natatandaan ko sa mga shoes and sandals na isinusuot niya. And then her hair, perpetually short. Naa-associate ko naman siya sa… ahm, Marikina? He, he. Wala akong maisip, eh. Ah, alam ko na! SOCO at clothing brand na Genevieve Gozum. There.
Siya, puputulin ko na ito at baka mabato na ako ni Sonia at Sofia sa mga pinagsasasabi ko. Ciao!
|
|