|
Post by soniafrancesca on Jul 10, 2011 16:47:42 GMT 8
Hong Kong Express.
In Korean, Hong-Kong Ik-seu-peu-re-seu.
Sige, pahirapan mo sarili mo. Haha!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 10, 2011 17:05:11 GMT 8
Yeah...i love pix. Naadik tuloy akong magpopost ng mga pictures dito. Salamat sa nagbibigay sa akin ng laya na gawin lahat ng gusto kong gawin dito haha!
|
|
|
Post by Mhelai on Jul 11, 2011 15:06:45 GMT 8
Pacomment lang.
I'm happy sa nabasa kong development, Ate Che. Tinupad na ni Lord ang isa sa mga wishes ko. Fight-o! And oh, asan ang karugtong ng story nina Maria at Aoi? Ayaw mo naman ng mahabang name para sa alter ego ko. Haha!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 12, 2011 18:25:53 GMT 8
Oy, sinisira ninyo momentum ng mga Tweets ko.
Heniwey, ginagawa ko lang un Maria-Aoi kapag nakatambay ang utak ko sa mga nobela. Kasi hindi ko pa puwedeng gawin un sa kanila dahil malamang e fanfic na naman kalalabasan nito. Hindi makakapasa sa PHR haha! Pero dahil ako'y dakilang ewan, itutuloy ko ang mga bagay na hindi ko natatapos at gusto kong gawin. Kaya Maria-Aoi, steady lang kayo diyan. Ikaw din, Kai-kun na wala pang pangalan ang kapakner.
BAWAL MAG-COMMENT DITO HA? TERITORYO KO ANG THREAD NA TO. PAKI-MESSAGE NA LANG AKO SA QUESTIONS THREAD PARA ALAM KO KUNG SAAN AKO TSATSAGOT. TSALAMAT. MUAH!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 18, 2011 21:14:47 GMT 8
Goodbye, Harry Potter!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 18, 2011 22:20:07 GMT 8
May tapal ng salonpas ang mga balikat kong sintigas na ng hollowblocks dahil sa lamig. Gustong-gusto ko ng kamutin ang mga peste. Ang init na malamig. Menthol, dude.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 30, 2011 20:21:03 GMT 8
Nakauwi din ng bahay pagkatapos ng mahigit isang linggong paglalakbay sa Visayas. Kahit gaano pa kaganda ang mga napuntahan ko sa ibang lugar, nothing beats home sweet home pa rin. Naalala ko pa na nung pangatlong araw ko sa Sea Corrals Beach Resort sa Panglao, Bohol, narinig ko ang boses ng nanay ko na tinatawag ang pangalan ko. I'm not a sentimental person pero nang time na iyon, haha! gusto kong sumigaw at tawagin ang nanay ko. Yeah, Nanay's girl talaga ako. Proud. Yo.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 30, 2011 21:22:31 GMT 8
I experienced a lot of first times nang mawalay ako sa galamay ng Metro Manila. For one thing, first time kong makapasok sa NAIA Terminal 3. Pangarap ko kasi iyon na makita kasi feeling ko maganda iyon. At hindi naman ako na-disappoint. Terminal 3 could well be dubbed as the country's premiere airport. Too bad pang-domestic flights lang siya. Sabi nila, may issue chuchu pa raw about Terminal 3 ang government. Sana matapos na iyon at nang maipagmalaki na natin sa buong mundo na meron din tayong world-class na airport at hindi na matawag na isa sa bansang may pinaka-panget na airport sa buong mundo. Isampal natin sa report na iyon ang NAIA Terminal 3 at nang matameme siya. Beh. Another first time, first time kong nakasakay ng eroplano. Yey! Tawa kami ng tawa ng kasamahan kong writer na si Heart Yngrid kasi magkatabi kami sa eroplano. Nakatitig lang kami sa umuusok na aircon ng Cebu Pacific. Sabi namin ni Heart, dapat na siguro magpatawag ng bumbero. The airplane was on fire! Pero siyempre, joke lang iyon. May topak kasi kami ni Heart. Nung bumilis ang takbo ng eroplano, yung iba siguro takot ang feeling sa mga ganong pagkakataon. Ako? Parang hyena na nakangisi. Di ko mapigilan. Gusto kong humagalpak ng tawa. Ewan ko rin kung bakit. Basta lang gusto kong tumawa ng malakas habang papaakyat ang eroplano sa ere. Naalala ko kasi yung experience ko sa Space Shuttle Max ng Enchanted Kingdom, hehe! Anyway, we had a nice flight. Alam ko guided kami ni Lord kaya nakarating kami ng maayos sa Mactan Airport. Mainit sa Cebu nun time na iyon. Disappointed ako. Wala palang snow sa Cebu? Hay. We stayed at a Japanese hotel. Hotel Asia ang name. Prinsesang prinsesa kami sa hotel na iyon. Salamat sa pag-aasikaso ng phr staffs na kasama namin hehe! May nakita ba kaming guwapong Hapon doon? WALA. Kunwari lang may Hapon dun haha! The three-day booksigning was great, though. Hindi talaga namin akalain na laging mapupuno ang oras namin ng mga nagpapapirma. Ini-expect namin na wala gaanong pupunta kasi nga konti lang ang alam naming nag-confirm. Pero nagulat kami nang natatapos kami ng lagpas pa sa oras na inaasahan namin. The three of us (me, Sofia and Heart Yngrid), were signing books from 1pm to 5+pm. It was a miracle. Hay, thank you, Lord, for all the success! Pero sa tingin ko, ang pinakamasayang part ng Cebu trip namin, bukod sa pagmi-meet sa mga Cebuano readers, ay ang tawanan naming magkakasama. We were laughing our ass off tuwing pagkatapos ng signings. Hindi na kasi namin kailangang magpaka-demure because of our formal wear haha! Yeah...it was quite nice spending time with the Dirty Beat Gang.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 1, 2011 22:44:11 GMT 8
Marami ang nag-e-expect na makita ang pribadong buhay ng mga dating miyembro ng Stallion Riding Club sa mga isinusulat ko. Pasensiya na kung hindi ko mapagbibigyan ang mga ganong klase ng request.
You see, Stallion Riding Club was created for the boys. Nagkasundo kami noon ni Sofia na wala kaming ilalagay na anak-anak ng mga former members sa loob ng SRC. Puwede siguro pasulpot-sulpot ng isa o dalawang beses, but that's it. Kaya kung mapapansin ninyo, kahit may asawa na ang karamihan sa kanila, usually ay hindi nababanggit ang pribado nilang buhay sa ibang mga novels. And, usually, kahit may asawa na ang mga dating members, madalas ay nababasa nyo pa rin sila sa SRC ng wala ang kanilang mga asawa. Nababanggit ang mga misis nila, oo. Pero hanggang dun na lang din iyon.
So, I hope people who love SRC would understand. Stallion Riding Club was for the boys...and for the boys alone.
I, thank you. Bow.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 2, 2011 0:15:42 GMT 8
Sonia Francesca's daily needs as a struggling writer.
a good table a comfortable chair and a blank wall to stare at.
....a cup of coffee. or make it TWO cups of coffee something to eat to occupy my mouth music to block out the noise CR water
....
mosquito repellant our asthmatic electric fan my slippers
....
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 2, 2011 16:10:38 GMT 8
Lately, napapansin kong puro na lang may kinalaman sa music ang mga kuwentong naisusulat ko. Bakit kaya? Hindi naman ako mahilig sa music. Napakaliit nga lang ng mundong ginagalawan ko pagdating sa mga ganong bagay. Either korean ballads or japanese rock lang ang trip ko. Well, anyway, as long as I can create stories, I guess anything would be fine.
Binawi ko rin ang sarili kong dilemma. haha!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 3, 2011 0:03:15 GMT 8
Had my new Facebook account today. This time, ill make sure it will be a very private account. Gusto ko namang magkaroon ng privacy sa mga social networking sites para makapagsalita ako ng mga gusto kong sabhin na hindi makakaaapekto sa mga nakakakilala sa akin bilang isang writer.
Yes, I intend to keep it that way. Kaya sa mga makakabasa nito at nakakita na ng account ko na iyon, huwag na ninyo akong iadd doon. Let me have that account for myself, okay? Para kapag may namburyong na naman sa akin e hindi maaapektuhan ang mga private contacts ko. It was really a mess the first time I had my personal account na hinayaan kong magkaroon din ng access ang mga public contacts ko.
Hope you understand. Thank you.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 6, 2011 1:34:28 GMT 8
I've been watching a Korean channel a while ago. At nagkataong Battle of the Boybands ang episode nila. Super Junior, 2PM, 2AM, MBLAQ, Bigbang, Beast, etc. Naisip ko tuloy...........
GUSTO KONG MAGING MEMBER NG ISANG BOYBAND.
Unfortunately, ipinanganak akong mahirap kaya wala akong pampa-opera. Joke. Hehe! Kaya nag-isip ulet ako.................
MAG-FORM KAYA KAMING MGA WRITERS NG BOYBAND?
Ayaw talagang tigilan ang kabaliwan, ano? Sensiya na. Nalunod na naman ng kapeng Bohol ang utak ko kaya...................
PERO WHAT IF NGA NA MAY BOYBAND ANG MGA WRITERS NG PHR ANO? May mga dancers, singers, at moral supporters kung saan ako naka-category. Wala kasi akong talent kumanta at sumayaw.
May susubaybay kaya sa buhay namin sa Youtube kapag idinokomentaryo rin ang bawat segundo ng buhay namin? Ilang milyong hits kaya ang makukuha namin?
Ganito si Sheena Rose mula ala sais ng umaga hanggang ala una ng hapon. Tulala. Ganito si Sofia mula ganitong oras hanggang ganitong oras. Nakikipagtsismisan. Ganito si Sonia Francesca mula ala una hanggang alas kuwatro ng madaling araw. Nagpapalit ng wallapaper ng computer. Ganito si Keene Alicante sa buong panahon na gising siya. Kumakain. Ganito si Heart Yngrid mula ganitong oras hanggang ganitong oras...............wala akong impormasyon sa ginagawa ni Heart ng mga ganong oras.
So. May magkakainteres pang subaybayan ang pribado naming buhay?
Mag-aral na lang kayong mabuti. May mapapala pa kayo.
O kaya, ipaubaya na lang natin ang boybands sa mga Koreanese. Yallaphoungthai! *taas kamay*
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 6, 2011 2:22:33 GMT 8
"Every heart has its secret sorrows which the world knows not, and oftentimes we call a man cold, when he is only sad." — Henry Wadsworth Longfellow
And you call a person funny while her heart was slowly dying. Wapak!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 6, 2011 2:36:34 GMT 8
Nakakatamad..................
Nakakatamad..................
NAKAKATAMAAAAAAAAAAADDDDD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
|
|