|
Post by cedieyui on Jan 14, 2008 13:01:51 GMT 8
tnx sa comment mo mhelai. yaan mo sa susunod pagbubutihan ko na. mabilis din ang story for me eh. kailangan pa ngang lagyan ng kilig factors. pag-aaralan ko pa paano gawin yan. tnx ulit!
maganda ang 'a realization' ah mhelai. kip it up!
|
|
|
Post by Mhelai on Jan 14, 2008 16:09:25 GMT 8
oy, isa pang nilalang na nagsabing maganda. pang-apat ka na. oldo yung pangatlo, si ate sharon joy, nagreklamo na kulang raw sa element ang short story ko. nangatwiran ako na talagang tamad akong kumpletuhin ang element ng isang short story. e panu naman kasi, complete means, mahaba. as in mahabang short story. e di ko kaya yun. mababaliw ako. bwahaha.. katwiran ko kasi, kung pahahabain ko ang ss ko, gagawa na lang ako ng nobela. bwahahaha... iba raw ako gumawa ng twist. naks, naman.. di ko napansin yun. para nga lang ordinayo mga twist ko diba? at, wag na kayong mabaliw kung bitin ang mga gawa ko. mahilig ako sa hanging story dahil exciting yun. as in bahala na kayong gumawa ng sarili nyong ending. hndi dahil yun ang style ko. tamad lang kasi akong talaga kaya pagpasensyahan nyo na ako mga katoto. bwehehehe...
|
|
rhozebil
New Member
whhaaaii!!!
Posts: 42
|
Post by rhozebil on Jan 17, 2008 20:28:56 GMT 8
waaaahhh! te avz hinahanap ku nga kung may continuation na ung profesor eviL! nawala nmn na sya!!! hehehe.. kaya pala, nagtransfOrm na po sya sa -the scar? wheee.. okz lng, isa pa rin ako sa masugid na tigabasa rito, kaya lng di po muna ko mkkpagbasa sa ngaun.. bka tom. mbabasa ku rin yang sau ate rose.. (ate nga po ba?) sensya po kung di muna ko mkkpagcOmment.. kapalayaw p pla kita.. (anu nmn kya kunek dun) ;D mm pati po ung inyo, tOm. ku n lng basahin, kelangan ku p kse magreview.. malamang may bitin factOr n nmn.. niahahaha ;D shing shing! ay hinde.. avah, may <end> sa duLo.. hmm.. i wonder...
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Feb 29, 2008 22:58:06 GMT 8
Ok, ako naman ang magsi-share ng aking natatanging talento, hehehe
TITLE: Dakilang Api (Partly, kinuha ko yan sa mga experiences ko)
Isang simpleng nilalang lamang si Mavy (syempre ako bida,!) na namumuhay ng tahimik at mapayapa sa mundong kanyang ginagalawan. 3rd year highschool na siya at trying hard mapa-taob ang kanyang mga malahiganteng classmates (average lang kasi ang height niya) at dahil pangalawa ang section nila sa pinaka-mataas, marami silang sinasalihang contest sa school nila, at isa na nga roo ang Speach Choir, and this is where our story began.....
Shocked si Mavy sa kanyang nakikita sa mismong harapan niya, kasalukuyan silang nagpa-practice ng kanilang Speach Choir sa isa sa mga room sa kanilang school at dahil medyo mahina ang resistensya niya, maagang sumakit ang ulo niya, kaya naman inilagay siya ng leader nila na si Justine sa likurang pila para makapagpa-hangin, pero mukahang mas sasabog pa ang utak niya sa nakikita ngayon dahil ang "Tall, White and Handsome" nilang classmate na si John Raymart, "Mati" for short, ay nasa harapan niya, hindi naman niya ito gaanong pinapansin noon pwera lang ngayon na kasalukuyan siyang naka-upo at ito naman ay naka-tayo habang hawak pataas ang pantalon nito, nalantad tuloy sa kanya ang mahaba, makinis at maputi nitong binti, hindi niya akalaing ganito pala kaganda ang binti nito at ang mga kuko naman ay napaka-linis. Tiningnan niya ito, nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Binigyan niya ito ng tinging nagsasabing "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo,?" "Eh, ano naman," sagot nito, "Mainit eh." Umiwas siya ng tingin. Pakiramdam kasi niya matutunaw na siya sa titig nito. Pero hindi pa rin talaga maalis sa isip niya ang magandang binti nito.
Pagkatapos ng practice ng kanilang speach choir, daig pa ni Mavy ang babaeng naglilihi. Masakit na ang tiyan niya sa gutom pero hindi siya makakain dahil sa tuwing magsusubo siya ng pagkain ay para siyang maduduwal at parang ayaw tanggapin ng tiyan niya ang mga pagkain sa harap niya, kaya pinili na lamang niya ang uminom ng milo.
"Wala ka bang balak kumain?" tanong ng lola niya.
"Wag na 'Nay, kung ayaw mong maglinis ng pinagsukahan ko,"
Hinayaan na lang siya ng lola niya, pagkakain niya ay dumiretso na siya sa kama niya at nagpasyang matulog, pero ayaw talaga siyang tantanan ng imahe ng magandang mga binti ni Mati, kahit nakapikit ay malinaw pa ring nakaukit sa kanyang isipan ang mga binti nito, bumalikwas siya ng bangon.
"Putik,! Pwede ba Mati, tigilan mo na 'ko!" at magdamag siyang napuyat dahil sa kakabalikwas niya.
(Next time na yung next chapter, may emergency kasi eh)
|
|
ayumi
New Member
..written in the stars..
Posts: 29
|
Post by ayumi on Mar 3, 2008 11:51:04 GMT 8
ang galing naman! naaliw ako sa kakabasa! ;D wala akong kwentong maishe-share eh.. hindi ko nga matapos tapos ang isang chapter inaatake kasi ako ng pagiging tamad na nilalang pag dating sa pagsusulat. hehehe kaya eto na lng po ang maishe-share ko..
|
|
|
Post by Mhelai on Mar 12, 2008 15:23:13 GMT 8
LOVE HURTS
why do i care much for you? when you don't have a bit care of me? why do i think much of you? when you don't have a single thought of me. why do i waste my time on you? when i know you don't love me. this i've known for so long but still i have patience bec. of you. i need your smile that brightens up my day. i need your presence that light up my soul i need your love today and always.. i care so much for, i have only one love and that is you......
LIHIM MO'Y LIHIM KO RIN....
Sa may campus vicinity,tayo ay nagkakilala accidentally nagkabungguan tayo, sabay pa nagsabi " i didn't mean it..im sorry" mga books ko'y tumilapon,matiyaga mo namang inipon and when you handed them bck to me,you gave them na may ngiti then you introduced yourself to me..you asked my name i told you im jaclyn pagkikita natin naging madalas.we became frends but later on i begin to notice..there been something in your gazes kasabay noon aking napagtanto,til ako'y napapaso samga sulyap mo.. binalewala ko lang ang nararamdaman ko...until someone said that mahal mo ko.. you just don't know how happy i was...w WHEN YOU COURTED ME...FINALLY AT LAST......
WHY
WHY DO I LOVE YOU? IF LOVIN' YOU ONLY MEANS BITTER THOUGHTS...THAT YOU'RE NEAR...YET SO FAR/...
WHY DO I LOVE YOU....IF LOVIN' YOU ONLY MEANS SLEEPLESS NIGHTS... FALSE HOPES AND DREAMS OF LOVIN YOU....... WHAT MORE CAN I DO.... BUT DREAM OF YOU.... COZ ONLT THERE I CAN HOLD YOU CLOSE TO ME.......
:PHeLpleSs
I used to pretend a lot to hide this feeling inside my heart, how can i cease the pain, when i feel it all over again when i told youy i hate you,for all the world to know, that wasn't true i just can't bear it seeing you like that. i don't want you to know,i'm dying bec. of sorrow i know you love her, but i would'nt mind it anymore. i wish i could also hear that you did once care.....
POEMS WRITTEN BY JACKIE
|
|
|
Post by Mhelai on Mar 12, 2008 15:25:54 GMT 8
pwede share ko rin poem kow!?
hehehe...
cherish me with thine adorable fair and promise me you will always be there relieve the wound in mine that never heal over along time i cannot reveal let me knock the door of thy king's heart in yours to be with as a part nothing if ever seperate us two everything i'll do just for you
POSTED BY: NESTLE
|
|
|
Post by avonski on Mar 20, 2008 10:18:15 GMT 8
I.
THE SCAR
IT HAS BEEN TWO YEARS since I last saw him. Parang kailan lang, kasama ko pa siya, naglalakad sa park, kumakain ng fish ball, naglalaro ng badminton sa gym kahit palagi niya akong natatalo. Habambuhay ko sigurong dadalhin ang mga alaalang iyon kasama siya. Kasama na siguro iyon, ay ang matinding pagsisisi sa isang kasalanang hindi ko alam na aking nagawa.
Ngayon, isang araw na naman ang kailangan kong palipasin. I work as a feature editor to a leisure magazine. Magandang distraction ang trabaho ko. Nakatulong ito ng malaki para makabawi ako mula sa mga nangyari. It required me less effort on moving, as the doctor had prescribed me.
Kasabay nito, umaatend din ako ng isang klase ng psychology. Malaki raw ang maitutulong niyon sa akin for better coping. Though alam ko namang hindi ko na kailangan iyon, nakakagulat na napasunod nalang ako sa gusto ni mama...
Siguro, dahil ayoko na mag-alala pa siya sa akin.
As I entered the hall, people automatically set their eyes on me. Diretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang ibig ipahiwatig ng mga tingin na iyon. Maybe I’m just being paranoid. Two years na akong ganoon. Para bang sa isang iglap lang, nawala ang kakayahan ko na magtiwala sa aking kapwa.
My co-workers are nice people. As well as my classmates. Nasa akin lang siguro talaga ang problema. Sa tuwing nakikita nila ako, naiinis ako. Nababasa ko na kaagad sa mga mukha nila ang matinding pagkaawa. Palagi nila akong sinasabihan, na kung may kailangan daw ako, wag akong mahiyang lumapit sa kanila. Im not used to that kind of treatment. I dont need anything. I dont need anyone.
Well, there is someone I wished I could see again.
Iyon lang at naramdaman ko ang isang biglang pagtapik sa aking likuran. Medyo masakit iyon. Ang bigat ng kamay. Kung wala lang sigurong nangyari ay magrereact ako kaagad---tatayo at gagantihan ng mas malakas ang kung sinumang hinayupak na tumapik sa akin. Pero dahil nga sa marami ng nangyari, wala na akong lakas para gawin pa iyon. wala na akong sigla.
“Good morning,” I muttered. Pero hindi gumanti ng bati ang kung taong iyon na tumapik sa akin. Ni hindi ko nga napansin na nakaalis na pala siya sa likuran ko.
Maybe that was Nelson. Katulad ko ay for personal reasons lang ang dahilan niya para umatend ng ganitong klase ng pag-aaral. Mahilig lang talaga iyong inisin ako at magpapansin sa akin.
Maybe because we were schoolmates back in highschool.
Hindi naman ako manhid. Alam kong may ibang kahulugan ang pakikipaglapit nito sa akin. Ito pa nga mismo ang nagsabi niyon. I honestly told him nalang what I think. Hindi ko kayang gantihan ang kung anumang nararamdaman niya para sa akin. But knowing him, pilit parin nitong sasabihin na maghihintay ito.
Tahimik na naupo nalang ako sa usual pwesto ko. wishing that day would just end.
And to ease boredom, binasa ko nalang ulit ang aking registration form. its gonna be our first period for the day, Abnormal Psychology. so far, sa tatlong meetings na naatenan na ko, okay ang subject. medyo bored lang ako sa prof. puro kasi sarili lang nito ang kinukwento nito.
Bumukas ang pinto. alam ko iyon dahil pumasok ang mainit na hangin mula sa labas. narinig ko ang ingay na likha ng takong ng leather shoes dahil matinding katahimikan ang namayani nang mga sandaling iyon.
"Good morning."
Nag-angat ako ng mukha. and because I was seated second row behind the front seats, kitang-kita ko ang pagbabagong nangyari sa aming prof.
Rather, ibang tao na ang nasa harapan namin ngayon.
She’s not a she anymore. He’s a he.
That face...
"I said, good morning,"ulit nito.
Tumayo kaming lahat at bumati rin dito. anong nangyari sa amin? bakit tila ba pare-pareho kami ng naging reaksyon sa pagdating nito?
The man smirked. "Akala ko tulog pa ang mga utak nyo. Its two o'clock in the afternoon already, for Pete's sake."
I could have commented something, like my classmates na biglang tumawa sa hirit nito. pero hindi. I kept staring at the guy's face. he looked strangely familiar.
"AS you can see, wala ngayon si Miss Perez. So I was asked---kahit ayaw ko, to be her substitute for today." Tumikhim ito. "I am Jeric Galledo. And don't call me Sir, or sir Jeri, dahil hindi naman tayo close. Call me MR. Galledo."
And from being mesmerized, I felt something odd towards him.
Ang weird naman niya.
Pero malas, nahuli niya akong nakatingin sa kanya. he immediately stared back at me.
"Yes, miss, is there any problem?"
II.
NOON KO lang napansin na sa akin na nakatuon ang mga mata ng lahat. Particular na ang bago naming professor.
Bigla ay nakaramdam ako ng matinding hiya. Umiling nalang ako bilang sagot sa unang tanong nito.
But Mr. Galledo kept staring at me. Na tila ba naghihintay ito ng ibang sagot mula sa akin.
"N-None, s-sir." sinabi ko nalang para tumigil na ito.
He smiled. "Ayun. Akala ko kasi, pipi ka."
Narinig niyang naghagikgikan muli ang mga kaklase ko. Muli, naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha. Pero hindi ako nakaramdam ng inis. At iyon ang hindi ko maintindihan.
Noon lang yata ako nakaencounter ng isang professor na kasing-rude nito.
"Okay, class, let me remind you that you shouldn't forget that YOU are human beings. In this class, at least just for this day, I am encouraging all of you to be human. Meaning, gusto kong umakto kayo, as real people. No inhibitions. You don't need to introduce yourselves one by one---mauubos ang time ko, and I'm not interested." Nagtawanan muli ang mga kaklase niya.
Hindi ko naman maintindihan kung bakit natatawa ang mga ito sa lalaki. The guy was obviously...weird. Odd, as psychology students would describe.
Tinitigan ko ulit ang mukha nito, sa isa pang pagkakataon na hindi na nito mapapansin. iyon nga siguro ang dahilan kung bakit natulala ako kanina. It was odd for me to think that he could be Vince.
Dahil napakalaki ng pagkakahawig ng mga ito.
"Get one-fourth sheet of paper. legibly, write your name, student number and course. and below, write your expectations about the subject."
Katulad ng mga kaklase ko, naghanap ako ng 1/4 yellow paper sa bag. manaka-naka ay pinagmamasdan ko ang lalaki.
No, they could have the same features, but not all. Rugged ang dating ni Mr. Galledo. Wala nga sa itsura nito ang isang Psychology prof. He was wearing a casual black shirt, with a tribal print on his chest. Anyway, kahit ganoon ay napakadignified nitong tignan.
Matangkad ito. Siguro ay anim na talampakan. he has nice built, all lean muscle. at dahil sa shirt nito, kitang-kita ko na flat ang tiyan nito. siguro ay hindi naman nalalayo ang edad nito sa edad namin.
He’s fair-skinned.makinis din ang balat nito. he's hair was tinted hazel not brown. bagay iyon dito.
SA mga naiisip ko, bigla akong nagulat at naguluhan sa sarili ko. bakit ko siya dinidescribe ng ganoon? am i attracted to him?
Pilit kong inialis sa isip ko ang mga bagay na iyon at nagpatuloy sa pagsusulat. sabi pa naman ng doktor na tumingin sa akin matapos ng aksidente, hindi ko dapat pilitin ang sarili ko na mag-isip ng kahit ano tungkol sa ibang tao.
Isinulat ko ang mga expectations ko sa subject. bakit kailangan pa nito niyon? hindi naman iyon ang first day.
Ipinasa naming lahat ang mga papel. isa-isang binasa nito ang mga iyon. panaka-naka ay nagkokomento ito. at gaya ng dati, he sounded rude enough to me.
"Next...wait, how do you read this? Yvonne?"
"Avon po,"I answered. iyon pa ang isa sa mga ayaw na ayaw ko kapag may ganoong orientations. pakiramdam ko, others are mocking at me because of my first name.
"Okay." tumangu-tango ito. "Ayaw mo ng Sara lee?"
Pilit na ngumiti nalang ako. sabi ko na nga ba eh. "Iyon ang ginagamit kong make-up, actually."
"Oh. Well then, I'll call you sara lee nalang."
Awtomatikong bumagsak ang panga ko. later naisip ko, tutal, sub prof lang naman ito,pagbigyan ko na.
Karmahin ka sana...
However, suprisingly, i found myself smiling...
III.
NAging tila ba napakahaba ng araw na iyon para sa akin. sa loob lamang ng tatlong oras, hindi ko maintatangging marami nga akong natutunan sa bago naming prof.
Nagkamali ako sa unang impression ko sa kanya. he really is a psychology professor. alam na alam nito ang mga sinasabi nito. at walang tanong namin na hindi nito nasagot.
Pagkatapos ng aming klase, kaagad kong nahuli ang iba kong kaklase na mga babae na palihim na ngumingiti rito. kunsabagay, hindi ko naman sila masisi. the guy was beyond attractive. he is gorgeous. sa tuwing nakikita ko siya, naalala ko yung lalaki sa commercial ng isang shampoo. ganun din sa lalaking kumakain ng maanghang na noodles. at kahit hindi nito kahawig ang mga nabanggit ko, he gives and shows the same aura.
Ilang sandali pa at hindi na yata talaga nakatiis ang mga kaklase ko at lumapit na dito. nagpakilala ang mga ito na para bang mga highschool students pa. Manaka-naka ay nakikipagkamay pa ang mga ito sa lalaki. parang mga timang.
At bakit naman ako nagrereact? Ano namang pakialam ko?
Nagpasya nalang akong maghanda na sa pag-uwi. mukhang uulan pa dahil medyo madilim na ang kalangitan. nakalimutan ko pa namang dalhin iyong payong na laging nakasuksok sa bag ko. hiniram nga pala ni kuya.
Hindi nagtagal at nakalabas na rin ako ng university. Napasimangot ako nang maramdaman ko ang malamig na hangin. I remembered how I loved the rain. Pero ngayon, isa ito sa mga bagay na kinaiinisan ko na. It only reminds me of something I could regret for the rest of my life.
Nakita ko ng marami na ang nagmamadali sa pagsakay ng jeep. Kaya nagpasya nalang ako na sa kabilang kanto nalang mag-abang.
Iyon ang unang beses na nakapaglakad ulit ako sa kalye ng ganoon. Ayaw na ayaw kasi ni Vince na naglalakad ako ng nag-iisa. delikado na raw ang panahon ngayon.
Dumiretso nalang ako sa tindahan doon para doon makapaghintay. narinig kong nagbeep ang aking cellphone kanina at kinuha ko iyon para matignan.
Message galing sa auntie ko.
AVI,DRATNG N M2YA UNG BGO NTING BOARDER. IKW N MUNA MG-ACKASO S KNYA.MBAIT NMN YON. BKA KC GBIHN AQ. GNUN DN ANG KUYA MO.ILUTO M NLANG UNG MGA PINAMALENGKE Q KNINA.
Pagkabasa niyon ay ibinalik ko na sa bag ang cellphone.
Nang lumuwas ako dito sa maynila, si auntie--kapatid na ni mama-- na ang kumupkop sakin. may-ari ito ng isang boarding house. si kuya jason na anak nito at ito lang ang kasama niya sa bahay. kapag umaalis ang mga ito, sa kanya pinababantay ang bahay pati na ang katabing boarding house.
Malaki naman ang boarding house pero hanggang sa tatlong tao lang ang tinatanggap ni auntie. at halos mga kakilala lamang namin ang pinapatuloy niya roon. hindi naman kasi lingid sa amin na kahit sa mga ganoong sitwasyon ay hindi na rin ligtas ang magpatuloy ng kung sino-sino.
Nang nakaraang buwan, isang malayong pinsan nila ang tumuloy doon. pagkatapos, yung pamangkin naman ng kaibigan ni auntie. siguro ganoon din yung darating ngayon.
Dumating na ang jeep at kaagad na akong sumakay. ako na naman pala ang magluluto para sa boarder. mabuti nalang pala at wala akong pang-gabing schedule.
Pero hindi ko inaasahan na aabutan ako ng matinding traffic. mukhang ganoon pa rin. gagabihin pa rin ako.
Pagdating sa bahay kaagad kong hinalungkat ang susi. iyon lang at nagulat ako nang hindi ko iyon makita sa aking bag.
"Nasan na yon?!" tatlong spare keys lang ang meron kami. anong katangahan ang nangyari sa akin at yung sa akin pa ang nawala?
Nang hindi ko na talaga makita iyon sa bag, nagpasya nalang akong pumasok gamit ang bintana sa likuran. ganoon ang ginagawa ko kapag nakakalimutan ko ang susi sa bahay. pero siyempre, kami lang ni kuya jason ang gumagawa ng ganoon. at patago namin iyong ginagawa. mahirap na. baka may makakita at bigla kaming gayahin.
Iyon na yata ang pinakamalas na araw para sakin. una, isang weird na prof na sa harapan pa nito ay napahiya pa ako.pangalawa, hindi ako makapasok sa sarili naming bahay.at pangatlo, para akong tangang pumapasok sa bintana kahit nakaskirt ako.
Ilang minuto ko ring pinilit ipasok ang sarili ko sa bintana. diyahe dahil nakaskirt. pero importante, nakapasok naman ako ng matiwasay.
Pagpasok ko sa loob ay kaagad akong nakarinig ng mga yabag. kaagad kong binuksan ang ilaw sa kusina at bumungad sa harapan ko ang isang lalaki.
Tumili ako ng pagkalakas-lakas.
IV. ”MISS, TRY MONG SUMIGAW NG MAS MALAKAS PARA MARINIG TAYO PATI SA MARS..”
PAgkarinig niyon, kaagad akong napahinto sa pagsigaw. Maliwanag na ang paligid at maliwanag ko na ring nakikita ang walanghiyang lalaking naging dahilan para matakot ako ng husto. I’m Jeric Galledo
Kaagad napalitan ng inis ang takot ko kanina. Wala ba itong manners—or whatever would they call that. “Anong ginagawa mo rito? Pa’no ka nakapasok dito sa loob? Alam mo bang pwede kitang idemanda ng trespassing?—yeah, Idedemanda talaga kita. Idedemanda kita kahit professor ka pa. Kakasuhan kita ng theft—“ “Bukas ang pinto.” “Anong—“ Tinignan ko siya. “Anong bukas ang pinto?”
. “Bukas ang pinto dahil nag-iwan ng susi ang tiyahin mo.”
Lalo lang akong naguluhan sa sinasabi nito.“Ha! That’s impossible!Wala rito si auntie—“
He sighed as if he was talking to a 3-year-old idiot “Nagtext siya sakin at nagsabing dumiretso nalang ako sa loob. Satisfied?”
Napatanga nalang ako sa kanya habang pinipilit unawain ang mga sinasabi nito. Teka ano nga ba ang sinasabi nito?
“I-Ikaw…yung bagong boarder?”natanong ko nalang.
Blangko pa rin ang ekspresyon nito nang ilabas nito ang isang cellphone. Nagpipindot ito roon at ibinigay sa akin.
Text messages galing kay Auntie.
IHO,NBILINAN Q N UNG PAMANGKIN Q SA PGDATING MO.XA NLANG BHALA KUNG SAKALING MY KAILANGANIN K. AY GANUN B?NATRAPIK LNG CGURO. KUNIN MO NLANG UNG SUSI SA ILALIM NG PASO SA MY PINTO.PUMASOK KN SA LOOB AT MLAKAS ANG ULAN.
Pagbaling ko sa lalaki ay nakalakad ang kamay nito. Ibinalik ko ang cellphone.
“Kanina ka pa ba dito?” “Not really. Just fifteen minutes.” “At hindi mo manlang ako pinagbuksan ng pinto?” “Hindi ka naman kumatok.”
Sa sinabi nito para akong mawawalan ng ulirat. How impossible could he be?
Ito ang bagong boarder namin? Ang antipatikong lalaking ito?
Nang mapagtanto kong wala na akong magagawa, dahil mukhang buo ang tiwala rito ni Auntie. Iginiya ko nalang siya sa kwartong tutuluyan niya.
Sa kwarto sa second floor kami nakarating. Doon ay ipinaliwanag ko na sa kanya ang mga usual na rules na ibinibigay ni auntie. “Pwede mong gamitin ang mga gamit sa kusina kung gusto mong magluto. Pwede ka ring makisalo sa amin pero may bayad iyon. May banyo dito sa second floor at sa may kusina. Kapag kailangan mo ng plantsa, sabihin mo nalang kay auntie.Pwede kang manood ng tv sa sala, until midnight.” Nag-isip pa ako ng mga pwedeng sabihin pero wala ng pumapasok sa utak ko. “Basta kapag may tanong ka pa. magtanong ka lang.”
Nang lingunin ko siya ulit, nasa loob na ito ng kwarto at inuusisa iyon. Gusto kong mapalatak. Narinig kaya nito ang mga sinasabi ko kanina? Habang abala ito sa pagsisiyasat sa silid, nagkaroon naman ako ng pagkakataon na pagmasdan uli ang kabuuan nito. kamukhang-kamukha talaga nito si Vince. Kung hindi ko lang kilala ng husto si Vince, iisipin kong siya itong nasa harapan ko ngayon.
Heh. Ano ba itong sinasabi ko? Kalokohan. He’s a total stranger. Baka nagkataon lang talaga na magkamukha ang dalawa.
He could never be him. Never.
“Kung palagi mo akong tititigan ng ganyan, mauubos ako.” Kagyat na tumaas ang kilay ko. “Excuse me?” “Kanina ka pa ganyan. Lagi kang natutulala kapag nakikita mo ako.”
So, napansin pala niya yon. “Of course not. Bakit naman kita titigan?” Nagkibit-balikat ito. “You’re attracted to me, perhaps?”
Talagang makapal. “And why would I be?” “I’m your senior.” “So what? hindi naman tayo close.” “That’s my line.”
Lumingon siya sa akin. And for a second, para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Lalo na nang tumingin ako sa mga mata niya. They were fierce black. Hindi ko alam kung anong eksakto ang ibig sabihin ng mga iyon. Pero doon pa lang, tila ba parang biglang nanayo ang aking balahibo sa katawan. Pero saglit lang iyon. Faster than an instant, he smiled.
“You’re so cute. SARA LEE.”
Sinimangutan ko nalang siya bago pa may kung anong lumabas sa bibig ko. Mahirap na. baka ako pa ang mapagalitan ni auntie. “Bumaba ka nalang kung gusto mong sumabay sa aming kumain.” Nang balingan ko siya ulit, nakatitig pa rin siya sa akin at nakangiti. Lalo lang akong nailang. Nakakatawa ba ang itsura ko?
Mukhang napansin naman nito na hindi na maganda ang mood niya at binalingan naman ang dala nitong gamit. “Aayusin ko lang itong mga gamit ko.”
Whatever.
V. KANINA KO pa pilit na nilalasahan ang kinakain ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko iyon magawa kahit pa mukhang napakasasarap niyon sa aking harapan. Para lang akong ngumunguya ng tubig.
“Extra rice, please,”wika sa akin ni “Kuya”Jeric. Kuya na ang tawag ko sa kanya dahil matanda siya sa akin ng dalawang taon.
Kasabay namin ito sa hapag, gaya na ng nakasanayan.
Palihim na napabuntong-hininga nalang ako at tumayo para kumuha pa ng kanin. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula nang dumating dito ang lalaki at nagpakilala bilang bagong boarder namin. Well, hindi ko inakalang ganoon na katagal ito rito. Parang kahapon lang nangyari iyon.
At gaya nga ng una kong hinala, malapit ang loob dito ni Auntie. Mukhang sa maikling panahon rin ay nakasundo na nito si kuya Jason at iba pang boarder na kasama nito. Pero di gaya ng ibang boarder, ito lang ang natitira para saluhan kami sa hapunan, at natitira kapag weekends. Ang dalawang boarders kasi ay umuuwi sa kani-kanilang mga probinsya, at kapag weeknights naman ay may klase o kaya ay may pasok sa kanya-kanyang mga trabaho.
Hindi ko alam kung bakit ganoon ito, kung bakit hindi man lang nito naiisipan na umuwi kung saan mang probinsya ito nakatira. Iyon eh kung probinsyano nga ito. Wala kasi sa itsura nito iyon. Ayaw ko mang aminin, pero ni minsan ay hindi ko siya nakita na pangit ang porma. Kung hindi ko lang siya kilala, iisipin kong pagmomodelo ang trabaho niya. Ang kaso ay hindi.
Katulad ko, pumapasok din siya sa university araw-araw. At sa ayaw ko man o sa hindi, nakakasabay ko siya sa pagpasok. Though, nakiusap ako sa kanya na kung maaari ay sikreto nalang namin ang pagiging magkasama namin sa iisang bahay.
”Okay. Naalala kong sagot niya nang wala man lang kaemo-emosyon.
Akala ko ay hindi niya seseryosohin ang pakiusap ko. Kahit papaano ay nakahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman kong tulad nung una naming pagkikita ang treatment niya sa akin.
He’s one hell of a professor. Napapatanga nalang ako sa tuwing tatayo na siya sa harapan at magsisimula ng magdiscuss ng topic. Nagiging ibang tao na ito kapag nasa harapan na ito ng classroom.
Ah yeah. Natuluyan na nga na siya ang maging professor namin sa mula ay unang pagiging substitute prof lang nito. napromote kasi si Miss Perez. At ito lang ang may available na time sa mga professors na nagtuturo ng Masteral.
In a way, magandang opportunity iyon sa akin. Dahil kapag nilalapitan ko ito at nagtatanong tungkol sa mga bagay na hindi ko naintindihan sa mga lessons, malugod nito akong tinutulungan.
“Salamat,”tugon nito nang ilapag ko na ang bagong sandok na kanin. Seryoso ang mukha nito, gaya ng madalas na ipinapakita nito sa university. Pero kapag ako nalang ang kasama niya, kuntodo naman ang ngiti niya. at hindi ko gusto yon. Para bang sa tuwina nalang na gagawin nito iyon ay parang may nakikita siyang kung anong nakakatawa sakin.
At gaya ngayon. Palihim itong kumindat sakin.
Dahil sa ginawa nitong iyon, nabitawan ko ang hawak kong tinidor.
“Excuse me,”sabi ko at inis na dinampot ang tinidor. Mukhang wala namang napansin sina Auntie at nagpatuloy lang ang mga ito sa pagkain.
Ayoko man pero naiinis na talaga ako sa sarili ko. Bakit ganoon nalang ang reaksyon ko sa tuwing gagawin nito iyon? Ang ngitian ako ng palihim, tawagin akong “SARA LEE”, at pasimpleng kindatan ako.
Bago pa ako makaisip ng idudugtong doon, nagpatuloy nalang ako sa pagkain.
“Maiba ako Jeric, kamusta namang estudyante itong pamangkin ko? Naku, sana ay hindi ka niyan binibigyan ng sakit ng ulo.”tanong ni auntie.
“Hindi naman po. Favorite student ko nga po siya.”
Di sinasadyang nasamid ako. Inabutan kaagad ako ng inumin ni Kuya Jason.
“Wag nyo na ho siyang pansinin, auntie, palabiro ho talaga yan kahit sa klase,”
“Totoo nga yon, ikaw lang ang ayaw maniwala,”singit uli nito na seryoso pa rin ang anyo.
Whatever!reaksyon ko habang mahinang tumatawa naman sila auntie. Sa tuwing sinasabi nito iyon, pakiramdam ko tumataas ang presyon ng dugo ko. Pano ko ba makakalimutan na sinabi nito sa buong klase namin nung nakaraan na ako ang pinakapaborito nito sa lahat ng estudyante.
It should have made me flattered. Pero pagkasabi nya niyon, sumama ang timpla ko sa mga kaklase kong babae. Ngayon ay feeling ko, may masama ng iniisip ang mga ito sakin.
What more kung malaman ng mga ito na magkasama kami sa iisang bahay.
At isa pa, hindi na ako bata para maging teacher’s pet.
Nang balingan ko ulit si Kuya Jeric, nakikipagbiruan naman it okay Kuya Jason. Napangiti ako. kahit naman madalas ay iniinis niya ako, hindi ko maitatangging sa maikling panahon ay naging malapit na kami sa isa’t-isa.
ang pinaglilibangan namin. Nariyang naglalaro kami ng kung anu-anong games, pambata or otherwise. At hindi lang miminsan na napapatawa niya ako. And as much as I won’t admit, gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya.
Pero siyempre, hindi ko sasabihin sa kanya yon.
Pagkatapos naming maghapunan, pag-inom naman ng kape ang inatupag namin. Kapag ganoong oras ay walang magandang palabas sa tv kaya madalas ay naroon lang kami sa terrace at nagkukwentuhan.
“Sara lee, may alam ka ba sa constellations?”usisa ni Jeric. “Wala.” “Sudoku?” “Nah.” “General sciences?” “Medyo.” “Geometry.” “Ayoko non. Teka, Bakit mo ba tinatanong?” “Wala, gusto ko lang na magsukatan tayo ulit ng talino.”
Natawa ako. “Hindi mo pa rin ba nakakalimutan yung joke na binigay ko sayo kahapon?” hindi ko naman kasi akalain na hindi pa nito naririnig ang isang simpleng puzzle na iyon na ibinigay ko sa kanya out of boredom.
Tawa ako nang tawa nang inabot ito ng pagkatagal-tagal sa paghahanap ng sagot doon. At mas nakakatawa, hindi nito matanggap ang pagkatalo nito.
“Masyadong malalim yung KASILYAS eh. Hindi naman yon tinuro samin.” Natatawang tinapik ito ni Kuya Jason. “Wala pare, wala kang panama diyan.” “That’s so unfair.” Hindi ko na rin mapigilan ang tumawa ulit. Para kasi itong bata sa itsura nito. “Bumawi ka nalang sa ibang araw, prof.” “Talagang babawi ako.”
Nasa kalagitnaan kami ng masayang pagkukwentuhan nang…
“Ay ngapala, Avi. Tumawag ang mama mo kanina. Tungkol dun sa pag-uwi mo sa susunod na Sabado…“
|
|
|
Post by avonski on Mar 20, 2008 10:21:54 GMT 8
“H-Hindi ko pa po alam…kung makakapunta ako.”
Kaagad nagkatinginan sina auntie at Kuya Jason. Si Jeric naman ay tahimik lang na nakatingin sakin.
“Avi, matagal ka nang hinihintay doon—”
Awtomatikong napatayo na ako sa hapag. Bigla kasi akong nakaramdam na tila ba ako kinakapos ng paghinga. Nararamdaman ko na naman kasi ang kirot sa aking tagiliran. Kailangan kong makainom ng gamot.
“Aakyat lang po ako sandali sa kwarto auntie.” Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin at dumiretso na ako sa kwarto.
Pagpasok ko don ay kaagad kong hinalungkat sa medicine kit ko ang pain killer. Mabilis akong uminom ng isang tabletang iyon—habol ang hininga.
”Matagal ka na nilang hinihintay don.”
Hindi ko na alam ang nangyayari dahil pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko. Bakit kailangan ko pang bumalik doon? Para saan pa? wala naman akong ibang makikita roon kundi ang matinding galit sa mga mata nila—nang dahil sa kasalanang iyon.
Naramdaman ko nalang ang sarili ko na humahagulgol. Habang unti-unti na namang nagbabalik ang masamang bangungot na iyon na hindi ko maialis-alis...
Commercial… Third point of view ang gagamitin ko ngayon. Hehe! Wala lang. Pasaway ako eh.^_^
“HULAAN MO KUNG SINO AKO…” Napangiti si Avon. Hinayaan lang niya ang maiinit na mga kamay na iyon na tumakip sa kanyang mga mata. It never failed to make her heart skip a beat, and make her cheeks blush. Kahit pa nga sa araw araw nalang ay ginagawa nito iyon sa kanya.
“Hmm..sino nga kaya?” kunwa’y nahihirapan siya sa pagkilala kung sino iyon.
“You want a clue?”
Tumango siya.
“I’m cute, sexy, and drop-dead gorgeous.” “Ang kapal mo naman.” Tumawa ang lalaki at naramdaman ni Avon na idinikit nito ang pisngi sa pisngi niya. parang biglang uminit ang buo niyang pakiramdam sa kabila ng matinding lamig na likha ng December wind.
“I’m the man…who will love you for the rest of his life.”
It was enough to make her heart totally melt. Hinawakan niya ang mga kamay na iyon na tumatakip sa mga mata niya at inalis iyon.
Nilingon niya ang lalaking simula pa yata pagkabata ay minamahal na niya. nakangiti ito sa kanya. With that same buttery smile he would always just give her.
Hinalikan niya ito sa pisngi. “It’s my Vince pala.” “Galing ah.”
Kapwa sila nagtatawanan nang kumilos na ito at tinabihan na siya. Kaagad ay inakbayan siya nito, and in an instant, she was wrapped to his protective warm embrace. Kaagad ding nawala ang matinding lamig na nararamdaman niya kanina.
“Kanina ka pa dito?”tanong ng binata.
Umiling si Avon. “Hindi naman masyado.”
Sandaling bumitiw ito sa kanya at inayos ang pagkakazipper ng kanyang suot na sweater. Kumunot ang noo nito nang mapansin na siguro nito na doble ang suot niyang sweater.
“Sobrang lamig kanina eh. Kaya dinoble ko na ang suot ko,”sagot ng dalaga.
kumunot ang noo nito. "Nasan ang panyo mo?"
"Ha?" kaagad naman niyang hinanap iyon. Hawak lang niya iyon kanina ah.
Nang balingan niya si Vince ay naiiling na nakangiti lang ito. "Sabi ko na eh." May kung anong hinugot ito sa bulsa nito at itinali yon sa kanang kamay niya.
Ang panyo niya.
"Ayan, itinali ko na para hindi mo na iihulog."
isang nahihiyang ngiti nalang ang nasagot niya.
Nailing lang si Vince at inakbayan siyang muli. “Dapat yata hindi na muna kita hinayaang lumabas.”
“Ano ka ba? Magaling na ako. Hindi na ako magkakasakit,”may pagmamalaking sabi pa ng dalaga. “Gusto mo buhatin pa kita hanggang satin eh.”
Ngumiti ng malapad si Vince. “O sige nga.”
Kapwa muli sila natawa nang magkunwaring papasan ito sa likod niya. Pero sa huli, siya ang ipinasan nito sa likod nito.
Bata pa lamang silang dalawa, palagi na silang magkasama. Noong una, isa lang ang turing niya rito. Parang kuya. Hindi kasi sila close ng nakakatanda niyang kapatid. Kaya si Vince na ang tumayong tagapag-alaga niya at kalaro..
Di nagtagal at unti-unting nagbago ang pakiramdam niya para dito. Dahil doon, nilayuan niya ito, iniwasan. Bago pa may kung anong damdaming mamagitan sa kanila.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Nang matapos siya sa kanyang baccalaureate course, nagkita silang muli nito. at kahit anong gawin niyang pag-iwas, nanatili pa rin ito sa kanyang tabi. For her to know, na may nararamdaman na rin pala ito para sa kanya.
Three years na silang magboyfriend. Although they were having small petty arguments, ni minsan ay hindi sila nag-isip na maghiwalay. Sa tuwina, hindi tumatagal ng isang oras ang tampuhan nila. Vince would always be the certified gentleman. He treats her like his princess.
His everything.
Ngayon ay nasa ikatlong taon na ng kanyang Masteral studies si Avon. Bukod sa pag-aaral, nagtatrabaho na rin siya sa coffee shop na pag-aari ng pamilya nila. Si Vince naman, is presently a junior executive sa kumpanya ng pamilya nito.
Wala na siyang mahihiling pa sa kaligayahan niya sa piling nito. Basta naroroon ito, kuntento na siya. Makakaya niyang harapin ang lahat.
“Vince?” “Uhm?” “Dapat ako ang mauunang mamatay sa ating dalawa.” Huminto sa paghakbang si Vince. Maingat na ibinaba siya nito at kunot-noong binalingan siya. “Ano ba yang sinasabi mo?” “Kapag, oras na nating dalawa, Gusto ko, ako ang unang mamamatay.” Napalitan ang mukha nito ng matinding galit. “How could you say things like that, Avi?Hindi magandang biro yan!” Imbes na matakot sa galit na nakikita niya sa mga mata nito, napangiti pa siya. “Wag ka namang magalit. Kung sakali lang naman yon.” Pinagmasdan niya ang kalawakan ng Botanical Garden. “Ayoko kasi na, mauna ka. Kapag nangyari yon, iiyak lang ako ng iiyak. Hindi ko na alam kung makakaya ko pang mabuhay…o magmahal ulit. Pero kapag ako ang nauna, sigurado ako, mabilis kang makakapag-move-on. You’re the greatest person I had ever met, Vince. Mahal ka ng lahat.”
“No.” Nilingon niya ito. Nakakuyom ang mga kamao ito. Dahil doon ay nakaramdam siya ng matinding guilt. Mukhang dinamdam nga nito ang sinabi niya. “V-Vince…S-Sorry…nagbibiro lang naman ako—“
Mabilis na nakalapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.
“Alam mo ba…kung ano ang mangyayari sa akin kapag iniwan mo ako, Avi? You don’t have any idea. And you wont. Dahil ako mismo, hindi ko alam kung ano ang mangyayari.”
Naramdaman niya ang marahang pagyugyog ng katawan nito.
Umiiyak ba ito?
“I wont let you die Avi. Even if its time. Hindi ako papayag na iwan mo ako. At kung gagawin mo yon…susundan kita. Kahit saan. Hahanapin kita.”
Nararamdaman na niya ang pag-iinit ng mga mata niya. “Vince, ayaw mo ba na mag-asawa ako ng angel?” “He won’t be able to love you…gaya ng pagmamahal ko sayo. Kaya kahit anghel pa yan…babawiin kita sa kanya.” She hold on him as tightly as she could. “Silly.”
“If I’ll be losing you…I’ll be losing everything. I’ll be losing myself.”
Sa sinabi nito ay tuluyan na siyang napaluha. Kung alam lang nito, kung gaano kasama ang napanaginipan niya kagabi. Na iniwan siya nito ng nag-iisa….
Sa tuwing maiisip niya ang bagay na iyon, para siyang mauubusan ng hininga…
“DUMATING NA ANG MAMA MO?”
Tumango lang si Vince. Kasalukuyan silang kumakain noon ng cream tart sa paborito nilang café malapit sa university na pinapasukan niya. “O eh di masaya? Diba matagal mo rin siyang hindi nakita?”
“Yeah,”tipid na sagot nito.
Nagtaka tuloy siya. dalawang araw na ang nakalilipas simula nang dumating ang mama nito. at dahil doon, dalawang araw din silang hindi nagkita. Miss na miss niya ito. ganun din ito marahil. Dahil pagkakitang-pagkakita palang nito sa kanya, niyakap siya nito ng sobrang higpit.
Nagtaka siya dahil kapansin-pansin na pumayat ito ng kaunti. At napakatamlay nito.
Hinawakan niya ang pisngi ng binata. Tila naman nagising ito sa malalim na pag-iisip at napatingin sa kanya.
“May problema ba, Vince?”she asked. “May sakit ka ba?”
He just gave her a faint smile. Pagkatapos ay sinubuan siya nito ng cream tart na kanina pa nito tinitigan. “Kumain ka nalang. Tignan mo, nangangayayat ka na.”
Hindi pa nagtapos ang lahat doon. Hindi na siya nakatiis. Siya na mismo ang gumawa ng paraan para alamin kung ano ang nangyayari dito.
Maaga siyang nagpaalam sa huling klase niya. palihim siyang nagtungo sa building na pinagtatrabahuhan nito. kaagad niyang nakita ito na palabas ng building, dahil sinasabi naman nito sa kanya ang schedule nito.
Laking gulat nalang niya, nang sa paglabas nito ay lumabas din ang isang babae. Umabrisete ito sa binata at sabay na sumakay ang mga ito sa kotse.
VI.
"Avi..."
IYON lang at naramdaman ko nalang ang bahagyang pagtapik na iyon sa aking balikat...
And there, I saw him. I felt my eyes warmed.
"Vince?"
"I'm—"
"Shhh.."
Pilit na inabot ko ang kamay ko para mahawakan ko siya. Ang maramdaman ang pisngi niya. And when I did, parang sasabog na ang puso ko. I missed him so much.
I felt him. He's warm...
I pinched him...
"Ouch! Hey that hurts, you know!"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ang maamong mukha ni Vince ay napalitan ng mukhang ni ayaw kong makita ni sa panaginip.
"J-Jeric?!"
"Oh yeah, salamat naman at nakilala mo pa ako Sara Lee."
Kaagad kong binawi ang aking kamay at bumangon. Doon ay unti-unti akong nakabawi sa pagkaalimpungatan.
He is Jeric the jerk...
And I called him Vince...
I touched his cheeks...
And said weird things...
aaaaah!!! WHAT HAVE I DOOOOOONE?!
Awtomatikong nagtalukbong ako ng kumot. "Ba't nandito ka? Pa'no ka nakapasok?"
"For your first question, nandito po ako dahil may narinig akong kakaibang ingay dito sa taas. Wala sila auntie so I decided to check it out. And for the second question..." Itinuro nito ang pintuan. "I knocked four times, walang sumasagot. The door was opened so I entered. Satisfied?"
Sinimangutan ko siya. "Hilig mo talagang pumasok basta nakabukas ang pinto ano?"
Nagkibit-balikat lang ito. "What are doors for anyway?" Tumayo na ito. "Bumangon ka na diyan. May klase pa tayo. Kahit favorite kita, ayoko ng estudyanteng nalelate."
Naitirik ko nalang ang aking mga mata. Kita mo to. Kung makaasta parang walang nangyari.Oh yeah I forgot. He was Mr. Impossible alright. Anyway, mabuti na rin iyon. Dahil makakatikim ito sa akin ng matindi kapag nagreact pa ulit ito sa kahihiyang ginawa ko.
Huli na nang marealize ko na mali ang aking ginawa. dahil doon, kumirot ng husto ang aking sentido.
Napatingin sa akin si Jeric. "What's wrong?"
"Wala—Ouch! d**n!" Napahawak ako sa aking ulo. Para iyong binibiyak sa sakit.
Huli na nang mapansin kong nakalapit na pala siya sa akin. I felt his one arm over my neck.
"You're burning."
"Ha?"
"I said inaapoy ka ng lagnat." iyon lang at walang anu-ano ay inalalayan niya ulit ako na mahiga. "Stay there. And dont move until I say so."
"Hoy teka!" But then he was out.
problema non? Kanina lang ay minamadali niya akong maghanda sa pagpasok ngayon naman ayaw nya akong pagalawin.
Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makapag-isip pa tungkol doon. Bigla nalang kasi akong nahilo.
And then, it all went black....
VII. NAGISING ULIT AKO nang maramdaman ko ang kung anong malamig sa noo ko. As usual, pagmulat ko ng mata, si Jeric kaagad ang nabungaran ko.
"Mahina ang resistensya mo pero ang sakit mong makakurot. Tsk, kakaiba ka nga,"sabi nito habang idinadampi ang basang bimpo sa noo ko.
Dapat ay nagreact ako. In the first place, dapat ay magulat ako dahil naroon na naman ang hudas na lalaki sa kwarto ko and worst, nag-aalaga sakin.
Teka....
Kaagad akong napabangon nang mapansin kong iba na ang suot kong damit.
nagpanic ako.
"P-Paanong!? Sinong?!!!!!"
"O ba't sakin ka nakatingin?" Kumunot ang noo nito. "Hoy Sara Lee, hindi ko gusto yang iniisip mo. Sinasabi ko sayo, that's invalid."
"Anong invalid?" Pagkasabi non ay sumakit ulit ang ulo ko."Pwede ba wag mo muna akong kausapin niyang mga terms na hindi common."
"You should exercise your vocabulary." Inalis nito ang basang bimpo sa noo ko at ibinabad ulit sa palanggana. "Si auntie ang nagpalit ng damit mo. At kung tatanungin mo kung nasan siya, nagpunta sa palengke. Satisfied?"
Nakahinga ako ng maluwag. "Ba't ba pag sumasagot ka sa tanong ko parang ikaw pa ang galit?"
"Hindi ako galit. Ganito lang akong magsalita." Iniabot niya sakin ang isang tasa. "Sopas yan. Higupin mo na habang mainit tapos, inumin mo na itong gamot."
Tignan mo itong taong to. Ganito ba ito sa lahat ng maysakit? Inuutusan?
Anyway, wala rin naman akong nagawa dahil sinunod ko rin ang mga iniutos niya.
Pagkatapos ay iniabot niya sakin ang isang tableta. Tiningnan ko iyon ng masama. I hate medicines.
"Hindi yan maaabsorb ng katawan mo kung titigan mo lang,"pasaring na naman nito.Ito lang yata ang taong kilala niya na hindi nauubusan ng punchline.
"Ba't ka ba nangingialam? NAgcoconcentrate ako."
Nagkamot ito ng noo. "Kapag hindi mo pa ininom yan within 2 seconds, I'll give that to you using my mouth."
"Ano?!"
|
|
|
Post by avonski on Mar 20, 2008 10:22:48 GMT 8
"One..."
SA sinabi nito ay hindi pa man ito nakakapagbilang ay inihagis ko na sa bibig ko ang gamot at tinakpan iyon. abut-abot ang kabog ng dibdib ko.
"Gusto mo pala ng tinatakot pa..."
at nang balikan ko siya ng tingin, abot tainga ang ngiti ng walanghiya.
padabog na ibinalik ko dito ang baso. Napasinghap ito nang malakas na tumama iyon sa dibdib nito.
Ah, the sweet taste of revenge...
"Teka. Ba't nandito ka? diba may klase ka ngayon?"tanong ko ulit.
"Tinatamad akong magturo ngayon."
"Tinatamad? Imposible---"
Bilang sagot ay isinalpak ulit nito sa noo ko ang bimpo. "Ang dami mong tanong. Matulog ka na nga lang ulit."
“Bakit ba. Kanina pa ako tulug ng tulog…”
“Pasaway na bata.”
“Ahm…Jeric, may itatanong ako sayo.”
“Hindi pwede.”
“Sige na…”
Napabuga ito ng hangin.
“Halimbawa…may isang taong malapit sayo na…bigla nalang mawala. Ano ba…ang dapat gawin…para makalimutan mo siya?”
Kumunot ang noo nitong napabaling sa kanya. “Ano ba namang klaseng tanong yan?”
“Basta sagutin mo nalang.”
Umayos siya ng upo. “If he’s dead…you should let him go.
Wala ka ng magagawa dahil hindi na talaga siya magbabalik. But
if he’s not, kahit anong gawin mo hindi mo talaga siya
makakalimutan. Somehow, there would be still a thin string
connecting you two.“
As if his words has magic, naramdaman ko na tila ba gumaan
kahit papaano ang aking pakiramdam. Tumalab na siguro ang
gamot.
"Jeric..."
"Yes?"
"Siraulo ka talaga."
"I know that already."
Napahikab ako. "Wag mong mabalak-balak na gumawa ng kalokohan. Tatamaan ka sakin." "Hindi ako pumapatol sa lalaki." "Anong sinabi mo?" "Yes ma'am." Napangiti ako. "PAsalamat ka at gwapo ka kundi kanina pa kita binalatan ng buhay. Ang magandang ngiti nito ang nakita ko bago tuluyang nakatulog. "Sweet dreams...Avi." VIII.
[FLASHBACK]
Pagkakita ni Avi sa eksenang iyon ni Vince at ng isang babae, kaagad siyang nagtatakbo. Hindi nya alam kung saan siya papunta. She just wanted to get away from that place.
She felt almost dying.
Nang sa wakas ay tablan na siya ng pagod sa magkasamang pagtakbo at pag-iyak, huminto na siya. Doon siya humantong sa pataas na daan malapit sa Wright Park. Mabuti na lamang at abala karamihan ang mga naroroon sa isang programang nagaganap doon kaya walang nakapansin sa kanya. Dahil sa itsura nya ngayon, siguradong pagkakaguluhan siya.
Nanghihina ang mga tuhod na napaupo siya at nagpatuloy sa pag-iyak.
Sino ang babaeng kasama ni Vince? Bakit hindi nya maiwasan na mag-isip na may kakaibang nangyayari sa simpleng pag-abrisete lang ng lalaki sa babae?
Pinunasan nya ang luha at hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa. She shouldn't jump into conclusions. Minsan nang nangyari ito sa kanila ng binata. He should have his reasons...
Pero panay operator lang ang sumasagot sa kabilang linya. Hindi siya tumigil hanggang hndi sumasagot si Vince.
But all the calls where the same as the first. Lalo siyang naiyak.
Pagkauwi sa bahay ay tila wala na siyang lakas para umakyat sa kanyang kwarto. Ang daming tanong na gumugulo parin sa isip nya.
Isang linggo ang nakalipas at walang nagbago. Hindi nagpakita ni tumawag manlang ang kasintahan sa kanya. She felt mixed emotions of anger and depression. Ni hindi na nga siya katulad ng dati na active sa eskwelahan. Wala na kasi siya sa focus.
Ganon nalang ba iyon? Dapat nab a niyang isipin na tapos na ang lahat sa kanila? Pero bakit? Anong ginawa niya para iwan siya ng ganoon nito?
And then, her cellphone rang.
Abala ang kanyang ina sa kusina kaya wala na siyang nagawa kundi ang sagutin iyon.
Kaagad siyang pinanlamigan nang makilala ang tinig.
Ang ina ni Vince.
Nagulat siya dahil hindi niya ito personal na kilala. At nung huling magkita sila ni Vince, noon lang ito dumating mula sa States.
"Gusto kitang makausap. Pwede ba tayong magkita?"
Isinulat niya sa maliit na notepad ang address kung saan sila nito magkikita. After the call, ganon nalang ang kaba niya. Ano'ng sadya nito sa kanya?
"MY SON IS ENGAGED ALREADY. "
Iyon ang bungad ng ina ni Vince kay Avi nang magkita sila sa coffee shop.
"Alam kong halos tatlong taon na rin kayo ng anak ko. Ako na mismo ang humihingi ng paumanhin dahil hindi manlang ipinaalam sa iyo ng aking anak ang lahat." Nakatingin lang ito sa tasa nito na para bang may kung anong meron doon. Panay din ang panginginig ng kamay nito.
“Hindi po ako maniniwala hanggang hindi si Vince ang magsabi nyan sakin.” But still, napakasakit marinig iyon mismo sa ina nito. Base sa kwento ni Vince, napakabait ng ina nito. At sa tuwing ikukuwento raw nito dito ang tungkol sa kanilang dalawa, bakas ang kaligayahan daw sa mga mata nito.
Sa pagkakataong iyon ay tumingala na ito sa kanya. Kaagad siyang natigilan ng mabasa niya ang damdaming hindi niya inaasahan sa mga mata nito.
“Please hija. Don’t make it hard for my son. He had suffered already.”
Lalo lang nadagdagan ang sama ng kanyang loob. Tuluyan ng umagos ang luha niya na kanina pa niya pinipigilan. “At pano naman po ako, tita? Haven’t I suffered enough nang bigla nalang niya akong iwan, at heto kayo at sasabihin nyo sakin na kalimutan ko nalang siya at layuan? Bakit hindi nyo masabi sakin ang dahilan? Kung anuman poi yon, maiintindihan ko naman. Mahal na mahal ko ho ang anak nyo.”
Muli itong yumuko at nag-iiyak.
“Please tita, tell me where he is…” humikbi siya. “I want to talk to him. I want to hear—“
“Im sorry…Siya na mismo ang nagsabi na ayaw ka niyang makita ngayon. You…you have to let him go.”
That was it. Kung ganoon ay ito na mismo ang nagpasyang bitawan siya, taliwas sa naging pangako nila noon na walang iwanan.
“Akala ba niya…ganon nalang kadali ang lahat?”nanlulumong tanong niya at tumayo na para umalis. Hindi na niya kaya pang manatili roon.
Dumiretso siya sa lugar kung saan sila huling nagkausap ng binata. At dahil papagabi na, wala ng masyadong tao roon. Doon ay tahimik siyang nag-iiyak. Sinariwa ang bawat detalye sa mga araw na magkasama sila nito.
If I’ll be losing you…I’ll be losing myself. Ngayon ay naiintindihan na niya ang mga salitang binitawan nito. dahil ganoon din ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon.
Tumayo siya at kaagad pumara ng taxi. Kailangang makausap niya si Vince. Hindi siya papayag na basta nalang siya nitong iwan ng walang sinasabing dahilan. Kung anuman ang maririnig niyang dahilan dito, maluwag sa puso niya iyong tatanggapin. Hindi na siya magtatanong pa…
Tinawagan nya ang pinsang babae nito na malapit din niyang kaibigan. Nasisiguro niyang hindi ito makakatiis at sasabihin nito sa kanya kung nasaan ang binata.
“Oh my God! Avi! Bakit ngayon ka lang tumawag? Matagal na kitang tinatawagan, hindi kita ma-contact!”anito nang sagutin nito ang kabilang linya.
Marahil iyon ay nang mga panahong naisipan niyang patayin nalang ang cellphone dahil hindi naman nagpaparamdam sa kanya si Vince. “Saka na ko magpapaliwanag ate. Nasaan si Vince?”
SA CAMP JOHN HAY MANOR nagpadala si Avi sa taxi. Doon daw ang lugar kung saan gaganapin ang engagement party ni Vince at ng mapapangasawa nito.
Maraming magagarang sasakyan na ang nakaparada doon. Halatang galing lahat sa maimpluwensyang pamilya ang bawat isa.
Sa tulong ng pinsan ni Vince, nakapasok siya sa loob suot ang uniporme ng mga empleyado ng catering service. Nagulat siya nang makitang naroon ang mga kaibigan nila Vince sa University. Lahat ay kababakasan ng matinding pagkainis sa mukha.
Doon tumimo sa isipan niya ang lahat. Ang mga tao roon, ang lahat ng magagarang bagay na nakikita niya, …lahat ay nagpapakita lamang ng pagkatao ni Vince na matagal nitong itinago sa kanya.
Iyon lang at narinig na niya ang malakas na palakpakan. Bumukas ang malawak na pintuan ng hall, at iniluwa niyon si Vince, kasama ang magandang babaeng kasama nito noon.
Awtomatikong umagos ang luha niya. At tila ba naramdaman iyon ni Vince. DAhil bigla ay napalingon ito sa kinatatayuan niya. Bakas ang matinding pagkagulat sa mukha nito.
Hindi na niya natiis ang mga nagaganap. Nararamdaman na niya ang tila paghihirap sa paghinga. Tahimik na lumabas siya ng hall.
“Avi!”
Tuluyan na siyang lumabas ng manor.Malakas ang pagbuhos ng ulan. At dahil wala ng nagdadaraan na taxi ay nagtatakbo nalang siya.
Iyon lang at laking gulat niya nang paglingon niya sa likuran ay mamataan niya si Vince. Hinahabol siya nito.
“Avi , sandali!” At dahil mas mabilis itong tumakbo sa kanya, inabutan siya nito. Mahigpit na hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Patuloy siyang nagpipiglas. Niyakap siya nito ng mahigpit.
“Bitawan mo ako!” aniya na patuloy rin sa pag-iyak. Nang lalong humigpit ang yakap nito sa kanya ay doon na niya naramdaman ang matinding panghihina.
God! Namiss niya ito ng husto.
Pero kahit anong gawin niya, hindi na maibabalik ang lahat.
Inipon niyang lahat ang natitira niyang lakas at itinulak ito. Nang makawala ay nagtatakbo siyang muli. “Avi! Nooooooo!”
Nasa gitna na siya ng kalsada nang malingunan nya ito. Tumakbo ito palapit sa kanya at niyakap siya. Kasabay ng malakas na busina ng sasakyan na narinig niya at ang matinding sakit sa kanyang tagiliran.
Tumilapon sila sa kabilang bahagi ng kalsada. Hindi niya maigalaw ang katawan. Pero damang-dama niya ang pamilyar na init na iyon na bumabalot sa kanyang katawan.
Nang magmulat siya ng mata, there was Vince. Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Punum-puno ng dugo ang mukha nito.
That brought her back ito her senses. “N-No…Vince! No!” pilit siyang tumayo pero ganoon parin ang matinding kirot sa kanyang tagiliran. She saw him smiled at her. “I…Love…You…” umagos narin ang luha nito sa mga mata. “I…love you…” Her eyes warmed. “V-Vince…no please…Vince!” And then he closed his eyes. “Tulungan nyo kamiiiiiii!”
That was the last time she saw Vince. PAgkatapos kasi niyon ay nawalan na siya ng ulirat. Nagising nalang siya na nasa ospital na, kasama ang ina at mga kapatid niya na abut-abot ang pag-iyak. They told her she went critical, and was in coma for 2 weeks. At nang hanapin niya si Vince, walang maisagot ang mga ito.
At nang sabihin ng mga ito ang totoo, sana ay hindi nalang siya nagtanong pa. “W-Wala na siya…Avi…”
|
|
|
Post by avonski on Mar 20, 2008 10:23:33 GMT 8
PABALIKWAS siyang napabangon at patuloy na nag-iiyak. Madilim ang buong silid na kinalalagyan niya at patuloy parin ang malakas na buhos ng ulan. Hayun na naman ang bangungot na iyon. Sa tuwing uulan nalang ay paulit-ulit na napapanaginipan niya iyon kasabay ang hindi maindang sakit sa kanyang tagiliran.
PAgkatapos ng aksidenteng iyon, hindi na naging normal ang sistema ng katawan niya. She broke two ribs, at kahit pa naghilom na iyon, maaari pa rin siyang makadama ng matinding sakit o di kaya ay internal bleeding. Only her doctor could provide were painkillers.
Pero higit sa lahat, ang nararamdaman niyang matinding sakit ay dahil sa pagkawala ni Vince. Ni hindi man lang niya ito nasilayan matapos na kapwa sila isakay sa ambulansya at pilit itong isinasalba ng mga doktor. At pagkatapos ay bigla nalang niyang malalaman na wala na ito.
Hindi siya naniwala. Hinding-hindi magagawa ni Vince na iwanan siya ng ganoon. Nangako ito sa kanya.
Hanggang sa makita niya ang mga kamag-anak nito. Matindi ang galit na nabasa niya sa mga mata nito. kahit ang pinsan nito na siyang tumulong sa kanya ay hindi siya maipagtanggol.
“Hindi ka pa ba nakuntento? Kung hindi ka nagpakita sa kanya, buhay pa sana siya ngayon!”
Itinaboy siya ng mga ito. Ni ayaw ng mga itong sabihin kung saan inilibing si Vince. Noon din ay gusto nalang niyang tapusin ang buhay para kahit papaano ay makasama na niya ito sa kabilang buhay. Kung saan wala ng dahilan upang sila ay maghiwalay pa. She wanted to see him that much.
Iyon ang dahilan kung bakit siya nakarating ng Maynila. She killed her old self. She swore she would not love anyone but Vince…
And now, he’s haunting him again. Siguro dahil siya mismo ay hindi sinunod ang sumpa na iyon sa sarili.
Because unlike what she had sworn, she had fallen for another man.
Lumabas siya ng bahay. Walang katau-tao sa paligid. Tanging maririnig niya ay ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Sumugod siya sa malakas na ulan. Ang ingay na likha ng bawat patak sa lupa ay tila ba mga bulong. Mga bulong hawig noong nasa hall siya at nakita si Vince kasama ang ibang babae. Mga bulong noong pilit siyang itaboy ng mga kamag-anak ni Vince dahil sa pagkawala nito.
Maybe Vince is mad at her.
Iyon lang at naramdaman niyang lalo pang sumakit ang kanyang tagiliran. Napakasakit. Parang pinupunit na niyon ng tuluyan ang kanyang balat. Gusto nyang sumigaw pero walang tinig na lumabas sa kanyang bibig.
“Avi!”
Sa nanlalabo niyang paningin ay naaninag niya ang malaking bulto na iyon na palapit sa kanya.
It was Jeric.
“Ano bang ginagawa mo rito sa labas?! Nagpapakamatay ka ba?!”pagalit na bulyaw nito sa kanya.
“Gusto kong makita si Vince…”
“Nababaliw ka na ba?”
Pinilit niya ang sariling tumayo. “Kailangan ko siyang makita…”
“Stop it! Ano bang nangyayari sayo?! Nagdedeliryo ka ba?”
Nang pigilan siya nito sa magkabilang braso ay pumiksi lang siya.
“Gusto kong makita si Vince…I..I want to say sorry…dahil…dahil hindi ako naging faithful sa kanya…”
“Darn it Avi! This is nonsense!”
“Tinatawag niya ako—“
“He’s dead Avi!Patay na siya!”
Pagkasabi niyon ay tuluyan ng gumising ang diwa niya at muli siyang napaupo sa lupa. Patay na si Vince. He had left her that night. Ang gabing iyon kung saan pilit siyang tinatawag nito pero hindi siya nakinig. And then he rescued her. His face was drenched with blood. He was crying while saying I love you...
Doon ay nagpatuloy siya sa paghagulgol.
“Bakit niya ginawa yon Jeric?...Bakit niya ako iniwan? Nangako siya sakin eh…sabi niya…sabi niya hindi niya ako iiwan…Sabi ko sa kanya, dapat ako ang unang mawala. Pero…Pero bumitaw siya sakin.. Siya ang nang- iwan sakin!”
Iyon lang at naramdaman niya na mahigpit siyang niyakap ni Jeric. Marahang hinagod nito ang kanyang likuran.
“Para na niya rin akong pinatay, Jeric. Oo nga at iniligtas niya ako. Pero akala ba niya, mabubuhay pa ako ng normal ngayong wala na siya sa tabi ko? Sa tuwing umuulan nalang…naaalala ko ang nangyari sa kanya…dahil sa pagliligtas niya sakin. Sa tuwing maaalala ko yon gusto ko nalang mamatay na rin. Gusto ko na talaga siyang makasama.
Gusto ko ulit siyang maramdaman. Gusto ko ulit siyang
makita…I want to say how much I love him. “
“Hirap na hirap din siya,”halos pabulong na sabi nito. “You have no idea…how much he wanted to see you…and be with you. How much he wanted to say how he love you…”
Biglang bigla ay tila naramdaman niya ang pag-init ng paligid.
Nawala ng tuluyan ang nararamdaman niyang sakit sa tagiliran.
Napalitan iyon ng di maipaliwanag na pakiramdam...
"Seeing you like this, its killing him. Dahil ikaw ang buhay niya...
Pumikit siya. Dinama niya ang mga brasong iyon na maingat na nakapulupot sa kanya.
For the first time since Vince had left...She felt that comfy feeling of being safe..
"Vince....?"
Iyon lang at hinapit siya nito at hinalikan ng buong alab sa labi.
|
|
|
Post by avonski on Mar 20, 2008 10:29:16 GMT 8
HIS KISS…his warmth…lahat pamilyar… could it be…
“Avi, gising na. tanghali na,”narinig kong tawag sa akin ni auntie. Nang magmulat ako ng mata, hindi ako nagkamali. Naroon nga ito at panay ang yugyog sa akin.
Pagkatapos niyon ay kaagad kong hinanap ang lalaking iyon sa aking panaginip. “Tsang, si Jeric ho?”
“Ah, kaaalis-alis lang. Ang sabi niya, kailangan na raw niyang bumalik sa kanila—”
“H-ho?!” mabilis na tumayo na kaagad siya.
“Bakit hindi nyo ho ako ginising?”
“Kanina pa kita ginigising diyan. Eh sabi niya, hayaan nalang daw kitang magpahinga. Teka wag kang masyadong gumalaw, baka mabinat ka.”
Doon niya naramdaman ang biglang pagbuway ng kanyang pagkakatayo. Inalalayan siya nito para bumalik sa pagkakahiga.
“Pambihira kang bata ka oo, bakit kasi sumugod ka sa ulan kaninang madaling araw? Mabuti nalang at nandito sa bahay si Jeric at may nag-alaga sayo.”
Natigilan siya. Kung ganoon ay hindi panaginip ang lahat?
“Huwag ka munang lalabas at umaambon pa sa labas ha?”bilin nito at lumabas na ng kwarto.
Awtomatikong napatingin naman siya sa may bintana. Umaambon. Pero nakapagtatakang hindi kumikirot ang tagiliran niya. Siguro, nasanay nalang siya. O dahil sumakit iyon ng napakatindi kanina.
Kung ganoon ay wala na talaga si Jeric. Nakaramdam siya ng matinding pagkalungkot. Ang daya naman n.Umalis nalang ito ng hindi man lang nagpapaalam. Ang dami pa naman sana niyang gustong sabihin at ipagpasalamat dito.
Dinama niya ng mga daliri ang kanyang mga labi. Naroon pa rin ang init ng halik ng pinagsaluhan nila nito kagabi. Nakakagulat dahil imbes na magalit, hinayaan lang niya ito.
Kahit magulo ang isip niya kaninang madaling araw, matiyaga parin itong nakinig sa mga sinasabi niya. Nahihiya siya ng husto. Narinig pa nito ang mga bagay na matagal na niyang itinago sa kanyang sarili.
Iyon lang at natigilan siya nang may mapansing kung ano sa kanyang kanang kamay. Nagtataka siya dahil nakabuhol roon ang panyong ginamit nya kahapon.
Muli ay pumasok ang auntie nya. “Tsang, kayo ho ba ang nagtali nito sa kamay ko?”
Kunot-noo namang bumaling ito sa kanya.
“Aba’y hindi. “ Nag-isip ito. “Teka, tama naalala ko na. Pumasok si Jeric dito kanina. Tapos napulot niya yan sa may sahig kanina. Sabi pa nga niya, dapat daw lahat ng bagay na hinahawakan mo ay itali sayo para hindi mo naihuhulog.”
Pagkasabi nyon ay awtomatikong bumangon na siya at dumiretso sa banyo at naligo. Kailangan niyang mahabol ito…
Nang makapagbihis na siya ay inusisa niya kaagad kung saan nagtungo si Jeric. Nagtataka man ay sinabi ng auntie niya na naroon ito marahil sa terminal ng bus.
”Mahina ang resistensya mo pero ang sakit mong makakurot…”
“You have no idea…how much he wanted to see you…and be with you. How much he wanted to say how he love you…”
"Ayan, itinali ko na para hindi mo na ihulog."
“…dapat daw lahat ng bagay na hinahawakan mo ay itali sayo para hindi mo naihuhulog.”
” If he’s dead…you should let him go. Wala ka ng magagawa dahil hindi na talaga siya magbabalik. But if he’s not, kahit anong gawin mo hindi mo talaga siya makakalimutan. Somehow, there would be still a thin string connecting you two.“
Mabilis na bumaba na siya ng taxi nang makarating iyon sa terminal ng bus. Kaagad hinanap ng mga mata niya ang binata. Marahil ay hindi pa ito nakakaalis.
“God please…huwag Mo muna siyang hayaang umalis ulit…”panay dasal siya habang sinusuyod lahat ng bus sa terminal.
Nang sa huli ay wala ni bakas nito siyang nakita, huminto nalang siya at naupo sa bench. Hindi na niya napigilan pa ang pag-agos ng kanyang luha. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga taong naroroon.
Ang tanga-tanga niya. Oo nga’t noon ay sinabi sa kanya na patay na si Vince. But still, siya mismo ay hindi naniniwala. Dahil sa matinding guilt na nararamdaman niya, tinanggap nalang nya kung anuman ang pilit na sinasabi ng mga tao sa kanya. Hindi na niya pinakinggan pa ang kanyang puso.
Nang una niyang makita si Jeric, kakaiba na kaagad ang kanyang naramdaman. The way he talked and treated her was a lot different. But there were still the same things he can’t deny for who he really is.
“Sara Lee?”
Napaangat siya ng mukha. Bumungad sa harapan niya ang nakatayong si Jeric. Abut-abot ang paghingal.
“You brat! Bakit ka nagpunta dito? Hindi ka pa magaling ah. Gusto mo bang magkasakit na naman?” singhal nito at pinunasan ang pawisang noo.
Nanatili parin siyang nakatitig dito. Totoo ba ang nakikita niya?
“Bumalik ako sa inyo kanina. Kasi nakalimutan kong ibilin yung iinumin mong gamot. Tapos sinabi sakin ni auntie na lumabas ka nga raw para puntahan ako rito. Pambihira naman, may cellphone ka naman bat ayaw mong gamitin—bakit ka umiiyak?“
Tiningnan niya ito ng masama. “I hate you. Nakakainis ka!”
Sumeryoso naman ang mukha nito. Mukhang alam na nito kung ano ang sinasabi niya. “I’m sorry.”
Pagkarinig niyon ay sinugod niya ito ng yakap. Doon ay malakas ang naging pag-iyak niya.
"Akala ko...hindi mo na talaga ako maaalala..."
Ibinaon pa niyang lalo ang pisngi sa dibdib nito. He feels so warm. He smells so nice. His heart was beating hard. Wala na siyang pakialam kung ano man ang dahilan nito at ginawa nito iyon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong gawin iyon. Masaya lang siya. Masayang -masaya siya dahil hindi naman pala ito talagang nawala.
“From now on, I want you to call me Jeric, okay?” nakangiting sabi nito sa kanya habang hawak ang kanyang mukha. “I’ll make you the happiest.”
Bilang kasagutan ay hinila niya ito sa pisngi at pinupog ng halik sa mukha. Narinig niyang nagpalakpakan ang mga tao sa terminal.
Nang makauwi sila, hindi man siya nanghhingi ng paliwanag ay sinabi nito ang lahat. PAgkatapos raw ng aksidente ay totoong namatay ito. He was brain dead for 10 minutes. But then, miraculously, he gained consciousness. Iyon nga lang, hindi na naging madali ang lahat para dito. Naparalyzed ang kalahati ng katawan nito.
Ang tungkol sa engagement ay kagustuhan nito, para iligtas ang ina nito mula sa matinding kahihiyang nagawa nito sa pamilya ng pakakasalan sana niya. At nagawa lang nito iyon para sa kanya. Naisip niya, kung pakakasalan niya ang babae ay kakalimutan na ng mga ito ang ginawa ng kanyang mama. Kasama pa roon ang tumitinding pressure ng ama nito dito, bilang tagapagmana ng angkan nito.
At dahil hindi siya nito kayang iwan, pinili nalang niito na wag ng magpakita sa kanya at isipin nalang niya na tapos na ang lahat sa kanila.
Dinala ito sa amerika pagkatapos ng aksidente. Iyon nalang ang naiisip nitong paraan para gumaling. Nang masiguro na nitong magaling na ito ay nagpaalam nalang ito ng palihim sa ina upang bumalik ng Pilipinas. There he completely changed everything about him. Tinalikuran nito ang lahat para lang makasama siya.
Now, it has been six months since they got married...finally.
"Im sorry Avi, hindi ko sinasadyang ilihim sayo ang lahat. I just wanted you to be safe. Even if it would cause you to forget me completely.."
"Hindi ko nagawa yon. Tama ka. There would always this thin string that would connect us."
Malapad na ngumiti ito at hinapit siya upang mayakap ng mahigpit. "Mabuti nalang pala sinabi ko yon."
"Whatever..."
"Anong gustong kainin ni Sara lee ko?"
Pilyang ngumiti siya. "Ikaw."
Ganoon nalang ang tili niya nang pangkuin siya nito at ipasok sa kanilang bahay.
Now, its just him and her. Kahit pa pinili na nito na talikuran ang pagkatao nito, he still, will remain Vince.
Her Vince.
At ang sugat sa kanyang tagiliran ay mananatili na lamang peklat ngayon. The scar that brought Vince back to her.
THE END ;D
Okay fine! I admit na! hindi siya short story. wahahaha! my goodness...hindi ko sinasadya na maging ganito ito kahaba!!!!!!!>_< Patawarin nyo akoooooo...
At dahil sobra na siyang haba, kailangan ko na siyang tapusin. hehe! Salamat sa mga nagtiyagang naghintay at magtitiyagang magbasa nito. Kung hindi ko man mameet ang expectations nyo, pasensya na. Masyado ko talagang minahal si Jeric Galledo. wahaha!
|
|
|
Post by --suMMerfieL-- on Mar 20, 2008 20:47:28 GMT 8
how sweet.... ;D ate avon i love it....
|
|
|
Post by Mhelai on Mar 20, 2008 22:57:50 GMT 8
hahaha! e si prof ba minahal mo rin?
ay lab it, vonski. hayz... tama nga yung hinala ko nung umpisa pa lang. na somehow, di totoong namatay si vince. hehe! you rock, girl!
dont worry kung mahaba man yang gawa mo. dahil mukhang mas mahaba yun akin. hehe! three episodes to go pa yun e.
|
|
|
Post by avonski on Mar 21, 2008 15:24:24 GMT 8
@ _mikha_: waaaaah! salamat naman at kahit papaano ay may nagkagusto sa ginawa ko. Aaminin ko rush na talaga siya. kasi hindi ko na siya pwedeng pahabain kahit gustuhin ko. nakakahiya na.^^ salamat talaga. maraming maraming salamat sa pagbabasa.^^
@insan: ahaha! actually, ang original plan, patay na talaga si Vince. at ang pagkamatay niya as in brutal. and Jeric should have been...er...another person."dapat". but then, lalabas lang na parang painful pa rin para sakin ang ginawa nya<huhu...> I still did "loved" him. kahit naman naging ganon ang nangyari, aaminin ko napakasarap parin ng feeling ko nung mainlove ako sa kanya. so kahit sa pangalan lang yon, gusto ko, malinis parin ang hangarin ko sa kanya. with this story, kahit papaano ay nabigyan ko ng magandang ending ang naging memories namin.
humihingi na ako sayo ng paumanhin insan. minadali ko na talaga yung takbo ng istorya. wahaha!
|
|