weh,, ang nagbabalik (Vow), hehe, ate mavy, uu nga po, ang cute ng story, sana madugtungan niyo
nakakainspire, ako nga din magpopost hehe ;D
etong istoryang 'to ay on the spot lang, wahaha parang si Ate Mhelai ata yung sa mga unang page, kaya hindi pa siya tapos. Wahehe
Pero sana mapagtiyagaan niyo basahin, kahit corny, wahahaha,
Chapter1
“Yahung-yahu”, sabi ni Dee na napasigaw pa. Nasa may burol sila ng mga sandaling iyon. Hindi hills ah, kundi yung sa patay mismo. At karaniwan na sa mga patay na pagkakakitaan—este mayroong sugalan. Tulad nalang ngayon. Nagto-tong-its sila ngayon ni Len-len, sa may burol ng uncle nito. Nang nakaraang araw lang namatay iyon dahil inatake. Mas gusto na din ng pamilya nila Len-len iyon, kaysa maghirap pa nga ang tiyuhin. Bilang kaibigan ay nakiramay siya sa mga ito. Ang kalaro niya ay si Len-len at yung isa pang tiyuhin nito. Simula pagkabata ay magkaibigan na sila ni Len-len kaya close na siya sa pamilya nito at kilalang-kilala na siya. Minsan pa nga kapag nag-aaway sila ay siya pa ang kinakampihan ng mga ito.
“Wooh! Len-len ang daya, dinuduga niyo ako ah!”, saad niya dito habang pasimpleng hagod sa batok. At sa hagod na iyon ay siyempre, may kasamang baraha na pantago sa likod ng collar niya. Hehehe, iba na talaga ang henyo!
Hindi na natuloy ang pagsasaya niya ng batukan siya ni Len-len, “Ako pa daw ang nanduduga a, loko ka talagang babae ka, nagtatago ka pa ng baraha sa batok mo ah. Sipain kita d’yan e!”, anito at tinangka siya muling batukan. Ngunit naagapan na niya iyon at naagapan ang kamay nito.
Eksaheradong tinignan niya ito, “Once is enough! Two is more than one! So two is greater than one!”. Natawa lang ito sa mga pinagsasabi niya. Napapailing na nagpatuloy ng laro.
“Ate Dee, ‘yung niluluto mo, masusunog na”, ani Rowena, ang kapatid ni Len-len. Kasalukuyan siyang nagluluto ng adobo para sa mga maglalamay. Hindi siya chef. Nagpi-feeling-feeling lang siya. Kahit naman papaano ay na-appreciate ng mga ito ang luto niya…syempre matapos niya pagbantaan na ipapabarang niya ang mga ito sa tiyahin niya sa Siquijor. Syempre joke lang yun, kung gusto niya pa makatuntong sa pamamahay ng mga ito.
“O talaga? Bakit di ka pa tumawag ng bumbero”
“Nagtext na ko. Sabi ba naman, ‘Hu u?’”, pabirong sagot din nito.
Nagkatawanan sila. “Ikaw ha, natuto ka na ng mga punchlines na tulad na iyon. Sabi ko sa’yo, sa’kin ka lang dumikit e di ka na magiging corny tulad nitong Ate mo”
“ Naku, kapal naman nito. Ikaw nga ang puro kabalbalan ang tinuturo d’yan kay Rowena”
“Aba, napapakinabangan naman, di’ba?”, siniko pa niya si Rowena at pinanlakihan ng mata. “Di’ba?”
“Oo na, mamaya di mo na ako supply-an ng mga pocketbook e”
“Ay, supplier lang pala ang tingin mo sa akin”
“Syempre, joke lang ‘yon, Ate Dee, alam mo naming lab na lab kita e. Mula sa maiksi mong buhok hanggang sa patay na kuko mo sa paa, lab na lab ko yun”, pagmamalaki nito at tinaas pa ang kanang kamay.
“Grabe, ha, lab na lab mo nga ako, naniniwala ako. Wena, tignan mo muna yung niluluto ko, tikman mo muna iyon tapos kapag masabaw pa, hinaan mo muna ng konti”, sumunod naman kaagad ito sa kanya.
“Talagang feeling chef ka e ‘no?”,sabi sa kanya ni Len-len.
“Walang feeling. Chef talaga ako”
“Ako na ang Reyna”
“Oo ng kubeta”, nakatanggap siya muli ng batok mula ditto. “Nakakarami ka na ah!”
Bumalik na si Rowena, “O, kamusta na ‘yung niluluto ko? Nagpadala na ba ng sulat?”
“Oo, nag-fax siya kagabi”
“Ano’ng sabi?”
“Masabaw daw siya at ano…kamukha daw niya ano… ”
“Ano?”
“Mukha siyang nilaga”
”Ah, nilaga pala a. Kailan pa nagkaroon ng nilagang kulay brown, aber?”
Kinumpas-kumaps nito ang kamay. “Sus, ano bang bago doon? Kapag ikaw ang may luto nagiging unique. Parang iyong dati, sinigang parang nagging paksiw, menudo hindi maintindihan kung ano ang itsura, tuyo, sobrang tuyo nga na to the point na hindi mo malalaman na isda pala siya kung hindi lang nakita naming bago mo siya iprito. Grabe naalala ko yun, parang tinamaan ng nagbabagang apoy ‘yung pobreng isda, kaya tuloy ang bagsak niya ay kay Blacky nalang”, tukoy nito sa pusa.
“Thank you sa compliment”, ngumiti siya ng matamis ditto. Noon pa naman iyon e, yung nag-uumpisa pa lang siya. Kahit naman papaano, tumaas na ang level niya.
Dumating ang ilang pang nakikiramay. “Uncle Galo, alam mo ba, d’yan sa SM, may nakuhanan kaming itlog na bulok. Nang isauli at ipakita namin yun sa sales lady, namutla e”, ani Boy, pinsan nila Lenlen
“Paanong hindi matatakot, e mukha kang adik”, sagot niya ditto at tumira na muli ng baraha.
“Hindi kasi natakot siya na baka ipa-media pa namin e”
“Grabe ah”
“Kaya Uncle Galo, sinabi naming kasi na ang nakakain na ng itlog ay yung tiyuhin ko. Kaya kapag tinanong nila kung bakit ka nagging ganyan—“
“Dahil na-stroke ako”
“Hindi hindi mo sasabihin ‘yun. Sabihin mo dahil nakakain ka ng itlog.Malaki kasi ang ibabayad nila kapag nagkaganoon”
Natawa siya. That’s what she liked about her bestfriend’s family. Hanggang lupa ang mga sayad ng utak. Walang dull moments. Tignan mo nga, may burol na, kung ano pang kalokohan ang mga nasa isip.
Tumabi si Rowena sa pagitan nila ni Len-len. Kaagad niyang tinakpan ang baraha, oy, oy, walang ate, ate ah”, at masaya pa rin silang nagpatuloy ng laro. Kung hindi lang sa biglang headlight na nagpa-ilaw sa kanyang madilim na gabi.
Mukhang kung sinumang Poncio Pilato ang nagmamaneho niyon ay dadaan pa talaga sa kanila. Kasalukyan kasing may tent na nakaharang sa daanan kung saan nandoon ang mga nag-totong-its.
“Aba, subukan mong tumuloy dito at makikita mo talaga ang mga stars sa langit”
Ngunit parang walang pakialam ang nagmamaneho dahil hindi ito natinag na may burol at nagpatuloy sa pag-da-darive na to the point na muntikan na nitong mabangga ang isang pole. Doon na siya napiga.
Ginugod niya ito. Kinatok niya ang windshield. “Hoy, nakita mo namang may patay diba? Wala kang respeto, paano kapag ikaw ang namatayan at ginanito, anong mararamdaman mo? Hoy bumaba ka sabi d’yan, h’wag ka magtago sa kotse mo, Duwag!”
Lumabas ang may-ari ng kotse. And he looks so d**n mad!
Pero hindi lang iyon ang napansin niya dito, may itsura ang lalaking walang modo. In fairness, hindi lang siya may itsura, gwapo talaga!
Shucks! Ano to, Crush at First Fight?
Lahat ng gusto niyang sabihin ay nawala na sa utak niya. Ang gusto nalang niyang gawin ay titigan ang mukha ng lalaking ‘to.
“What’s your problem, lady? Alam mo ba ang ginagawa mo?”, anito sa nang-iinsultong tinig.
Dahil sa tono nito ay bumalik ang lahat ng sasabihin sa utak niya. “Excuse me! Ang kapal mo naming lalaki ka. Ikaw nga itong nambastos ng privacy ng pamilya ng may pamilya e. Hindi mo ba nakita? May burol? Bulag!”, aniya ditto.
“Watch your mouth lady!”, galit na galit ang itsura nito.
“Sige nga ikaw, watch your mouth makikita mo kaya ang bibig mo na hindi gumagamit ng salamin? Ikaw mga words mo. Anyway, umalis ka nalang at h’wag ka ng umulit. Kasi kung sa’yo ito mangyayari, na namatayan ka tapos may bastos na kung sino ang dadaan sa tent na pangburol ay maiinis ka din. Pustahan pa tayo”, malumanay na niyang sabi ditto.
“You have no right, saying things like that to me! “, anito na hinhingal na sa pinipigil na galit. Tumingin ito ng lagpas sa kanya. “Len-len, sino ba ‘tong babaing to?”
“Ah, Kuya…ano siya ‘yung kaibigan ko”
“Teach your friend how to have manners”
“Hah!”, napigtal ang pagtitimpi niya. “Ang kapal naman ng mukha mo. Ikaw nga itong walang manners, ako sasabihan mo niyan. Tsaka sino ka ba, kung magsalita ka parang kapamilya mo ang namatay ah”
Lumambot ang ekspresyon nito pero saglit lang iyon. Pagkatapos niyon ay mas bumangis ang itsura nito. “I will not explain myself to you, Miss”, anito at pumasok sa loob ng bahay ng tito nila Len-len.
“Talaga, you will not explain yourself to me because you’re not a teacher! Hah! Akala mo kung sinong mag-Ingles. Marunong din ako mag-english, por your information. Marunong din akong mag-bisaya at magtagalog, Hah! Tignan mo, tatlong salita pa ang kaya kong sabihin!”, aniya dito.
Ngunit hindi na siya pinansin nito at tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. Pumasok sa loob ng bahay?!
Mabilis s alas-cuatro na bumalik siya sa tabi ng kaibigan. Nagririgodon ang dibdib niya. Totoo kaya ang hinala?
“Sino yun? Kamag-anak mo? Bakit hindi mo sinabi?” Muntikan pa niyang mahampas ang kaibigan”Argh! Ikaw talaga pinapahamak mo ako!”
“Bakit, sino ba nag sumususod-sugod nalang bigala-bigla? Definetly, hindi ako ‘yon”, anito.
“Oo na, tanga na ako at pakielamera. Mabait at cute”
Natawa ito pero ng may maalala ay natigilan. “Lagot ka nga pala dun. Masungit si Kuya Nikko”
“Teka, Nikko? E ano koneksyon niya sainyo?”
“Pinsan ko siya. Siya ang kaisa-isang anak ni Tito Gener”
Syemay! Ang ganda pa ng speech niya, yun pala siya ang walang karapatan. Gusto niyang kagatin ang sariling tenga. Kaso hindi abot e. Sayang!