|
Post by rhej on Jul 10, 2007 17:43:52 GMT 8
mga pranings! mga pranings! ginawa ko itong topic na ito para ibahagi ang ating mga kakaibang talento... kahit ano... nang malaman at makilala natin ang bawat isa...
kahit ano pwede dito. kung nakakasubo ka ba nang nagbabagang uling or nakakatawid sa alambre. kung ikaw nakapag-imbento nang bagay na makakapagpagunaw nang mundo. kahit lumang panty nang lola niyo na sinulsihan niyo, pwede niyo picturan at i-post dito...
hahaha... masayang usapan ito diba? umpisahan ko na... ito yung short story na ginawa ko para sa b-day ni bruhang Ianne... sana hindi kayo mabaliw pagnabasa niyo ito... hahaha...
|
|
|
Post by rhej on Jul 10, 2007 17:54:53 GMT 8
Kadramahan Nang Puso
Sa bayan ng Parañaque, may baliw na ipinanganak na muntikan nang ikagunaw ng sandaigdig. Lumaki itong cute at makulit ngunit hanggang 4’11 lang ang inabot. Mahilig siyang manggulo sa mga taong nananahimik sa boring na buhay ng mga ito. Pati ang walang kamuwang-muwang na mga sikyo at tindero ay napagdidiskitahan nito. Madals itong magbingay ng mga walang kakonek-konek na sagot na kahit si Einstein ay hindi makakayang ipaliwanag, tulad ng, bakit “tae” ang tawag sa tae or bakit pula ang kulay nang dugo at hindi purple or green. At sa gawi niyang iyon, marami na siyang na impluwensyahang tae este tao. She’s living her life to the foulest, at kahit laging out of this world ang trippings niya sa buhay, marami naman siyang napapaligaya. And she’s contented on her life. Living on her cousin’s house. Enjoying her job as a dance guru at the Back Stage Theater Group. At makikumpetensya sa mga friends niya kung sino ang may pinaka malakas ang sapak sa utak.
One day, she received a bad news from her cousin, Jhogie. “What?!” “Just for a month or less Ianne. Under renovation pa ang condo unit niya sa Makati.” Paliwanag ng pinsan niya sa kabilang linya ng cellphone. “Kuya jhogie, anong planeta ba ang bumaksak sa ulo mo at nakaisip kang magpatuloy ng microorganism sa bahay mo. And take note! Lalake po iyan. Hindi mo nalang naisip na isang dalagang Pilipina ang pinsan mo.” Pagdadrama niya. “Watch your language Ianne. Bahay ko iyon kaya may karapatan akong magpatira ng kahit sino. Multo man iyan o maligno. And besides, Kilala ko ang lalakeng iyon. Mas mapagkakatiwalaan ko nga siya kay sa sa’yo.” “Ouch! Nakaka-hurt ka nang feelings kuya Jhogie! Ikaw pa naman ang favorite cousin ko, tapos inaapi mo ako.” Pagtatampo niya rito. “Ianne, for a month lang naman.” Seryosong ani Jhogie at hindi pinansin ang pagdadrama niya. Napabuntong hininga siya. Bakit nga ba siya ang narereklamo? Nakikitira lang naman siya doon. Siya dapat ang mahiya at hindi pinakikiusapan. Masyado na ngang mabait ang pinsan niya para ipagkatiwala sa kanya ang tahanan nito, tapos siya pa itong kung sino kung umasta. Pero kapag tumuloy ang kaibigan nito sa bahay, magkakaroroon nang limitation ang pagrereyna-reynahan niya sa bahay ng pinsan niya. Baka hindi pa sila magkasundo nito. Masira pa ang diskarte niya sa mundong ibabaw. Baka hindi pa niya magawa ang purpose niya sa mundong ibabaw. But she had no choice. Bahay iyon nang pinsan niya. Kahit ba, hindi ito tumutuloy doon ito parin ang may karapatan sa bahay. Tutal, one month lang naman. “Fine.” “Talaga?” Masigla na ang boses nang pinsan niya. “Do I have a choice? Ikaw kaya ang may-ari nang bahay na iyon at ako’y hamak na pulubi lamang na nakikituloy.” Narinig niya ang malutong na tawa nito. “Sino ba ang Alien na iyon para mapaghandaan ko ang invasion niya sa teritoryo ko.” Yamot na tanong niya. Tumawa ulit si Jhogie bago siya sinagot. “He’s Xian Awee Alvarez. I just want to warn you cous. His not a typical nice guy type. If I were you, I will ready my guard.” Siya naman ang natawa. “Thanks kuya. Gagamit ako ng Safeguard para sa kanya. Para matulungan ako ni captain safeguard.” “Ikaw talaga Ianne, ginawa mo na talagang mikrobyo yung tao.” They ended laughing bago sila nagpaalam sa isa’t-isa. Matagal siyang natigilan at inisip ang babala nang kanyang pinsan. Sino kaya ang Xian Awee na iyon? Baka isa itong kulugo sa pwet na magbibigay sa akin nang pimples dahil sa sobrang stress! Ooh! Noo! Ngunit agad na tumaas ang isang kilay niya. “Well, if he messed with me. I will be his greatest nightmare!”
Malalim na ang gabi ng makauwi siya. Pagod na siya at masakit pa ang kanyang katawan. Nalalapit na kasi ang kanilang musical play na pinamagatang, ‘Kung may gatas ka pa sa labi, Punasan mo’. Kaya grabe na ang mga rehearsal nila. Madilim ang buong bahay. Siya lang naman ang nakatira doon. Uwian kasi ang kinuha niyang tagalinis nang bahay. Masyado kasing mahalaga ang privacy para sa kanya. Agad na siyang nagtungo sa kanyang silid. Matapos ilapag ang mga dalang gamit, agad siyang nagtungo sa bathroom para maligo. Masarap matulog pagbagong ligo, lalo pa’t pagod. Matapos ang halos isang oras na pagbababad sa bathtub, inihanda na niya ang kanyang sarili upang matulog nang may marinig siyang ingay na nanggagaling sa kusina. “Anak nang tipaklong, may magnanakaw atang nakapasok.” Agad niyang kinuha ang nakatagong wooden baseball bat sa ilalim nang kama niya. Binili niya talaga iyon para sa mga ganoong sitwasyon. Dahan-dahan siyang lumabas nang kanyang silid. May nang gagaling na liwanag sa kusina kaya dahan-dahan siyang nagtungo doon. Ohh noo. Baka rapist ang isang ito. Baka makuha lang nang kung sino ang perlas nang silangan ko. Tumigil siya saglit at huminga nang malalim. Lord, kung ito mang lalaking ito ang maswerteng makakakuha ng perlas nang silangan ko, dalangin ko na sing gwapo ito ni Papa Shirota Yuu ko. Napapikit siya nang mariin bago dahan-dahang sumilip sa pintuan nang kusina. Agad naman niyang itinago ang sarili nang makita ang isang higanteng lalake na nakatalikod sa gawi niya kaya di niya naaninag ang mukha nito. Hingante! Oo! Hingante nga iyon. Muli niya itong sinilip. Busy ito sa harapan nang stove na parang nagluluto. Nagluluto? Hello! Ngayon lang ata siya nakakita nang magnanakaw na nagluto muna sa tahanan nang nanakawan nito. Aba! Abusado ka na ah! Nanakawan mo na nga ako, magluluto ka pa sa kusina ko.Huminga siya nang malalim. Pagkakataon na niya iyon para mahuli ang estranghero. Kaya ko ito! Ajah! Dahan-dahan siyang lumapit sa higanteng lalake habang nakaamba ang baseball bat niya dito. Linunok niya muna ang natitirang laway sa kanyang bibig bago inihanda ang sarili. Akma na niya itong papaluin sa ulo nang bigla itong humarap sa kanya. Nagulat siya kaya napatili siya nang wala sa oras bago ipinikit ang mga mata. Ang higanteng manong naman ay halatang nagulat din ngunit agad nailagan ang baseball bat na paparating sa ulo nito. Hahampasin pa niya sana ito nang baseball bat nang maagaw nito ang bat sa kanya. Ngunit hindi siya nagpatalo. Pinagbababayo niya ito. Ngunit nahapit siya nito palapit sa katawan nito. Naalarma siya kaya nagtititili siya. “Hey! Stop. Stop!” Pagpapatigil nito sa kanya. “Ayoko! Ayoko!” Nahuli nito ang mga kamay niya kaya lalo niyang nalakasan ang tili. “ Help! May kapreng manri-rape sakin! Rape-” Natigilan ang mga susunod na tili niya nang takpan nito ang bibig niya. Napadilat tuloy siya nang wala sa oras. O. M. G.! That kapreng manong na manri-rape sa kanya ay biniyayaan nang Diyos nang napakagandang blue eyes na nakita niya. Kahit may bakas ng galit ang mga ito, hindi parin niya maialis ang mga mata dito. “Will you listen to me for a minute before you scream.” Utos nito na tanging tango lang ang nasagot niya. “Im Xian Awee Alvarez. Jhogie’s friend.” Kinurap-kurap niya ang mga mata. Now she remember about her cousin’s friend. Nawala na pala sa utak niya iyon dahil sa ilang araw na pagiging-busy niya sa rehearsal nila. Xian Awee Alvarez, the invader. “You remember now?” Marahan siyang tumango. Yes she remember now. But Jhogie didn’t tell me how handsome you are. Tinanggal nito ang kamay sa bibig niya. Doon niya lang nabigyan nang pagkakataon na mapagmasdan ang buong mukha nito. Bukod sa magagandang mata nito. Naternuhan pa ito nang makapal na kilay. Aristokratang ilong at mapupulang labi. Lord! Pwede na. pwede ko nang ibigay sa kanya ang perlas nang silanganan ko! “Are you finished?” “Huh?” Wala sa sariling tanong niya. “Tapos ka na bang titigan ako?” Parang binuhusan siya nang malamig na tubig. How rude! Di pa siya tapos pagpantasyahan ang mala Adonis na mukha nito. Ibinaba nalang siya ang tingin at doon lang niya napansin ang pagkakahapit nang isang braso nito sa beywang niya. She cleared her throat. “Pwede mo na po akong bitawan.” Para naman natauhan ang lalake ngunit hindi siya kagad nito pinakawalan. Parang may binabasa pa ito sa mukha niya. Bakit? May muta ba ako? Di pa naman ako natutulog ah? “Your hand please.” Untag niya muli dito. Dahan-dahan siya nitong pinakawalan at muling ibinaling ang atensyon sa niluluto nitong kay bango. Nakaramdam tuloy siya nang gutom. Pero hindi niya parin maalis ang mga mata niya sa malapad na likod ni Xian. Mas mabubusog ata ako sa kanya. “Gusto mong kumain?” Tanong nito na hindi man lang siya nilingon. napaka-stone naman nang manong na ito? Napabuntong hininga siya. Hindi siya sanay na nai-itchapwera. Ever since nakakakuha na siya nang atensyon nang mga tao, kahit sa simpleng gesture niya lang ay napapatawa na niya ang mga tao. Bakit ata sa mamang ito mahina ang pwersa niya. “Thanks but I’m okay.” Kaila niya kahit kumakalam na ang sikmura niya sa niluluto nito. Ayaw niya nang mga boring na tao. At mukhang sa ugali nang lalaking itong. Mapapanisan lang siya nang laway. “Matutulog na ako. Enjoy your dinner.” Wala siyang nakuhang sagot mula rito. How rude talaga. Dali-dali na siyang nagtungo sa kanyang silid. Mas gugustuhin pa niyang kausapin ang sarili. At lease, may sasagot sa kanya, unlike that Xian. Luluwa lang ata ang mata niya sa kakadakdak. Pasalamat siya at gwapo siya. Baka mapalayas ko siya dito bigla pagswanget na siya tapos, nagsusungit pa siya. Hmft!
Kagagaling lang ni Ianne sa early morning jogging niya. Alasingko palang nang umaga, at masarap sa pakiramdam ang umagang lamig habang nagbabawas siya nang mga bilbil sa katawan. Nagtungo muna siya sa kusina at sinubo ang isang pirasong mani-hotdog bago nagtungo sa sala. Binuksan niya ang stereo sa pinaka malakas na volume nito, at sa masiglang tugtugin, nagsimula siyang umindak. Morning routines na niya ang magsayaw after jogging. It makes her feel healthy. Sa umaga na lang siya nagkakaroon nang time para sa kanyang sarili dahil sa mga overloaded niyang schedule sa Back Stage Theater at sa hindi matapos-tapos na krisis nang Pilipinas sa trapik. Isama pa, pagnangulit ang mga magugulo niyang friends– Muntikan na siyang ma-out of balance nang mawala ang kantang sinusundan niya. What the– Napalingun siya sa dereksyon kung nasaan ang stereo. And she was amazed on what she saw. It was Xian Awee. Nakatayo ito sa tabi nang stereo. Magulo ang buhok nito at halatang kagigising lang. Nakasuot lang ito nang sando at pajamas. Wow! Ang ganda kasing pagmasdan nag biceps nito at ang mga muscle na gustong kumawala sa sandong puti. Okay na sana ang view eh. Ang panget lang ay ang galit na mukha nito. Hawak nito ang electric cord nang stereo. Ohh noo… “Hindi ka ba marunong tumingin nang relo?” Mabibigat ang bawat salita nito. Nagulat siya. Ano bang problema nito? Hindi porket gwapo ito sa umaga minus the angry face ay pagsusungitan na agad siya nito. “Marunong. Alasingko na kaya nang umaga.” Lumapit siya dito upang kuhain ang cord ngunit hindi siya nito binigyan nang pagkakataon na makuha iyon. “Marunong ka nga siguro pero hindi ka marunong mag-isip.” Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Sino ito para pagsalitaan siya nang ganoon? “Aba’t! ano bang gusto mo?” asik niya dito. “Wala. Ang gusto ko lang ipaintindi sa’yo, may natutulog pa sa ganitong mga oras.” He leaned over her. Nagpapahiwatig na mas malaki ito sa kanya kaya dapat tumiklop siya. Inilapit pa nito nang husto ang mukha nito sa mukha niya. “Intindihin mo sana ang mga nahihimbing bago ang sarili mo.” Then he went to his room. Naiwan siyang tulala at wala sa sariling katinuan. Mabilis ang tibok nang puso niya at hindi niya maipahiwatig ang nararamdaman. Akala niya, hahalikan siya nito. Muntikan na. Pero sa kabila nang munting kakaibang damdamin na iyon, may gustong maghiganti upang maitayo ang pride niya. Hindi siya papayag na maghari-harian ang herodes na iyon sa bahay nang pinsan niya. Siya lang dapat ang nag-iinarte doon at hindi ito. “Makakagantin din ako sa’yo Xian Awee. I swear! Over my death body! Gaganti ako. Gagawin kitang bola nang football at sisipain kita palabas nang bahay na ito.”
Hating-gabi na naman nang makauwi si Ianne. Sarado na ang mga ilaw sa buong kabahayanan kaya maaaring tulog na si Xian. Bago siya makarating sa kanyang silid. Namataan niya na nakabukas ang silid nang binata dahil sa malamlam na liwanag na nanggagaling dito. Nagtungo siya doon at dahan-dahan na sinilip ang loob nang silid. Nakita niya ang binata na nakatungo sa working table nito. Dahan-dahan siyang pumasok at lumapit dito. Nakabukas ang Laptop nito. Mukhang nakatulog ang binata sa gitna nang pagtatrabaho nito. “Sipag mo naman. Kahit sa bahay, trabaho parin inaatupag mo.” Sinilip niya ang screen nang laptop. Hindi maintindihan ang nakalagay doon pero alam niya na sa trabaho iyon nang binata. Biglang may pumitik sa ulo niya. Isang pilyang idea ang naisip niya. I’ts time for my revenge dear Xian. Kinalikot niya ang keyboard nang loptop. Napatingin siya sa nakatungong lalake. Ipagpatawad. Inaway mo kasi ako eh. Bhelat!
Busy si Ianne sa pagbabasa sa newspaper habang humihigop sa kanyang mainit na milo nang umagang iyon. Muntikan na niyang maibuga ang likido sa bibig nang marinig niya ang sigaw ni Xian sa silid nito. Napangiti nalang siya nang maalala ang kapilyahang ginawa nang nagdaang gabi. Now you know who’s Jieanne Menguez, Xian. Magtanda ka na. “Ianne, anong problema ni sir Xian?” Tanong ni Aling Letty ang tagalinis nang bahay. Kagagaling lang nito sa labas at mukhang napahangos dahil sa sigaw ni Xian. Nagkibit balikat lang siya. “Malay ko diyan Nay. Sinasapian again.” Maganda ang pagkakangiti niya nang madatnan siya ni Xian. Napasimangot tuloy siya bigla nang makita ang galit na anyo nito. And she admited, kahit ito ang hari nang kasungitan, gwapo parin ito sa paningin niya. “You!” Duro nito sa kanya. Nahintakutan siya kaya napatayo siya bigla. Sasakalin ata siya nito. Napaatras pa siya nang lumapit ito sa kanya. “Ikaw ang may kasalanan nito.” “A-anong ako?” Kaila niya. “Huwag ka nang magkaila! Ikaw ang kumalikot sa loptop ko kagabi ano?” Asik nito. “Aba! Huwag ka ngang magbintang. Namumuro ka na ah!” Asik niya rin dito. “Mga bata kumain muna kayo bago maglambingan.” Singit ni aling Letty. Pareho silang napatingin sa dereksyon nang matandang babae. Abala ito sa paghahanda nang agahan. “Nanay, hindi ito lambingan. Don’t you here him? His accusing me!” Hingi niya nang tulong dito.
|
|
|
Post by rhej on Jul 10, 2007 17:56:05 GMT 8
“Ikaw lang ang kasama ko sa bahay na ito nang buong magdamag. Alangan namang mabura nang kusa ang lahat nang business files ko sa sariling loptop ko. At hindi na siya marecover dahil kahit sa recycle bin binura ito. Meaning, someone did it on purposed. At ikaw lang ang alam kong may kayang gumawa no’n.” “Aba! tanongin mo nga muna ang loptop mo. Baka may galit lang iyan sa’yo dahil ine-over use mo. nanahimik ako dito ‘no.” Naka pamewang na siya dito. Hindi siya magpapatalo. “Sa pagkakaalam ko ikaw lang ang may galit sa akin sa pamamahay na ito.” Namumula na ito sa tindi nang galit pakiramdam tuloy ni Ianne, aatakihin ito sa puso. Something inside her ang nagi-guilty at nagwo-worried dito. “Makakaganti din ako sa’yo Ianne. I swear!” Then he went out. Napangiti siya. Ang taray nang lolo mo. May pa-walk out effect. Pwedeng best actor. Napailing-iling na lang siya. Ikaw talaga Ianne. Nuntikan ka nang matusta nang lalakeng iyon kanina, nagbibiro ka pa. Saway sa kanya nang isang bahagi nang utak niya. I know. Natutuwa lang ako, kasi ako ang nanalo sa larong ito. “Napakapilya mo talagang bata ka.” Napabaling siya kay aling Letty. “Ikaw ang may gawa noon no?” Lumapit ito sa kanya upang titigan siya nang mabuti. Mukhang sinisigurado nitong magsasabi siya nang totoo. Ngumiti lang siya at muling bumalik sa harap nang hapagkainan. “Ikaw talaga, Jieanne Menguez.”
Naghagalpakan nang tawa ang mga kaibigan ni Ianne nang i-kwento niya ang kapilyahang ginawa kay Xian. Kasalukuyang nasa Starbucks sila nang Sucat. Katatapos lang nang rehearsal niya sa Back Stage Theater kaya malaya na siyang magliwaliw. Sunday naman kinabukasan, wala siyang trabaho kaya okay lang magpaumaga nang uwi. “Wow! Ianne, maldita ka nga talaga.” Natatawang sabi ni Rhej. “Buti, di ka inihagis palabas nang bahay no’n? Higante pa naman ‘yun sabi mo.” Kumento naman ni Czai. “Magagawa niya kaya iyon, e nandoon si Nanay Letty.” “Dapat i-celebrate natin ito kung ganoon.” “Yeah. Kakaiba talaga ang pwersa nang mga alagad ni Venus.” Ani Rhej. “Tara! Inuman sa bahay!” Malditang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Huh? Baka mabalibag tayo ni giant Xian.” Si Czai na halata ang pag-aalala. “Iyon nga ang point ko, lalo siyang inisin. Nararamdaman ko na malapit na siyang mag-alsa balutan kaya pabibilisin ko na ang mga mangyayari. And besides, naliliitan ka ba kay Rhej– Ouch!” Ngalingali siyang nahampas ni Rhej. “Ako na naman ang nakita mo.” Nagtawanan sila ni Czai. Nararamdaman na niya ang nalalapit niyang victory. Mawawala na sa landas niya ang papable na si Xian. Hindi na niya masisilayan ang blue eyes nito na laging galit. Hindi na siya malalambing nito sa pamamagitan nang pasusungit nito. Hey! Bakit parang nanghihinayang ako? Erase! Bagay lang iyon sa herodes na iyo. Kailangan na niyang maidispatsa ito upang matigil na ang nakakainis na nararamdaman niya dito.
“Whaaa! Inshan, ishang tagay pa! tagay!” sigaw ni Czai. Lasing na ito at si Rhej naman ay namumula na. napabuntong hininga siya. Lagi talagang nauuna ang mga kaibigan niyang malasing kaysa sa kanya. Malakas lang talaga ang alcohol tolerance niya. At hindi rin siguro siya malalasing dahil sa kakahintay sa hinayupak na si Xian. Ito pa naman ang dahilan kung bakit kinaladkad niya ang mga kaibigan niya sa bahay nila. Narinig niya ang hagikgik ni Rhej. “Yhubs, wala na sa katinuan si Czai.” “A-anong wala? Di pa ako lasheng no! hik.” Nagtawanan sila ni Rhej. Ganito sila magtripings magbabarkada. Ang mag-inuman sa bahay nang isa sa kanilang tatlo. At alam na rin niya kung pano malasing ang mga ito. At malapit nang ma-knock out ang isa sa kanila, wala pa rin ang hinihintay niya. Asan na ba ang lalakeng iyon? “Waaayy… nahehelo na ako. Hik.” Nagkatinginan sila ni Rhej. “Ohh noo!” pareho nilang nasabi. Alam na nila ang susunod na mangyayari. Agad siyang tumayo. “Kukuha lang ako nang basin and water.” Tango ang sinagot sa kanya ni Rhej habang inaasikaso si Czai. Agad na siyang nagpunta sa kusina. Nang makuha ang kanyang kailangan ay dali-dali siyang nagtungo sa sala kung nasaan ang mga lasenggerang kaibigan. Ngunit nabitawan niya ang kanyang dala nang masilayan ang tagpo sa sala. Nakatayo si Rhej. Ang pinsan niyang si Jhogie. At si Xian na bakas din ang gulat sa mukha. Nakaupo naman sa sofa si Froilan, kaibigan din nang pinsan niya. At si Czai ay bakakandong dito at walang malay. The gross part was, nagkalat ang mabahong suka sa pans at sofa ni Froilan at mukhang kay Czai galing iyon. “Jieanne Menguez!” Sigaw nang pinsan niya. Oh. No! kuhain niyo na ako Lord!.
“Ano bang kalokohan ito Ianne?” galit na bulyaw ni Jhogie sa kanya. “Akala ko responsible ka na to take care may house. Nagkamali pala ako.” Hindi siya kumibo. Ganoon naman siya. Never siyang sumagot sa mga nanenermon sa kanya, lalo na’t may kasalanan siya. Ang nakakaasar, sa harap ni Xian siya sinesermunan ni Jhogie. At alam niya, kahit hindi siya lumingon, tuwang-tuwa ito sa nakikita nito. Kaasar talaga! “Sinabihan ka na ni Xian na pupunta kami dito, hindi ka nakinig.” Napatingin siya kay Xian. Natigilan siya sandali. The hell with his smile! Pano ba ako magagalit sa kapreng ito kung ganito siya kagwapo. “Ianne nakikinig ka ba?” Nagulat pa siya nang tawagin siya ni Jhogie. Masyodo ata siya na-fascinate sa pang-asar na ngiti nito. “Ianne ano ka ba naman –” “Kuya may I correct you.” Hindi na siya nakatiis. Hindi talaga siya magpapatalo sa herodes na iyon. “Walang niha-nihong sinabi ang lalakeng iyan na darating kayo.” “I texted you.” Simpleng sagot ni Xian. “No you did not!” “Yes I did.” Mahinahon parin ito samantalang siya ay nanggagalaiti na sa inis. Nagpapalit-palit nang tingin si Jhogie sa kanila. “Sumasakit ang ulo ko sa inyo!” Sabay walk out nang pinsan niya. Inismiran naman niya ang binata bago nag-walk out din. Talagang pikang-pika na siya dito. Ito ang may kasalanan nang lahat. Kung hindi ito dumating sa nananahimik niyang buhay, hindi sana siya trying hard na madispatsa ito. Madispatsa? O baka trying hard kang magpapansin sa kanya? “Anong trying hard magpapansin? Sambunutan kaya kita Jieanne Menguez.” Inis na nasabi niya sa sarili. She was headed to her room nang mapansin niyang bukas ang pintuan ng kwarto ni Xian. Iiling-iling na pumunta siya doon upang isara sa pinto nito. “Burara talaga ang lalaking iyon.” Natigilan siya sa gagawin nang may mapansin sa bedside table nito. It was a picture of a lovely lady. Mahaba ang buhok nito na medyo nililipad nang hangin sa larawang iyon. Halos pikit na ang chinitang mga mata nito dahil sa pagkakangiti. Something inside her felt something. Pain. But why? Hindi niya maalis ang mga mata sa larawan na iyon. Ngayon alam na niya, na kahit anong klaseng pagpapapansin niya kay Xian ay hindi siya mapapansin nito. Lamang ba naman nang isang hilamos yung girlfriend nito sa kanya. Girlfriend? Lalo atang lumalim ang ‘Pain’ na iyon nang maisip ang katagang iyon. May nagmamay-ari na pala sa binata kaya useless din ang pagpapapansin niya? Wait? Nagpapapansin ba ako? OO! Malaking Oo! Ayaw mo lang aminin. Wala siyang naramdamang pagtutol sa utak niya, lalo na sa puso niya. Meaning, sa mga pang-aasar niya dito, papampam pala niya iyon. Pero bakit? And hell! What’s with this pain? Aalis na sana siya nang may maisip na kapilyahan. Kinuha niya ang lipstick sa kanyang bulsa na kinuha niya kanina. Gagamitin niya sana iyon para pagtripan si Rhej pagnalasing na. Pero iba pala ang purpose no’n. “Pagpasensyahan na. pero gusto ko lang gumanti sa kapre mong boyfriend.” At gamit ang lipstick nagsimula siyang magsulat nang kung-ano doon. Binalik na niya sa dating ayos ang larawan. “Pasensya na talaga.” Then she went to her room upang kumuha nang damit na ipapahiram kayna Rhej at Czai.
“Pasensya na froilan, hindi ko talaga alam na pupunta kayo.” Hingi niya nang paumanhin sa binata. Kasalukuyang nasa hapagkainan na sila at kumakain nang almusal nang umagang iyon. “Okay lang iyon.” Simpleng sagot nito sabay ngiti bago humigop sa tasa nang kape. “Pasalamat ka dahil mabait iyang si Froilan. Kundi nasakal ka niyan kasama nang kaibigan mo.” Ani Jhogie. Napanguso nalang siya nang wala sa oras. “Kamusta na nga pala si Czai?” Tanong ni Froilan. “Ayon, nagawa pa din nang mapa.” Singit ni Rhej na nakatutok sa kinakain. Natawa siya nang makita ang pagkakakunot noo ni Froilan at Jhogie. “Nagawa nang mapa?” Korong tanong nang dalawang binata. “Natutulog pa siya.” Sagot niya sa dalawa. “Ahh…” Nagkangitian nalang sila ni Rhej dahil sa kainusentehan nang dalawa. Ganoon talaga silang tatlo. May sariling set of words. “Ouch! Ouch! Ouch!” Napatingin silang lahat sa bukana nang kainan. Nakatayo doon si Czai hawak ang ulo. Halatang kababangon lang nito dahil sa gulo nang buhok. “Ang sakit nang ulo ko.” Mangiyak-ngiyak itong umupo sa tabi niya. Tumawa si Rhej. “Tunggain mo ba naman yung bote nang Black Label e. ayan ang napapala nang mga lasenggera.” “Tawa ka diyan. Parang ganyan din ‘yung drama mo kaninang umaga ah.” Siguda niya dito. Dinilaan lang siya nito. “Makakatulong ito.” Nag-abot nang isang tasa nang kape si Froilan kay Czai. Bakas ang pagkagulat sa mukha nang kaibigan niya nang masilayan ang mukha ni Froilan. “You know. Nanaginip ako kagabi.” Sandaling nag-isip ito. “Oh no! Don’t tell me hindi panaginip iyon?” Nagpalipat-lipat ang hindi maipintang mukha ni Czai sa kanilang dalawa ni Rhej. Nagkatinginan sila si Rhej sabay tawa. “Oh! No!” Sabay tungo nito sa lamesa. “It’s okay Czai. Okay lang naman iyon kay Froilan.” Ani Jhogie na natatawa na rin. “Sa katunayan, siya pa nga ang nag-asikaso sa’yo kagabi.” “Nakakahiya pa rin.” Nasa akto sila nang kasiyahan nang sumulpot si Xian. Natahimik silang lahat lalo na nang makita ang galit na mukha nito. “You!” Pasugod ito sa kanya. Napatayo siya sa kinauupuan at nagtago sa likod ni Jhogie na napatayo na rin. “Kuya help! Baka masuhin ako nang kapreng iyan!” “Pare huminahon ka lang. pinsan ko’to.” Awat dito nang pinsan niya. “Tignan mo ang kalokohan nang pinsan mo.” Pinakita nito ang larawan nang babae na napagtripan niya nang nagdaang gabi. Kung anu-ano ang mga nakadrawing doon. Nilagyan niya pa nga ito nang pangil at sungay. Natawa sina Czai at Rhej ngunit agad ding natahimik nang titigan ito nang masama ni Xian. “Hindi na nakakatuwa ang pinsan mo Jhogie. Hindi na niya nirespeto si Bianca. Alam mo naman kung gaano siya kahalaga sa akin.” Mabibigat ang bawat salita ni Jhogie na nagbigay nang kakaibang sakit kay Ianne. “Ako nang bahala kumausap sa kanya Xian.” Mahinahong ani Jhogie. Nalunok nalang niya ang natitirang laway sa bibig nang titigan siya nang masama ni Xian. Doon lang niya nakuha nang ganoon ang atensyon nito. Pero napaka-sakit para sa kanya kung paano nito pinagtatanggol ang babae sa larawa. napaka-swerte nung girl, for having Xian. at siya… Nagseselos ba siya? Huminga muna nang malalim si Xian bago umalis. Nakahinga naman siya nang maluwag. akala niya, masasakal na talaga siya nito. but the pain was still there. And d**n! She don’t like the feeling. “Mababatukan na talaga kita Ianne!” Bulyaw ni Jhogie nang harapin siya nito. Hindi siya umimik. Wala siya sa mood makinig nang sermon. Ang gusto niyang gawin ay ang alisin ang nararamdamang sakit. She want to scream to take away the pain. Bakit nga ba? bakit ganoon na lang siya nasasaktan? sino ba si Xian Awee? ordinaryong lalake lang naman siya. Plus the kagwapuhan minus the kasungitan. Hindi niya nga type ang masusungit eh. Maingay siyang babae, kaya dapat maingay din na lalake ang magugustuha niya. Napaka boring pa ang makasama sa bahay ang isang Xian Awee. Lagi itong nagtatrabaho. But she never felt boring beside him ever since they meet. Natutuwa nga siya sa ginagawa niyang kapilyahan dito. “Ianne!” Untag ni Jhogie sa kanya. “Nasa reality world ka na ba?” tanong ni Rhej. Marahan siyang tumango. ano ba ang ginagawa sa kanya ni Xian Awee? Ginayuma ba siya nito? “Mamumuti talaga ang buhok ko sa’yo Ianne. Bakit ba sa akin ka iniwan nina Tita Carolina?” Nangungunsuming tanong ni Jhogie. “Sino ba si Bianca?” Singit ni Czai. “Di ba obvious Cyril Grace Luzon Mancilla. Girlfriend iyon ni papa Xian ‘no.” Paliwanag ni Rhej. Gusto niyang batukan ang kaibigan. bakit kailangan pa nitong ipagdiinan kung sino ang Bianca na’yon sa buhay ni Xian. “Bianca was Xian’s bestfriend.” Ani Froilan. “Bestfriend?” Aniya. Bestfriend lang ito nang binata? “Parang kapatid na niya si Bianca.” Singit ni Jhogie. “Dahil ulilang lubos si Bianca, ang pamilya na ni Xian ang nag-aruga kay Bianca. They grow up together. at dahil nag-iisang anak si Xian, si Bianca ang naging kadikit niya. Until Xian fell in love to Bianca.” “Nagtapat nang walang alinlangan si Xian kay Bianca.” Pagpapatuloy naman ni Froilan na nakatingin kay Czai. “Pero sa hindi kadahilanan, hindi tinanggap ni Bianca ‘yung pagmamahal ni Xian. Ikinagulat naming iyon, dahil obvious din naman na mahal niya rin si Xian. Then one day, umalis na lang bigla si Bianca. nagpunta siya sa America without any words of goodbye for Xian. Naiwan si Xian na bigo at nagsisisi. Sinisisi niya ang kanya sarili sa pag-alis ni Bianca.” “A year later. nakatanggap nang balita ni Xian. Patay na pala si Bianca.” ani Jhogie. “What!” Koro ni Rhej at ni Czai. Siya man ay nagulat. “Matagal na palang may sakit si Bianca. A brain tumor. at ang karamdaman niyang iyon ang dahilan nang pagtanggi niya kay Xian. Nang malaman iyon ni Xian, akala naming magpapakamatay na siya.Thank God hindi naman niya ginawa. Umalis lang siya nang Pilipinas at naglibot sa buong mundo. Iyon na siguro ang ginawa niya para maka-move on kay Bianca.” “But as you can see, hindi parin siya nakakamove on after three years.”
|
|
|
Post by rhej on Jul 10, 2007 17:57:00 GMT 8
Now she knows. Kaya pala ganoon na lang ang galit ni Xian. Minahal pala talaga nang binata si Bianca. Lalong tumindi ang sakit na nararamdaman niya. Bakit ba ganoon? Kahit siya nalilito. May gusto ba siya kay Xian? Mahal ba niya ito? Paano naman niya mamahalin ang isang Xian Awee na ugod nang sungit at may Bianca na minamahal? Kailangan pa niyang tunawin ang puso nito na naging bato na sa loob nang tatlong taon. Pero… Why not, poknat! Narinig niyang sabi nang isang boses sa utak niya. Tao lang si Xian. Magagawa mo siyang paamuin Ianne. At sa ganda mo at sa lakas nang appeal mo. Duh! magsisisi si Xian pag pinakawalan ka niya. Tama ba naman iyon? Magpapakababa siya nang dahil sa lalake? At baka masaktan pa siya nang husto.
“Sin-laki nang panty nang lola ko ang problema mo Ianne.” kumento ni Rhej. Kasalukyang nasa Serenade Café sila. kaibigan ni Rhej ang may ari nito kaya kadalasan silang nadoon. Plus, marami pang mga gwapong nadayo kaya wiling-wili sila sa lugar na iyon. Pero sa mga oras na iyon, wala siyang ganang maghanap nang lalake dahil kanina pa ginagambala ni Xian ang utak niya. Oo! Si Xian Awee Alvarez again! Asar no? Natawa si Czai. “Sabi na nga namin e.” Nagtaka siya. “Pinag-uusapan na kasi naming iyan ni Rhej noong unang beses na problemahin mo si Xian. You’re in love!” Ganoon ba ka obvious ang nararamdaman niya? Samantalang siya nalilito pa. “Don’t worry Ianne my friend. Tutulungan ka namin ni Czai.” Ani Rhej “Talaga?” Napangiti nalang siya. Kaya mahal na mahal niya ang dalawang bruha na ito. Kahit na panggulo sa buhay niya, maaasahan naman. “Oo naman. You will win his heart. Just show to him the sweet side of you.” “At subukan lang nang Xian na iyan na paiyakin ka kung hindi ko siya ipalaman sa turon at ipakin sa dambuhalang pating sa gitnang pacific.” Yabang na ani Rhej. Niyakap niya ang dalawa. Kahit na gaano pa kapraning ang dalawang ito, sa next life niya, hihilingin niya kay Lord na sila parin ang maging kaibigan niya.
Napangiti si Ianne nang matapos sa paghahanda nang hapunan. nagluto siya nang minudo na itinawag niya pa sa nanay niya kung paano lutuin. Para iyon kay Xian. Well, iyon ang fisrt step niya para makuha ang pansin ni Xian. At sabi nga nila, the best way to win the men’s heart is through his stomach. Wala pa si Xian kaya naghintay muna siya sa sala. she waited there. One hour. Two hours. Three hours na siyang naghihintay and still no sign of Xian Awee! Namimigat na ang talukap nang mga mata niya. Ngunit gusto niyang hintayin ang binata. 30 minutes more. Tawad niya sa sarili. Ngunit naalala niya na may rehearsal nga pala siya bukas. “I’m sorry heart. hindi ko na talaga kaya.” Kumuha siya ng isang pirasong pape; at nagsulat nang maigsing mensahe para kay Xian. Dinampian niya muna ito nang halik bago iniwan sa ibabaw nang platong inihanda niya para kay Xian. “I hope I will see you tonight Xian.” Aniya bago ibinaksak sa malambot na kama ang katawan.
Nagmamadaling binuksan ni Ianne ang tv at dvd player at nagsalang nang isang bala ng palabas. ganoon siya pag-umuuwi na may dalang magandang palabas. Hindi na niya mahihintay ang minuto. sumalampak na agad siya sa sofa nang magsimula ang palabas. Nagulat siya nang may umupo sa tabi niya. It was Xian. Natigilan siya at napatitig sa mukha nito. Anong ginagawa niya dito? Naramdaman niya ang pagbilis nang tibok nang peso niya. Ano ba ang ginawa sa kanya ni Xian at naging ganoon ang apekto nito sa kanya. Anak nang tokwa naman. Itinoon na lang niya ang sarili sa panonood. Kailangan niyang magconcetrate doon para kumuha nang mga bagong steps. Nako naman. Wrong timing ka Xian. “You really like dancing.” Narinig niyang sabi nito. “Y-yup. Buhay ko na siguro iyon.” Hindi niya inaalis ang tingin sa tv kahit alam niyang nakatingin ito sa kanya. “You’re a nurse right?” Marahan siyang tumango. Mukang nakuha nito ang impormasyon na iyon kay Jhogie. “Bakit hindi mo pinagptuloy?” Napangiti siya. Bibihira na lang ang taong nagtatanong sa kanya nun. Iniisip na kasi agad nang iba na talagang pasaway siyang bata. “Nag-work naman ako for four years e. Two years dito sa Philippines at two years sa London. Ibinigay ko lang ‘yung mga pangangailangan nang pamilya ko. after n’un, syempre gusto ko naman tuparin iyong mga hilig ko sa buhay.” “Pareho kayo nang ugali ni Bianca.” Maya-maya ay anito. nuts! That’s hurt. bakit kailangan nitong ungkatin ang tungkol sa dalaga? Naging manhid na ba ito nang tuluyan? Huminga siya nang malalim. Hindi niya kailangan madaliin. marami pa naming time. Sana nga lang, hindi siya mapagod sa kakaantay dito. “I’m sorry about that.” Paghingi niya nang paumanhin sa ginawa niya sa larawan nang dalaga. “Hindi ko kasi alam ang tungkol sa kanya.” “Yeah. Sorry din sa paninigaw ko sa’yo.” Silence. Nailang tuloy siya. Wari niya’y nakatitig ito sa kanya. Superman, bahagian mo ako nang super strength mo, para ma-carry ko ito. “Thank you nga pala do’n sa niluto mo kagabi.” Napatingin siya bigla dito. nakatingin nga ito sa kanya. And the good thing was, nakatitig parin ito sa kanya nang kaharap siya. Nice. “You ate it?” Masiglang tanong niya dito. “Yup.” Tinuon nito ang paningin sa tv. “Nung nabubuhay pa si Bianca, madalas din niya ako paglutuan.” Nawala ang ngiti sa mukha niya. Aba! namumuro ka na! Ianne, inhale. Exhale. Itinuon na lang niya ang tingin sa tv. Ayaw na niyang kausapin ito, labag man sa kalooban niya. Baka mabanggit na naman nito si Bianca. Masasaktan na naman siya.
Maganda na ang samahan ni Ianne at Xian sa mga nakalipas na araw. Nakikita na rin niya ang mga good side nang binata. Masarap pala itong magluto at talagang nilantakan niya ang mga ulam na niluluto nito. Nagpapatawa din pala ito kung minsan kahit korney. Marunong din sa gawaing bahay. Ang hell, he have the best d**n smile she ever saw. Para lang silang new weds couple na parang mga batang naglalaro nang bahay-bahayan. Ngek! ang green pakinggan. But she likes what was happening. Mas maganda na iyon kahit na lagi nitong binibigkas ang pangalan ni Bianca. Minsan inisip niya na sana siya nalang si Bianca. Pero napaatras din siya sa ediyang iyon. Feel niya kasi ang beauty ni Jieanne Menguez kaysa kay Bianca. Sumalangit nawa. Katatapos lang niyang maghugas ng mga pinagkainan nila ni Xian samantalang nasa tabi niya ito at pinapanood ang ginagawa niya. Nasanay na ata siya sa ganoong gesture nila kaya hindi na siya masyado naiilang. Masarap pa nga sa pakiramdam na panoorin siya nito. “Hindi kaya matunaw ako sa ginagawa mo?” Tanong niya. Tumawa ito nang malutong. “Hindi naman siguro.” Humarap siya dito at muli niyang nasilayan ang napaka-gandang blue eyes nito. “I really like your eyes.” Papuri niya dito. “Ang sarap dukutin.” Sabay tawa. “I really like you laugh. parang nang-aakit.” Natigilan siya. Nang-aakit? Ganoon ba ang tawa niya? Ito palang ang nagsabi nito sa kanya. “I also like your cute nose.” Humakbang ito palapit sa kanya. Nagsimula na naman ang pagwawala nang puso niya. naramdaman na rin niya ang panginginig nang mga kamay niya. “Your brown tantalizing eyes.” Tinawid na nito ang pagitan nila. Malapit na malapit na ito sa kanya. What will she do? gusto niya ang mga nangyayari pero. Pero… “And I love your lips.” Hawak na nito ang baba niya. Napapikit nalang siya nang maramdaman ang mga labi ni Xian sa mga labi niya. It was slow, deep, sweet kiss. Hindi siya expert sa halikan, pero sa bawat paggalaw nang mga labi ni Xian wari’y nagsasabing, ito na ang bahala sa lahat. Tumagal din ang manamnam na halikan nila ni Xian bago tinapos iyon nang binata. Nakakawit na sa leeg nito ang dalawang kamay niya samantalang hapit nito ang beywang niya at hinahaplos naman nang isang kamay nito ang buhok niya. What now? Tanong niya. Kahit siya, hindi malaman ang gagawin. It was a dream come true. Mahal na din ba siya ni Xian? “Tulog ka na Ianne.” Hinalikan siya nito sa noo bago siya pinakawalan. Then he went to his room. Naiwan siya sa kusina na natitigilan parin. Ganoon lang iyon? Nahampas niya ang pasimanong tiles nang wala sa oras. “Nakakabitin naman.” Tinapos na niya ang mga dapat tapusin sa kusina bago nagtungo sa kusina. Pero natigilan siya nang makitang bukas parin ang pintuan ni Xian. Naisip niya itong silipin. Baka nakalimutan na naman nitong isara ang sariling pinto. Natigilan lang siya sa kinatatayuan nang makita ang binata. Nakaupo ito sa kama at hawak ang larawan ni Bianca. May sinasabi si Xian dito ngunit hindi niya marinig. Pero tama na ang nakita niya para masaktan nang husto. Mahal parin ni Xian ang dalagang yumao. At mukhang panakip butas ang nagiging papel niya sa bahay na iyon. Kahit kalian, hindi niya maaagaw ang puso ni Xian na sinama na ni Bianca sa kanyang libingan. Hindi niya namalayan ang paglandas ng mga luha niya sa kanya mga mata. Nasasaktan na siya nang husto. and all this time, nagmumukha lang siyang tanga. Pati ang halik nito sa kanya kanina. That d**n kiss! napaasa pa tuloy siya nang wala sa oras. Kailangan niyang lumayo kay Xian habang maaga pa. Baka pagtumagal pa siya sa piling nito. Ma-heart attack pa siya nang di oras. Kailangan na niyang kalimutan ito. At kung hindi ito ang lalayo, siya na lang ang aalis.
“Aray!” Sigaw ni Genesis. Kayna Genesis siya tumuloy nang mag-alsabalutan siya. Bestfriend niya ito since Elementary. Para na silang magkapatid kaya okay lang na do’n muna siya sa bahay nito. Kasalukuyang nasa healing process siya. Pero napakatagal na healing process dahil mag-iisang linggo na siya doon ay wala paring progress. Mahal niya parin si Xian at hindi na ata magbabago iyon. Muli niyang kinurot sa braso si Genesis bago ngumawa. “Nakakasakit ka na Ianne! Kung hindi ka lang babae baka nasapak na kita.” Angal nito. Hinampas niya ito. “Hindi ka ba naawa sakin? I’m hurt!” parang batang tampo niya dito. “Wala akong nakikitang injury mo Ianne.” “injury sa puso meron!” “Sabi ko naman kasi sa’yo, bugbugin na natin iyang Xian Awee na iyan nang hindi ako ang binubugbog mo!” Angal nito. Muli niya itong hinampas sabay punas sa mga luhang pilit lumalandas sa kanyang mukha. “Ianne, almost one week ka ng nagkakaganyan dahil sa lalaking iyan. Pati ako na abuse mo na. Umiinit na ang bunbunan ko sa kanya.” Seryosong anito. Bihira lang niya makitang magalit ang kaibigan. Kadalasan ay dahil sa pinagtatangol pa nito ang mga babae. May pagka-chickboy ito in some ways. Pero nasa lugar naman. Kaya pagdating sa problemang pang puso, she trust Genesis. Nakikinig kasi ito sa kadramahan niya sa buhay at pwede pa niyang mapag-tripan. Nagulat silang pareho nang mag-ring ang telepono. Agad naman itong sinagot ni Genesis. “Sandali lang Rhej, sasabog ang eardrum ko sa’yo.” Anito sa kausap. “Yup. She’s here. Wait.” Inabot nito ang telapono sa kanya. Hindi naman siya nag-alangan na sagutin iyon. Tama na siguro ang pagtatago niya. “Hello?” “Bruha ka! Asan ka ba?” High pitch na tanong ni Rhej. Nailayo niya nang bahagya ang aparato sa tenga sa tinis nang boses nang kaibigan. “Ano ka ba naman girl. Lower your voice. Parang nasa Pluto ang kausap mo eh.” She heard her sigh. “We we’re so worried. Hindi ka man lang nagpaparamdam. Alam mo bang gusto ko nang patayin si Xian. Halos i-torture na naming siya ni Czai para lang mapaamin kung anong kalokohan ang ginawa niya sa’yo.” Derederetsong salita nito. “Okay lang ba siya?” Nakaramdam kasi siya nang pag-aalala para kay Xian. Alam niya ang kakayahan ni Rhej at Czai. Ayaw man niya aminin. May pagka-sadista ang mga ito lalo na sa ka-lahi ni Adan. “Aba! Siya pa ang tinatanong mo. Kami ni Czai di mo tatanungin kung saang planeta kami galing mahagilap ka lang.” “Bakit? Saan ba kayo galing?” Takang tanong nito. “Sa planeta nang mga baliw. Akala naming napadpad ka na doon. Halos i-pressure na nga naming ang mga SWAT, CSI, NBI mahanap ka lang. pati ang mga rebelde sa Mindanao ay ginera na namin para lang mailabas ka.” Natawa siya. “Over ka naman Sarah Regina Madrigal Mendoza a.” Narinig na rin niyang tumawa ito. “Insan, uwi ka na.” Narinig niya ang boses ni Czai. “Naloloka na ako dito kay Rhej. Para na siyang sinasapian sa kakahanap sa’yo.” She missed them. Kalahati ata nang buhay niya ang nawawala pag hindi nakakasama ang mga ito. “Oo uuwi na ako.” Aniya. “Dapat lang na umuwi ka na. and don’t worry umalis na si Xian sa bahay ni Jhogie. Tapos na ata ang condo unit niya.” Paliwanag ni Rhej. Nakaramdam siya nang kalungkutan. Wala na si Xian Awee sa bahay. Wala na siyang makikitang Blue eyes papa. Wala na siyang mapagti-tripan. Wala nang tatawa sa mga kalokohan niya o maaasar. Wala na yung magagandang ngiti na nagpapaakit sa kanya. At wala nang tititig sa kanya na para bang siya lang ang pinakamagandang babae sa balat nang human Earth. “Speaking of condo unit.” Pagpapatuloy ni Rhej. “Tapos na ‘yung renovation nang condo ko. Pumunta ka muna dito mamayang hapon at tulungan mo akong mag-ayos.” “Opo nanay. Kita nalang tayo mamaya. Bye.” “Ja~ne” Naibaba na niya ang telepono pero parang natuklaw siya nang ahas. Umalis na si Xian. Wala na ‘yung herodes na minamahal ko. Ngayon, hindi na niya kailangan lumayo dahil ang binata na mismo ang lumayo sa kanya. nuts! Sobrang sakit nang nararamdaman niya. Pakiramdam niya, hindi na siya aabutin nang bukas sa sakit na nararamdaman nang puso niya. Goodbye Xian Awee.
“Anong floor ba iyon?” Tanong sa kanya ni Genesis. Nasa bilding na sila nang Heartville Château kung nasan ang condo unit ni Rhej. Pagmamay-ari ito ni Froilan at dito din ang unit nang kuya Jhogie niya. “Sa 18 ata.” Aniya. “Sure ka? Baka maligaw tayo.” Alanganing tanong nito. “Genesis madali lang magtanoong no’!” “Oo nga pala no’.” Pumindot na ito sa mga numerong nakadisplay doon.
|
|
|
Post by rhej on Jul 10, 2007 17:57:34 GMT 8
Napangiti nalang siya. Kung minsan talaga may pagkatanga ang kaibigan niyang ito. Naturingang gwapo. Nakarating na sila sa 18th floor at nagsimulang maglakad sa hallway. Natigilan siya nang mapansin ang tatlong bwisit sa buhay niya na nakatayo sa harap ng bukas na pinto. Ang pinsan niyang sira-ulo na si Jhogie. Ang praning niyang kaibigan na si Rhej. At ang makalaglag panty dahil sa ka-gwapuhan na si Xian Awee. Napatingin ang tatlo sa kinaroroonan nila ni Genesis ngunit si Xian lang napagdiskitahan nang mata niya na titigan. Titigan lang sila. Nagtaka siya. He looks so haggard. Bakas kasi ang nangingitim nitong eyebag. At ang mga maliliit na buhok sa baba nito na ilang araw na atang hindi naaahit. But one thing is for sure. Gwapo parin ito sa paningin niya. “Ianne.” Tawag ni Rhej. Inalalayan naman siya ni Genesis papunta sa mga ito. Hindi na kasi niya maihakbang ang mga paa niya papalapit dito. “Mabuti naman at naisipan mong dalawin ako Genesis.” Nagmamataray nanaman si Rhej. “Nagpasama lang si Ianne sa akin.” “Oh well, mabuti na nandito ka. Tulungan mo na rin kaming magbuhat.” “Huh!” “Nako Genesis. Minsan ka lang maging alipin ko kaya huwag ka nang tumanggi kung ayaw mong maihagis sa Mt. Apo!” Napakamot nalang sa ulo si Genesis. Kapag talaga si Rhej ang nagsalita, hindi pwedeng mabali. Siya naman ang binalingan ni Rhej. “Ikaw naman Ianne. Maiwan ka muna dito sa unit ko, ikaw ang mag-ayos diyan habang inaakyat namin ang iba kong gamit.” Bumaling naman ito kay Xian. “Ikaw naman Xian, Tulungan mo dito si Ianne. May pagkalampa iyan at kailangan niya nang tagabuhat, baka ikapipi niya.” “Huh! Hindi ko na kailangan si Xian. Kaya ko na itong mag-isa.” Tanggi niya. As possible, ayaw niyang mapalapit kay Xian Awee. “Sabi ni Froilan may mumu at serial killer daw ditto sa floor na ito. Mas mabuti nang kasama mo Si Xian.” Pagpupumilit ni Rhej. “Tama iyon Ianne.” Segunda naman ni Jhogie. Aangal pa sana siya nang itaas ni Rhej ang isang kamay harap nang mukha niya. “Kapag umangal ka, ipapapipi kita sa pison.” Hinaltak na nito sina Jhogie at Genesis papunta elevator. “Sa akin muna kayo boys. Ako muna ang reyna niyo.” “Pwede bang magpakain na lang ako sa mga pating.” Ani Genesis. “Magpapatapon na lang ako sa Antartica.” Segunda naman ni Jhogie. Natawa nalang siya. Kakaiba talaga ang triping nang mga ito. “Ianne.” Natigilan siya. Nandoon nga pala si Xian. What now? Anong gagawin nila? Malakas ang bawat tibok nang puso niya. Kailangan niyang madistract lalo pa’t nakakabingi ang katahimikan sa paligid nila. Naglakad siya papasok sa loob nang unit ni Rhej at pinagmasdan ang loob. Medyo maayos na iyon. Konting assemble na lang sa mga gamit. Kinuha niya ang isang angel figurine sa maliit na box na nakakalat doon at ipinatong sa isa estanteng nasa harapan niya. Nagulat nalang siya nang yakapin siya ni Xian mula sa likod. Oh no! Dumoble ang bilis nang takbo nang daga sa kanyang dibdib. Hindi niya magawang lumayo dito. Isa sa mga dahilan ay hindi siya makagalaw. And she like what was happening. “I missed you so much Ianne. Halos mabaliw ako sa kakahanap sa’yo” Mahinang usal nito sa tenga niya. “Why did you left me?” Puno nang kalungkutan ang boses nito. Oh no. I love this guy! Sigaw niya sa sarili niya. Hinanap siya ni Xian. Hindi na ata niya carry ang mga nangyayari. “W – why?” Nanginginig na tanong niya. Niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya ngunit hindi siya binitawan. Dahan-dahan siya nitong hinarap upang makita nito ang mukha niya. Hell. He’s more handsome with those sincere blue eyes. Punong-puno nang maraming kahulugan ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Naramdaman niya ang pagha-hyperventilate niya. Hihimatayin ata siya. “Why? Because I want you. No! not that.” Halatang nalilito ito. “I need you in my life Ianne.” Nagulat siya. Kailangan siya ni Xian. Pero hindi parin siya kontento sa sagot nito. “Why” Muli niyang tanoong dito. Nakita niya ang pagkairita nito. Nagulat siya nang bigla siya nitong halikan. Yung mapusok na halik. Agad din iyon pinutol ni Xian. “That was the reason!” “’yung kiss?” Nalilito na tanong niya. Nalilito talaga siya. “nuts!” Napamura ito. “Ianne, don’t you get it! I love you!” Nagulat siya. Mahal siya ni Xian! Hindi siya makapaniwala. Paano? Kelan pa? Gusto na niyang tumalon sa tuktok nang Mt. Everest sa sobrang saya na nararamdaman niya. “Kelan pa?” Huminga muna ito nang malalim, wari’y nagpapakawala nang tension sa sarili. “From the very beginning. When I saw you in the kitchen and your trying to hit with your wooden baseball bat.” “Wait! Don’t English, I panic!” Wala na siyang maisip na maisagot dito dahil sa labis na nararamdaman na kaligayahan. “Mahal kita Ianne. Mahal na mahal.” “But I thought, si Bianca pa rin ang love mo. Lagi mo kasi siyang binabanggit at nakita pa kitang kausap ang litrato niya bago ako umalis.” Malungkot na sabi niya. “Iyun ba ang dahilan nang pag-alis.” Tumango siya. Hinawi nito ang ilang piraso nang bangs niya. “Sinasadya ko ang pagbabanggit nang pangalan niya.” Nagtaka siya. Bakit? “Idea iyon ni Jhogie nang magsimula na akong magkaproblema sa’yo. Makikita ko lang daw kung may feeling ka sakin pagnagselos ka. At natutuwa ako pagnakikita kitang nagseselos.” Sagot nito nawari’y nahulaan nito ang nasa isip niya. “ And about that night. Nagpapaalam lang ako kay Bianca. Natupad ko na rin sa wakas ang huling kahilingan niya.” “Ano iyon?” “Ang hanapin ang babaeng magpapasaya sa akin at mamahalin ko.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ikaw iyon Ianne.” Ngumiti siya. “Akala ko, hindi ko na maririnig iyan sa’yo.” Niyakap niya ito nang mahigpit. “Mahal na mahal din kita Xian Awee Alvarez.” Then their lips met. Nawala na ang kahit na anong kadramahan na nararamdaman niya. Ang mahalaga, mahal siya nito. Wala na siyang pakealam sa mundo magunaw man iyon. Basta nasa tabi niya lang si Xian kompleto na ang buhay niya. “Hoy!” Narinig niyang sigaw ni Rhej. “Ang sabi ko ayusin niyo ang unit ko, hindi ko sinabing gawin niyong motel ito.” Hindi sila natinag ni Xian. Tuloy parin ang kissing session nila. Wala na nga siyang pakielam sa mundo diba. “Aba – ” “Rhej give them a break.” Narinig niyang sabi ni Genesis. “Pare, pagbutihan mo.” Ang kuya Jhogie naman niya. “Sandali that’s – ” Hindi na niya narinig pa ang kaibigan nang magsara na ang pinto. Kahit na ganoon ang ugali nang friend niyang iyon, alam niyang ito ang gumawa nang paraan para magkausap sila ni Xian. Mamaya na lang niya ito pasasalamatan. Sa ngayon, Busy-bisihan muna sila ni Xian Awee. Wala na siyang maihihiling pa basta kasama niya ang nga-iisang lalake minahal niya nang lubusan.
End
|
|
|
Post by rhej on Jul 10, 2007 18:09:54 GMT 8
whaaahahaha... i know... hindi siya kagandahan but i did the best i can... isa yan sa mga story na itinatago ko. mahaba iyan, malanobela sana. kaso sira ang PC namin kaya hindi ko na siya napagpatuloy pa. HIndi talaga ganyan ang umpisa niyan, nilagyan ko lang para mala-fairy tale effect. hahaha..
hindi ko na masyado ini-laborate ang mga pangyayari, short story nga eh... hehehe... hope you like it at sana napatawa ko kayo...
|
|
|
Post by Mhelai on Jul 21, 2007 18:27:18 GMT 8
Mga kafatid.. napansin ninyo na inerase ko lahat ng mga conversations natin rito.. gusto ko kasi, ilagay ninyo lang kung ano yung sa tingin ninyo ay talent ninyo. gaya ng ginawa ni rhej, o kaya drawing ninyo na ipinakatatago tago ninyo, poems.. etc, etc..
|
|
gieann
Neophyte
hi every0ne!
Posts: 769
|
Post by gieann on Jul 26, 2007 12:12:02 GMT 8
e2 naman ang isang p0em na nagawa k0 habang nasa senti m0de ak0 nung high schooL...h0pe u Lyk it... TO YOU! By: Wilgie-Ann Serdenia
When the first time I saw you My world stops I know that you’re different Different ‘coz you’re something
I don’t know why these things happen And I don’t know when this thing starts I just knew that I’m happy Especially when you’re not lonely
I tried so hard not to fall Fall in love with you I tried to stay away But I keep going in your way
My heart jumps when I hear your voice My mind is shouting and making a noise I feel heaven when I hear the drums Drums that you’re playing just for fun
This wonderful day comes I know that it is right I will tell you the biggest secret I had And that’s I’m in love! To whom?! TO YOU!
|
|
thebham
New Member
d KiNg Of oUr LeGaCy....
Posts: 47
|
Post by thebham on Jul 27, 2007 19:29:11 GMT 8
ito ay maikli lamang na kaalaman nais na ibahagi sa inyo, mga kaibigan pero bago ko umpisahan nais kong inyong malaman na ito ay aking nabuo dahil kayo ay nakilala ko P R A N I N G S P - praning ang bawat isa kung turingan R - reading ang pangunahing libangan A - ang iba ay ayaw pa nga paawat N - natuto rin na gumawa ng wento at magsulat I - inyong lingkod ay sobrang saya talaga N - nang sa book signing tayo ay nagkasama-sama G - globo ang ginawang tulay at daan S - samahan na walang iwanan magpakailanman!!! -thE bhAm-
|
|
sherry
Neophyte
Shine right, shine bright --- Be a Star!!!
Posts: 149
|
Post by sherry on Jul 31, 2007 17:44:58 GMT 8
a simple story from my pocket haha!!! medyo may sense po yan...
Once Upon a Time Once upon a time, there was an island where all the feelings lived: Happiness, Sadness, Knowledge, and all of the others including Love.
One day it was announced to the feelings that the island would sink, so all repaired their boats and left. Love was the only one who stayed.
Love wanted to persevere until the last possible moment. When the island was almost sinking, Love decided to ask for help. Richness was passing by Love in a grand boat. Love said, "Richness, can you take me with you?" Richness answered, "No, I can't. There is a lot of gold and silver in my boat. There is no place here for you."
Love decided to ask Vanity who was also passing by in a beautiful vessel, "Vanity, please help me" "I can't help you Love. You are all wet and might damage my boat," Vanity answered.
Sadness was close by so Love asked for help, "Sadness, let me go with you." "Oh...Love, I am so sad that I need to be by myself".
Happiness passed by Love too, but she was so happy that she did not even hear when Love called her.
Suddenly, there was a voice, "Come Love, I will take you." It was an elder. Love felt so blessed and overjoyed that he even forgot to ask the elder her name. When they arrived at dry land, the elder went her own way.
Love, realizing how much he owed the elder, asked Knowledge, another elder, "Who helped me?"
"It was Time," Knowledge answered. "Time?" asked Love. "But why did Time help me?" Knowledge smiled with deep Wisdom and answered, "Because only Time is capable of understanding how great Love is."
|
|
|
Post by Mhelai on Aug 11, 2007 12:59:10 GMT 8
ako rin nga magpopost gaya ng ipinangako ko... wala pa siyang title. siguro kayo na lang ang maglagay.. hehe.. at take note.. ngayon ko lang siya isinulat. on the spot! bwahahah...
This short story is based on my dream. Usually, I write stories kapag nananaginip ako. At madalas, naitatapon lang siya sa basurahan dahil walang may gustong magbasa. I guess, it’s the writer in me ang nagsabing i-type ko ang kwento at i-post rito para may silbi naman ang thread na ito na gawa ni Sarah Regina. Hehe… pero warning lang mga neng.. This story is very weird. Just like me. Harhar!
Patingin-tingin si Leilani sa mga libro sa isang estante sa bookstore kung saan siya napadpad sa kanyang pagliliwaliw, nang isang mukha ang nasilip niya sa pagitan ng mga libro. Nakilala agad niya ang pamilyar na mukha ng lalaki na matalim ang tingin sa kanya. Nangatog siya sa takot sa maaari nitong gawin sa kanya kaya kumaripas siya ng takbo.
“Sandali! Bumalik ka rito Leilani!” narinig niyang sigaw ng lalaki.
Nang lumingon siya, nakita niyang hinahabol siya nito. Lalo niyang binilisan ang takbo niya. Pagdating niya sa isang kanto ay lumiko siya roon at nagtago sa isang basurahang walang laman.
Sa pagdaan ng lalaki sa kinaroroonan niya ay sandali itong tumigil. Kitang-kita niya ang ginawa nitong paglilibot ng paningin bilang paghahanap sa kanya. lumakas ang tibok ng kanyang puso. Ayaw na niyang bumalik pa sa poder ng lalaki. ayaw na niyang masaktan. Nadudurog lamang ang kanyang puso sa bawat araw na kasama niya ang taong ito.
Ilang sandali pa ang lumipas at lumagpas na ang lalaki. Nakahinga na rin siya ng maluwang at nagpasya nang lumabas sa kanyang pinagtataguan. Nagpalinga-linga siya upang siguruhing wala na nga ang lalaki.
“Kahit na ano pa ang gawin mong paghahanap sa akin, sisiguruhin kong di mo na ako makikita pa. sawa na ako sa pagpapahirap mo sa aking damdamin. Gusto kong maranasan na ang pagiging malaya.” Sabi niya habang nakatingin sa direksyong tinahak nito.
Noon naman nag-ring ang kanyang cellphone. Tumatawag ang kanyang nakababatang kapatid. Sa halip na sagutin ang aparato ay ibinulsa na lang niya iyong muli at tinahak ang daan pabalik sa bookstore.
ngunit sa pagpasok niya sa loob ng bookstore, nagulat siya ng makita ang lalaking tinatakasn niya.
“Alam kong babalik ka sa lugar na ito upang makipagtagpo sa taong mahalaga sa iyo, Leilani. Hindi ako papayag na magkita kayo at mailayo ka niya sa akin.” “Wala kang karapatan para gawing miserable ang buhay ko!” sigaw niya. nakita niya ang mga taong marahil ay nakuha na nila ang atensyon na nanonood na sa kanila. “Pabayaan mo na ako! I hate you so much!”
“Marami kang pagkakautang sa akin!” mariing wika nito. “Nararapat lamang na gawin mo ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Ano ba ang problema mo? Mabait naman ako hindi ba? Sinabi mo iyan sa akin ilang araw na ang nakalilipas. O baka naman nakalimutan mo na?”
“Hoy! mamang mukhang anghel! Mukha ka lang anghel! Pero di ka anghel! At puwede ba, Tumigil ka na sa kasusunod sa akin?! Hindi nga kita kilala diyan eh!” napaatras siya matapos na sabihin ang mga katagang iyon nang makita niya ang paggagalawan ng mga muscles nito sa mukha tanda ng pinipigil na pagsabog ng galit nito. napaghahalata naman kasing nagsisinungaling siya.
Lumapit ito sa kanya at tinagka siyang hawakan sa kanyang braso. Mabuti na lang at mabilis siyang nakaiwas rito kundi siguradong kakaladkarin siya nito.
“Isa pang beses na pagtangkaan mo akong hawakan, sa police head quarters na ang bagsak mo.” Banta niya .
tumawa lang ang lalaki at muli siyang nilapitan. Hinawakan siya nito sa kwelyo ng suot niyang uniform at yumukod sa mga taong nananatiling nakatuon sa kanila ang atensyon.
“Pasensya na sa abala. Matigas lang talaga ang ulo ng babaeng ito. good day to all of you.”
Aba’t! siya pa ang… ang kapal ng lalaking ito ah! Umbagin kaya niya ito para tumigil na? pero bago niya maisakatuparan ang kanyang binabalak ay binuhat siya nito at isinampay sa malapad nitong balikat. napasinghap na lang siya.
“Ibaba mo ako! Tulong! Pulis!”
“Manahimik ka!” sigaw nito sa kanya. “Baka ikaw ang ipapulis ko dahil sa ginawa mong pag-iwan sa akin?” isang pulang kotse ang nilapitan nito. binuksan nito iyon at idiniposito siya sa passenger seat. “Huwag kang magtatangkang lumabas kung ayaw mong may mangyari sa iyo na hindi mo inaasahan.”
Nakasimangot na hinintay na lang niya itong makasakay na rin sa driver seat at paandarin nito ang sasakyan. Wala na siyang magagawa. Balik na naman siya sa buhay niya nitong tatlong linggo. Ang magluto, maglinis ng bahay, maglaba, magplantsa, mag-alaga ng mga halaman at kung anu-ano pa.
Balik na naman siya sa pagiging katulong ni Mr. Laurence Agbuya.
THE END
|
|
rei
Neophyte
namida wa kirai y0..
Posts: 648
|
Post by rei on Aug 16, 2007 10:56:40 GMT 8
may pag-asa ba ak0ng maging..err.. ph0t0grapher?? buhaha ;D
|
|
chiharu
Neophyte
hello hello!!!
Posts: 717
|
Post by chiharu on Aug 20, 2007 20:07:28 GMT 8
Naks naman master!!! I love the story!!! Bwahaha!!!!
Eto naman akin:
Pasensiya na mga kapraningan ha.... Ito minsan talaga ang hilig kong gawin...Nung nasa high-school ako.... Kabaligtaran ang tama nito sa akin.... Gets niyo na iyon... BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!
****
Title: In the Sky… (A monologue) I sat in that long old bench where we used to meet when we were young. When our classes would end, we usually go to this ‘secret meeting place’ of ours. We’ve been childhood friends since I was three and he was five. Back then, he would bring something that, to me, at first, was just a nonsense gift. But as the time goes by, I realized that I really do treasure those ‘nonsense’ gifts that he gave to me. I sighed. I miss those times. I miss his gifts, his smiles. I miss him. I looked at my watch. It’s already four in the afternoon. I was wearing my favorite hat. The one that was pink, the color that I used to hate for it is too feminine and is not suited for me. But when I received this pink hat from him, I began to love its color. For it was, after all, bought by him. I don’t know when did I start falling for my bestfriend. Is it when we were in college? In high school? In grade school? I don’t know when. For me, it doesn’t matter anymore when did this feeling started. What mattered to me was that I love him, and my heart beats only for this guy alone. And it was a nice feeling.
Leaves were falling down on those old trees. The color of orange was the color of the sunset. As if it was telling me that was all in the past now, time to forget. But I can’t. I can’t forget it! How could I? When he already infiltrated my heart since eons ago! Those memories of ours were the only thing I’ve got to keep him in my heart. I know he loved me! I know that! It wasn’t just self-contemplating! I know he was also hurt when he said to me that he didn’t love me! In his eyes, I could see it when he said that. It hurt as hell for him too.
How could we love each other, if he’s already destined to be married for someone else? I know you will tell me that we must fight for our love. Our love that began since childhood. But you know, that kind of thing wasn’t easy to begin with. I have this strange illness before. And he saved me. My family’s income wasn’t that sufficient enough to give me those medications. Also with the hospital expenses, we really can’t afford it. He was the one who gave me those things that I terribly need so that I can be healed. But I didn’t know the consequence of saving me was him being engaged to someone that is also highly-recognized of the society. That time, I almost said to him that I don’t want to be saved if that was the condition that was given to him by his family. But what will be of use? The operation was already successful. I’m already cured.
I heard that he’s already married and had three kids. I’m happy for him. Even though we didn’t end up being together, I’m still happy for him. He was my first love and he was also my last. My pure love for him was still here in my heart. I do not want to wait for him. But I can’t love anyone besides him. I will preserve this love for him. Wherever he goes, my heart is with him. For I love him so much that I do not know how to let him go.
I have another sickness. And the doctor said that it was already in its last stage. The sickness was unnoticed before when it was in its early stage. He said that I’m just buying days before my time. Maybe it is. I smiled. I already accepted my fate. Our fate.
I looked up at the sky. It was nighttime already. The post lamps were already open. And I was still sitting there, looking at the same sky that he was probably seeing with his kids. It would only be a matter of time before I go. But I want to have my last wish before going to that place. To see him again. But I know that I can’t. My tears fell down one by one. That certain wish is I know that can’t be fulfilled. But I’m happy that I met him. I’m happy that he’s my childhood friend, my bestfriend. I’m happy that he was my first love and my last. My love for him won’t fade even when I’m already in the sky…
wenk!!! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!
|
|
|
Post by Mhelai on Sept 24, 2007 17:35:13 GMT 8
birthday present ko kay crisel-da. isa sa mga junakis ni jah. happy 15 years in this world cris! I PROMISE its raining and the wind blows hard from all directions pero hindi alintana ni crisel iyon. walang ibang nasa isip niya kundi ang makarating sa bar kung saan kasalukuyang nagpeperform ang banda ng boyfriend niya. late na siya ng ilang minuto dahil galing pa siya sa trabaho.
abut-abot ang dasal niya na sana ay makawala na ang bus na kinasasakyan niya sa pagkaipit sa traffic. ngunit mukhang minamalas siya. tumingin siya sa labas ng bintana. malapit na rin pala siya. sa tantiya niya, kung tatakbuhin niya mula rito papunta sa bar ay makakarating siya roon after 15 minutes.
huminga siya ng malalim at isinukbit ang shoulder bag sa kanyang balikat. akmang tatayo na siya ng gumalaw ang sasakyan. mukhang hindi na niya kailangan magresort sa pagtakbo sa ulanan.
ten minutes later, bumababa na siya ng bus sa mismong tapat ng bar. binuksan niya ang dalang payong ngunit bumaliktad lang iyon dahil sa lakas ng hangin. kaya tinakbo na lang niya ang distansya palapit sa bar.
agad na sumalubong sa kanyang tainga ang malakas, maingay ngunit nakakaengganyong musika na tinugtog ng isang banda. great! hindi ko pa namiss ang performance nila Regel.
sinipat niya ang buong lugar at naispatan niya ang kasintahang si Regel na nakaupo sa isang tagong mesa. may kasama itong apat na lalaki at dalawang babae. agad na nilapitan niya ito.
"Hi, Honey!," bati niya kay Regel at tinangkang bigyan ito ng halik sa pisngi ngunit umiwas ito. nagtaka siya. lalo na ng makita niya ang indifference nito sa kanya. "Is anything wrong?"
"Badtrip lang iyan, Cris," sagot ng isa sa mga babaeng kasama nila sa mesa. nakilala niya ito bilang si Diana. "kanina pa kasi sila dapat nagpeperform. ang kaso, inunahan sila ng INFINITE." itinuro nito ang bandang kasalukuyang tumutugtog.
"Ganoon ba?" binalingan niya si Regel. "Dont worry, makakapagperform rin kayo mamaya. mabuti ngang naunahan kayo kasi wala pa ako diba?" paglalambing niya rito at hinawakan ang isang kamay nito.
"Ang sabi mo sa akin mag-O-OT ka ngayong gabi. kaya nga inagahan ko ang sched namin ng pagtugtog ngayon e."
"Nagbago ang isip ko. naisip ko kasi na kailangan mo ang presence ko ngayon. so, here i am!" nginitian niya ang nakangiting si Diana.
"You shouldnt have come here. nabasa ka pa tuloy." inilabas nito ang isang panyo mula sa bulsa ng jeans na suot nito at inabot sa kanya. "Punasan mo ang buhok mo."
natouch siya sa pag-aalala ng nobyo kahit na wala itong anumang ekspresyong ipinapakita sa guwapo nitong mukha. "Sabi ko na nga ba at mahal na mahal mo ako e. nagworry ka ba?"
narinig niyang tumikhim ang mga kaibigan nito bago isa-isang nagpulasan palayo sa kanila. kanya-kanyang alibi ang ibinigay ng mga ito. maging si diana at ang babaeng kasama nito ay umalis na.
nagtataka man ay hinayaan na lang niya ang mga ito. itinutok niya ang paningin sa grupong nasa stage.
"Crisel..."
nakakunot-noong binalingan niya si Regel ng marinig ang tila nahihirapang tono nito ng pagtawag sa kanya.
"Hmmm?"
"I want to tell you something."
bigla siyang nacurious. kahit kailan ay hindi siya kinausap ng ganito ng binata. ngayon lang rin niya napansin na mula ng dumating siya ay seryoso na ito. which is so unlike him. Regel is always sweet, bubbly and witty. kaya naman kahit ayaw niya ay kinabahan siya.
"A-Ano yun?" tanong niya sa nanginginig na boses.
he took a deep breath. "Cris... Gusto ko sanang sabihin sayo na..." ipinilig nito ang ulo na parang sa paraang iyon ay hindi na nito maiisipan pang magbago ng isip. "Cris... I.. I-"
"Ano ba yang sasabihin mo? surprise ba iyan? you know i hate surprises." ngumiti pa siya rito upang pagaanin ang tension sa pagitan nilang dalawa.
tumikhim ito. "Bago ko sabihin, gusto kong humingi ng tawad. im sorry, Crisel. at sana huwag kang umalis hanggat hindi natatapos ang performance ng grupo ngayong gabi. maari ba?"
napakamot siya sa ulo. "Ang drama mo ngayon ah! that is so unlike you."
"Promise me, Crisel!"
nagulat siya sa bahagyang pagtataas nito ng bosers. kahit kailan ay hindi siya nito sinigawan. lalo tuloy siyang kinabahan.
"FIne. I promise. Pero-Ano bang nangyayari, Regelito?"
"Crisel... I want out. I want out of our re-"
"What?"
nagimbal siya sa revelation nito. ano ang nangyayari? Is this a sick joke? pero wala naman siyang nakikitang trace ng pagbibiro sa mukha ng kasintahan. all she could see is the seriousness of his face.
"Alam mo ba ang sinasabi mo Regelito? you want out? Why? May nagawa ba akong mali? i thought our relationship is perfect! We've been together for six years, havent we? So, bakit?" natatarantang sabi niya. nagbabanta ng bumagsak ang kanyang mga luha. This is so unfair! "May iba ka na ba? Please be honest with me."
"I'm sorry, Crisel. walang iba. I just fell out of love. ayokong lokohin ka kaya nakikipagkalas na ako sa iyo."
"You want out? Fine!" pinunasan niya ang kanyang luha na sunod-sunod na pumatak mula sa kanyang mga mata. "You know me, hindi ako ang tipo ng babaeng magmamakaawa o kaya naman ay ipagpipilitan ang sarili sa isang lalaki."
umakma na siyang aalis nang pigilan siya nito. "You promise you'll stay until our performances is done."
"I dont think I-"
"You peromise, Cris. ikaw na rin ang nagsabi na hindi ka marunong bumawi sa iyong mga pangako diba?"
"Kelan ko sinabi yun? wala akong maalala."
ngumiti lang ito. sumuko naman agad siya pagkakita sa ngiting iyon na naging dahilan kung bakit naging boyfriend niya ito six years ago.
"Okay, I'll stay."
halos isang oras rin siyang naghintay bago ang inanunsyo ang pagpeperform ng banda nina Regel. kumanta muna ng ilang kanta ang mga ito. as usual, ang mga iyon ay maingay ngunit nakakaengganyo.
nagulat siya ng marinig ang intro ng isang pamilyar na kanta. hindi lang iyon, love song ang isang iyon. titig na titig siya sa babaeng vocalist nina Regel. napakaganda ng boses nito. mas nakagulat siya ng pagdating sa chorus ay si Regel na ang kumanta.
Will I be there when you call me in the middle of the night? Will I keep the rain from falling down into your light? I promise, I promise I promise I will
Will I be there when you call me in the middle of the night? Will I keep the rain from falling down into your light? I promise, I promise I promise I will
Yeah And I love you more every day And nothing will take that love away When you need someone I promise I'll be there for you (there for you) I promise
humina ang tugtog at nagsalita si Regel.
"Sinabi ko noon sa iyo na hindi kita sasaktan. na paliligayahin kita hanggang sa pagtanda natin. maaaring hindi ako marunong tumupad sa pangako ko. pero nagbago ako mula ng makilala kita. sa loob ng six years, hindi ako nagsinungaling sa iyo. ngayon lang."
Ano bang sinasabi ng lalaking ito? Nagsinungaling? Kanino? Sa kanya? Hindi niya yata ito maintindihan. Tinignan niya ang mga kaibigan nito. Ang mga iyon ay pawang nakangiti habang nakatingin sa kanyang direksiyon. Samantala, si Regel naman ay nagpatuloy sa sinasabi nito.
“Hindi totoo na gusto ko nang makipaghiwalay sa iyo, Crisel. Dahil mahal na mahal kita. Kahit kailan ay hindi iyon nawala. Gusto ko lang makita ang pagiging matatag mo sa huling beses.”
Huling beses? Ano bang pinagsasasabi ng damuhong lalaking ito? At bakit ba nito sinabing hindi na siya mahal nito?
“This is the night I’ve been waiting for, Crisel. Pinaghandaan kong maigi ang espesyal na gabing ito. Dahil gusto kong ibigay sa birthday mo ang pinakamagandang regalo.”
Ha? Birthday ba niya? Inisip niya kung ano ang date ngayon. September 24. Oo nga! Birthday nga niya!
“Pare! Pasuspense ka naman diyan e. baka sigawan ka na ng sweetheart mo. Nakikita mo na ba ang expression sa mukha niya? Para na siyang hihimatayin!” sabi ng isa sa mga kaibigan nito na agad namang nakatikim ng batok mula kay diana na pasumandaling umakyat sa stage. “Aray naman, Diana Jane!”
“Manahimik ka nga diyan! Agaw eksena ka e.”
“Ikaw rin naman a!”
Natigil lang ang mga ito ng bigyan ng masamang tingin ng kabanda nitong may hawak na gitara.
“Crisel, happy birthday. At sana tanggapin mo ang regalo kong ito.”
May inilabas ito mula sa loob ng jacket na suot nito. Isa iyong kahita. Sinenyasan siya ni Diana na umakyat ng stage. Habang papalapit siya roon ay binati siya ng babae. Nagpasalamat siya kahit na kinakabahan siya. Pagkaakyat niya sa stage ay hinawakan siya ni Regel sa kamay at tinitigan sa kanyang mga mata.
“Nangangako akong muli na mamahalin kita habambuhay. Will you marry me, Crisel?”
Lumuluhang ngumiti siya rito. She couldn’t find her voice. God! This is the best birthday she had. Dahil inaya siyang pakasal ng lalaking pinakamamahal niya. Dahil hindi makasagot, tumango na lang siya.
“Yes! Success! Congrats, Pare!”
Kanya-kanya ng bati ang mga kaibigan nito while Regel kissed her tenderly in front of the people cheering for them.THE END harhar.. medyo corny para sa akin. pero pagtyagaan na lang.
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 26, 2007 12:20:25 GMT 8
With excerpts from the poem “Somewhere I Have Never Traveled, Gladly” by the American poet E.E. Cummings
Poem : “Somewhere I have never traveled Gladly beyond any experience Your eyes have their silence And your most frail gesture of things Which enclose me But which I cannot touch Because they are too near.”
The first time I loved forever Was when you whispered my name And I knew at once you loved me For the me of who I am
The first time I loved forever I cast all else aside And I bid my heart to follow Be there no more need to hide
And if wishes and dreams Are merely for children And if love's a tale for fools I'll live the dream with you
Poem: “oh, if your words be to close me I, my life will shut, very beautifully Sudde nly, as when the heart of this flower Imagines the snow carefully, everywhere descen ding”.
For all my life and forever There's a truth I will always know When my world divides and shatters Your love is where I'll go
Poem: “ I do not know what it is about you that closes an d opens. Only something in me understands the voice of your eyes is deeper than all roses. Nobody, not even the rain has such small hands.”
by my friend shaz_27 aka ^Ashtera^ ng MIrc Undernet
>>>note: this is rose's(CEDIEYUI) original post. inilipat ko lang kasi mali yung pinaglagyan niya.
|
|