|
Post by cedieyui on Dec 10, 2007 9:58:57 GMT 8
Chapter 2
Sa Covered Court ng San Lorenzo napadpad ang magkakaibigang Cedie, Sheryl, Sophia, Mhel at Ana. Kasalukuyang naglalaro ang San Lorenzo Titans at Sta. Isabel Tigers. Namumuro ang Tigers laban sa Titans. When suddenly before the end came they heard... 3 point shot from Lorenzo Jersey no. 11. And came the final score. Panalo ang Titans by one point lead. Palakpakan ang crowd. Kasamang nakipalakpak ng magkakaibigan. “Ang galing talaga ni Mr. Onse ano?” Bilib na bilib na turan ni Sheryl. “Mr. Onse. Yung Lorenzo ang apelyido?” tanong ni Cedie. “Oo yung nagpanalo sa game. Pogi pa ano, Ana?” Nakatunganga lang ito sa lalaking nakajersey no. 11 at walang maisagot. “Tinamaan ata itong friend natin.” “By the way guys mamaya niyo pala mami-meet yung bro ng Adam ko.” “Di ako pwede me date ako eh,” reklamo ni Sheryl. “Kayo na lang.” “Di yata’t me nagset sayo ng blind date.” “Hindi blind date ito. More like an EB coz we met online. Babasakali lang ako with this guy.” “How bout you Mhel?” “Sorry sis me tatapusin pa akong papers eh. Apurahan kasi malapit na ang big show namin. Paglalamayan ko yon this night.” “Wow. Out na kayo agad.” “Sis, ako rin di pwede,” sabi ni Sophia. “Kailangan ko na kasing lumuwas sa amin. Matagal na kasi itong di natutuloy. Nakapangako na kasi ako kila Mommy. Sorry ha.” Napabuntung-hininga siya. “Well that brings us down with you Ms. Ana Alfonso. Hoy Ana! Tulala ka pa diyan?” Di kasi maalis sa isip niya ang numerong onse. Kaya di na siya nakasabay sa usapan nilang magkakaibigan. “What?” “Ikaw na lang ang ipapakilala ko sa bro ni Adam. Wala ka bang excuse o gagawin?” “Me? Wala naman akong gimik o trabaho. Natapos ko na kahapon pa. What time ba yon?” “7 pm. Kita tayo sa Angeli’s. Don kasi ang sinabi sa akin ni Adam. Masarap daw ang cuisine nila don.” “O sige magta-taxi na lang ako. Sabay na lang tayong umuwi.” “Okay.”
Angeli’s Nakaformal dress siya na lavender ang kulay. Mukha kasing class na resto ang Angeli’s, pagkarinig pa lang niya dito. Nakita niya si Cedie at ang fiancé nitong si Adam sa mesa malapit sa makeshift stage. Me nagpeperform kaya don? Naalala niya tuloy ang performances na ginawa niya non ng maging singer siya for Destiny’s. Kinailangan nga lang niyang tapusin yon noon dahil nakahanap na siya ng bagong trabaho as receptionist to a known firm. Anyway di naman siya sigurado noon kung may mararating siya sa pagkanta-kanta niya. Nilapitan na niya ang kaibigan at pinaupo siya nito sa silyang katapat nito. Nagpaumanhin si Adam sa pagiging late ng kapatid nito kahit nagtext na ito na palapit na. Natraffic lang siguro sa isip-isip niya. Papalapit na si Adrian sa mesa ng kapatid niya ng masulyapan niya ang babaeng kasama ng mga ito. Hindi siya makapaniwala dahil ang babaeng naka-lavander dress ay walang iba kundi si Ana Alfonso of his past. Ito ba ang ipapakilala sa kanya ng kapatid niya? “Hi! Sorry I’m late.” Di niya matignan ito kaya tutok siya sa kapatid niya at kay Cedie. “Okay lang. By the way ito nga pala si Ana. My friend. Ana ang kapatid ni Adam si Adrian Lorenzo.” “Well nice to meet you Mr. Jersey no. 11,” puno ng pinalakas na loob niyang pakikipagkamay dito. Ana Alfonso… “Yes Ms. Alfonso,” How could I ever forget that name. Laman ng isip ko ang pangalang yon sa tuwing matutulog at gigising ako. Naging maayos naman ang pag-uusap nila at pagkain. Natuklasan ni Adrian na ang trabaho ni Ana ay ang pagiging receptionist sa isang firm. Naisama rin sa pag-uusap ang laro ng umagang yon. Kaya pala nito alam ang jersey no. niya. Pinanood pala siya nito at ng mga kaibigan nito. Lumabas din ang pagpapakilala sa apat sanang kaibigan na nauwi na lang sa isa. Uuwi na sila ng… “Ana, I’m sorry if I can’t take you home. Di ko kasi dinala ang sasakyan ko. Sinundo kasi ako ng maaga ni Adam.” “It’s okay Cedie. I’ll take her home.” Prisinta niya. “Thank you sa offer pwede naman akong mag-taxi na lang.” “I must insist. Gabi na at delikado para sa mga tulad mo ang magbiyahe mag-isa,” Sa huli napapayag niya rin ito. Naunang umalis sila Adam. Sakay sila ng Volvo niya habang biyahe ay tahimik lamang sila. “So where are you staying?” “Sa apartment naming sa Sta. Mesa”, binigay niya dito ang exact address. Nakarating sila doon ng mag-aalas diyes na. “Thanks for the lovely dinner, Mr Lorenzo.” “Call me Adrian or Ian. Masyadong formal ang Mr. Lorenzo. Anyway tatlo kaming ganyan ang pangalan.” Natawa ito. “Oo nga.” “Or if you like you can call me Mr. Onse.” “Mr. Jersey no. 11. Sure Mr. Onse.” “Great. See yah around then.” At binigyan niya ito ng peck sa pisngi. Di naman ito nagulat. Napaka-casual kasi ng ginawa niya. Then they parted ways.
Pagsara ni Ana ng pintuan ng apartment ay sumandal siya dito. Abo’t-abot ang kaba sa kanyang dibdib. Paanong ang isang simpleng halik sa pisngi ay ganoon ang epekto sa kanya. Paano kaya kung higit pa don? Buti na lang at di siya nito nahalata. Nagtuloy siya sa kwarto niya. Naghilamos at nagpalit ng damit. Naaninag niya sa kanyang gunita ang madilim na kabuuan ng Destiny’s. At ang pares ng mga mata ng isang lalaki na nakatutok sa kanya habang kumakanta. Kahit ng matapos siya ay di pa rin naaalis ang pagmamatyag nito sa kanya. Ngunit masyadong madilim para makilala niya kung sino ito. Nakatulog siya na yon ang nasa isip.
to be continued...
|
|
|
Post by cedieyui on Dec 11, 2007 9:11:05 GMT 8
Chapter 3 Ang pagbabalik ng isang Ana Alfonso sa buhay ni Adrian ay nagpapatunay ng isang bagay na di lahat ng babaeng nagugustuhan niya ay dumadaan lang sa buhay niya. Muli niya itong nagustuhan sa ikalawang pagkakataon. At sumisidhi ang damdaming yon. Di gaya ni Chelsea na nameet niya noong college. Humanga siya sa kakayahan nitong maki-diyalogo at maki-debate about any topic there is. Pero biglang naglaho ito sa pagtatapos niya ng kolehiyo. Dumating din sa buhay niya si Tamara na isang professional model. Nakilala niya ito at nakadate ng makailang beses pero nagpunta ito sa France para don bigyang katuparan ang pangarap nitong maging international model. Me ilan pang dumating ngunit agaran din naming nawawala kaya binansagan niya na mula noon bilang ‘passer’s by’ ang mga babae sa buhay niya. Kaya biglang tinanong niya sa Diyos na sa halos lahat ng babaeng yon ay si Ana lang ang bumalik. Is it Serendipity or Destiny? O baka hihintayin niya lang ng kaunti at mawawala rin ito. But even with that in mind he simply can’t forget this particular one. Na-amuse din siya sa pagtawag nito sa kanya ng Mr. Onse. At di mawala ang pagkamangha niya sa ekspresyon na ibinibigay nito sa kanya. He showered and took off very early that day. Dinaanan niya ang Sports Wear Boutique niya sa Glorietta at nang malaman na okay don ay sunod niyang pinuntahan ang Lorenzo Ent. Hindi siya naging officer sa nasabing kompanya dahil meron siyang sariling business na naitayo. Naroon siya para kausapin ang kanyang Kuya Adam. Pagpasok pa lang niya sa opisina ay nagulat na ito. “Bro what brought you here? Do you need anything?” tanong nitong nakamaang sa kanya. “Binisita lang kita and I need to ask you a favor.” “What favor?” “Can I ask for Cedie’s cel no.?” “Why the sudden interest with my fiancé, bro?” nakakunot ang noo nito. “I just want to ask her about her friend Ana. Ayoko kasing dumirekta agad sa kanya dahil… dahil… nahihiya ako.” “Oh. Ana huh! At kailan ka pa nahiya when it comes to girls?” “Bro, this particular girl is different okay.” “Whatever you say. Oh ito ang no. ni Cedie.” Iniabot nito sa kanya ang cel nito. Nang makuha niya ito ay umalis na siya at sinimulang i-text ang fiancé ng kapatid niya. Kinulit niya ito tungkol kay Ana. Her likes and dislikes. What makes her smile, etc, etc. Himala naman at nasagot nito ang mga tanong niya na walang iritasyong kasama. Ang alam kasi niya ay nasa Cordillera ito at nagreresearch ng kung ano. Thanks future sister in-law. Text niya ditto matapos ang pangungulit niya. Ngayon niya lang nalaman na me pagka-persistent pala siya. An odd trait na kailanman ay di niya na-encounter. He found out that Ana’s a sucker for yellow, white and any kind of daisies. Mahilig itong kumanta at magvideoke na given na para sa kanya. Hindi it mahilig magpabeauty ng husto. Okay na ditto ang simpleng maintenance sa sarili. Isa yon sa nagustuhan niya dito. Nahalata kasi niya kahit gaano ito kasimple ay lumalabas pa rin ang ganda nito. Ang huling natuklasan niya ay ang pagkahilig nito sa chocolate cake. Sabi ni Cedie kahit daw walang okasyon ay bumibili ito non. At sini-share sa kanilang magkakaibigan.
|
|
|
Post by cedieyui on Dec 11, 2007 9:13:14 GMT 8
Chapter 4 Kaya nga kinalingguhan nakita niya ang sarili sa apartment building nito. Tatlong katok at may nagbukas naman ng pinto. Isang babaeng nakafacial mask ang nabungaran niya. Hawak sa magkabilang kamay ang chocolate cake ng Red Ribbon at ang matingkad na yellow daisies. “Hi. Sino po ang kailangan nila?” Di niya Makita ang ekspresyon nito dahil sa nakalagay sa mukha nito. “Nandiyan ba si Ana Alfonso? Pakisabi nandito po si Adrian Lorenzo.” “Oi, Come in Adrian. Ikaw ba yung kapatid ni Adam?” kinuha nito sa kanya ang cake at dinala sa mesa iyon. Pinaupo siya nito sa sofa. “Sandali lang ha. Gigisingin ko.” Alas-kwatro ng hapon noon. Mukhang nagaafternoon rest ang dalaga.
“Oi gising, Ana. Andiyan ang prince charming mo.” “Huh?” bumalikwas siya sa kama. “Sino?” “Adrian Lorenzo, at mukhang aakyat ng ligaw ang ginoo.” “Si Mr. Onse andito? Sandali mag-aayos muna ko. Entertainin mo muna.” “Excuse me hindi ako receptionist na tulad mo para entertainin siya ano.” “Sige na. Pakisabi na lang lalabas na ako.” Mabilisan siyang nagpalit ng damit. Nagpulbos at nagsuklay. Paglabas niya nakita niya si Adrian na parang nasisilihan sa pag-upo sa sofa. Nakapink na t-shirt ito at black pants. Maayos ang alun-along buhok nito na parang bagong gupit. Bakit ba mukhang ninenerbiyos ito? “Hi. Mr. Onse. Ano’t napadpad ka sa aming humble abode?” tinignan siya nito at di kaagad nakapagsalita. Naupo siya sa pang-isahang upuan at pinakatitigan ito. “Para sayo,” inabot niya ang bulaklak na hawak nito. “Thanx. Wow fave ko ito ah.” “Sayo rin yung cake. Ah este sa inyo pala.” “Uy salamat ah. Fave ko rin ito.” “Alam ko.” “Talaga?” maang na tanong niya. “Ibig kong sabihin buti naman.” “Ano nga’t napadpad ka sa amin Mr. Onse?” Napansin ba nitong ninenerbiyos siya. Ngayon lang kasi siya nanligaw sa loob ng bahay na astang manliligaw talaga dahil sa mga dala niya. Nasanay kasi siyang manligaw kung saan niya nami-meet ang isang babae. “Ah ano kasi eh…” Nakangiti ito sa kanya na parang iniintay talagang alamin ang pinunta niya ron. Saan kaya naglusot ang nagbukas ng pinto? Bigla na lang kasi itong nawala sa paningin niya. Kaya nagpalinga-linga muna siya. “Hinahanap mo ba si Sheryl? Baka nasa kusina yon nanginginain ng pipino na nilalagay niya sa mukha niya. Hehe.” “Kayong dalawa lang ba dito?” “Ah hindi, nasa Cordillera kasi si Cedie. Si Sophia at si Mhel naman nasa mall.” “Nakaistorbo ba ako sa inyo. Mukha kasing tulog ka ng dumating ako.” “Okay lang nakatulog nanaman ako ng husto. So what brought you here?” that question again. Di ba nito mahalata na di niya masagot ang tanong na yon? “Naisipan ko lang dalawin ka since friends nanaman tayo diba?” napangiwi ito sa tinuran niya. “Saka gusto sana kitang ininvite sa labas if you’re not so busy.” “Ako busy? Kailan pa? Alam mo kasi pagkagaling ko sa trabaho. Mon-Fri uwi agad ako dito. So there’s nothing to be busy about. Kung gusto mo gimik tayo sa Sat, day off ko yon. You know since friend na tayo.” “That would be nice.” “Okay!” “So I better get going na. Enjoy the cake na lang.” “Thanx uli. Susunduin mo ba ako ditto sa Sat?” “Sure. Mga 3 pm ako pupunta. See yah.” At umalis na nga siya sa lugar na yon na parang napapaso. Nyah! Akala ko pa naman manliligaw na ang mokong. Dehins pa pala. Friendly date huh. Talaga lang. Wala kayang ibang friends ang isang yon? Bubulung-bulong na sabi niya habang nilalantakan ang cake. Nilagay niya sa plorerang may tubig ang daisies at nilagay yon sa center table. Paano kaya nito nalaman ang fave niya?
|
|
|
Post by cedieyui on Dec 11, 2007 9:13:52 GMT 8
Chapter 5 Sat. 3 pm. Sinundo nga siya ni Adrian at nanood sila ng sine. Nasiyahan naman siya sa company nito dahil marami itong side antics at comments sa palabas. Pagkatapos ay dinala siya nito sa Pizza Hut para sa not so ordinary dinner. Doon niya napansin ang mala-Jennifer Garner na babaeng palapit sa kanila. “I can’t believe it’s really you Adri Lorenzo.” “Tamara”, nagulat ang kasama niya. Magkakilala pala ito at si Ms. Garner. “Hey aren’t you gonna introduce me to your friend?” Friend. Aray!, diinan ba ang pagbanggit don? “Tamara, this is Ana, Ana si Tamara an old friend.” “Old friend ka diyan,” sabi nito me halong pagtatampo sa boses. Old friend meet new friend, sa isip isip niya. “Well it’s nice seeing you Adri. Hindi ka pa rin pumapalya. At ma-appeal ka pa rin hanggang ngayon. You can get any woman you want. But I’m guessing your still a bachelor. I guess you still think that woman are passer’s by in your life. Natawa na lang siya. Passer’s by? Ngumiti lang ito at umalis na. “Wow Mr. Onse, totoo bang kaibigan mo lang ang babaeng yon?” “Actually Ana we used to date but she left me to fulfill her dream of becoming and international model. And she succeeded.” Parang nabarang ang itsura nito. Baka nanghihinayang ito at di nakatuluyan ang babaeng yon. Oh well tough luck coz now he’s dating her. Or is it really like that? “Mabuti pa umuwi na tayo.”
Sa apartment. “Would you like to come inside?” Tanong niya dito ng walang kakurap-kurap. Nang di sumagot ito ay binuksan niya na ang pinto. “Tara, magmagic-sing tayo.” Hinila niya ito. Sinaksak niya ang magic sing at nagsimulang kumanta. Pumailanlang ang boses ni Ana sa tainga ni Adrian. Di pa rin pumapaltos ang galing nito sa pagkanta. Pagkatapos nito ay pumili ito ng kanta at binigay sa kanya ang mike. “Ano to?” gulat na tanong niya. “Kanta ka Mr. Onse. Alam mo yan sigurado ako.” Medyo alam nga niya ang kantang ‘Boulevard’ kaya lang dig anon kaaya-aya ang boses niya. Pero sa huli napilitan din siyang kumanta sa udyok ni Ana. Buti na lang at din a nagising ang ibang kasama nila sa bahay. Nakailang kanta pa sila at nakita na lang niya ang sariling nag-eenjoy sa company nito. Marami pa itong pinakanta sa kanya na sinasabayan rin nito kaya nalalaman niya ang tono. Nang mag-alas nuwebe na ay sinara na nila ang magic sing at niligpit ito. Nakaupo sila sa sofa non. “Totoo bang passer’s by lang ang tingin mo sa aming mga babae?” Sa kawalan ay naitanong nito. “Yah I must admit I think it’s like that.” “Well, is it the truth?” “Nagkatotoo yon sa part ko. Tingnan mo naman si Tamara she came and gone in my life.” “I see. Akala ko dahil yon sa palikero ka and you think of relationships as a once in a while commitment.” “Hindi naman. Nagkakataon lang na pag me dumating na isang babae sa buhay ko me tendency na aalis din siya agad.” “Ganon din ba ang tingin mo sa akin?” “Hindi ko pa masasabi. Ana I need to tell you something. Promise you won’t get angry with me.” “Ano yon?” “Promise me first.” “Sure, promise.” “It’s not the first time that I saw you nung dinner date natin with Adam and Cedie.” “So when did you first see me?” “I’ve known you way back. Back when you were singing for Destiny’s”. “Really?” “Yah I sort of was mesmerized by you back then. I saw myself staring at you all the while when you’re singing.” “So. Ikaw pala yung guy na yon?” “What?” “There was this guy who keeps staring at me. But I couldn’t quite make his face clear to me.” “Well. Did I gave you an impression of a stalker or someone obsessed with you?” “Hindi naman. Naflatter pa nga ako that time but then I have to stop singing for Destiny one time because I found a new job.” “Yah I remembered that. The last night you performed was when you wore that silver shiny dress. I can’t get over that dress.” At natawa na siya. “Talaga?” “Yah and I sort of followed you but you were nowhere to be found.” “Maybe because I hailed a taxi so fast to get to the hospital.” “Why is that?” “My mother was sick back then. She had a major operation. My brother called me so I went.” “Kamusta na ang mama mo?” “She didn’t survive the operation. She died that night.” “Sorry to hear that.” “It’s okay maybe it’s really her time to go. So pagkatapos pala non hindi na tayo nagkita.” “Yes.” “Well what a coincidence it is then na kaibigan ako ng fiancé ng kuya mo.” “Yah. You came back into my life. I realized you were no longer a passer by anymore.” “Destiny has a way of meeting two people together.” “Thanks to destiny then.” “Yung bar?” “That, too. Yes honey.” “Did you just call me honey Mr. Onse?” “I did, didn’t I? Do you mind?” “No, it’s okay. It can also be an endearment to a friend.” “What if I no longer say that as your friend.” “What do you mean?” “What if I say that as your boyfriend?” “Uy sandali di ka pa nga nanliligaw.” “Hindi pa ba sa lagay na ito.” “Well, I can make an exception.” “So can you give your new boyfriend a kiss?” “Gladly”, And that made the night more beautiful. -End-
|
|
|
Post by Mhelai on Dec 18, 2007 21:06:14 GMT 8
bwehehehehe.. here's my gift to chiharu... sorry mahal kong alipin kung ngayon lang. hehe... ngayon lang nagkatime e. sana magustuhan mo kahit parang walang kwenta ang isang ito..
SURPRISE
Nakapangalumbaba si Princess Edmarie Ballonado o simpleng Chiharu sa mga cyber friends niya, habang nakatutok ang atensyon kay James, ang longtime crushie niya.
schoolmate niya ang lalaki mula pa noong nasa elementarya sila. hindi na sila nagkahiwalay hanggang ngayon college na sila sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. coincidence lang ba yun o baka naman destiny, hindi niya alam. ayaw rin naman niyang pag-isipan yun dahil baka masabihan pa siyang ilusyunada ng sarili niyang konsensya. basta ang alam lang niya, masaya siya dahil hanggang ngayon ay nakakasama niya pa rin ito. lalo na't pareho na rin sila ng course, which is Mass communications, at magkaklase pa.
Hindi naman niya masisisi ang sarili niya kung bakit patuloy siyang nahuhumaling kay James. narito naman kasi ang mga katangiang kahit sinong babae ay gustong taglayin ng lalaking mamahalin nila at mamahalin sila. matalino, guwapo, may kaya sa buhay at higit sa lahat, mabait. as in super. sa katunayan, imadalas siyang maambunan ng kabaitan nito dahil ito ang tagasalo niya kapag may nagagawa siyang mali sa mga activities nila kahit na hindi sila close at HI-HELLO lang ang madalas na palitan nila ng salita.
minsan na nga siyang nagduda na totoo ito at nageexist sa mundo. ang mga gaya kasi nito ay nababasa niya lang sa mga romance novels ng kanilang mga idolong novelist.
natigilan siya sa pagmumuni-muni nang isang babae ang lumapit sa kanyang sinisinta at hinalikan ito sa pisngi. napasimangot siya. sino ang bruhildang mukhang tubol na ito na nananamantala sa kanyang mabait na knight?
isang tapik sa kanyang balikat ang nagpaalis ng kanyang atensyon sa dalawa. nang mag-angat siya ng mukha ay awtomatikong nagbigay siya ng matamis na ngiti nang makilala ang tumapik sa kanya.
"Rei, mare..." tanging nasambit niya bago tumayo at humalik sa pisngi ng kanyang matalik na kaibigan. nakilala niya ito sa isang forum sa internet, a year ago.
"Surprise? sabi ko naman sa iyo bibisita ako sa iyo ng walang pasabi diba? at ngayon ko naisip na manurpresa."
"Paano ka nakapasok rito?" mahigpit kasi ang school guard nila at walang nakakaligtas sa kuko nito. asar na asar nga siya roon dahil hindi talaga siya pinapasok ng maiwan niya ang ID niya sa bahay kahit na naglumuhod pa siya.
"Tumakbo ako. turo iyon ni ate Jerz. effective nga palang talaga. hehe.. isa pa, masyadong tuliro ang guard ninyo dahil nga sa event dito ngayon."
Napailing na lang siya sa narinig. Ibang klase talaga ang kaibigan niyang ito. Nahawa na yata ito sa mga kalokohang pinaggagagawa ng kanilang "Master" Mhelai.
"Siyangapala, bakit sambakol ang mukha mo kaninang dumating ako. ang ganda-ganda mo pa naman today tapos, ang sama ng hilatsa ng pagmumukha mo. paano ka naman mapapansin ni James niyan, bruha?" Patuloy na sabi ni Rei.
Muli siyang napasimangot nang maalala ang eksena na nakita niya. bumaling siya sa harap niya kaya nakita niyang nakalingkis na ngayon ang babaeng kasama ni James.
"Sino naman ang hindi sisimangot kapag ganyan ang makikita mo?" pasimpleng itinuro niya ang dalawa sa aibigan.
Nagets naman agad ng kaibigan niya ang gusto niyang sabihin. "Ouch.." Eksaheradong daing nito sabay hawak sa dibdb nito. "Ang sakit naman, mare. fafaboom palang talaga ang sinisinta mo. no wonder super crush mo siya. kaso, pula ang paligid ko dahil sa girlash na iyan na mukhang daing na bisugo. kung meron mang ganoon."
kahit na masama ang mood niya ay napahagalpak siya ng tawa sa sinabing iyon ni Rei. kahit kailan talaga, hindi pa nito nagawang hindi siya pasayahin.
"Anong gusto mong gawin natin sa daing na bisugong iyan, mare? ilang bomba ba ang gustto mong itali natin sa katawan niya matapos natin siyang dalhin sa headquarters ng Pranings? Ah, ang mabuti pa, tanungin ko na lang si ate Jerz ng number. siguradong mataas ang ibigay noon kaya magiging abo na lang si daing na bisugo. bwahahahahaha..."
"Argh... guguluhin pa ba natin iyong babaeng iyon? bigo rin kaya si Master ngayon." bumuntong-hininga siya. "punta na lang tayo sa quadrangle. may sayawan run. pagtripan na lang natin ang mga sumasayaw roon. bwehehehe..."
"Yeah, mabuti pa nga. lets get it on, dude.."
DAHIL nagyaya pang kumain si Rei kaya eight na ng gabi nakapunta sa sayawan ang dalawa. marami ng tao roon at halos wala ba siyang maupuan. swerte lang na may naispatan sila sa di kalayuan. nang makaupo sila ay nagvibrate ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon.
A SURPRISE IS COMING. TONIGHT.
napaunot-noo siya. hndi na nga rehistrado ang numero, wala pang pangalan ng nagtext. nagreply siya.
HU U?
ngunit wala siyang natanggap na reply mula sa texter. nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Bakit?" Tanong ni Rei.
"may nagtext sa akin. hindi nagpakilala e. kainis."
pinabasa niya ang mensdahe rito ngunit imbes na maasar rin gaya ng madalas na reaksyon nito sa mga ganoong pagkakataon ay ngumisi lang ito sabay nagwika ng: "Nagsisimula na pala sila."
"Ha?"
ngumiti lang ito sabay yakap sa kanya. "Happy birthday, sis."
kasabay niyon ang pagkamatay ng mga ilaw at pumailanlang ang isang romantikong kanta. pagkatapos ay isang pigur ang nakiota niyang lumapit sa kanya at naglahad ng kamay nito.
"Princess, would you dance with me?" sabi ng isang tinig na pamilyar sa kanya
noon bumukas ang spotlight at tumutok iyon sa kanila. hindi na hinitay pa ni James ang sagot niya. iginiya na siya nito sa dance floor at isinayaw.
sa minsang pag-ikot nila, nakita niya sa isang sulok si rei. kasama ang ilan sa mga miyembro ng Pranings.
Matapos ang sayaw ay nilapitan niya ang mga kaibigan at niyakap ang mga ito.
"Happy birthday, chi. sensya na kung ganito lang ang nakayanan namin. praning lang kami, hindi mayaman. hehe.." ani mhelai.
"Ano feeling na nakasayaw mo si crushie?" tanong ni eunice.
"Dont worry mare. yung girlash kanina, friendshipness lang ni cruhie. may pagasa ka pa." si rei.
kanya-kanya na ng speech ang iba pa. mangiyak-ngiyak na siya habang pinakikinggan ang mga ito.
"Thank you girls. thank you so much."
THE END..
>>> oo, isinama ko ang sarili ko. wala lang. may reklamo? hehe.. walang kwenta no?
|
|
|
Post by ganghun on Dec 20, 2007 1:35:14 GMT 8
waaah!ang cute ng flow ng story..im sure masayang masaya c Chi..keep it up,Master! =)
|
|
|
Post by cedieyui on Dec 23, 2007 23:38:14 GMT 8
guys, sna reply kau sa gwa ko. puleeesee!! tnx. mwahz!
|
|
ChiharuYumi ako to si chi
Guest
|
Post by ChiharuYumi ako to si chi on Jan 5, 2008 22:07:26 GMT 8
bwehehehehe.. here's my gift to chiharu... sorry mahal kong alipin kung ngayon lang. hehe... ngayon lang nagkatime e. sana magustuhan mo kahit parang walang kwenta ang isang ito.. SURPRISENakapangalumbaba si Princess Edmarie Ballonado o simpleng Chiharu sa mga cyber friends niya, habang nakatutok ang atensyon kay James, ang longtime crushie niya.
schoolmate niya ang lalaki mula pa noong nasa elementarya sila. hindi na sila nagkahiwalay hanggang ngayon college na sila sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. coincidence lang ba yun o baka naman destiny, hindi niya alam. ayaw rin naman niyang pag-isipan yun dahil baka masabihan pa siyang ilusyunada ng sarili niyang konsensya. basta ang alam lang niya, masaya siya dahil hanggang ngayon ay nakakasama niya pa rin ito. lalo na't pareho na rin sila ng course, which is Mass communications, at magkaklase pa.
Hindi naman niya masisisi ang sarili niya kung bakit patuloy siyang nahuhumaling kay James. narito naman kasi ang mga katangiang kahit sinong babae ay gustong taglayin ng lalaking mamahalin nila at mamahalin sila. matalino, guwapo, may kaya sa buhay at higit sa lahat, mabait. as in super. sa katunayan, imadalas siyang maambunan ng kabaitan nito dahil ito ang tagasalo niya kapag may nagagawa siyang mali sa mga activities nila kahit na hindi sila close at HI-HELLO lang ang madalas na palitan nila ng salita.
minsan na nga siyang nagduda na totoo ito at nageexist sa mundo. ang mga gaya kasi nito ay nababasa niya lang sa mga romance novels ng kanilang mga idolong novelist.
natigilan siya sa pagmumuni-muni nang isang babae ang lumapit sa kanyang sinisinta at hinalikan ito sa pisngi. napasimangot siya. sino ang bruhildang mukhang tubol na ito na nananamantala sa kanyang mabait na knight?
isang tapik sa kanyang balikat ang nagpaalis ng kanyang atensyon sa dalawa. nang mag-angat siya ng mukha ay awtomatikong nagbigay siya ng matamis na ngiti nang makilala ang tumapik sa kanya.
"Rei, mare..." tanging nasambit niya bago tumayo at humalik sa pisngi ng kanyang matalik na kaibigan. nakilala niya ito sa isang forum sa internet, a year ago.
"Surprise? sabi ko naman sa iyo bibisita ako sa iyo ng walang pasabi diba? at ngayon ko naisip na manurpresa."
"Paano ka nakapasok rito?" mahigpit kasi ang school guard nila at walang nakakaligtas sa kuko nito. asar na asar nga siya roon dahil hindi talaga siya pinapasok ng maiwan niya ang ID niya sa bahay kahit na naglumuhod pa siya.
"Tumakbo ako. turo iyon ni ate Jerz. effective nga palang talaga. hehe.. isa pa, masyadong tuliro ang guard ninyo dahil nga sa event dito ngayon."
Napailing na lang siya sa narinig. Ibang klase talaga ang kaibigan niyang ito. Nahawa na yata ito sa mga kalokohang pinaggagagawa ng kanilang "Master" Mhelai.
"Siyangapala, bakit sambakol ang mukha mo kaninang dumating ako. ang ganda-ganda mo pa naman today tapos, ang sama ng hilatsa ng pagmumukha mo. paano ka naman mapapansin ni James niyan, bruha?" Patuloy na sabi ni Rei.
Muli siyang napasimangot nang maalala ang eksena na nakita niya. bumaling siya sa harap niya kaya nakita niyang nakalingkis na ngayon ang babaeng kasama ni James.
"Sino naman ang hindi sisimangot kapag ganyan ang makikita mo?" pasimpleng itinuro niya ang dalawa sa aibigan.
Nagets naman agad ng kaibigan niya ang gusto niyang sabihin. "Ouch.." Eksaheradong daing nito sabay hawak sa dibdb nito. "Ang sakit naman, mare. fafaboom palang talaga ang sinisinta mo. no wonder super crush mo siya. kaso, pula ang paligid ko dahil sa girlash na iyan na mukhang daing na bisugo. kung meron mang ganoon."
kahit na masama ang mood niya ay napahagalpak siya ng tawa sa sinabing iyon ni Rei. kahit kailan talaga, hindi pa nito nagawang hindi siya pasayahin.
"Anong gusto mong gawin natin sa daing na bisugong iyan, mare? ilang bomba ba ang gustto mong itali natin sa katawan niya matapos natin siyang dalhin sa headquarters ng Pranings? Ah, ang mabuti pa, tanungin ko na lang si ate Jerz ng number. siguradong mataas ang ibigay noon kaya magiging abo na lang si daing na bisugo. bwahahahahaha..."
"Argh... guguluhin pa ba natin iyong babaeng iyon? bigo rin kaya si Master ngayon." bumuntong-hininga siya. "punta na lang tayo sa quadrangle. may sayawan run. pagtripan na lang natin ang mga sumasayaw roon. bwehehehe..."
"Yeah, mabuti pa nga. lets get it on, dude.."
DAHIL nagyaya pang kumain si Rei kaya eight na ng gabi nakapunta sa sayawan ang dalawa. marami ng tao roon at halos wala ba siyang maupuan. swerte lang na may naispatan sila sa di kalayuan. nang makaupo sila ay nagvibrate ang kanyang cellphone na nasa bulsa ng kanyang pantalon.
A SURPRISE IS COMING. TONIGHT.
napaunot-noo siya. hndi na nga rehistrado ang numero, wala pang pangalan ng nagtext. nagreply siya.
HU U?
ngunit wala siyang natanggap na reply mula sa texter. nagsalubong ang kanyang mga kilay.
"Bakit?" Tanong ni Rei.
"may nagtext sa akin. hindi nagpakilala e. kainis."
pinabasa niya ang mensdahe rito ngunit imbes na maasar rin gaya ng madalas na reaksyon nito sa mga ganoong pagkakataon ay ngumisi lang ito sabay nagwika ng: "Nagsisimula na pala sila."
"Ha?"
ngumiti lang ito sabay yakap sa kanya. "Happy birthday, sis."
kasabay niyon ang pagkamatay ng mga ilaw at pumailanlang ang isang romantikong kanta. pagkatapos ay isang pigur ang nakiota niyang lumapit sa kanya at naglahad ng kamay nito.
"Princess, would you dance with me?" sabi ng isang tinig na pamilyar sa kanya
noon bumukas ang spotlight at tumutok iyon sa kanila. hindi na hinitay pa ni James ang sagot niya. iginiya na siya nito sa dance floor at isinayaw.
sa minsang pag-ikot nila, nakita niya sa isang sulok si rei. kasama ang ilan sa mga miyembro ng Pranings.
Matapos ang sayaw ay nilapitan niya ang mga kaibigan at niyakap ang mga ito.
"Happy birthday, chi. sensya na kung ganito lang ang nakayanan namin. praning lang kami, hindi mayaman. hehe.." ani mhelai.
"Ano feeling na nakasayaw mo si crushie?" tanong ni eunice.
"Dont worry mare. yung girlash kanina, friendshipness lang ni cruhie. may pagasa ka pa." si rei.
kanya-kanya na ng speech ang iba pa. mangiyak-ngiyak na siya habang pinakikinggan ang mga ito.
"Thank you girls. thank you so much."
THE END..
>>> oo, isinama ko ang sarili ko. wala lang. may reklamo? hehe.. walang kwenta no? Nasabi ko na to last time and I'll tell you once more Master..... Maraming maraming salamat.... Kahit pumutok na ang bubbles ko sa lalaking ito, binigyan mo ako ng pagkakataong makasama siya kahit sa kwento lang... Naks!!! SUPER THANKS TALAGA
|
|
|
Post by Mhelai on Jan 7, 2008 8:18:25 GMT 8
nagkataon lang na nailagay ko ang name na james chi. ahahaha.. abangan ang susunod kong ss. pasaway lang. wala akong time ipost
|
|
|
Post by Mhelai on Jan 10, 2008 14:25:49 GMT 8
at ito na nga siya. nabasa na ito nina Ate JM, Ada at Chiharu. maganda raw ayon kina Chi at Ate JM. bitin raw sabi ni Ada. ano namang opinyon nyo?hehe...
nagawa ko ito dahil naasar ako sa isang lalaki nang pansinin niya ang pagtetext ko habang naglalakad. ang balak ko ay gumanti sa ss kong ito, ang nangyari, naging love story. ngek...
A Realization[/u]
“MADAPA ka, ate…”
asar na nilingon ko ang nagmamay-ari sa boses na narinig ko. Napasimangot ako nang makita ko siya na nakangisi sa akin.
Ang lokong ito!
Pinandilatan ko siya ng aking mga mata at saka nakapamaywang na sinagot siya.
“Hindi ako tanga para madapa no! Im not like you kaya, excuse me lang.”
“Talaga lang ha? Ibig sabihin weakling ka? You’re not like me diba? Kung hindi mo kasi naitatanong, malakas ako. Gusto mo ng priweba?”
itinaas niya ang kanyang mga kamay at nagpose sa harap ko. Nakita kong naglabasan ang mga muscles niya roon. Ngunit imbes na matuwa, naasar akong lalo. Hindi kasi ako makapaniwalang sinabihan niya ako ng isang bagay na hindi naman totoo. The nerve of this guy! Para tuloy masarap siyang panain. Bakit nga ba hindi ko dinala ang sandata kong iyon?
Noon ko napansin ang handle ng hawak kong payong. Hmm… puwede! Tiniklop ko iyon pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. Hiwakan ko siya sa kanang kamay at…
“Yaaahhh! Yan ang nababagay sa iyo! Ako pa ang paaandaran mo ng kayabangan mo ha?” sa bawat hampas ko ng payong sa kanyang katawan, pagtawa lang ang naging sukli niya habang panay ang daing.
Nang mapagod ako sa pagsalakay sa kanya ay kusa na akong tumigil. Umupo na rin ako sa gilid ng kalsada kung saan kami nakatayong pareho.
“Ouch!” narinig ko pang sambit niya.
Nilingon ko siya kaya nakita kong hinahaplos niya ang kanyang kanang balikat. Iyon kasi ang nakaharap sa akin kanina kaya malamang iyon ang parte ng katawan niyang talagang naabot ko ng bugbog. Habang nakamasid ako sa kanya, parang may haplos ng awa akong naramdaman. Nagi-guilty ako dahil mukhang napuruhan na siya sa ginawa ko. Pero, habang naiisip ko ang pang-aasar niya sa akin, sinasabi ko na lang na tama lang sa kanya ang inabot niya.
Hindi makatwiran ang ginawa mo, kapatid. Parang narinig kong sabi ng sarili kong konsensya sa akin. Pinikon ka lang, binugbog mo na. nakow, napakabayolente mo talaga. Ang mabuti pa, lapitan mo na siya, mag-apologize ka at i-check mo kung anong masakit sa kanya saka mo gamutin.
hmp! Kahit kailan talaga, napakagaling mangonsensya ni konsensya. Namalayan ko na lang na nagpaimpluwensya na pala ako. Nilapitan ko siya at napipilitang hinila ko’t pinaupo sa kung saan ako nakaupo kanina.
“Saan ba ang masakit?” tanong ko sa kanya.
Nagulat yata siya sa tanong ko pero di na lang siya nagkomento na ipinagpapasalamat ko dahil wala akong masasabing rason kung bakit nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako.
“Dito, masakit. Saka dito. Dito… at dito pa…”
kung saan-saang part eng katawan niya ang itinuro niya. Napakunot-noo ako. Hindi kaya, pinagtitripan na lang ako ng lalaking ito? Pero naisip ko, ano naming dahilan niya para pagtripan pa ako samantalang talaga naming nasaktan siya kanina? Sa naisip ko, ay lalo akong naguilty. Nag-exaggerate na lang kasi ako.
“Patingin nga,” malumanay na sabi ko. Inililis ko ang manggas ng suot niyang t-shirt at nakita ko ang mga mumunting pasa sa braso nito. Naisip ko ngang grabe naman magpasa ang isang ito. Ang bilis! Doon ko naalalang talaga nga palang mabilis magpasa ang isang ito. Kurutin mo lang ng pino, magiging pasa na iyon.
Tumayo akong muli at hinila siya patayo. “ halika na, gamutin natin yang pasa mo sa bahay.”
“Hindi na kailangan. Pasa lang yan. Malayo sa bituka.”
“Sabi sa nabasa kong libro, sa pasa nagsisimula ang lahat.”
Tumaas ang kilay niya. “at saan mo naman iyan nabasa?”
“Sa medical book about leukemia na pag-aari ng kapatid ko.”
“Natawa siya. Hindi ko alam kung bakit parang nagustuhan ko iyon at parang nais ko pang marinig ulit nang tumigil siya sa pagtawa. Weird. Napa-praning na naman siguro ako.
“That was funny, Ate…”
Nanlisik ang mga mata ko. Narinig ko na naman kasi ang katagang iyon na ayokong naririnig sa kanya. Simula kasi ng mag- eighteen ako, tinatawag na niya akong ‘Ate’. Mas matanda na raw kasi ako kaysa sa kanya. Kundi ba naman sira-ulo!
“Sinabi ko ng huwag mo akong tinatawag na ‘Ate’!” bulyaw ko sa kanya. “mas matanda ka sa akin!”
halakhak lang ang nagging kasagutan niya sa akin. Napatanga na lang ako.
“Don’t look at me like that.” Pabulong na sabi niya nang siguro ay mapansin niya ang nagging reaksyon ko.
Nagtaka naman ako. Bakit kailangan niya pang bumulong e, hindi naman sekreto ang pinag-uusapan naming dalawa. Isa pa, wala namang tao sa paligid if ever nga na mayroon. At bakit parang kakaiba ang kislap ng mga mata niya? Para bang may kapilyuhan itong iniisip.
“Bakit ba ganyan ka kung makatingin?” singhal ko. “tigilan mo nga iyan at naaalibadbaran ako.” Inihanda ko na ang aking kamao. Kapag hindi ko nagustuhan ang sagot ng ungas na ito, wala ng tanong-tanong. Suntok na agad!
“Wala lang. I never thought you could be this pretty.”
Nagulat ako. Aba! Himala ito! My first compliment from him! Magugunaw na yata ang mundo. Pero nagsalubong ang mga kilay ko sa sumunod niyang sinabi.
“Dapat pala, lagi kag nalabas sa arawan. Gumaganda ka kapag nagiging ita ka.”
Napasigaw ako bago ko siya tinalon. Awtomatikong kumapit ang mga kamay ko sa kanyang buhok saka pinaghihihila ang mga hibla niyon.
“Aray ko!” tumatawang daing niya. “Huwag yan! Asset ko iyan!”
“Kakalbuhin kitang demonyo ka! ‘Di ka na talaga dapat binubuhay sa mundong ibabaw!”
hindi pa ako nakontento sa ginawa ko. Kinagat ko pa siya sa tenga. Ala Mike Tyson ba. Napatigil na lang ako dahil sa sinabi niya…
“Tama na! kapag hindi ka pa tumigil, iuuwi na kita sa bahay at doon kita hahalikan. Baka di mo alam ang epekto mo sa akin. Tanghaling tapat pa lang…”
namula ako nang maabsorb ng utak ko ang sinabi niya. Saka ko lang narealize ang aming posisyon.
Dahil sa ginawa kong pagsugod, ngayon ay karga na niya ako. Nakaalay ang isang kamay niya sa likod ko para di ako malaglag. Habang ang isa pa ay nakapalibot naman sa baywang ko. Ang mga kamay ko ay nakalapat sa dibdib niya at magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha! Dali-dali akong bumaba sa pagkakakarga niya. Inayos ko muna ang damit ko bago nagsimulang lumakad palayo ngunit hinila niya ako.
“Dito ka lang…”
Doon na nagsimulang magrigodon ang tibok ng puso ko. hala! Ano nangyayari? Nagpanic ako kaya hinila ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit hindi niya iyon binitawan.
“Ahm… pwede bang pakibitawan ang kamay ko?”
“Ah-ah…” umiling-iling siya. “Matapos mo akong bugbugin? Dapat kang maparusahan!”
“A- anong gagawin mo sa…?”
“sa iyo?” pagtatapos niya sa tanong kong hindi ko matapos-tapos. “Hmm… I’ll think about it, I guess. Basta, dito ka lang. you cant leave.”
Lumabi ako. sa totoo lang kasi, naniniwala akong banta lang ang sinabi niya. kahit kasi madalas na napapasobra na ako sa pananakit sa kanya, never niya akong ginantihan. Kilalang-kilala ko na ang ugali niya. Dapat lang naman. Kasa-kasama ko na kasi siya mula pa siguro ng mamulat ang mga mata ko sa kakaibang hilig ng mga tao sa rock music maging sa anime.
Mukhang nadetect naman niya ang niisip ko dahil…
“You don’t believe me, haven’t you?”
Umiling lang ako. I never gave him a reason, tutal naman, wala siyang hinihingi. saka, teka… parang invasion of privacy yata ang ginawa niya a.
Natawa na lang ako. silly of me. Pati ako tuloy nakokornihan na sa joke ko.
“Pinagtatawanan mo ba ako?”
“Ooops…” ang tanging nasambit ko. Saka ko napansin na nakangisi nap ala ako.
“Ganoon pala ha? Kung kanina nagdadalawang isip ako, ngayon… hmm… humanda ka na. and the end is near…”
Ngek! Lakas ng loob kumanta, wala naman sa tono.
“Ang yabang talaga ng ungas na ito…” bulong ko na nakaabot pa rin sa pandinig niya.
“Ungas pala ha?”
nagulat na lang ako nang hapitin niya ang aking baywang at itinapat niya ang mukha niya sa akin. I could breathe in his minty fresh breath as my heart started beating faster again. Sa tingin ko nga ay naririnig na niya ang pagsisirko mg mga dagang-bukid sa loob ng puso ko.
“Nervous, Ate? Ganyan talaga kapag wala pang experience.” “Kahit na inaasar na niya ako, wala pa ring epekto sa akin gaya kanina na naghuramentado ako. I can’t move or even say something. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag nasa ganitong sitwasyon? No wonder, tameme ang mga heroines sa mga nobelang nababasa ko kapag nako-corner ng mga heroes.
Nakatitig na lang ako sa kanyang mukha. Ngayon ko lang talaga napatunayang guwapo nga ang lalaking ito. Kunsabagay, ngayon lang naman ako nagkaroon ng pagkakataong makalapit ng ganito sa kanya. Hindi pala talaga naghahalucinate ang mga kaibigan ko kapag pinupuri nila siya. Because he really was one hell of a handsome guy.
Napadako ang aking paningin sa kanyang mga labi. Mamula-mula iyon at parang napakasarap dampian ng halik. Ano nga kaya kung try ko?
“Ooops! Reserbado na iyan…”
huh? Ano raw? Reserbado? Ang ano?
“Ikaw ha? pasimple ka. Wag kang mabilis. Napaghahalata tuloy na patay na patay ka sa akin e.” sabi niya sabay kalas sa akin.
“Ano bang sinasbi mo riyan?” tanong ko kahit na parang alam ko na ang tinutumbok niya.
Ngumisi lang siya at tumahimik na. naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.
“Wala akong alam sa sinasabi mo.”
“Bakit defensive ka? Wala naman akong binabanggit. Isa pa, bakit nagba-blush ka?”
“I am not!” tanggi ko.
“Ows? Hindi ba? Bakit namumula pisngi mo? Diba ang tawag diyan ninyong mga babae ay pag-ba-blush?”
aaminin ko, a part of me is disappointed. Kahit kasi unconsciously ko lang nagawa iyon, parang dapat ay natuloy. I am really getting out of my mind.
“Hmm… sige na nga!”
at mukhang may isa pang nasisiraan ng bait rito. Kung anu-ano kasing lumalabas sa bibig, di ko naman magetch. Napailing-iling ako. tapos naramdaman ko nalang na ikinulong ng mga palad niya ang mga pisngi ko.
“This is it, Ate—“
“Sabing huwag mo akong tawaging ‘Ate’ e!” putol ko sa sinasabi niya. “Isang beses mo pa akong tawaging—hmp!”
napamulagat ako nang lumapat ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Para akong naparalisa nang maramdaman ko ang init niyon. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at parang ang saya-saya ko. Hindi ko napigilan ang pumikit. Nang akmang tutugunin ko na ang kanyang halik, saka naman nito tinapos iyon.
Nang buksan ko ang aking mga mata, kitang-kita ko ang mischief na nakalarawan sa kanyang mukha. Natulala na lang ako. talaga bang nangyari iyon?
Ngumiti siya at hinaplos at aking kaliwang pisngi.
“Nice. Masarap pala ang feeling kapag nanghalik ka sa katanghaliang tapat. Magawa nga ulit ito sa susunod.”
He started walking away from me. Sinundan ko na lang siya ng tingin. Hindi na ako nagulat sa narealize ko matapos kong magbalik-tanaw sa katatapos lang na pangyayari.
Yes, I fell in love with him.
>END<[/b]
|
|
|
Post by Mhelai on Jan 10, 2008 15:01:32 GMT 8
rose, ngayon ko lang nabasa yung short story mo. hehe.. eto comment ko. naguluhan ako sa p.o.v's ng mga characters. ang bilis kasi magpalit e. di ko namalayan. di mo naiseparate yung sa pov ng girl sa pov ng guy sa ilang mga eksena. siguro, kung ako ang tatanungin mo, dapat iminimize mo ang pagpapalit ng point of view para may maiwang mystery sa readers. tapos, nabilisan ako sa kwento. wala ring kilig factor na tinatawag. di mo rin naipakita ang mga feelings ng mga characters towards each other. siguro kasi gaya nga ng sinabi ko, masyadong mabilis ang kwento. hehe... in short, kulang sa romance. in terms of grammar, okay lang naman. the story itself is okay. maganda. may patutunguhan. siguro, mas maganda kung ginawa mo na lang siyang nobela. ahahaha.. that wud be all.
|
|
|
Post by dawn-kin donuts on Jan 12, 2008 23:35:08 GMT 8
|
|
|
Post by Mhelai on Jan 13, 2008 15:43:05 GMT 8
sugoi mga pinsans... hehe..
avonski, nakow.. pasaway ka talaga.. oo yung nasa taas nga yung isinend ko sau sa text.. atually, yang nakapost na iyan ay yung edited version na ng ginawa ko nung araw na iyon kaya humaba ng ganyan. sabi kasi ni ate JM, ang dami kong redundant words. so yun. tapos nagreklamo si chi na bakit wala raw rason kung bakit asar yung heroine sa guy pag tinatawag siyang ate. hehe.. ayan, inayos ko na.
dawn, i love the structure ng... teka, mall ba yan? sana may mga kuha rin ako nung mga ginawa naming films at commercials last 2006 at 2007... gusto ko rin kasing ipagmalaki yun. bwehehehe...
avs, pansin mo ba na nagpapanggap akong editor kay rose? bwahaha.. remember the sentence "KULANG SA ROMANCE?"
|
|
|
Post by dawn-kin donuts on Jan 13, 2008 21:04:18 GMT 8
ahahaha!!! uu nga lagay mo din dito.
yong dalawang una davao convention center. dapat daw may trade mark ng davao kaya ginawa naming parang ibon na ewan. hihihihi\
yong sa ibaba naman eh outlet shops o outstripped malls. hihihihi
|
|
|
Post by Mhelai on Jan 14, 2008 11:03:43 GMT 8
kung pwede nga lang. kaso lahat ng pictures nandun sa kaklase kong praning rin na gaya ko. nakatago sa office ng magdalo. ginamit kasi niya yun nung gawin niya articles para sa issue na di ko na matandaan kung pangilan na. nagkalimutan na rin..
pati yung mga videos ng films at commercial di na napasakamay ng pinsan mong ito. amputek... dapat nga ako naghawak nun dahil ako ang writer at part time editor ng mga iyon. atsaka, may ilang eksena na lumabas ako dahil nagkasakit yung actor namin nun. guess what? ako yung bayolenteng character run. in short, kontrabida. bwahahaha...
|
|