Ok, ako naman ang magsi-share ng aking natatanging talento, hehehe
TITLE: Dakilang Api
(Partly, kinuha ko yan sa mga experiences ko)
Isang simpleng nilalang lamang si Mavy (syempre ako bida,!) na namumuhay ng tahimik at mapayapa sa mundong kanyang ginagalawan. 3rd year highschool na siya at trying hard mapa-taob ang kanyang mga malahiganteng classmates (average lang kasi ang height niya) at dahil pangalawa ang section nila sa pinaka-mataas, marami silang sinasalihang contest sa school nila, at isa na nga roo ang Speach Choir, and this is where our story began.....
Shocked si Mavy sa kanyang nakikita sa mismong harapan niya, kasalukuyan silang nagpa-practice ng kanilang Speach Choir sa isa sa mga room sa kanilang school at dahil medyo mahina ang resistensya niya, maagang sumakit ang ulo niya, kaya naman inilagay siya ng leader nila na si Justine sa likurang pila para makapagpa-hangin, pero mukahang mas sasabog pa ang utak niya sa nakikita ngayon dahil ang "Tall, White and Handsome" nilang classmate na si John Raymart, "Mati" for short, ay nasa harapan niya, hindi naman niya ito gaanong pinapansin noon pwera lang ngayon na kasalukuyan siyang naka-upo at ito naman ay naka-tayo habang hawak pataas ang pantalon nito, nalantad tuloy sa kanya ang mahaba, makinis at maputi nitong binti, hindi niya akalaing ganito pala kaganda ang binti nito at ang mga kuko naman ay napaka-linis. Tiningnan niya ito, nakita niyang nakatingin din ito sa kanya. Binigyan niya ito ng tinging nagsasabing "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo,?"
"Eh, ano naman," sagot nito, "Mainit eh."
Umiwas siya ng tingin. Pakiramdam kasi niya matutunaw na siya sa titig nito. Pero hindi pa rin talaga maalis sa isip niya ang magandang binti nito.
Pagkatapos ng practice ng kanilang speach choir, daig pa ni Mavy ang babaeng naglilihi. Masakit na ang tiyan niya sa gutom pero hindi siya makakain dahil sa tuwing magsusubo siya ng pagkain ay para siyang maduduwal at parang ayaw tanggapin ng tiyan niya ang mga pagkain sa harap niya, kaya pinili na lamang niya ang uminom ng milo.
"Wala ka bang balak kumain?" tanong ng lola niya.
"Wag na 'Nay, kung ayaw mong maglinis ng pinagsukahan ko,"
Hinayaan na lang siya ng lola niya, pagkakain niya ay dumiretso na siya sa kama niya at nagpasyang matulog, pero ayaw talaga siyang tantanan ng imahe ng magandang mga binti ni Mati, kahit nakapikit ay malinaw pa ring nakaukit sa kanyang isipan ang mga binti nito, bumalikwas siya ng bangon.
"Putik,! Pwede ba Mati, tigilan mo na 'ko!" at magdamag siyang napuyat dahil sa kakabalikwas niya.
(Next time na yung next chapter, may emergency kasi eh)
Continuation (Sa wakas, hehehe)
THE class nila ngayon at iyon na rin ang last subject nila sa araw na iyon, pansamantalang lumabas ang teacher nila kaya naman napaka-ingay nila. Nakaupo siya sa lamesa nilang magkakaibigan at nakapangalumbaba, pinagmasdan niya ang tatlong kaibigan niya; si Anzelle, Carizza at Angeline, lahat ng mga ito ay busy sa pagbabasa ng Manga na dala ni Anzelle. Pinagmasdan niya ang cover ng Manga na binabasa ni Carizza, Gravitation ang title nito, may bigla siyang naalala.
Hinampas niya ng malakas ang table nila para makuha ang atensyon ng mga ito, “Alam nyo bang ang ganda ng legs ni Mati?”
“Ano? Legs ni Mati?” ibinaba ni Anzelle ang binabasang Manga.
“Pa’no mo nalaman?” tanong ni Carizza.
“Sinilipan mo siya nung nag-CR siya? Yuck, Mavy.” Sabi naman ni Angeline.
“Sinilipan? Hindi ‘no! Baka ikaw ang nagbabalak na silipan siya. Nakita ko lang nang itaas niya yung pants niya sa harapan ko kasi naiinitan daw siya, yun lang ‘yon.” Sabi niya.
“Yuck ka pa rin Mavy.”
“Hindi ka isang dalagang pilipina.”
“You’re a pervert!”
She gasp, “I am not a pervert! I was just appreciating his good qualities and as I see it, there’s nothing wrong with that.”
Ngumisi ang mga ito, tanda ng isa na namang bagay ang maipang-aasar ng mga ito sa kanya. Kabisado na niya ang mga gawi ng mga ito, mukhang may isa na namang maipang-aasar ang mga ito sa kanya bukod sa pagiging lampa niya at boses bata.
“P-E-R-V-E-R-T!” sabay-sabay na kantyaw ng mga ito.
“It was fully appreciation.” Depensa niya.
“Asa! Appreciaton daw. Eh si Joemer?”
“Oh, anong problema kay Joemer?” tanong niya.
“Hindi ba sinabi mo sa ‘min kaninang umaga na nung dumaan sa harap mo si Joemer naamoy mo ang pabango niya at sinabi mo sa ‘min na ang bango-bango niya?”
“Oo nga sinabi ko nga yun, so?”
“What does it feel smelling Joemer’s scent and staring at Mati’s legs?” tanong ni Angeline.
“Oh, it feels good.” Sagot niya.
Nanlaki ang mata ng mga kaibigan niya at tumawa. Siya naman ay tumitig lang sa mga ito. What’s wrong with this people? Magtatanong-tanong tapos ‘pag sinagot mo naman tatawanan ka lang, eh wala namang nakakatawa sa sagot ko.
Nang medyo mahimasmasan ay hinarap na siya ng mga ito pero halata pa rin ang pagpipigil sa pagtawa ng mga ito.
“Grabe ka Mavy,” sabi ni Angeline, “Binigyan ka na nga namin ng pagkakataon na ipagtanggol ang sarili mo.”
“Oo nga,” segunda ni Anzelle, “Pwede mo namang sabihin na Ok lang o wala lang kaso ang sagot mo ‘it feels good’?”
“Kahiya-hiya ka sa lahi nating mga kababaihang pilipina,” dinuro pa siya ni Carizza, “Hindi ganyan dapat ang inaasal ng isang dalagang pilipina sa harap ng isang lalaki, nag-aaral ka pa naman.”
“Oo nga! Tama si Carizza!”
Sinimangutan niya lang ang mga ito, talagang hindi na nagsawa ang mga ito sa pag-api sa kanya. Ok sana sa kanya kung inaasar-asar lang siya ng mga ito, kaso sinasaktan pa siya ng mga ito. Siguro nasanay na rin siya kaya minsan nararamdaman niyang hindi kumpleto ang araw niya kung hindi siya makakatikim ng hampas ni Carizza na pakiramdam mo ay lumabas na ang lungs mo, o ang hindi maubos-ubos na pang-aasar ni Anzelle talagang duduguin ka at ang mga pang-babara ni Angeline na talagang mapapa-shut up ka. Pero sa kabila ng lahat ng ito ay maaasahan niya naman ang mga ito sa lahat ng bagay, maaaring hindi vocal ang mga ito sa mga feelings ng mga ito pero in some what ways ay ipinadadama naman ng mga ito iyon sa kanya.
>>>>>waaahh......tinatamad na naman ako.....bakit ganun.....dati nagagandahan ako sa story ko, pero ngayon parang hindi na?
Hay naku, paiiksiin ko na nga lang siya......T_T
Continuation na rin ng aking story...
“M-mati?”
“Mavy…”
Unti-unti itong lumapit sa kanya. Gusto niyang umatras, tumakbo at magtago pero hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Huminto ito sa mismong tapat niya. Kitang-kita niya ng unti-unti nitong inilapit ang mukha nito sa kanya. He’s going to kiss me! Ipinikit na lang niya ang kanyang mga mata at hinintay ang mga labi nito na lumapat sa mga labi niya, My first kiss! My first real kiss!
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.
Bigla niyang naidilat ang kanyang mga mata pero imbis na ang mukha ni Mati ang Makita niya, ang nakangiting mukha ng apat na taong gulang na pinsan niyang si Anley ang nabungaran niya. Panaginip lang ang lahat.
Pumasok sa kwarto niya ang Tita niya at inilagay ang pinalantsang school uniform niya sa seradura ng kanyang cabinet.
“Mommy,” tawag nito sa tita niya, “Gigising ni Anley si Ate bi.”
Doon biglang parang sumakit ang pisngi niya. Tiningnan niya ng masama ang pinsan niya na nakangiti pa rin, hindi alintana ang kapahamakang nagbabadya para dito.
“Anley,” maya-maya ay sabi niya, “Lumayo ka…lumayo ka at magtago.”
“Ayaw daw tatago ate bi.” Pigil ang tawang sagot nito.
“Bilisan mo,” inihagis niya ang kumot sa sahig at unti-unting bumagon, “Kung hindi, kahit tirik na tirik na si Haring Araw makakakita ka ng stars.”
“Ayaw daw ng stars.”
Nagtititili itong lumabas ng kawarto niya nang tuluyan na siyang makabangon.
“Bakit?” maya-maya ay tanong ng tita niya, “Anong ginawa sayo?”
“Wala naman,” sagot niya at kinuha ang tuwalya at bathrobe niya, “Ginising lang naman ako ng magaling mong anak sa pinaka-kakaibang paraan. ‘Yung wala nang Sali-salita pa.”
“Ikaw kasi tanghali ka ng gumising.”
“Dapat diyan sa anak mo iposas sa kuna para hindi nakakapanakit ng iba.”
Tatawa-tawa lang ito bago siya tuluyang pumasok sa banyo para maligo.
Bigla niyang naisip ang magandang panaginip niya kanina bago siya ‘gisingin’ ng kanyang pinsan.
Okay sana ‘yun. Kahit sa panaginip lang mahahalikan ko si Mati. Ang perfect example ko ng Tall, white and cute pero snob and aloof sa mga babae. Pero nitong mga huling araw napapansin ko nagiging mabait na siya sakin ng konti hindi katulad noon na lalapitan at magsasalita lang siya sakin para barahin ako. Abnormal din ang isang ‘yun. Sayang, kung medyo nagpaambon lang siya ng kabaitan para sa mga babae baka sakaling magustuhan ko pa siyang lalo. Yes, inaamin ko, I like him. Pero siguro kung nagpaambon nga siya ng konting kabaitan sa mga babae baka marami akong kaagaw sa kanya ngayon. Teka, bakit naman ako makikiagaw?
Eh kasi gusto mo sa’yo lang siya. Sagot ng isang tinig sa isip niya.
Hindi ah!
Huuu! In-denial ka pa dyan. Alam mo naming kaya mo talaga siya nagustuhan ay dahil sa attitude niyang sa mga boys lang mabait. Ayaw mo kasi sa mga lalaking mabait kasi nagmumukha kang masama at hindi ba gusto mong may something different sa isang lalaki. You always want to get curious about everything. Gusto mo ang mga palaisipan.
Hey, akin lang ‘yun ah. Pa’no mo nalaman ‘yun?
Hello! I’m your other self.
Pa’no mo naman nasabi ‘yun? May mga proofs ka ba?
Oo.
Sige nga, convice me.
You’re always confused and don’t know what you want. You always make small things big things by thinking of it all day. You are sometimes a hard headed daughter but you’re always dumb when it comes to some facts and realities around you. You are very shy but talkative. Pinapakita mo sa ibang tao na matapang ka pero ang totoo mahina ka. Madali nila iyong nakikita. You’re afraid to be alone but you dreamed of living on your own. You want to have a child but you don’t want a husband. You say you’re not a pervert or a flirt but you love seeing gorgeous bo—
Okay that’s enough!
So you believe me now.
Yes, so cut it out already! Nagmumukha na akong tan-GA ngayon.
Buti alam mo.
Heh!
Inilubog na lang ni Mavy ang kanyang mukha sa tubig para mawala na ang ingay na iyon sa kanyang utak.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭
“THANK you, Ma’am. Please come again.” Tinanguhan lang niya ang cashier, graduation day na pero kahit hindi siya kasali sa mga ga-graduate ay um-attend pa rin siya dahil sa kanyang kuya na siyang ga-graduate. Hindi siya nagtanghalian kaya bumili muna siya ng slurpee at sandwich bago dumiretso sa school nila.
Papasok na siya sa school gym nang may bumangga sa kanya. Dahil doon ay natapunan ng kaunting slurpee ang blouse niya.
“Sorry.” Tiningnan niya ang taong nakabangga sa kanya. At gan’on na lang ang gulat niya nang makilala ito. Mati!
“Ah, okay lang.” nginitian niya ito.
“Mavy…” Tawag nito sa kanya. Gan’on na lang ang sikdo ng dibdib niya nang tawagin siya nito sa pangalan niya. Gan’ong-ganoon ang paraan ng pagtawag nito sa kanya sa panaginip niya. Oh! My! God! Mukhang magkakatotoo ang panaginip niya! Ang kaibahan ng lang ay wala ang istorbo niyang pinsan na sisira na moment nila. Sa wakas!
“M-mati?”
“There’s something between your teeth.”
“Ha?” awtomatikong dumapo ang kamay niya sa bibig niya. Shucks! Nakakahiya! Bakit ngayon pa? Bakit dito pa? Kaasar!
Nang masiguro niya na wala na siyang tinga ay nahihiya siyang ngumiti dito.
“Sorry.”
Ngumiti lang din ito sa kanya bago nito idinampi ang kamay nito sa pisngi niya. “Kahit kailan talaga maamos kang kumain.”
Laglag ang panga niya dito. Oh, please don’t do that to me! Do you know what you’re doing right now? You’re making me fall for you deeper and harder!
“Sige, una na ‘ko sa’yo.” Tinapik lang siya nito sa balikat niya.
Ano ‘yon? Bakit hindi na lang niya ako niyakap o hinalikan imbes na tapikin sa balikat? Ano ako, lalaki?
She sighed. Matapos ang ilang sandaling pagtayo sa lugar na pinag-iwanan sa kanya ni Mati ay dumiretso na siya sa school gym nila. Ngayong gabi sinisigurado niyang hindi niya tutulugan sa pagdarasal ng rosaryo ang Mama niya.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭