|
Post by --suMMerfieL-- on Jun 3, 2008 13:01:16 GMT 8
eGgY-Log c nAdjA bA iyon??
nAkz gNda nG dRawiNg nYo...
cHeRry,, --aLanG aNumAn mgLiNg k nMan tlga eh...
|
|
~eggybum~
New Member
i love this couple!
Posts: 40
|
Post by ~eggybum~ on Jun 4, 2008 15:30:03 GMT 8
oo nga egglog...! bat sayo walang kulay.?? madaya ka egglog ha..! ang cute mo talaga mag drawing egglog..! i love you na talaga..! naputol lahat ng colored pencils ko eh ahhahaha libre mo ko hahaha.. cherry ung pinapa-drawing namin?? wahahah demands demands!! astigg! ganda rin ng gwa mo !!!!!! labyou rin! let's get marrieD hahaha joke!
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jun 4, 2008 17:07:29 GMT 8
Here are my unknown kung matatapos ko pang novels...this are for my friends...haha, mukha siyang series pero ang maganda sa gawa ko...inuna ko pang tapusin yung chapter 10! Wish nyo na lang na sana matapos ko ang mga novel na ito....^_^
#1
CATS AND MOUSE
“Always remember that if a person loved you once, even after a hundred years there will still be some of that love left no matter how much that person…denies it.”
TEASER
Brent is Anzelle’s walking worst nightmare. High school pa lang sila ay ayaw na ayaw na niya dito dahil sa isang pagkakamali na ginawa nito na siyang naging dahilan ng pag-iwas niya dito.
Tahimik, OA, Dramatic, Unbearable at mukhang Emo na helpless ang tingin niya dito bago sila naghiwalay ng mga landas kaya naman sa muling pagkukrus ng kanilang mga landas ay nabigla siya sa mga naging pagbabago dito, wala na ang dating Brent na kilala niya, ang nasa harapan na lang niya ngayon ay isang simply irresistible and a one hundred and one percent certified hunk! Kung noong high school sila ay ito ang parating naghahabol ng tingin sa kanya ay nabaliktad na rin iyon, parati siya nitong iniiwang tulala.
Pero kung sa pisikal ay nagbago na ito nang tuluyan, isang bagay naman dito ang hindi nagbago, at iyon ay ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Parang katulad noong high school pa lamang sila, ang kaibahan nga lang ay wala na ang lungkot sa mga mata nito, napalitan na iyon ng kakaibang kislap na nagdadala ng kakaibang kiliti sa kanyang puso.
May second chance pa kaya para sa kanilang dalawa?
#2
BONE BREAKER’S TALE
“I was really having a hard time dealing with my heart. But when I saw you again, that is when I realized that you’re the only cure to my sickness.”
“You’ve got three choices, marry me, pay your debt or sleep on the street.”
Mga bata pa lang sina Carizza at Joemer nang ipagkasundo sila ng kanilang mga magulang sa isa’t isa. Ni minsan ay hindi pa sila nagkaroon ng panahong magkakilala ng maayos dahil sa Australia ito nag-aral at siya naman ay sa Paris.
Isang beses pa lang niya itong nakikita at sa picture pa lang iyon. Pagkakita niya dito ay mukha itong mabait at gentlemen dahil sa napaka-among mukha nito. But she was wrong, definetly wrong. Dahil nang magsabog yata ang Diyos ng kagaspangan ng ugali ay sinalo nito iyon lahat. Wala silang encounter na hindi nauwi sa isang matinding pagsasagutan.
Hindi na ma-imagine ni Carizza ang buhay na dadanasin nila kapag nagpakasal sila kung ngayon pa nga lang ay hindi na sila magkasundo, kaya ipinasya niyang umurong na lang sa kasal. Pero ayaw pumayag ng mga magulang niya. Wala na siyang nagawa pa, pero hindi ibig sabihin niyon ay sumusuko na siya. Hangga’t hindi pa dumarating ang araw ng kasal ay maghahanap pa rin siya ng paraan para hindi matuloy iyon.
Pero bakit kapag nai-isip niya ang papalapit na araw ng kasal niya ay parang gusto na niyang i-abandona ang naunang mga plano niya?
#3
WHEN A GENIUS FELL IN LOVE
“I don’t give a d**n to all this titles, medals and trophies. Ever since I started competing with you, your heart is the only thing I’ve wished to win for.”
TEASER
“Genius” ang tawag ng marami kay Angeline.
“The Great” naman ang tawag ng lahat kay Aizen.
The first time they met, isinumpa na kaagad niya ito sa lahat ng santong ka-close at kakilala niya. He was her walking worst nightmare. He defeated her in academics, sports and popularity. Mas nag-excel lang siya dito sa larangan ng musika, but the rest, she always ended up being the runner-up.
Kaya naman laking pasasalamat niya ng sa wakas ay maka-graduate sila ng high school at makawala siya sa anino nito. They separated ways. She became an editor of one of the best selling top rated magazine in the country while he flied off to Italy to continue his study, that’s the last thing she heard from him.
Simula noon parating siya na ang nasa pinakamataas. Wala nang nakapantay pa sa galing niya. Pero nawala na rin ang challenge at thrill sa buhay niya, naging gloomy ang buhay niya.
Salamat na lang at napapayag siya ng mga kaibigan niya na um-attend ng class reunion nila. Doon, muli silang nagkita and she was surprised by the transformation of his old time rival. Katulad ng dati, hinamon ulit nito ang kakayahan niya. Tinanggap naman niya ang hamon nito. Ang kaibahan nga lang, sa pagkakataong iyon ay handa na siyang matalo nang ilang beses kahit ang nakataya pa ay ang puso niya.
#4
PARANOID’S QUEST FOR LOVE
“When you fall in love, always remember four things; true love covers the eyes to be no wrong, true love darkens reason to consider every situation, true love loves more when it hurts much and true love is still true even to the point of letting go.”
TEASER #
“Love thy neighbor”
‘Yan ang laging paalaala ng mga magulang ni Mavy nang magpasya silang magkakapatid na lumipat sa isang exclusive subdivision sa Makati. Pero mukhang imposibleng matupad ito ni Mavy dahil ang ‘The Ultimate Playboy’ na si Nap pa ang naging kapitbahay nila.
Wala silang engkwentro na hindi nauwi sa isang madugong sagutan. Parating at war ang mga mundo nila pero lalong lumaki ang war sa pagitan nila nang makisali na rin sa gulo ang puso niya. And now, she doubted that she would be able to stand up ‘till the end.
>>>ayan...ang saya diba? haha...ewan ko kung kailan ko matatapos yang mga yan...
^_^
|
|
|
Post by --suMMerfieL-- on Jun 5, 2008 0:45:31 GMT 8
mAvy,, --tuLoy mO Lng yAn hA....
|
|
☻cherry☺
Neophyte
my love for you...
Posts: 824
|
Post by ☻cherry☺ on Jun 5, 2008 12:25:00 GMT 8
go..go..go..! mavy.. keep it up..! egglog..lets get merried.. sino sa atin ang lalaki..? ikaw iun..ha..!? hahahaha
|
|
~eggybum~
New Member
i love this couple!
Posts: 40
|
Post by ~eggybum~ on Jun 5, 2008 18:18:43 GMT 8
ehehe.. pde rin? hahah
|
|
|
Post by victoria on Jun 5, 2008 19:43:18 GMT 8
kambal... can't wait to read all of it!! haha nosebleed!! wuu!! eggy.. sikat ka na dito ha...
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jun 6, 2008 0:42:50 GMT 8
Sa tingin nyo ba talaga kaya kong tapusin ang mga yan? Okay lang ba sa inyo na paputol-putol? Haha...basta i will assure you na before this year ends...tapos ko na ang mga yan...aba! Hindi biro ang tumapos ng isang novel Noh!
Wag kayo masyado ma-adik sa mga gawa ko dahil baka hanap-hanapin nyo yan...bwahahaha...
And by the way, nasabi ko na ba sainyo na ang magkaka-partner dyan ay nag-e-exist?
Haha...
^_^
|
|
|
Post by --suMMerfieL-- on Jun 6, 2008 9:50:35 GMT 8
aY,, kAhit di nA pO... aLam nA nmIn... ...c mAvy paLa sA sToRy nAg eExiSt diN?? haha.... peAce mAvZ...
cGe kAya mO yAn....
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jun 6, 2008 10:00:07 GMT 8
Uy, uy, uy....just what did you call me? Para kasing biglang sumakit ang tenga ko eh....oh by the way...ipo-post ko na ang CHAPTER 1 ng CATS AND MOUSE Enjoy reading....!!!
CHAPTER 1
“YOU’RE late.”
Nginitian lang ni Anzelle ang mga kaibigan niya. Kasalukuyan silang nasa loob ng paborito nilang restaurant. Dito sila nagkikitakita kapag gusto nilang gumala. At iyon nga ang napagkasunduan nila ngayon.
“Ano pa ba ang aasahan n’yo kay Anzelle?” pang-aasar ni Mavy.
“Dapat dito tinuturuan ng leksyon, eh.” Carizza crack her knuckles.
“Oo, tama ‘yon! Disiplinahin mo siya Carizza!” sulsol ni Mavy.
Umupo siya sa tabi ni Angeline na kasalukuyang nilalantakan ang pasta na order nila. Kinuhit niya ito, “Hoy, Geline. Ipagtanggol mo naman ako sa kanila.”
Tinapik lang siya nito sa balikat, “Kaya mo ‘yan.” At binigyan pa siya nito ng thumbs-up sign.
Napailing na lang siya, natawa naman sina Mavy at Carizza.
“Pa’no ba yan,” nakangising wika ni Mavy, “Wala nang magtatanggol sa’yo.”
“Eh…” napadako ang tingin niya sa entrance ng restaurant nang may dalawang lalaki ang pumasok. Naka-civilian lang ang mga ito pero hindi maitatangging nagtataglay ang mga ito ng hindi matatawarang kagwapuhan. But there’s something more about this two men, something she can’t explain.
“I know them.”
Biglang napalingon si Anzelle sa nagsalita. Just like her, her friends are now staring at the two men. Pero kakaiba ang ibinibigay na tingin ni Mavy sa dalawang bagong dating, mukhang umiral na naman ang pagka-psychologist nito.
“Really?” tanong niya rito.
“Yep.” Seryoso ang mukha nito, “Don’t you remember them?”
Umiling siya. Ang dalawang kaibigan naman nila ang tiningnan nito.
“How about you, guys?”
Umiling lang si Carizza, si Angeline naman ay bumalik na sa pagkain nito.
“Those two yummy hunky hubbies are Bryann and Aizen.”
Iba’t iba ang naging reaksyon nila. She gasped. Napanganga naman si Carizza and Angeline choked on her food. Binigyan lang ito ng isang baso ng tubig ni Mavy, tinanggap naman nito iyon at siya naman ay pinalo-palo ang likod nito.
“Tama na!” bulyaw nito sa kanya, “Hindi nga ako mamamatay sa pagkabilaok, mamamatay naman ako sa mga dagok mo.” Umubo-ubo pa ito, “Grabe! Feeling ko parang lumabas na yata ang lungs ko!”
Nagtawanan lang sila.
“Ikaw naman kasi, eh. Narinig mo lang ang pangalan ni Aizen nataranta ka na kagad.”
“Hoy, Carizza.” Dinuro pa nito ito ng tinidor, “Wala akong pakialam sa Aizen na ‘yon.”
“Teka,” singit niya, “Pa’no mo naman nalaman na sina Bryann at Aizen nga ang dalawang ‘yon?” tanong niya rito.
“Yesterday, I received a picture from Mati at kasama na rin doon ang mga picture ng iba pa nating classmates na boys.” May kakaibang ningning ang mga mata nito. Mukhang may kung anong tumatakbo sa utak nito.
“Grabe,” humigop siya sa iced tea niya, “Hindi ko akalaing mage-exist pa pala ang mga ‘yon sa buhay natin.”
“Alam nyo guys,” maya-maya ay sabi ni Angeline, “Kung ako sa inyo, ikakain ko na lang iyang pag-iisip sa mga multo ng ating high school life.”
Tumayo na si Mavy, “I think sapat na ang mga nalamon este nakain pala ni Geline,” dinampot nito ang purse bag nito, “Tara na at marami-rami tayong ire-raid ngayon.”
Nagsisunuran na rin sila dito. Kailangan muna nilang mag-relax at mag-aliw dahil sa hindi inaasahang pangyayari.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭
“ANZELLE,” naramdaman niya ang marahang pagsiko sa kanya ni Carizza. Nasa school cafeteria sila at nagpaplano kung saan sila gagala, iyon na kasi ang huling araw ng pasukan at pagkatapos niyon ay sa graduation na lang ulit sila magkikita-kita.
“Bakit?” tanong niya dito. Kakaiba ang mga ikinikilos nito.
“Nandyan yung asungot.”
“Ha?” lumingon-lingon siya, “Saan?”
“Doon sa may pintuan.”
Lumingon siya doon at nakita nga niya si Brent. As usual, para na naman nitong pasan ang mundo sa hitsura nito. Tinalikuran lang niya ito. Nakita niyang nakatingin dito si Mavy. Eksaheradong tumikhim sila ni Carizza.
“Ano ba yan,” reklamo niya, “May dumating na panira ng araw ko.” Tiningnan niya si Mavy, nakatingin din ito sa kanya pero nagbaba din ito ng tingin nang tumingin siya dito.
“Ano ‘yon?” tanong ni Angeline. Mukhang ubos na nito ang pagkain nito kaya may panahon na itong makisalamuha sa kanila.
“Wala.” Sagot niya dito. Tumayo na siya at dinampot ang mga gamit niya, “Tara na.”
Nagsisunuran na rin ang mga ito. Nang mapadaan sila sa tapat nina Brent ay dire-diretso lang ang lakad niya. Tahimik na sumunod lang ang mga kaibigan niya, alam na ng mga ito ang dahilan ng ginagawi niya.
Bago sila tuluyang makalabas ng school ay nilingon niya ang kinaroroonan ni Brent. Nakayuko na naman ito gaya ng madalas na ginagawa nito. Iyon na ang huling beses na nilingon niya ito dahil maski sa graduation nila ay hindi niya ito tiningnan.
Wala siyang pinagsisisihan sa mga ginawa niya. Ginawa lang niya ang nararapat kaya wala siyang dapat na ika-guilty o ano pa man. Ngayon ay parte na lamang ito ng kanyang nakaraan.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭
NAGISING si Anzelle dahil sa nag-iingay niyang cellphone. Tumatawag si Mavy, sinagot niya iyon.
“Hello?”
“Hello, Anzelle?” kakaiba ang tono ng boses nito.
“Oh bakit?” tumingin siya sa wall clock ng kwarto niya, alas tres ng madaling araw.
Mavy sighed, “Oh, forget it. Matulog ka na ulit, sorry sa istorbo.” Pagkatapos niyon ay pinutol na nito ang linya.
“That’s weird.”
Nagtataka siya sa iginagawi nito, parang may kakaiba dito. Although, kakaiba naman talaga ito pero iba talaga ang nararamdaman niya, na para bang may itinatago ito, and then she remembered her dream before Mavy interrupt her. May isang ideyang pilit nagsusumiksik sa isip niya, pero pinilit niyang balewalain iyon. Wala siyang panahon para balikan ang nakaraan, marami pa siyang dapat gawin imbes na isipin ang isang nakaraang hindi na dapat balikan pa.
Paranoid lang talaga si Mavy at isa pa wala na akong pakialam sa kanya. Bumalik man siya ngayon wala pa ring magbabago.
CHAPTER 2
“DOCTOR Almeyda!”Tumatakbo siyang nilapitan ng mga batang pasyente niya.
“Kumusta kayo?” she squatted in front of the children. “Sinusunod nyo ba ang mga sinasabi ko sa inyo?”
“Opo!” sabay-sabay na sagot ng mga ito.
“Doctor Almeyda!” lumapit sa kanya ang isa sa mga regular na pasyente niya na si Chandice, “Wala na po akong lagnat pero masakit po ang tiyan ko.”
“Talaga?” kinarga niya ito, “Sige, titingnan natin kung ano’ng problema sa tiyan mo, ha?”
“Doctor Almeyda!” tawag ng isa sa mga bata, “Ako po masakit din ang tiyan!”
“Doctor Almeyda, masakit po ang ulo ko!”
“Ako po masakit ang daliri!”
“Ako po ang ngipin ko!”
At isa-isa nang nagsabi ng kung anong sumasakit sa katawan ng mga ito ang mga bata doon. Natatawa niyang binalingan ang nurse na kasama niya.
“Oh, narinig mo naman siguro sila.”
“Opo, Doktora. Mukhang may epidemya nga ang mga bata.” Natatawang sabi nito.
“Oo nga. Halika na, mag-trabaho na tayo.”
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭ “TALAGA? So, si Aizen lang pala ang kailangan para maging tao si Angeline.” Tapos na ang shift niya ng araw na iyon. Kausap niya sa cellphone ang kaibigang si Carizza habang hinihintay niya ang elevator.
“Oo, pero sigurado ako na gagawin ni Angeline ang lahat para lang iwasan si Aizen.”
“Hindi na ba sila nagkita pa ulit mula nang Makita natin sila sa restaurant?”
“Hindi na siguro. But I have a brilliant idea in mind.”
“What is it?” nasasabik na tanong niya.
“Last night I received a call from Carmina,” tukoy nito sa dati nilang classmate noong high school sila, “Next week na ang reunion natin. And I asked her kung sino ang mga dadalo at nalaman ko na kasama sa mga dadalo si Aizen.”
“Shucks!”
“Yeah, as in!” mas naging excited ang boses nito, “So, naisip ko na bakit hindi natin pilitin si Angeline na sumama sa reunion. Doon sigurado akong wala na siyang kawala.”
A grin curved her lips. “Brilliant. Magaling, magaling, magaling. Tiyak matutuwa din si Mavy kapag narinig niya ang magandang plano—“ napahinto siya sa pagsasalita nang bumukas ang pintuan ng elevator at iluwa ang isang pagkaganda-gandang nilalang ng Diyos. Nakapikit ang lalaki. Nakasuot ito ng dark blue long sleeved at maong pants at nakapamulsa, giving her the impression any woman is welcome to hug him. Hes’s so…so…he’s like a…a…she can’t believe it! She ran out of words to describe this man! Kahit saang anggulo niya tingnan ay wala siyang makitang kapintasan dito. And she didn’t know such a man like him still exist na makakagawa ng gan’on sa kanya.
“Anzelle? Hello? Nandyan ka pa ba?” tanong ni Carizza sa kabilang linya. Doon siya natauhan.
“O-oo. Sige na, tatawagan na lang ulit kita mamaya. Bye.” Dumiretso na siya sa elevator. Pagpasok niya ay sumara ang pintuan ng elevator. Hindi niya alam pero parang pamilyar sa kanya ang features ng mukha ng lalaki, pero kahit anong isip niya ay wala siyang maalala kaya para sa ikakatahimik niya ay tiningnan niya ulit ito. Katulad kanina ay nakapikit pa rin ito, he has an arrogant nose, thick eye lashes and a very sensual and sexy lips, napaisip tuloy siya kung ilang babae na ang nahalikan nito. Binawi niya agad ang kanyang naisip, hindi siya pwedeng mag-isip ng gano’ng bagay tungkol dito.
Nakatitig pa rin siya sa mukha nito nang magmulat ito ng mga mata and she was greeted by the most beautiful brown eyes possessed by a man. Something from her past came to her mind when she looked at his eyes, a certain boy that also possesses the same kind of eyes. Tinitigan din siya ng lalaki, at para mabawasan ang pagkapahiya niya dahil nahuli siya nito na tinititigan ito ay nginitian niya ito. The man looked stunned and after a while, a glint of amusement was visible to his eyes. Nagtaka siya.
“Anzelle?” tawag nito sa pangalan niya, “Anzelle, is that really you?”
She was surprised, how could this man know her? But as she continued staring at this man reality start hitting her. Oh, no! This can’t be happening! This isn’t real!
“Ah–“ bumukas ang elevator, iyon na ang floor na bababaan niya. Muli niyang hinarap ang lalaki, “I’m sorry but I don’t remember you, mister.” Pagkatapos niyon ay dire-diretso siyang naglakad sa kinapaparadahan ng kotse niya. Pagpasok niya sa loob ay hindi muna niya ini-start kagad ang makina. Sumubsob siya sa manibela.
Her walking worst nightmare came back from the underworld. She know she can handle him without having any problem but what bothers her most is the sudden change of him. And she praised him for pete’s sake!
So what? He’s still the old Brent I used to hate. Kahit na anong pagpapalit pa ng balat ang gawin niya, wala pa ring magbabago sa pagtingin ko sa kanya.
Or so she thought. Dahil maski siya ay hindi sigurado sa mga sinabi niya dahil ngayon pa lang ay kakaiba na ang tinatakbo ng puso niya.
>>>ay, anu ba yan...bakit napasama pati yung CHAPTER 2??? Hehe...oh, well!
^_^
|
|
|
Post by --suMMerfieL-- on Jun 6, 2008 10:09:09 GMT 8
paraNg kHawiG uNg rAncHo seRieS ni aTe cHe...
hIntAy kO uNg nExt...
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jun 6, 2008 10:19:13 GMT 8
Talaga? Hmm...saan dun?
^_^
|
|
|
Post by --suMMerfieL-- on Jun 6, 2008 10:36:24 GMT 8
uNg kAy geLinE... kAso gAnyAn diN rEactIon ni rAcheL nUng nAkiTa nYa uNg 2 guY nA puMasOk sA rEstAurAnt LaLo nA nUng nLamN nYang iSa sA mGa uN c meLviN...
tApoS uNg iBa mO pAng sCeNe...hehe
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jun 6, 2008 11:12:01 GMT 8
Hindi mikha, mali ka...tatlo yung pumasok na guy dun kay ate che, yung sakin dalawa lang...
And by the way, tapos ko na yung kasunod na chapters nyan...ayaw ko pa lang i-post...bwahahahaha
^_^
|
|
~eggybum~
New Member
i love this couple!
Posts: 40
|
Post by ~eggybum~ on Jun 6, 2008 16:58:18 GMT 8
hanEp ka mavy~!!.. galing galing!! heheh.. may i-popost pla aketch here.. aahh anu raw? hahhah.. kaso matatagalan,, kasi paghihirapan ko pang gawin wahahah...
|
|