Armylyn
Neophyte
"Mabait na ako ngayon ^_^"
Posts: 124
|
Post by Armylyn on Jul 4, 2008 21:48:00 GMT 8
master: isa kang malaking che! parang chick lit ito ah. hahaha... sige tutuloy ko ang ginawa ko. pag-iisipan ko kung magkakatuluyan ang dalawang bida, o mamatay na lang yung gurl. lol!
|
|
|
Post by avonski on Jul 5, 2008 9:32:21 GMT 8
@insan: naks! wahaha! natapos din!^^
magpopost din ako ng bago. kaso may pagka-scifi ang drama nito. I'LL BE TALKING ABOUT ALIENS AND GHOSTS!WAHAHAHA! sana magustuhan nyo.^^
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jul 5, 2008 23:08:35 GMT 8
Sa mga naku-cute-an daw sa gawa ko, ito na po ang chapter 3!
CHAPTER 3
ANZELLE is still munching on his fries when someone bumped her from behind. Pabalik na siya sa office niya nang magreklamo ang tiyan niya kaya bumili siya ng snack sa fast food restaurant na nadaanan niya. Hinarap niya ang kung sino mang bumangga sa kanya.
“Oops, sorry.” Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ang bumangga sa kanya. Brent!
“I-it’s okay.” Sabi niya at nag-iwas ng tingin. Hangga’t maaari ay gusto niyang umiwas dito.
“We meet again,” sabi nito.
“Ha?”
“It’s me Anzelle,” tinitigan lang niya ito. He sighed, “I’m Brent, remember?”
“Ah, okay.” Tumango-tango pa siya para mas okay ang acting niya, “Sorry, hindi kagad kita nakilala, eh.”
He smiled. “Its okay.” Tinitigan siya ulit nito.
Naiilang na siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya kaya tumikhim siya.
“Ahm, its really nice seeing you again pero may gagawin pa kasi ako eh. So, mauna na ‘ko sa’yo.”
“Okay.” Naalis na ang ngiti sa mga labi nito pero nagniningning pa rin ang mga mata nito. “I’ll just see you around.”
“Okay.” Pero bago pa siya tuluyang makalayo dito ay narinig niya itong nagsalita muli.
“This time, I won’t let you find any reason to stay away from me.”
Nilingon niya ito, “What did you say?”
Nginitian lang siya nito bago tumalikod sa kanya at dire-diretsong naglakad. Nagtatakang tinanaw na lang niya ang papalayong pigura nito. Adik.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭
“MAVY,” tiningnan ni Anzelle ang kaibigan. Nasa terrace siya ng bahay niya nang bigla na lang itong sumulpot sa harap ng bahay niya. Mukhang problemado na naman ito, sabagay, kailan ba ito nawalan ng problema?
“Anzelle.” Hinarap siya nito. “Wala akong masabi.”
Binato niya ito ng tissue paper na kanina pa niya nilalaro, “Adik ka talaga.”
“Hindi naman, abnormal lang.” ngumiti na rin ito.
“Nakita ko na si Brent.” Maya-maya ay sabi niya.
“Ako rin.” Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi kaya ito ang dahilan ng pagkakaganito ng kaibigan niya?
“Kailan pa?” tanong niya dito.
“Simula nang maging kapitbahay ko sa nilipatan naming subdivision si Mati.” Mavy sighed, “Nagulat ako sa transformation ng dalawang ‘yon.”
“Ako rin.” Amin niya, “Hindi ko ‘yon inaasahan.”
“Nananahimik ang mundo natin bago sila dumating ngayon dahil sa kanila nayanig bigla ang mundo natin.”
“Oo nga,” tinanaw niya ang kalangitang unti-unti nang nilalamon ng dilim, “Ang daya. Tayo super affected, pero sila parang wala lang.”
“Malaki ang kasalanan nila sa ‘tin.” Sabi nito, “Dahil sa kanila naga-astang tao na si Geline, at malaking pagkakamali ‘yon!” tumayo pa ito, “Haaa!”
“Binato niya ulit ito ng tissue na nilamukos niya, “Umayos ka nga dyan, mamaya matsismis ako na nag-aalaga ng baliw dito.
“Ang sama mo.” Umupo na ulit ito.
“Matagal na.”
“Sa tingin mo ba in love na si Geline?” tanong nito na ikinagulat niya.
“Malay.” Hindi rin niya talaga alam pero kakaiba na talaga ang ikinikilos nito na siyang maaaring nagpapatibay sa hinala ng mga kaibigan niya dito.
“Kung talagang in love nga siya, maswerte siya kasi naranasan niya iyon,” tiningnan siya nito ng malungkot, “Samantalang ako, hindi.”
“Corny mo.”
“Teka, mamaya ka na magbigay ng mga comment mo.” Tumingin pa ito sa malayo, “Panira ka sa momentum ko, eh.”
“Ewan ko sa’yo.” Tumayo na siya, ayos na ito ngayon dahil sa inaasta nito. Sino ang mag-aakalang isa itong psychologist?
“Uy, teka. Hindi mo pa ako pinapakain, ganyan ba dapat ang trato mo sa isang bisita?”
“Hindi kita bisita. Isa ka lang panggulong walang magawa na napadpad sa bahay ko.”
“Ang sakit mo talagang magsalita,” sumimangot pa ito, “Kaya mahal na mahal kita eh, tagos hanggang puso ko ang mga sinasabi mo sa ‘kin.”
“Adik.”
“Hindi naman, abnormal lang.”
Nagulat siya nang dumire-diretso ito sa pinto palabas ng bahay niya.
“Akala ko ba makiki-kain ka?”
“Nah. I was just kidding.” Ngumiti ito, “’Nga pala nang misang mapadaan sa bahay namin si Brent naikwento kita sa kanya ng konti.”
“Mavy!”
CHAPTER 4
“SO, what can you say?”
Katatapos lamang ng ceremony para sa house blessing at nagkakainan na ang ibang bisita.
“The food is great,” sabi ni Geline, “Sino nagluto?”
“Kuya ko.”
“Ang ganda ng designs ng house,” sabi ni Carizza, “Sino nag-design?”
“Kuya ko.”
“Ang pangit ng mga bisita,” sabi niya, “Sino nag-imbita sa kanila?”
“Kuya ko.”
Hinampas siya sa braso ni Carizza, “Ang sama mo, hindi naman sila mga pangit eh,” tiningnan nito ang mga lalaking kasama ng kuya niya, “Masama lang talaga sila sa mata natin.”
Nailing na lang si Mavy.
“Bakit kasi hindi n’yo na lang aminin na affected kayo sa presence ng mga bisita ng kuya ni Mavy imbes na nilalait n’yo pa sila. Hindi lang kayo nagkakasala kay God, niloloko n’yo pa ang sarili n’yo.
Nagulat sila sa sinabi nito. Kadalasan kasi ay ito ang magaling mamuna sa kanila pero heto ito ngayon at pinangangaralan pa sila. This is getting worst than they expected.
“Oh, bakit natahimik na kayo d’yan?” tanong nito, “Mavy, may salad pa ba kayo?”
“Ah, oo. Halika, doon tayo sa kusina.”
Pagkaalis ng dalawa ay saka lang sila muling nagsalita ni Carizza.
“Nasaan ba si Aizen?” tanong niya dito, “Para naman makaganti tayo kay Angeline.”
“Ewan ko.” She sighed and looked at the man that are now laughing so loud, Brent was one of them. Mukhang naramdaman nitong may nakatingin ditto kaya lumingon ito sa direksyon nila, iniba nya kagad ng direksyon ang tingin niya.
“Anzelle.”
“Carizza.”
“Labas muna ako sandali.” Sabay nila iyong nasabi kaya nagkatawanan sila.
“Sa tingin ko may kailangan tayong pag-usapang dalawa sa isang tahimik at pribadong lugar.”
“Sa tingin ko nga rin.” Sang-ayon niya.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭
“I’M getting married.”
Shocked si Anzelle sa narinig na iyon mula kay Carizza. Nasa rooftop sila ng bahay nina Mavy at nagka-kape ng isiwalat ni Carizza ang tinatagong lihim nito. Ni minsan simula nang dumating ito galing ibang bansa ay wala silang nabalitaang nagka-boyfriend ito o kahit tumanggap manlang ng manliligaw.
“Na-shock ka ‘no?” carizza took a deep breath, “I’m getting married 3 months from now.”
“Kanino?”
“Kay Joemer.”
Joemer? Parang narinig niya ang pangalan nito kanina sa party, “Isa ba siya sa mga bisita nina Mavy?”
“Oo. Siya yung lalaking maitim na naka-salamin.”
“Hindi maitim ang tawag dun, tanned ang tawag dun.”
“Ah, whatever!” suminghot-singhot ito, “I can’t believe it. Hahayaan ako ng mga magulang ko sa isang monster.”
“Monster? Ang cute-cute kaya ng Joemer na yun. Ano ba ang ayaw mo sa kanya?”
“Ano ang ayaw ko sa kanya? Ang lahat-lahat sa kanya ang ayaw ko! He’s a monster, wala siyang puso, he’s a man from hell. Pasalamat siya sa hitsura niya kasi yun lang talaga ang sumasalo sa kanya, kung hindi…naku!”
Natawa siya at dahil doon tiningnan siya ni Carizza ng masama…animo’y gusto siyang sakalin.
“At natutuwa ka pa sa kalagayan ko ngayon?!”
“Hindi naman sa ganon kaya lang nagiging si Mavy ka na kasi eh.”
“Anong nagiging si Mavy na ako?”
“Ibig kong sabihin OA ka na. May paraan naman kasi para hindi matuloy iyong kasal nyo kung talagang ayaw mo eh.” Dahil sa sinabi niya ay natigilan ito. Mukhang kahit papano ay malaki rin talaga ang epekto ng Joemer na ‘yon sa kaibigan niya. Mukhang isa na naman sa kanilang magkakaibigan ang tinamaan ng pana ni kupido.
“Tama ka. Hindi dapat ako nagngangangawngaw dito kung talagang ayaw kong matuloy ang kasal namin. Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal.
“That’s it.”
“Eh, ikaw? Bakit mo ginustong umalis doon sa party?”
“Gusto ko lang muna ng space para makapag-isip.”
“Si Brent ba?”
“Nagtanong ka pa.” sumimangot siya.
“Hayaan mo na lang kasi ang puso mo sa gusto niyang gawin.”
“May pa-puso-puso ka nang nalalaman ngayon, ha.”
Carizza sighed, “Bahala ka na nga. Basta wag kang magdadrama sakin kapag dumating yung time na na-realize mo na ang lahat. Basta ako, hindi ako nagkulang ng pangaral sa’yo.”
Tumayo na ito at bumalik sa ibaba samantalang siya ay naiwang naguguluhan pa rin.
CHAPTER 5
MABILIS at malalaki ang mga hakbang ni Anzelle habang binabagtas niya ang malawak at walang katao-taong parking lot na iyon sa loob ng SM. Kanina habang namimili siya ng bibilhing manga sa isang bookstore doon ay napansin niyang parang may mga matang nagmamasid sa kanya kaya gumawa siya ng paraan para malaman kung sino ang taong iyon ngunit bigo siya dahil mukhang magaling magtago ang taong iyon.
Nagulat na lamang siya nang may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. Handang-handa na siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas kung hindi lamang naagapan ng taong iyon na takpan ang kanyang bibig.
“Whoa, clam down. I’m not going to hurt you. You I couldn’t.”
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kasabay ng pagbalot ng kakaibang init sa buo niyang katawan dahil sa pagkakakulong niya sa mga bisig nito pero kaagad niyang sinaway ang sarili niya.
Marahil naramdamang nito ang pagkalma niya kaya pinakawalan na rin siya nito. Pagkaalis na pagkaalis nito ng mga braso nito sa kanya ay para siyang biglang nilamig at parang gusto niya ulit makulong sa mga bisig nito. Napangiwi siya sa naisip niyang iyon. I’m crazy, maybe I need to consult Mavy.
“I-ikaw ba ‘yong kanina pa sumusunod sakin?”
Tumango ito. “Ako nga.”
“B-bakit mo ako sinusundan?”
“Alam mo kasi, simula nang magkita tayo sa party ni Mavy parang iniwasan mo na ako. Ever since I saw you on that elevator I wanted us to become friends, pero napaka-ilap mo pa rin sakin.” Biglang lumungkot ang ekspresyon ng mukha nito.
Nakonsensya naman agad siya. Totoo naman kasi ang sinabi ng mga kaibigan niya na wala na siyang dahilan para layuan pa ito pero hindi talaga niya maintindihan ang sarili niya. Aaminin niya, minsan naiisip din niya ito, iniisip niya kung ano ang pakiramdam na maging isa sa mga malalapit na kaibigan nito, kung paano ito mag-alaga sa isang kaibigan, ‘yon nga lang, pinipigilan pa rin niya ang kanyang sarili na makipaglapit dito. Pero tama ito, kailangan niyang maging fair.
“Okay.” Inilahad niya dito ang kamay niya. “Friends.”
Bigla naman ang pagbaha ng di matatawarang kaligayahan sa mukha ni Brent. “Friends.” Inabot nito ang kamay niya at nakipag-shake hand, pero akala niya ‘yon lang ang gagawin nito kaya nagulat siya ng bigla na lamang bumaba ang mukha nito sa kanya at halikan siya sa pisngi.
Na-stunned siya sa kinalalagyan niya. Mabilis din naman itong bumalik sa dati at dire-diretso sa kinapaparaadahan ng kotse nito. Kumaway pa ito bago pumasok sa loob ng sasakyan at pinaharurot iyon palabas.
Matagal-tagal din siyang nanatiling nakatayo lang sa lugar na ‘yon at pagkalipas ng ilan pang sandali ay inihakbang na niya ang mga paa niya sa kanyang sasakyan. Pagkapasok niya sa loob ay hinawakan niya ang kanyang pisngi, hanggang ngayon ay nararamdaman pa niya ang init ng labi nito doon, paano pa kaya kapag sa mga labi na siya nito hinalikan? Napapangiting ini-start niya ang makina at lumabas na sa gusaling iyon.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭
“FLOWERS again?”
Tiningnan niya ng masama ang assistant nurse niya na si Eunice, bigla naman itong tumahimik at dumiretso na sa Nurse’s Quarter. Tinitigan niya ang mga bulaklak sa kanyang mesa. Alam na niya kung kanino galing ang mga ‘yon.
Pagka-upo niya sa kanyang desk ay tumunog ang cellphone niya.
“Hello?”
“Did you receive the flowers?” ani ng baritonong boses sa kabilang linya.
Biglang tumalon ang puso niya sa kinlalagyan nito. “Yes.”
“Did you like them?”
“Brent.”
“What?”
“Why are you doing this?”
“I’m your friend, remember?”
“Yes, you’re my friend. Pero walang friend ang nagpapadala ng bulalak sa kaibigan niya araw-araw, and this aren’t just any ordinary flowers. They’re expensive flowers.”
“Well, I do. ‘Cause you’re my special friend.”
“It looks more like you’re courting me.”
Bigla itong natahimik sa kabilang linya. “Hello? Brent? Are you still there?”
Ibababa n asana niya ang cellphone niya kung hindi lamang ito muling nagsalita.
“Yes, you’re right. I am courting you.”
“Brent, you know you can’t do that.”
“Oh, yes I can.”
“No, you can’t.”
“Why not?” “’Cause I won’t let you do so.”
“Why?”
“Because…oh! Why do you have so many questions?!”
“Just let me court you and you don’t have to answer anymore questions.”
She sighed. “Why are you doing this?”
“What do you mean?”
“I already let you be my friend, why do you still have to do this?”
“It’s because I still likes you.”
“That’s a lie.”
“No it’s not.”
She sighed again. “Fine. Kung gusto mo magpatuloy sa kalokohan mo, bahala ka. Basta ngayon pa lang pinagsasabihan na kita, Malabo ang pag-asa mo sakin.” Yon lang at binaba na niya ang telepono niya.
Nanghihinang sinubsob niya ang mukha niya sa desk niya, parang naubos ang buong lakas niya sa pakikipag-usap niyang iyon dito.
CHAPTER 6
“IS everything ready?”
“Yes ma’am!”
“Okay then, let’s go!”
Isa-isa nang sumakay sa nakaparadang bus ang mga kasamahang nurse at doctor ni Anzelle. May medical mission kasi sila sa mga probinsya ng Quezon at ngayon nga ay kasalukuyan na silang papunta sa unang destination nila.
Habang nasa byahe ay nakatulog siya. Nasa Lucena City na sila nang magising siya at pagtingin niya sa cellphone niya ay puno iyon ng miss calls at text messages, lahat galing kay Brent. Mayamaya ay nag-ring ulit iyon, sinagot na niya.
“Hello?”
“Anzelle, where are you? Are you okay?”
“Huh?”
“Kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot, tumawag na rin ako sa Hospital nyo pero ang sabi nga ng nakausap ko ‘don ay may medical mission nga daw kayo ngayon sa Quezon. Why didn’t you tell me? Nag-alala ako sayo nang husto, akala ko kung napano ka na.”
“Wait. Huminga ka muna dyan, ang haba ng sinabi mo, ako ang napagod sayo eh.”
Tumawa ito. “Mukhang okay ka nga lang dyan.”
Napakunot-noo siya. “Ewan ko sayo.” Pagkasabi niyon ay binaba na niya ang telepono, hindi na naman ito nagtangkang tumawag pa ulit.
٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭٭
“MA’AM, may naghahanap po sa inyo.”
Kasalukuyan syang naglalagay ng antiseptic sa sugat ng isang batang nahulog sa puno nang tawagin siya ng assistant nurse niyang si Eunice.
“Sino raw?”
“Hindi nagpakilala eh, pero ang gwapo!” kinikilig na sagot nito.
Hindi niya pinansin ang papuri nito sa lalaki, “Sabihin mo busy pa ako. Maghintay na lang siya sa labas.”
Iyon lang at ibinalik na niya ang atensyon niya sa mga batang ginagamot niya. Hindi na siya nakapag-merienda para lang magamot na niya ang mga batang kanina pa nakapila, ganun talaga siya kapag nasa isang medical mission sila, isinasantabi muna niya ang sarili niya para sa kapakanan ng iba. Kailangan kasi ng mga ito ang serbisyo niya.
Hapon na nang matapos niyang gamutin ang huling pasyente nila. Nag-inat-inat muna siya bago lumabas sa maliit na clinic ng barangay na iyon. Narinig niya ang mga tawanan ng mga kasama niyang doctor at nurse, mukhang mas nauna ang mga itong matapos kaysa sa kanya, sabagay, madalas naming mangyari iyon eh.
Pagkalapit niya sa mga ito par asana maki-join sa katuwaan ng mga ito ay nagulat siya ng Makita kung sino ang lalaking napapagitnaan ng mga kasamahan niya.
“Brent?!”
“Oh, Doctor Almeyda. Buti naman at sa wakas natapos ka na rin sa mga pasyente mo.” Wika ng matagal na niyang kasamahang Doctor na si Arnie.
Ngunit hindi niya ito pinansin. Ang buong atensyon niya ay nasa lalaking iyon na napapagitnaan ng mga kasamahan niya. Nilapitan siya ni Eunice.
“Ma’am, siya po ‘yong lalaking naghahanap sa inyo kanina.” Kinikilig na sabi nito habang panay ang pagpapa-cute nito kay Brent.
Mukha naming walang ibang napapansin si Brent dahil nakatitig lang din ito sa kanya.
“I-ikaw ‘yong naghahanap sa akin kanina?”
Tumango ito.
“Ibig sabihin kanina mo pa ‘ko hinihintay dito?”
Tumango lang uli ito.
“Bakit hindi mo sinabing ikaw pala ‘yong naghahanap sa akin kanina?”
“Nakita ko kasi na busy ka sa mga pasyente mo kanina kaya hindi na kita inistorbo.”
Nagsipulan at nagtuksuhan ang mga kasama nila doon. Para hindi na humaba pa ang eksena nag-walk out na lang siya ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay naramdaman na niya ang isang bahagyang pagpigil sa braso niya. Naramdaman kaagad niya ang init ng palad na iyon kaya hinugot niya ang braso niya.
“Whoa! Calam down. Aalukin lang sana kitang mag-dinner, total pagabi na rin lang naman at hindi ka rin nag-merienda kanina kaya alam ko gutom ka na.”
At mukhang nakikisama ang tyan niya dahil bago pa man siya makasagot ay tumunog na iyon. Natawa naman ito.
“I’ll take that as a yes.”
-HAHA....HANGGANG DYAN PA LANG NAGAGAWA KO....
^_^
|
|
☻cherry☺
Neophyte
my love for you...
Posts: 824
|
Post by ☻cherry☺ on Jul 6, 2008 5:16:38 GMT 8
mavy ang ganda naman ng gawa mo..!
shockz..!
nakakarelate ako..!
jejeje
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jul 6, 2008 12:15:01 GMT 8
Wey! Mukhang matatagalan ulit bago madugtungan ang novel ko....hintay na lang po kayo...
ATE LHAI: Wala na po bang karugtong yang sa inyo? Parang bitin eh....
^_^
|
|
|
Post by Mhelai on Jul 6, 2008 15:59:11 GMT 8
bitin talga yan mavy.. kasi in true life, bitin rin ang katapusan namin ni arrel. bwehehehehe! oo. nageexist ang lokong yan. kamuntik ko na siyang sipain palabas ng mundo ng sabihan niya ako na mukha raw akong alien. imagine that? ang sama ng ugali niya!
ahahaha! avon, weee... yung next short story ko, horror story. pero wag kayong magexpect na talagang nakakatakot siya hmm? yion yung nabuo kong ss nang minsang magusap kami ni avon at tanungin niya ako ng mga bagay-bagay tungkol sa pagsusulat ng horror story.
army: mukha bang chicklit? di ko napansin. hehe!
|
|
|
Post by Mhelai on Jul 8, 2008 14:04:10 GMT 8
maniwala ka, girl. pero ayos lang yun, pinagulong ko naman siya sa stairs ng GYM. opo, ganun ako kamaldita. bwehehehehe! di ako magpapatalo sa batong iyon na mukhang anime!
heto po ang first scene ng bago kong gawang short story. enjoy!
THE ABANDONED HOUSE
"Nakakatakot naman ang bahay na iyan! lagi na lang walang kuryente, walang tao and everything pag nadadaanan ko. Sabi naman ni Melody, may nakatira naman diyan. Aya, look!"
Napatingin si Aya Maricris sa bahay na inginuso ng kanyang ate Lanzten. Napakunot-noo siya when she saw a signboard at the door of the house. "HASAAN" it says. "Wierd."
"Anong wierd? creepy kamo! tara na. baka mamaya, may white lady na sumilip dun sa bintana."
Nilinga niya si Lanzten. "Akala ko ba, fanatic ka ng mga kababalaghan sa mundo?"
"Oo nga. pero ayoko namang makakita nang hindi ako handa. baka himatayin ako." Nagkibit-balikat pa ito habang kinukusot ang kaliwang mata.
"Duwag ka lang kamo!"
"Sino kaya sa atin ang duwag? eh, diba sa ating dalawa, ikaw ang umiiyak at di makatulog sa gabi kapag nanonood tayo ng horror films?"
"Dati pa iyon no!"
"Yeah right. Sa dinami-dami ng kinatakutan mo, si sadako ang favorite mo."
inirapan niya ang nakatatandang kapatid. "Oo na! ako na duwag!"
"Talaga naman!" bulong nito pagkatapos ay ngumisi. "Hey! May naisip akong ideya."
nagdududang tingin ang ibinigay ni Aya rito. "Wala akong tiwala sa iyo, ate."
"Ang sakit mong magsalita Aya Maricris ha? Im still your older sister."
"Older sister na autistic." Wika niya na binuntutan pa ng mahinang halakhak.
"Makakarma ka rin bruha!" nagpupuyos ang kaloobang wika ni Lanzten. "Seriously, sis. i think this is a good adventure. itinaas nito ang kanang kamay nito para patahimikin siya nang tangkain niyang magsalita. "here me out first!"
"Okay. please continue."
"Wala naman sila mama at papa diba? so walang maghahanap sa atin kung hindi tayo uuwi ng house bukas ng gabi."
"Are you suggesting tyhat...?"
Lanzten beamed. "Yep, my dear sister. Mag-oovernight tayo run sa hauz. but first, we have to asked someone if we could do that."
"Hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasasabi mo. that place is scary, ate! at di ako papayag na sumama sa iyo!"
"Kahit na kasama sina Melody at Maricon? and oh! isama na rin natin ang mild psychic na si Zeanky!" Excitement was visible to Lanzten's face.
"Ghost hunting ba ang iniisip mo?"
"Yep! oh, diba? masaya ito! gusto mo rin namang makaexperience nito diba? di kasi ako satisfied sa mga naexperience ko na sa school dahil naramdaman ko lang sila."
noon niya namalayang nakahinto na pala silang magkapatid sa harap ng bahay nila. "Okay. shall i asked our sisters?"
"Yes. ako na ang bahala kay Zeankyvel."
TO BE CONTINUED
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Jul 20, 2008 12:30:26 GMT 8
Huhuhu... Ang sakit-sakit naman... Mawawala na sakin ang mga obra kong naobela... Huhuhu... Ang sakit-sakit talaga... Dadalhin kasi ni Cousin ang laptop na ito sa malayong lugar... Huhuhu... Ang mga obra ko... Wala pa naman kaming USB... Huhuhu... Kaya heto na ang part na nagawa ko sa story namin ni utak manok... waaaahh..... Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para magawa ko yan...sabagay, wala pa namang intimate moments dyan eh...wahahaha, wag kaya akong maglagay? *grins* PARANOID’S QUEST FOR LOVE “When you fall in love, always remember four things; true love covers the eyes to be no wrong, true love darkens reason to consider every situation, true love loves more when it hurts much and true love is still true even to the point of letting go.”TEASER #“Love thy neighbor” ‘Yan ang laging paalaala ng mga magulang ni Mavy nang magpasya silang magkakapatid na lumipat sa isang exclusive subdivision sa Makati. Pero mukhang imposibleng matupad ito ni Mavy dahil ang ‘The Ultimate Playboy’ na si Nap pa ang naging kapitbahay nila.
Wala silang engkwentro na hindi nauwi sa isang madugong sagutan. Parating at war ang mga mundo nila pero lalong lumaki ang war sa pagitan nila nang makisali na rin sa gulo ang puso niya. And now, she doubted that she would be able to stand up ‘till the end.CHAPTER 1 “HOY, kumag,”
Hindi na kailangan pang lumingon ni Mavy para malaman niya kung sino ang nagma-may-ari ng baritonong boses na iyon na tumawag sa kanya. Ang maisip pa lang ang pangalan nito ay kaagad nang nagpapakulo sa dugo niya.
“Nap, ano ba ang kailangan mo at napadpad ka dito?” tanong niya na hindi man lang ito nililingon.
“Nasaan ang kuya mo?”
“Nasa loob.”
“Ah…anong ginagawa mo?”
“Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang nagpapaligo ako ng aso?”
“Mas mukha ka kasing naliligo kaysa nagpapaligo, eh. Kulang na lang sa’yo shampoo.”
Salubong ang mga kilay na nilingon niya ito, “Ano ba ang problema mo utak manok? Akala ko ba si kuya ang sadya mo dito, bakit hindi mo siya puntahan sa loob?” bulyaw niya dito.
“Tae nagsisimula ka na naman eh. I’m just giving my opinion, what’s wrong with that?”
“I’m not asking for your opinion.”
“It’s a free country.”
“I don’t care.”
“I do.”
“So?”
“Gagawin ko ang kahit na anong gusto ko at sasabihin ko ang kahit na anong gusto kong sabihin.”
“Utak manok ka talaga.”
“nuts ka.”
“Tae ka rin!”
“Isa ka lang tae na tinatapak-tapakan.”
“Isa ka lang utak manok kaya alam kong hindi mo maiintindihan ang halaga ng isang bagay kasi hanggang dyan lang ang alam mo.”
“Kaawa-awa kang nilalang, ikaw na ang pinakamababang nilalang sa lahat.”
“Mali ka utak manok, may mas mababa pa sa tae.”
“Ano?”
“Hindi ano, sino.”
Nagsalubong ang mga kilay nito at nagtagis ang mga bagang. She won. She turned her back on him and smiled to herself. Hah! Wala ka talagang binatbat sa akin Napoleon!
She continued putting soap on her dog Buchi, patapos na siya sa pagsasabon nang may maramdaman siyang malamig sa may puwitan niya, paglingon niya ay nakita niyang nakatapat sa puwitan niya ang nakabukas na hose na gamit niya kanina at basang-basa na ang suot niyang short.
Nakarinig siya ng mga impit na tawa at nakita niya si Nap sa sulok ng garden nila, nakatalikod ito at panay ang yugyog ng mga balikat. Sumabog ang gauge meter ng temper niya at mukhang nakaramdam naman ang lalaki dahil lumingon ito sa kanya.
“You moron!”
Inihagis niya ang brush na hawak niya at handing-handa na itong sugurin nang saktong lumabas ang kuya niya. Nakatikim na sana ng mga karate moves niya ito kung hindi lang siya napigilan sa bewang ng kuya niya.
“Ano ba ang nangyayari dito, ha?”
“Ah, Jupo sa basketball court na lang kita hihintayin, ha?” at dali-dali itong umalis.
“Hoy! Bumalik ka dito! Babalian pa kita ng buto!”
Nang tuluyan nang makaalis si Nap ay saka lang siya pinakawalan ng kuya niya.
“Bakit mo siya pinatakas?!”
“Kung hinayaan kitang patayin yun, eh di naging criminal ka na.”
“Wala akong pakialam kahit maging criminal man ako basta mapatay ko lang ang utak manok na ‘yon.”
“Sus, kung papatayin mo pa siya, sino na lang ang lalaking papatol sa’yo at bibigyan ka ng anak?”
“Shut up! Hindi ko kailangan ng lalaking papatol sa’kin lalo na ang magbibigay sa akin ng anak kung isang Riosa lamang ‘yon lalo na kung nagngangalan pa siyang Napoleon!”
“The more you hate, the more you love.”
“If you keep on speaking English lalong dudugo ‘yang ilong mo.”
Sumimangot ang kuya niya, “Asar ka talaga.”
“Ah, ewan! Umalis ka na nga kung aalis ka kung ayaw mong ikaw pa ang mapagbuhusan ko ng inis ko.”
Tumalikod na siya dito bago pa man ito makasagot. Ipinagpatuloy na niya ang naantalang pagpapaligo kay Buchi. Never mind her wet short, maliligo na rin naman siya pagkatapos niya doon. >>>Haha...yan pa lang ang nagagawa ko...itutuloy ko pa ba? ^_^
|
|
☻cherry☺
Neophyte
my love for you...
Posts: 824
|
Post by ☻cherry☺ on Jul 21, 2008 5:43:40 GMT 8
uy mavy... ganda ng gawa mo 'day.. jejeje mawawala na sa piling mo ang obra mo? hay sayang..
|
|
gieann
Neophyte
hi every0ne!
Posts: 769
|
Post by gieann on Jul 21, 2008 11:08:16 GMT 8
grabe! ang sakit ng mata ko...ang dme ko binasa! hahaha! ang gagaLing nio Lhat! pramis! kaabang abang Lhat ng gawa nio... huhuhu! sana Lng masubaybayan ko to Lagi...
|
|
lyza
New Member
LyzA
Posts: 16
|
Post by lyza on Jul 21, 2008 17:36:33 GMT 8
hahaha..can i also post mine?i2 po.. KAIBIGAN kanlungan sa bawat pintig ng pighati karamay hindi kailanman nahahati anumang sakit ng kapalaran danasin laging nariyan upang kalingain.
paglingap ng isang kapamilya nararamdaman kung masaktan dama mo ang pagdaramdam kapatid ang sa aki'y turing higit pa sa pamilya kung ako'y lambingin.
pasasalamat na handog sa diyos hindi sapat upang magtapos pagkakaibigang taos sa puso na kailanman lahat ay isusuko.
hehehe..
|
|
|
Post by Mhelai on Jul 26, 2008 13:40:49 GMT 8
NAPANSIN KO NA NAKIKISALI NA RIN AKO SA BANDWAGON. GIRLS, STORIES, POEMS, DRAWINGS AT COMMENTS NINYO LANG ANG PWEDENG IPOST RITO. NAGKAKALIMUTAN NA NAMAN TAYO.
WAG GANUN, MAHIRAP MAGBURA NG POST NG PAISA-ISA. PLEASE, PAKISUNOD NAMAN ANG RULES.
|
|
ireshrie
Neophyte
the tensai@kawaii na owner ng conan_007
Posts: 519
|
Post by ireshrie on Aug 6, 2008 17:50:46 GMT 8
PALARUAN
Dito tayo nagsimula At bumuo ng mga ala-ala nang tayo'y mga bata pa Ay dito unang pinagtagpo ng tadhana.
Dito nabuo ang pagkakaibigan Na tumagal hanggang magkagulang Lagi tayong nagkakaunawaan Kaya tampuha'y na iiwasan.
Pero habang tumatagal ay nadaragdagan Ang aking lihim na nararamdaman Na kalaunay nalamang pag-ibig pala Na para maiwasan ang problema ay sinupil ko na.
Pero ito'y 'di ko nagawa Pag may kasama kang iba'y lihim akong nagwawala Ang 'di ko alam ay napansin mo pala Kaya tinanong kung ako'y may dinaramdam ba.
Pero ito'y iyong nalaman Sa isa sa'yong kaibigan Ako'y iyong iniwasan At nalamang ika'y lilisan.
Sampung taon ang matuling lumipas natatandaang umalis ka sa gulang na labing - apat Kung saan nag iwan ka ng isang sulat N may lamang lubos kung ikinagulat.
Mahal mo na ako noon pa man Pero di na yun ang tamang panahon Na balang araw sa palaruan Tayo'y magkikita't maguusap.
Di namalayang ako'y lumuluha na Habang ika'y inaalala Nang may nagbigay sa akin ng panyo at sinabing "TINUPAD KO ANG AKING PANGAKO".
(Ito ang unang unang tulang nagawa ko..)
|
|
ireshrie
Neophyte
the tensai@kawaii na owner ng conan_007
Posts: 519
|
Post by ireshrie on Aug 6, 2008 18:17:33 GMT 8
kAYA AKO INIWAN
Noon tayo'y magkasintahan At kapwa nagmamahalan Pero ika'y biglang lumisan sa di malamang dahilan
Mundo ko'y nawalan ng kulay Dahil sa pag alis ng biglaan Mula noo'y naging malumbay Kaya mga kaibigan ay gumawa ng paraan
Kanilang nalaman ang isang lihim At na sa aki'y iyong inilihim na pag aking nalaman tiyak na sakit ang mararamdaman
Pero mga kaibiga'y nabuko Habang naguusap ng lihim sayo At and dahilan ng iyong paglayo na kaya inilihim ay para sa ikabubuti ko
Ika'y mayroong sakit na matagal na sayong nagpapasakit Na kaya ako'y iyong iniwan ay para makahanap ng ibang KALIGAYAHAN.
(drama ko noH??Dahil tayo'y nagdiriwang ng buwan ng wikang pambansa..ating pahalagahan ang ating wika)(di po ako apo si balagtas..hehe...)(may counter part po yan..kung dito yong babae ang nag eemote..doon po sa isa,yong lalaki naman..enjoy reading)
|
|
yshel
Neophyte
wahahahahahahaha!!!!!!!!!!
Posts: 124
|
Post by yshel on Aug 20, 2008 15:58:59 GMT 8
hahaha
share ku lang ung nakayanan kuh
hahaha
CONFESSION OF A GIRL
At the age of 13, everything for me is just for fun.
I cherished every moment as a teenager,
going everywhere with my classmates and of course party.
But everything changed when i met HIM. i dont know what happened;
i was just watching a game where my classmates were players.
when suddenly I looked back and that's it!!!
I SAW him,
the only man that makes me stand for a while.
After that, I did everything to know all about him
and according to my source,
he's so smart and talented ang gosh! CUTE tlga!
I joined the club where he is also a member and you know what?
He's so kind and I liked him much more.
and then, we becane friends, but he wanted himself to be called as KUYA.
But reality bites and then, i saw him with his girlfriend,
all of my dreams were torn into pieces.
I cried the whole day.
Then, I talked to him and confessed what I feel inside
And when I finally did,
he was silent for a while and said,
"thank you for admiring me like that"
but i said " I like you, i love you."
But he said, "You're too young, you dont know what you're saying,
maybe for now you like me but tommorrow you maybe not.
And how could you say that for this very young age?
There are many men who will be a part of your life and you will find the man who is more capable of loving you at the right time.
For now, be patient, the right man will come at the right time."
Then he left me there and I said,
"But you'll always be my FIRST LOVE, THE REASON BEHIND MY FIRST SMILE."
tHEN i became serious in my life.
and I will never forget that day, my FIRST HEARTACHE.
|
|