Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Sept 6, 2008 13:10:40 GMT 8
FOR THE CRUSH OF JOEMER I like the way you smile, specially when its for me. I like the way you joke around with me with those annoting cute gestures. I like the way you make me want to hurt you. I like the way you talk to me while your eyes is smiling cutely at me. I like the way you say the words "Sorry", Please" and "Thank you" because it touches something inside mo that soothes my feelings. I like the way you let me do whatever I want to do with you. I like the way you make me chase you with my punches. I like the way you saved me from my gray feelings with just your presence and heartwarming smile. I like the way how you always remember me everytime you're going home. I like the way you entered my life and continue letting me be a part of yours. All in all, I just LIKE you. But I'll never gonna LIKE the way you're going to say GOOD BYE...'cause I don't know how I can response 'cause I never wanted to.. .EHEM! TOTOO YAN HA....WALANG MAGREREKLAMO SA PAMAGAT KO. HINDI NA TALAGA AKO NAGSAWA...THIS TIME WALA NA SIGURO AKONG PAGSISISIHAN, WALA NAMAN TALAGA AKONG PINAGSISISIHAN EH...
|
|
☻cherry☺
Neophyte
my love for you...
Posts: 824
|
Post by ☻cherry☺ on Sept 8, 2008 16:05:11 GMT 8
MARIA VICTORIA.! SINO YANG JOEMER NA YAN? !! PAKILALA MO SAKEN AT NG MAKALISKISAN NAH..!
|
|
|
Post by aqualove212 on Sept 21, 2008 14:55:10 GMT 8
We’ve been together for so many years As friends, just the best of friends And as I’ve listened to other voices in my head Baby, I’m convinced that we’re not all that ‘Cause what we are, we’re secret lovers, And I belong to you, only to you.
Just having you near, content me. And now I think this is the best time to unfold For I don’t wanna let another decade to old And let no other man near to get a hold To say, that I’m a man who’s in love with you, Only you, only to you…
I love you...my dearest best friend. Since I’m fifteen and you’ve turned thirteen Remember where and when Under the same rain, was our first meet in And baby from then on I’ve been yours… Ohh, only to you, you, you, you, ohh
Tonight we may have to cross the line of being lovers But the promise I’ve maid when we are friends Will never be taken for granted ‘Cause baby, how could I break the promise of not leaving you? When all I ever wanted is to share my whole life with you... With you…Only you… only to you…
"Krrrinkring!!!kring!!!" Ahh!!! I hate that sound! Iniabot ko ang aking mga kamay patungo sa bedside table para hagilapin ang maingay na alarm clock. It’s morning na naman, kausap ko sa sarili habang bumabangon- Wait! Did I just sounded as if I’m not in the mood?! That shouldn’t be, erase that part. I’m excited! - at sinulyapan ang digital clock, kahit alam ko na ang oras na nakasaad doon. Alas singo-kwarenta y singo ng umaga, kailangan ko ng maligo at mag-handa dahil balik eskwela na. Ngayong araw nagtatapos ang aming Chistmas break and it's a new year, and a new life!!! Hinila ko ang aking puting tuwalya na naka-hanger sa pintuan ng aking tokador at sumasayaw pa habang inaabala ang aking isip kung paano ko sisimulan ang bagong taon sa buhay ko. Nangingiti nalang ako at kinikilig habang papasok sa banyo...
Excited akong lumabas ng aming munting tahanan at nagmamadaling lumulan sa naghihintay sa aking pulang kotse. Hindi lang iyon basta kotse, sports car, ‘yong red! Ang gwapo naman ng aking beloved, lalo tuloy akong nai-excite! Nginitian ko ang naka-upo sa driver seat at binati nang magandang umaga, habang ikinakabit ko ang aking seatbeat. And the guy I’m talking about is my bestfriend, si Bryle. I know you’re may be thinking bf ko siya, unfortunately hindi. He's my childhood, neighborhood bestfriend. Matanda lang si Bryle sa aking ng two years at komportable ako sa presensiya niya. Hindi ako nahihiyang sabihin ang anumang gusto kong sabihin sa harap niya, maliban nalang – anyway… Nasa first year college na siya at ako naman ay graduating ng highschool. Sa isang University kami pumapasok kaya naman, routine na niyang isabay ako tuwing umaga sa school, minsan hindi talaga maiiwasan na nadadamay ito kapag na-late ako, or vice versa. Ewan ko nga rin ba kung kailan nagsimula ang isang tahimik na kasunduan na walang isa sa amin ang aalis nang bahay papuntang school kung wala ang isa, at kailangan magpa-alam sa isa’t-isa kung bakit hindi magkakasabay papunta ng school o di kaya’y sa pag-uwi. Basta ‘yun na kumbaga ‘nakagisnan’ namin. Mahirap kaming paghiwalayin pag talaga namang kami ang magkasama. Walang kaso sa akin kahit lagi nalang kaming tinutukso pag-dating sa school nang mga common friends at mga kakilala namin. Kinikilig pa nga ako, secretly. I'm lucky na kaibigan ko siya dahil isa lang naman siya sa campus’ hearthrobs ng aming University. He's the lead vocalist of the school's oficial band, ‘Tamed Knights’, at ang school lang namin ang merong ganoon. Sikat ang friend ko na yan kaya nga pati outside sa school ay nai-invite ang banda niya na mag-perform, o di ba bongga ako?! Well, if you’re wandering why I’m giving you much of information about my best friend Bryle, it is because he happens to be the love of my life na alam ko na rin na gets n’yo na. It’s the only thing I’ve kept secret from him. I'm afraid to let it known to him kasi marami na kaming kakilala na mag-kaibigan sa simula na naging mag-on, pero in the end naging enemies na sila and the friendship just vanish into thin air. As the saying goes, ‘friends could be lovers but lovers could never be friends again.’ I don't want to risk our friendship noh! Tsaka kung kami ang para sa isa’t-isa, kami talaga. Hindi palang siguro ngayon ang tamang panahon para sa amin.
We’re still young, marami pang mangyayari sa aming kanya-kanyang buhay, marami pa siyang makikilalang girls at ako, well, maghihintay lang ako sa kanya. Kahit na minsan selos na selos ako sa mga girls na nagpapa-pansin sa kanya kailangan kong mag-hunos dili. I don’t have a hold on him, I’m just his friend, huhuhu… Hindi rin naman ako nag-mamadali, pero kung hindi rin lang siya ang makakatuluyan ko, eh ‘di nalang ako mag-hahanap ng ibang love interest noh!!! Well, so much about him, I'm Anne I'm 16 going on seventeen. I'm a volleyball varsity player, hindi sa pag-mamayabang, ace player…
“Hindi ko naman sinabi sa iyong tumakbo ka. Ayan tuloy amoy panis ka na, mangangamoy na naman ang loob ng kotse ko..." sabi nitong may nang-iinis na ngiti sa mga labi nito. Kung ibang babae na siguro siya at pinakitaan nang kahit anong klaseng matatawag na ngiti mula kay Bryle, sigurado hihimatayin na. Sumimangot ako, para kunwari di ko gusto ang sinabi niya. Minsa talaga, nagka-clash kami, kasi pikon ako eh, sometimes. And this guy, just love to annoys me, all the time! "Hmp! Ang ganda na sana nang umaga ko, binati at nginitian pa kita, sisirain mo lang pala ang mood ko. Hindi ka pa rin nag-babago kahit bagong taon na, ang hilig mo pa ring sitahin ang mga kilos ko. Ano ngayon kung tumakbo ako? Excited lang kasi akong ng makarating sa school noh!" sabi ko at lumabi pa rito. Naaaliw na napangiti ito sa ginawi ko. Gosh...ako na siguro ang pinaka-masayang babae sa buong mundo! Minsan nalang kasi kung ngumiti ng ganoon sa akin si Bryle at swerte na kung makita mo itong naka-ngiti pag-maraming tao. "Ikaw yata ang hindi pa rin nag-babago, lagi ka namang excited pumunta sa school kahit wala kang nagawang assignment o school paper. Astang para kang isang prep-schooler na excited matuto at maglaro. Pero mabuti pa ang isang prep schooler na 4 yrs old lang, alam ang tamang oras para sa pag-aaral at paglalaro. Samantalang ikaw ang laman nang utak ay puro laro at makipag-tsismisan sa mga kaibigan mong pulos madadaldal, hindi nauubusan ng kwento." pang-aasar nito. Hinarap ko siya nang naka-pamewang, kahit naka upo... "Hah, aba! Bernardo Romano Jr minamaliit mo pa ang kapasidad nang utak ko? Aba, for your info, I’m one of the few na tinaguriang Ms. Brain and Beauty sa buong campus. For your info, again, my friends don’t just talk about things, they are the most reliable source of information anyone could get a hold of!" ganti ko sa kanya. “Ah, now they are what you call self-proclaim walking computers, anong Pentium number ba sila? Ouch! Anne!” Reklamo nito, sa pag-pitik ko sa tenga nito. “I just want to say, hindi lang ang mga friends ko ang nagpapa-excite sa aking makarating sa school. Of course in every normal life of teenage gals, not to mention a popular beauty like me when we found an interesting guy in school, it is but also normal that we would get excited going to school.” “A guy? Kailan ka pa natutong magka-interest sa mga lalaki? I didn’t know mga lalaki pala ang type mo.” Sabi nito na kulang naman sa conviction ang boses sa pang-aasar, para pa nga itong biglang nabalisa. Pero kinagat ko naman nang inis ang sinabi niya. “You’re so mean!” at bahagya itong pinalo sa balikat. “Seriously, Anne, who is this guy?” “Wouldn’t tell…” sabi ko at pinatirik ang mga mata bago ako ulit bumaling sa kanya. Para akong namalik-mata, because I could almost swear I saw a sad expression on his face for a split second bago ito nguniti pero hindi na bumaling ng tingin sa akin, at bigla nalang iniba ang topic na aming pinag-uusapan. Weird, bakit kaya? Could it be, could it be – He’s jealous?! Nah… he couldn’t be, that’s just impossible. May girlfriend na ito, si Meryl… and I don’t wanna talk about her at the moment.
"Anne!" napalingon ako, pagka-baba ko palang ng kotse ni Bryle, there they are, my girlfriends...Nagpa-alam ako kay Bryle pero hindi siya tumugon at binalewala ko nalang ang tinuran niyang iyon, siguro may tuyo na naman ang ulo nito. O di kaya ay uma-acting na naman itong suplado para pagkaguluhan nang mga girls, hay naku. Ang pagkakilala nang marami kay Bryle ay cold, aloof at suplado, but we, the friends of his say differently. He’s neither cold nor aloof, pero kung suplado, siguro medyo, sa akin nga lang…Hmp, bahala na nga siya… "Hello, guys!!! Happy New year sa inyo!!!" pina-sigla kong bati kina Lexie at Rhena. "O bakit parang pinag-sakluban ng pitong planeta ang fes ng prince charming mo?" malakas na pabulong sa akin ni Lexie. Mabilis na hinila ko siya palayo sa parking lot. "Lexie, marinig ka kaya non?! Ikaw talaga kahit kailan..." reklamo ko sa kanya. Nagtawa naman si Rhena. "Bakit kasi ang manhid ng bestfriend mo na yun eh, napaka-obvious mo naman!" sabi nito. "Pwede ba, iba nalang ang pag-usapan natin, ganyan na talaga ang takbo nang istorya namin ni Bryle at wala rin akong balak na baguhin iyon kung ang nakataya ay ang pagkasira ng aming pagkakaibigan." at nag-lakad sa direksyon ng aming building. “Iyon ang dapat mong gawin, friend. Break out from the comfort zone of friendship and progress to the next level of being lovers.” Aniya ni Rhena. Napahinto ako, at malungkot na bumaling sa kanila. “No, I don’t want to risk what Bryle and I treasured the most, our friendship. It’s better having him as a friend than not having anything to do with him at all. Kontento na ako kung ano ang meron kami ngayon.” Giit ko, at sumusukong nagpakawala nalang ng buntong hininga ang dalawa kong kaibigan.
Hindi ko alam pero, something from that day made changes with Bryle’s behavior towards me. Hindi ko alam kung kailan nagsimula nang araw na iyon pero nang tinawag ko ang pansin niya sa canteen habang kasama ang dalawa kong kaibigan at ang captain nang basketball team na si Tyron nang hapon na iyon ay tumingin lang siya sa gawi namin at walang salitang tumalikod at umalis. Hindi nakaligtas sa akin ang nanunukat niyang tingin kay Tyron, at ganoon din naman ang ginawa ng huli pero walang bahid na kahit anong masamang intensiyon. Sinusukat ni Bryle si Tyron, na ginagawa lamang nito iyon kapag may nanliligaw sa akin at hindi nito gusto ang tao. Naisip ko ang pang-bibitin ko sa kanya tungkol sa lalaki na nakakuha sa aking interest. Naku ko po, si Tyron siguro ang naisip nitong pinag-iinteresan ko. Nang hapong iyon pinuntahan ko siya sa parking lot kng saan naghihintay siya sa akin. Sinabi ko lang na hindi makakasabay sa kanya dahil inimbita kaming magkakaibigan ni Tyron na panoorin ang game nito. Hindi ko naman mapahindian dahil crush ito ni Lexie. Nakita ko na naman ang saglit lang na pag-guhit nang lungkot sa kanyang mga mata, gaya nang nangyari kaninang umaga. Pero mabilis nitong iniiwas tingin nito sa akin… Ipinagpalagay ko nalang na may tampuhan ito at si Meryl. Kadalasan kasi, pag-pumupunta ako sa parking lot ay nakikita ko silang dalawa na naka-upo sa kotse nito, ngayon ay hindi ko nakita si Meryl. Siguro nga iyon ‘yon. Hindi ko nalang inabalang isinatinig ang katanungan sa isip ko, dahil kung seryoso naman talaga ang problema nito ay kusa itong magsasabi sa akin. Pero, napaisip ako, kahit kailan hindi pa siya nag-koconfide nang problema nila ni Meryl sa akin… Wala ka na roon, it’s a guy thing! Sabi ko nalang sa isip ko, at nag-paalam na rito na hindi naman ako pinigilan at sinabihan pa niya akong mag-ingat at tawagan ito kung gusto kong magpa-sundo…Thoughtful talaga, kaya inlove ako sa kanya eh… pero hindi ko na siya inabala pang sunduin ako dahil baka busy ito.
Nang sumunod na araw ay napansin ko ang unusual na pananahimik nito, sumasagot naman ito sa mga tanong ko, tipid nga lang kung sumagot. Ahh! Ano ang gagawin ko? Kasalanan ko ba? I needed to know so, I decided to break that akward silence. “May problema ka ba? Tayo. O kayo ni Meryl?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin pero walang mabasang emosyon ang mga mata. “Bakit mo naman naisip na may problema tayo?” balik-tanong nito. “Ha? A-eh, ano. Ang ibig kong sabihin, ikaw, oo, di ‘ba kung ano ang problema, problema ko na rin, kasi mag-bestfriend tayo…“ Ano ba naman kasi, muntik na’ko! “Wala tayong problema, kung ano man ang ibig mong sabihin.” “Eh, kasi, para kang, para ka kasing-“ “Ano?” “Napansin ko lang malungkot ka. Kaya kung ano man ang nagpapalungkot sa’yo sabihin mo sa akin, wala naman yata akong kwentang kaibigan kung kahit paano man lang ay hindi kita matutulungan.” “It’s nothing serious, don’t worry about it. I can handle it.” “Si Meryl ba? Nag-aaway ba kay-“ “Anne, I said it’s nothing serious…” mariin nitong tugon at dinidismiss ako. “O-okay.”
Nang pauwi na kami ay sobrang tahimik na naman nito, ibig sabihin hindi pa rin ito nagbabati at si Meryl. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya at kukulitin na sabihin sa akin ang problema nito o manahimik nalang. As if naman marunong akong manahimik… Naisip ko ang nangyari sa canteen, kailangan ko bang sabihin na mali ito kung inaakala nitong si Tyron ang tinutukoy kong nakakuha nang interest ko? At kung itatanggi ko naman na hindi si Tyron ang tinutukoy ko, hindi ko naman pwedeng sabihin dito na ito ang tinutukoy kong crush, teka bakit naman sasabihin ko sa kanyaang tungkol sa tinatago kong pagtatangi sa kanya? “Gusto mo ba si Tyron?” Napabaling ako bigla sa kanya. Patay! “Ha? Anong ibig mong sabihin?” pag-mamaangmaangan ko, at pinag-cross ang mga daliri at nag-dasal ng milagro na tumigil ito sa pagtatanong. I hate lying to him, at hindi naman masasabing pagsisinungaling ang pagtatago ko nang nararamdaman sa kanya. Hindi naman niya ako tinanong at idineny iyon, hindi ko lang sinabi sa kanya, period. At magkaiba ang salitang pagsisinungaling sa pagtatago ng nararamdaman. So, balik tayo sa kasalukuyan. Ano, saan na nga ulit ang pinag-uusapan namin? “Balak mo na bang sagutin si Tyron?-“ Ha? Sagutin, as in ako at si Tyron mag-on? Naman! “Sagutin ka riyan, eh, hindi pa naman nanliligaw iyon sa akin-“ “Paano nga kung manligaw, sasagutin mo ba?” “Teka nga, bakit ba? Ano bang issue mo sa aming dalawa ni Tyron? Labas ka na roon.” “Hiningi niya ang permeso ko, pinuntahan niya ako kanina at kinausap.” “Ano?! Hiningi niya ang permeso mo? Bakit naman niya gagawin iyon?” “Sabi niya, iginagalang niya ang pagiging magka-ibigan natin kaya pinag-paalam ka niya sa akin. Aalagaan ka raw niya, at hindi ka sasaktan-“ “Anong isinagot mo?” “Wala naman akong nakikitang problema sa kanya, at isa pa kahit meron man, wala sa akin ang desisyon kung gusto mo talaga siya.” Natameme ako, ipinamimigay na ako ng mahal ko, ang sakit… Lintik na Tyron, hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Hay, lalo ko lang napatunayan na kaibigan lang ang turing sa akin ni Bryle. Mali ang inakala kong kahit konti ay nag-seselos siya. Ginagawa lang niya ang obligasyon niya bilang isang mabuting kaibigan sa akin. “Kung sakali mang sagutin ko si Tyron at ang maging kapalit ay ang paglayo nang loob mo sa akin, babastedin ko na lang lahat nang manliligaw sa sa’kin.” “Why would you do that?” “Kasi mahirap humanap nang kapalit mo dito sa ibabaw nang lupa, at wala akong gusto kay Tyron dahil may iba na akong matagal ng mahal.” Sandali itong natahimik, hindi ko rin makuhang bawiin ang sinabi ko tungkol sa iniirog ko. “Paano naman kong ang sinasabi mong matagal mo nang mahal ang manligaw sa’yo?”
|
|
|
Post by aqualove212 on Sept 21, 2008 14:55:48 GMT 8
Ako naman ang hindi nagsalita nang ilang sandali at tinitigan ito nang hindi maipaliwanag na emosyon sa aking mga mata. “Hindi mangyayari ang sinasabi mo, dahil hindi niya naman alam na nag-eexist ako at palihim na nag-mamahal sa kanya.” Sabi ko at tumingin sa labas nang bintana ng kotse. Hindi ko alam kung bakit hindi na ulit nagsalita si Bryle. Naaawa ba ito sa akin? Ang best friend nito ay hopelessly in love sa isang tao na hindi ito napapansin. Hay, but I don’t want to be pitied, I want him to know. If only, I could and if only he could love me too. Things just kept getting worse, kahit pa binasted ko na si Tyron at sinabihang pagtingning kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Para pa ring may hindi magandang nangyayari sa aming dalawa ni Bryle, oo, magkasama pa rin kaming nag-sisimba sa linggo pero malimit na kaming mag-usap. Hindi ko alam pero feeling ko iniiwasan niya ako. Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya ako iniiwasan, inisip ko na tungkol iyon sa naging pag-uusap namin tungkol kay ‘secret love ko’ at binibigyan lang niya ako nang time na mapag-isa o ito ang kailangan niyon. Siguro nga, dahil pagdating ng Biyernes nang sumunod na linggo ay napagtanto ko na gusto nga niya akong iwasan, permanently... Nag-lalakad ako sa koridor at papaliko na nang mapilitan akong huminto ako pagkarinig nang isang pamilyar na boses ng lalaki na parang may ka-argumento base sa timbre nang boses nito. Pasekreto akong sumilip sa lilikuan ko sanang hallway at tama nga ako... Si Bryle at si Meryl! Siguro ito na ‘yong part na sasabihin ko ang tungkol kay Meryl, ang Ms. Campus ng aming school at tulad ni Bryle nasa first year college na ito. Isang taon na rin itong may relasyon sa bestfriend ko, pero hindi naman talaga lumabas sa bibig ni Bryle ang totoong score nito at ni Meryl. Hindi nga rin ito nagkukwento sa mga nagugustuhan nito sa school, kahit maraming nail-link dito. Narinig ko lang rin sa mga tsismiso at tsismosa sa school ang tungkol sa itinatagong relasyon nang dalawa, kaya ipinagpalagay ko nalang na sila nga. Pero may nasagap akong bagong balita na kumakalat sa buong campus na nagkakalabuan na raw ang dalawa. Hmm, kaya pala problemado ang bestfirend ko simula pa noong nakaraang linggo. Ayun, sa mga ‘chika people’ ay nalaman na daw ng ama ni Meryl na nakikipag-relasyon ito sa kay Bryle at hindi nito iyon nagustuhan at sinabihan daw si Meryl na tapusin ang pakikipagrelasyon sa lalaking walang direksiyon sa buhay. Huh? Si Bryle walang direksyon sa buhay? Aba, sumosobra naman ang taong iyon! Akala ko nang time na iyon ay ang maririnig ko ay ang pakikipag-break ni Meryl kay Bryle, hindi pala. Nag-aaway pala sila nang dahil sa akin, gusto ni Meryl na i-break na ni Bryle ang pakikipag-bestfriend sa akin.
"Bryle, wala iyan sa plano natin. You can’t make Anne get to you at this time, do you understand?” mariing tugon ni Meryl kay Bryle. Plano? Na mag-break muna pero hindi dapat mapalapit si Bryle sa akin? Bruha talaga ang isang ito. Insecure ka lang sa beauty ko. "God, Meryl I'm trying my best! Mahirap ang basta ko nalang siyang iiwasan. We’re friends and of course makakahalata siya. Nagtatanong na nga siya kung bakit pinipili kong manahimik kapag magkasama kami." "Do it, if that’s the only way you won’t be ruining our plan. This is for our victory and your own happiness." Ani ni Meryl. Nakakagulat ang aking mga narinig. Ngayon alam ko na, kaya pala ako parang iniiwasan ni Bryle. Talagang iyon ang intension niya. Nahihirapan siya sa estado ng relasyon nito kay Meryl, at nahihirapan siya ng dahil sa akin, dahil gusto nang bruhang itong irog na iwasan ako. alam ko na ngayon. Kung ‘yon talaga ang gusto ni Meryl sige pag-bibigyan ko siya...para kay Bryle...Lumakad ako pabalik sa daang pinang-galingan ko. I need to get out of that place. Tumakbo ako, hindi ko alam kung saan ako tutungo, pero gusto ko lang tumakbo, dahil nasasaktan ako...Literal na naninikip ang dibdib ko.
Linggo, heto ako, naka-higa at naka-tanaw sa kisame. Mag-sisimba kami dapat ni Bryle, pero hindi ko alam kung makukuha ko pang humarap sa kanya. Maga ang mga mata ko sa kakaiyak buong gabi. At isa pa, nakapag-desisyon na ako, na ako nalang ang lalayo sa kay Brlya gaya ng gusto ni Meryl. Tama si Meryl, magiging sagabal lang ako sa relasyon nilang dalawa, siguro may alam si Meryl sa tinatago kong nararamdaman kay Bryle kaya siguro na-tithreaten ito sa akin... Nasa ganoon akong posisyon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. At kapalaran nga naman kung mag-biro, akala ko nanaginip ako ng makita si Bryle na nakatayo sa bunganga ng pintuan. Tinitigan ko siya na kahit ako ay di alam kung anong ekspresyon ang nasa aking mukha. "A-anne," sambit nito sa pangalan ko. Doon ako biglang nagising at bumalik sa kasalukuyan...Si Bryle nga...pero sandali, bakit nandito siya? "Anong ginagawa mo rito?!" tanong ko at biglang naalala na naka-sando at shorts lang pala ako, na walang bra. Napa-bangon ako, "Ano ba hindi ka ba marunong kumatok?!" singhal ko sa kanya at mabilis na hinila ang kumot patakip sa aking katawan. Para naman itong napa-hiya, mukha itong batang paslit na napayuko sa pagkaka-sala. "Sorry," sabi nito, sabay talikod para bigyan ako ng oras para maitapis ang kumot sa aking katawan. Nang, matapos ako, hindi ko muna siya pina-harap sa akin, nag-sawa muna akong tingnan ang likod nito. Kahit naka-talikod, masasabi talagang gwapo ito. swerte si Meryl at siya ang napili ni Bryle. "Ahm, Anne pwede na ba akong humarap?" tanong nito. "Sige, ano ba ang pakay mo?!" pag-susungit ko sa kanya at bumalik ng upo sa gilid ng kama ko, habang ito ay hinila ang isang stool at iniharap sa akin at doon ito naupo. Sumeryoso ang mukha nito at ilang segundo munang tumahimik at pagkatapos bumuntong hininga ito at ngumiti. "Akala ko ba ay mag-sisimba tayo?" tanong nito, sa tuno ng naka-ugalian na nitong i-tuno sa akin. "Ha? hindi mo ba na-receive ang text message ko sa iyo, na hindi mo na ako sasama sa'yo ngayong mag-simba?" tanong ko. "Na-receive ko, kaso hindi mo sinabi sa akin kung bakit, nag-reply ako at kinontak ko pa nga ang number mo, pero naka-off naman, kaya minabuti ko na nalang na puntahan ka dito para malaman ko kung ano talaga ang dahilan mo." paliwanag nito. "B-bakit?" nauutal na tanong ko, hindi ako maka-paniwala sa dahilan nito para lang mag-punta ito sa bahay, nakokonsensya ba ito? "Anong bakit?" takang tanong din nito. "H-hindi ka naman nag-pupunta talaga dito ah. Dati naman ay okay lang sayo kahit sabihin kong hindi ako sasama sayo sa pag-sisimba, hindi ka naman susugod para lang itanong kung ano ang dahilan ko...bakit ngayon-" hindi ko natapos ang sasabihin ko, dahil pinutol nito iyon. "Anne!" sigaw nito, gulat akong napa-titig sa seryosong mukha nito. "Nag-aalala lang ako sa'yo. Hindi na tayo masyadong nakakapag-usap nitong mga nakaraang araw. Hindi mo naman sinasagot ang mga text messages ko sa'yo. Feeling ko iniiwasan mo ako." sabi nito. "Ini-i-iwasan? h-hindi ba't iyon naman talaga ang gusto mo?" takang tanong ko kay Bryle. Napa-tayo ito at nagulat, "Ano bang pinag-sasabi mo?! Where the hell did you get that idea?" naka-kunot noong turan nito. "Bakit ka ba sumisigaw?!" ganting tugon sa kanya. "Because you’re uttering stupid things, ano ba’ng problema mo na pati pagkakaibigan natin dinadamay mo?!” anito. “Hah! Bakit hindi kaya ikaw ang magsabi sa akin ng tungkol sa ibinibintang mo sa akin tungkol sa pandadamay ko sa pagkakaibigan natin?” Hamon ko sa kanya. Natahimik si Bryle. Kapagkuwan ay tumalikod siya sa akin at lumakad patungo sa pintuan. Huminto ito nang nasa pana na ito nang pinto, at saka lumingon sa akin na mababahiran ng lungkot ang mga mata. “Saka nalang tayo ulit mag-usap, pag malamig na ang ulo mo. You’re not in your usual self, today. Sorry, kung nakadagdag pa ang pagpunta ko rito sa bumabagabag sa isip mo. I didn’t mean to shout at you. Ayokong mag-away tayo ng dahil lang sa walang kwentang bagay, our friendship is much too precious for me. See you later, Anne.” Saka tuluyan nang umalis at isinara pa ang pinto. Naiwan akong, tulala pa rin sa namagitang pag-uusap namin, hindi yata't ako ang lumalabas na masama? Hindi ba't totoo namang gusto niyang layuan ko siya? May pa ‘our friendship is much too precious to me’ pa siyang nalalaman, eh ipag-papalit lang naman pala niya ako sa girlfriend niyang insecure! February, buwan ng pag-ibig...haay... "Anne, halika! Dali!" tawag ni Lexie sa akin...Lumakad ako patungo sa kinaroroonan niya at ni Rhena... Hindi pa nila alam ang namagitang away sa amin ni Bryle,dalawang linggo na rin kaming hindi nag-uusap, at nag-titext lang ako sa kanya upang sabihin na hindi ako makakasabay papuntang school o pag-uwi man. Hindi naman ito nag-abala pang magtanong ng paliwanag. Ito naman talaga ang gusto niya hindi ba? Nakakalungkot lang talaga, at ngayon ay hindi ko na maitago ang katamlayan ko sa mga gal friends ko. "Hoy, Anne ano ba ang nangyayari sa'yo, namatayan ka ba?" pag-bibiro ni Rhena. Ngumiti lang ako pero ngiting walang kislap sa mga mata. "Nag-away ba kayo?" tanong naman ni Lexie sa akin. Tiningnan ko lang siyag na nagsasabi hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon. "Napansin ko lang na hindi ka na sumasabay sa kanya sa pag-pasok at pag-uwi, hindi ko rin kayo nakitang nag-simba noong nakaraang dalawang linggo. At ngayon isa lang ang ibig sabihin kung bakit ka malungkot, may hindi magandang nangyayari sa pagitan ninyong dalawa. LQ?" saad ni Lexie.. "Wala ito, kunting tampuhan lang. Normal lang naman talaga sa mag-kaibigan ang nagkaka-tampuhan kung minsan, wala ito. O ano pala ang sasabihin ninyo sa akin?" Pag-iiwas kong tanong. "Tungkol ito sa prom-" simula sana ni Rhena pero sumigit si Lexie. "Hindi normal sa inyong dalawa ang away na tumatagal nang ilang linggo. Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa? Nalaman na ba niya ang ang tinatago mong lihim?" pangungulit pa rin ni Lexie na puno ng determinasyon ang mukha na hindi pakakawalan ang topic tungkol sa amin ni Bryle. Hindi ako nag-salita, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Bigla akong tumayo nang maramdaman kong tutulo na ang mga luha ko, at nagtatakbo palabas ng aming classroom. Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Lexie at Rhena, at binilisan pa ang pagtakbo. Hindi ko alintana kung sa akin naka-tingin ang mga mata ng mga taong nararaanan ko, I just wanted to runaway and didn’t want to stop running. Pero laking gulat ko na lang nang maramdaman kong bumangga ang katawan ko sa isang matigas na katawan. Muntik na akong matumba kung ‘di naagapan ng kung sino mang nakabangga sa akin ang aking katawan at maagap akong hiniwakan sa magkabilang balikat. Pinilit kong makabawi agad at tumuwid ng tayu, saka inayos ang medyo nawala sa posisyon kong uniform. Nakayuko pa rin ako habang pinapahid ng aking mga kamay ang aking luha. "Anne?" sambit ng lalaking naka-bunggo sa akin. Bigla akong napatingala sa kanya, si Bryle?! Siya ang naka-bunggo sa akin. Nataranta ako, umaksiyon akong tatakbo ulit, pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko. "Bitiwan mo ako, Bryle." sabi ko kay Bryle sabay bawi sa kamay ko. Pero mahigpit ang pagkakahawak ni Bryle roon. "Bryle, ano ba sabi nang bitiwan mo ako!" Bigla nalang akong napatungo para iwasan ang nakakapasong tingin niya. Ayaw kong makita niya akong ganito, pero ayaw paawat nang mga luha ko at nagsipag-unahan na naman sa pag-patak. Doon na ako nagpumilit at nagpumiglas makawala sa kanya pero bigla akong hinila ni Bryle palayo sa lugar na iyon, dinala niya ako sa playground ng school namin. Walang ibang tayo sa lugar na iyon ng oras na iyon dahil katatapos lang ng recess ng elementarya at highschool...
Pinahid ko ulit ang aking pisngi na ngayon ay basa na ng mga luha, medyo kumalma na ako pero hindi ko pa rin makuhang mag-salita. Hindi rin naman nag-sasalita si Bryle, kaya inabala ko nalang ang isipin kung bakit kami nandoon sa lugar na iyon. "Anne, nasasaktan ako sa nakikita kong nangyayari sa'yo. Kung may problema ka, sabihin mo sa akin, huwag mong sarilinin." sabi nito. Bahagya akong umiling, naupo ako sa isa sa mga swing. Tahimik pa rin ako at nakayuko lang sa lupa. Masasabi ko ba sa kanya ang problema? Ang mga hinanakit ko? "Anne, bakit ba?! kausapin mo ako, kung galit ka sa’kin sabihin mo, kung-" "hindi ako galit sa'yo," nasabi ko nalang. "Kung ganoon, ano?! Bakit ayaw mong sabihin ang problema mo? May problema ba tayo, Anne?" Muntik na akong mapaluha ulit sa huling tanong niya. Tayo? Kami… "Bryle, wala tayong problema, kung ano man ang ibig mong sabihin..." pang-gagaya ko sa sagot niya noong panahon na ako ang nag-tanong sa kanya kung may problema ba kaming dalawa. Tumingala ako sa kanya at ngumiti. Natahimik si Bryle at tinitigan lang niya ako, nakita ko sa mga mata niya ang pagkalito. “Don’t worry about me, it’s nothing serious, I can handle this thing. I don’t need your help or your concern.” Malamig kung tugon sa kanya, saka walang emosyong tumingin sa kanya. Tahimik na lumapit si Bryle sa akin, at hindi inaalis ang titig sa akin. His eyes resembled pain, but I didn’t care about his pain at the moment… I’m busy with mine. Huminto siya nang ilang metro sa akin at nagtitigan lang sa loob ng dalawang minuto. Nang bigla nalang niyang iniabot ang kamay niya pahaplos sa aking mukha. At bigla na lang, bigla siyang yumuko at marahan akong hinagkan sa noo. Naipikit ko ang aking mga mata, at dinama ang munting sandali nang paglapat ng kanyang mainit na labi sa aking noo. Hinalikan ako ni Bryle! Oo nga at sa noo lang, pero hindi niya kailanman nagawa iyon sa akin. Hindi ko makuhang mag-salita, hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan ako ni Bryle! "Magkita nalang tayo..." walang emosyong saad nito, tumalikod at naglakad palayo. Naiwan akong naka-sunod ang tingin sa likod ng papalayong si Bryle. Hindi ko man lang siya pinigilan. Litong-lito ang isip ko. Nabalik lamang sa kasalukuyan ang isip ko ng may mag-salita mula sa likuran ko. "Ang tanga mo talaga, Anne." Si Meryl! Naka-kunot noo itong nakatingin sa gawi ko. Siguradong nakita nito ang nangyari kanina lang sa amin ni Bryle. Balak ba nitong awayin ako at kaladkarin sa harap nang maraming tao at ipahiya na inaagaw ang boyfriend niya? "Meryl," sambit ko sa ngalan niya. Kung aawayin ako ng babaeng ito ngayon, hindi ako lalaban, tatanggapin ko ang parusa niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at naghintay sa gagawin niyang atake, pero dumaan na ang ilang sandali ay wala akong naramdamang may humihila sa buhok ko. Nang idilat ko uli ang aking mga mata at dumako ulit sa kinatatayuan ni Meryl ay nakita ko siyang papaalis na rin sa direksiyon tinahak ni Bryle kanina lang. Bakit hindi niya ako sinugod, wala lang ba dito ang nangyari sa kanila ni Bryle? Wait, baka si Bryle ang awayin nito. Pero bigla akong natigilan, naalala ang sinabi nito.”Ang tanga mo talaga, Anne" Ano ang ibig sabihin nito? Nasabi kaya nito iyon dahil tingin nito niloloko ko ang sarili ko, sa pag-iisip na gusto ako ni Bryle kaya niya ako hinalikan? Kung ganoon ay alam nga nito ang sekreto kong pagtatangi kay Bryle. Sabi nila, alam daw nang kapwa babae ang nararamdaman ng isa pang babae. Tanga ako, kung inaakala ko na may pag-asa kami ni Bryle. Tama si Meryl, pero alam ko na iyon. Alam ko na hindi na magiging akin si Bryle, pinili na nga niya si Meryl keysa sa akin ‘di ba? Tumayo ako at sa moment na iyon ay isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Kakalimutan ko na ang anumang nararamdaman ko kay Bryle. Ang sumunod na araw ay parang wala lang nangyari. Sinundo ako ni Bryle sa amin ng umagang yon, gusto ko sanang tumanggi pero, "Anne, please. Huwag mo naman basta na lang itapon ang pag-kakaibigan natin. Gusto kong ibalik sa dati ang lahat, gusto kong isa-normal ang lahat ng bagay sa pagitan nating dalawa." sabi nito na halos nag-susumamo na. Hindi yata’t biglang nag-iba ang ihip nang hangin, nasaan na ang plano nito at ni Meryl na dahan-dahanin ang pag-iwas sa akin? Bigla na naman akong napaisip, ah! Oo nga pala, hindi na siguro natithreaten si Meryl sa akin, dahil sa nasaksihan niya kahapon sa amin ni Bryle. Siguro pinayagan na ulit nito ang aking kaibigan, dahil nasigurado na nitong ito ang mahal ni Brlyle. Fine, yaman din lang na nakapag-desisyon na akong kalilimutan na ang nararamdaman ko para kay Bryle, ipo-fucos ko ang aking sarili sa aming pag-kakaibigan, at walang iba pa. Sumakay na rin ako sa kanyang kotse at naging mabilis lang ang biyahe. Nag-kwentuhan kami tungkol sa banda nila at mga walang kwentang bagay, para lang hindi na naman ma-trap sa isang akward silence. Sa school, hindi maiwasang magulat nina Lexie at Rhena kung bakit magka-sama na kami ni Bryle. Nginitian ko sila, at masiglang binati. "Di ba sinabi ko naman sa inyo na simpleng tampuhan lang ang namagitan sa aming dalawa ni Bryle," salubong ko sa kanilang dalawa. "Well, okay you're right..." sabi ni Lexie. "So, meron kanang escort sa prom..." sabi i Rhena. Escort? Prom? Oo nga pala, nakalimutan ko prom na pala namin next week, sa February 14. "Don't tell me, hindi si Bryle ang ka-partner mo sa prom?" Sabi ni Lexie. "Ha? eh, hindi ko pa siya nasabihan." sabi ko nalang... "Ikaw talaga, sabihan mo na baka maunahan ka ng iba, alam mo na." biro naman ni Rhena.
|
|
|
Post by aqualove212 on Sept 21, 2008 14:56:22 GMT 8
"Sus, hindi na kailangan ‘yon, siguradong si Anne pa rin ang pipiliin ni Bryle, at isa pa, hindi na niya kailangang mabahala, wala naman si Meryl sa prom night natin..." sabi ni Lexie. “Ay oo nga pala noh?” aniya ni Rhena. Kimi akong nguniti sa kanila, pero sa likod nang utak ko ay nag-sisimula na ang pag-hahanda sa kung paano ko iinvite si Bryle.
"lalala...la...la..la...hhmm..." Nadatnan ko si Bryle humihimig ng isang di pamilyar na kanta sa aking pandinig. Hawak nito ang gitara at sa kanang tenga nito ay may naka-ipit na lapis...Gumagawa ito ng isang kanta. Hilig na nito iyon simula nang matuto itong mag-gitara, maganda ang boses ni Bryle kaya nga maraming sumusubaybay sa banda nito. Linggo ngayon, at naisip kong ngayon na sabihin sa kanya na siya ang gusto kong maging kaparehas sa prom namin. Naging okey na rin ang relasyon namin sa ilang araw na nag-uusap na kami. Tumikhim ako para malaman niyang nandoon ako… "Ahm, Bryle, busy ka ba?" tanong ko. Medyo kinakabahan ako, hindi pa rin naman kasi nawawala ang pagka-ilang ko sa kanya tuwing humihingi ako ng pabor, lalo na't ganito kalaking pabor. Tumigil ito sa ginagawa at inilapag sa mesa ang gitara at lapis. Ngumiti ito at inalok akong lumapit at maupo. "Ah, hindi na. May itatanong lang sana ako sa'yo, actually, hihingi ako ng pabor sa'yo." sabi ko na nakatayo pa rin. "Ano, yon? Basta ba't kaya kong gawin..." sabi nito at ngumiti na naman. "Naalala mo yung pangako mo last year, na ikaw ang magiging prom date ko this year?" sabi ko, ngayon kinakabahan na talaga ako. Tumayo si Bryle at napalis ang ngiti nito. "Anne, ano kasi," nahihirapang simula nito. Yon palang alam ko na, na hindi siya pwedeng maging date ko sa prom. "May, napangakuan na kasi kaming ng banda ko this Valentine season, kaya wala ako dito sa day na iyon. Anne, I'm sorry." Sabi nitong medyo guilty pa nga. "Ah, Bryle. okay lang yon, naiintindihan ko...sege aalis na ako." nasabi ko nalang at mabilis nang umalis. Hindi ko mapigilan ang magdamdam at ang makaramdam ng sakit. Oo nasasaktan ako, dahil hindi siya makaka-punta sa prom ko... Hindi ko na pinansin ang pasunod niyang pagtawag ng pangalan ko, basta tumakbo nalang ako... Napansin ko nalang na nasa bubong na pala ako ng bahay namin. Tumingala ako, maganda ang gabi naaaninag ko ang mga bituin sa kalangitan. Napaluha na naman ako, "Mahal kita Bryle, ikaw lang. At siguro sa iyo ko lang ito mararamdaman. Masakit tanggapin na hindi ka kailanman magiging akin, at kahit ang hiling kong maging kaibigan ka habang buhay ay hindi pa mapagbigyan ng taghana." napahagulhol na naman ako. At nanatili lang ako sa ganoong posisyon siguro isang oras din ang tinagal ng pag-iyak ko, bago ko naisipang bumaba...
Prom night...Here I am, with the perfect gown for the night, at kabilang sa iilan na walang ka-partner sa okasyong iyon. Nakangiti pero sa kaloob-looban ng puso ko, ay hindi maipagkakailang ang lungkot ko. Yet, I'm still hoping na magkaka-roon ng isang himala, at bigla nalang bumulaga si Bryle mula sa pintuan at aayain akong sumayaw sa gitna ng bulwagan. At mag-sasayaw na parang kami lang ang tao sa paligid..haay... "Anne, sigurado akong ikaw na ang mananalo bilang Ms. Prom Queen, this year!" eksaheradong saad ni Rhena... "I wouldn’t bet on it, ang dami kayang nag-gagandahan sa gabing ito, at mas magaganda pa sa akin. At may partner pa…" Wala sa akin kung maging Prom Queen man ako o hindi, si Bryle lang ang gusto kong premyo sa gabing ito. Valentines day pa naman ngayon... "And now, Ladies and Gentlemen, the moment you have been all waiting for, we will now be announcing our this year’s Prom king ang queen of the night..." sabi ng isang teacher na katayo sa ibabaw ng built in stage, na na-assign maging emcee sa event na iyon. May ibang nag-hiyawan, ang iba naman ay nagbulong-bulungan. Haay, Bryle...Teka... kasama kaya ni Bryle si Meryl sa mga oras na ito? tanong ko sa sarili, Syempre noh?! eh mag-on na kaya ang dalawa. Sagot naman ng kabilang bahagi ng isip ko. "Anne, tumayo ka na diyan, tinatawag na ang pangalan mo!" pukaw ni Rhena sa akin, naguluhan ako kaya napa- "Bakit?!" ako. "Anong bakit, nanalo ka, ikaw ang Prom Queen, at si Tyron ang Prom King...Go! Get your crown friend.."sabi nito... Ngumiti naman si Lexie sa akin. "Go on Anne, huwag mong sayangin ang gabing ito dahil lang sa Bryle na iyon. Sege na, lumakad kana... ipapahiram ko muna sa’yo ang prince charming ko. Pero ngayon lang ‘to ha." at itinulak pa talaga ako... Napangiti nalang ako sa tukoy niya kay Tyron. Tama nga naman si Lexie, last ko na itong pag-attend sa prom, hindi ko dapat sayangin ang gabing ito at mag-enjoy nalang... Umakyat ako ng stage, naghiyawan ang mga kakilala ko at iba pang mga ka-batch ko... "And now it's time for thier Royal dance" anunsyo ulit ng emcee. Inakay ako ni Tyron pababa ng stage. Nag-sayaw nga kami ni Tyron, pero ilang sandali lang dahil biglang tumigil ang musika, at pumailanlang ang isang pamilyar na boses ng babae sa buong paligid. "Excuse me for the interruption but we have a surprise gift for our Queen,” Napatigin ako sa nagsalita, si Meryl! Anong ginagawa niya dito? “Queen Anne, it's from Mr. Bryle...please, let's watch his vedeo..." Na-shock ako sa sinabi ni Meryl. At mas na-shock ako, nang biglang umilaw sa ibabaw at harap ng stage isang tila screen iyon sa sinehan. Kasabay niyon ay pumailanlang ang boses ng isang lalaki. Si Bryle! Nasa video, may hawak na gitara. ”Anne, hi... I know you're super surprise sa ginawa kong ito, but i'm not doing this just to great you a happy Valentines or Congrats, dahil i'm sure you have got the tittle of Ms. Prom Queen. Anne, I made this, dahil gusto kong iparating sa'yo ang matagal ko nang itinatago sa sa'yo. You might doubt it pero totoo ang sasabihin kong ito sa iyo, MAHAL KITA..." Nag-hiyawan ang mga tao sa paligid pero, hindi ko inalis ang tingin ko sa mukha ni Bryle, seryoso ito...Gosh! Ang bilis ng pintig ng puso ko. "I’ve been in love with you for so long now, and I know this is so sudden but what I felt here inside my heart is real and everlasting. You are so special to me Anne, and our friendship. Kaya naging hesitant ako na ipa-alam sa’yo sa mga nag-daang taon na lumipas. Ayokong isugal ang pagkakaibigan natin dahil lang sa nararamdaman kong ibang klase ng pagmamahal. Pero, may isang kaibigan akong nagsabi na, ang pag-iibigan na nagsimula sa pagkakaibigan ay ang pinaka-may potensyal na mag-suceed, at iyong mga hindi nag-suceed na relasyon ng mga magkaibigan na nagkaibigan, ay dahil iyon sa kakulangan nila ng tiwala sa pagmamahal, nagpadala sila sa kahinaan nang dumating ang isang pagsubok na magpapatatag sana sa kinilang dalawa. Pero iba tayo Anne, naniniwala ako sa pag-ibig ko sa’yo. At ang isa pang dahilan kung bakit kombinsido akong kakayanin natin ang ano mang pagsubok ay dahil alam ko ring matatag ang pag-mamahal mo para sa akin. Hindi ko basta nalang naramdaman na mahal kita. Sa mga maliliit na bagay na ginagawa mo para sa akin, iniingatan ko ang mga alaalang iyon na nag-ipon din pala nang pagmamahal ko sa’yo. Na isang araw, isinisigaw ka na nang malakas nang puso ko...Ang awiting ito ay para sa'yo..." Kinuha nito ang gitara at sinimulang tumugtog...
We’ve been together for so many years As friends, just the best of friends And as I listened to other voices in my head Baby, I’m convinced that we’re not all that ‘Cause what we are, we’re secret lovers, And I belong to you, only to you.
Just having you near, content me. And now I think this is the best time to unfold For I don’t wanna let another decade to old And let no other man near to get a hold To say, that I’m a man who’s in love with you, Only you, only to you…
I love you...my dearest best friend. Since I’m fifteen and you’ve turned thirteen Remember where and when Under the same rain, was our first meet in And baby from then on I’ve been yours… Ohh, only to you, you, you, you, ohh
Tonight we may have to cross the line of being lovers But the promise I’ve maid when we are friends Will never be taken for granted ‘Cause baby, how could I break the promise of not leaving you? When all I ever wanted is to share my whole life with you... With you…Only you… only to you…
Pagka-tapos ng kanta ay napa-iyak na talaga ako, hindi ako maka-paniwala...Napaka-saya ko sa nalaman kong ito mula kay Bryle. Mahal din pala niya ako...ngayon sigurado na ako na wala ng hadlang sa aming dalawa. Lumapit si Meryl sa akin at niyakap ako. “He’ll be here soon.” Sabi nito. Nag-thank you ako sa kanya at tinanong sa mga ilang naglalaro sa isip ko. “Was it you, who told him about that friends to lovers thing? And about my hidden feelings for him?” Natawa si Meryl sa tanong ko, “Yeah, about that friends to lovers thing, I did. Pero ang sinasabi mong pagbububuking ko sa feelings mo sa kanya, it’s a no. Although, I kept telling him na malaki ang chance na mahal mo na rin siya higit pa sa isang kaibigan. Siya mismo ang nagbalita sa akin na sigurado na siyang mahal mo nga siya.” “Huh, but how did he know?” takang tanong ko. “Masyado nga siyang excited ng time na iyon eh. Binulabog pa talaga niya ako sa tawag niyang iyon. Sabi niya, sinundan ka raw niya sa bubungan ng bahay ninyo at narinig niya mula mismo sa bibig mo na mahal mo nga rin siya.” Napamulagat ako sa narinig, “What?! Nung time na nag-sisenti ako?” Natawa nalang si Meryl sa akin at nag-sorry ako sa kanya kapagkuwan sa mga maling akala ko sa kanila ni Bryle. Ipina-liwanag naman niya ng maayos sa akin ang lahat nang mga narinig ko. Ito ang nag-plano para sa gabing iyon na sabihin ni Bryle ang nararamdaman nito sa akin,at kaibagan lang talaga ang mga ito… Nililipad pa rin ng kaligayahan ang pakiramdam ko ng biglang, malakas na bumukas ang malaking pinto ng auditorium na kinaroroonan naming at may sumigaw ng pangalan ko... "Anne!” Nakita ko si Angelo roon, humahangos pa nga ito. Isa ito sa mga ka-band mate ni Bryle. Nakangiti akong lumakad patungo sa kanya pero hindi pa man ako talagang naka-lapit sa kanya ay napahinto ako sa kakaibang ekspreyong nakaguhit sa kanyang mukha. Balisa ito. “A-angelo?” sa hindi ko maipaliwanag na dahilan bigla akong sinalakay ng kaba. “Anne, s-si Bryle naaksidente…” mahinang sambit nito. Napasinghap ang mga tao sa narinig, at ako? Ang huli kong naalala ay dumilim bigla ang paligid ko at hinila ng kadiliman ang buo kong ulirat...
Nang magising ako, napag-alaman kong nasa hospital pala ako, sa mismong pinag-dalhan kay Bryle...Nag-pumilit akong bumangon at pilit hinanap si Bryle. And it was the most heartbreaking thing I’ve heard in my waking life, that I’ve wished I was dead TOO! Yes, Bryle is dead. I was almost hysterical that moment na kailangan akong i-sedate at patulugin. Nang magising ako ay tumutulo na ang luha ko, pero ipinag-paalam na sa akin ni Meryl at Angelo na nasa chapel ng hospital ang mga labi ni Bryle... Bumangon ako at nagpadala sa sinasabi ng mga itong Chapel. Hindi ko yata mapapaniwalaan na sa ganoon nalang matatapos ang hindi pa man nag-sisimulang love story naming ni Bryle. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaano na rin katagal. Hindi man lang kami nagkaharap para personal na ipagtapat sa isa’t-isa an aming mga damdamin. Doon nga nakita kong may kabaong sa loob ng Chapel at lahat ng nandoon ay pulos kaibigan namin ni Bryle. Sa unahang upuan ay nandoon ang pamilya ni Bryle at ang aking mga magulang. Tumayo si Tita Abby, ang mommy ni Bryle at sinalubong ako. Nagyakap kaming parehong luhaan. Tinulungan n’ya akong lumapit sa kabaong ni Bryle...and there he was, lying inside that – that thing. He looked like he was just sleeping, but the cruel fact couldn’t be ignored, that the Bryle in there was now lifeless... Ilang minuto kong hinayaan ang sariling umiyak lang nang umiyak sa harap ni Bryle. Nang medyo kumalma at pilit kung ibinuka ang aking bibig upang tanungin kung paano siya namatay, pero ungol lang ang lumalabas sa aking bibig. Pero nakuha naman ng mama ni Bryle ang ibig kong malaman, at nandoon na rin sa tabi ko si Angelo... "Nung gabing maaksidente si Bryle, nag-usap pa kami, at bigla nalang niyang sinabi na aalis siya, dahil kailangan ka daw niyang makita. He asked me for my bike’s key, pinigilan ko siya pero umalis pa rin siya...An thirty minutes later, may tumawag sa aking kaibigan na kilala rin si Bryle na ka-banda ko. Sinabi niyang naaksidente daw si Bryle... Nang makarating ako sa lugar ng aksidente, ay nag-aagaw buhay pa siya. Doon ko tinawagan si Tita Abby at pinuntahan ka." “Nang makarating kami sa hospital, ang sabi ng doctor ay sa ambulansya palang ay binawian na ng buhay ang aking si Bryle.” Pag-tatapos naman ng mommy ni Bryle at napaiyak pa lalo. Napahagulhol na naman ako. Kung hindi sana dahil sa akin, hindi sana madidisgrasya si Bryle. "Ako ang may kasalanan..." Namalayan ko nalang sabi ko. Bigla akong niyakap ng mahigpit ng mommy ni Bryle. "Tita...I'm sorry..." "Shh...don't say that...Wala kang kasalanan...Don't blame yourself, Anne..." sabi nito na hindi rin mapigil sa pag-iyak... "Walang may gusto ng nangyari, kahit si Bryle ay hindi gugustuhing sisihin mo ang iyong sarili. I know about his ‘big revelation’ and I'm proud na ikaw ang piniling mahalin ng anak ko, Anne..." sabi pa nito, nagpakulong ako sa kanyang yakap. "Anne," si Angelo...Tiningnan ko siya, may kinuha ito sa bulsa nito at iniabot ang kamay ko ay may inilagay roon. Nang tingnan ko kung ano iyon, ay isang bracelet ang nakita ko. "Alam ko, balak niya iyang ibigay ‘yan sa'yo..." sabi ni Angelo at lumayo na...Tinitigan ko ang bracelet sa kamay ko. It was a simple white gold bracelet na may rectangular plate, sinipat ko ang kabuuan niyon at napagtantong may nakasulat doon. Pangalan ko ang nakaukit doon, ng binaliktad ko ang plate ng bracelet, may naka-ukit din, "Love ni Bryle"... Naluluhang napangiti ako...ang kabuuan niyon, "Anne, love ni Bryle..."
The end…
|
|
fRiTZ
New Member
You always mark your first kiss, but you never mark your last
Posts: 13
|
Post by fRiTZ on Sept 29, 2008 13:35:58 GMT 8
wel isa nnmn 2 s kapraningan q dnt mind me..nyahaha ;D kaya mu bng mgicp kht la kng icp?
kya mu bng mgicp kht wla kng icp?
bkt kea kslann mgng tamad? inspyrd by other blog <ksalanan tlga un nu.. ma2tay k!!>
bkt kea ksalanan mgng mabaet?<as in super baet> to the point n.. T_N_A na… ^^, sori guyz..22o nmn msama dn un
bkt masama mgmhl ng bonggang bongga?..aww e ngmhal k lng nmn
d nmn cgro msama..
msama cguro ung mgppka T_N_A kna pra dun..
tamng mgmhal sv nga nla.. ibgay mu ang pgmmhal n gs2 mung mrcv..
uu nga d lht my happy ending di lhat perfct love story d laht..vry ideal ..
atlst mbgo mn tau.. e.. nrmdmn nmn ntn ang mgng tao.. hihihi
dika dw tao pg dka mrunng mgmhal as in halimaw k!!..
im not just talking about s love life.. as in lhat.. kht kaaway mu..
bkt ndi ntn ikalat ang pgma2hal s buong earth ndi puro virus at tsismaxx hihihi..
tanung lng.. by mickai ^^,
eto"tanung niya"..
"bkt b lgi nlng nka2iyk kpg ngma2hal?"..
sagot"nyahaha anung klase bng pgiyak ha? iyak b ng kligyhn? o iyk ng kabiguan..
nkkaiyk b tlga huh?..<ahm cgro mnsn>jhihih
d aq mgma2lns mdals dn aqng umiyak.. dhl s kakulitan q..hihihi
bsta ang mssv q..trust lng ang secret and respect,, kpg mron nun PANALO..
d mai2wsng dka iiyk..cnu bng tao ang ndi umiiyk.. kht ang hayop umiiyk kht ang langit…,,<oooohhh>
ndi nmn tau bato>>
bkt kea gnun nnhimk aq d2 nddmy niu pq.. ^^,
-totoy bato-
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
isng paalaala..
by kamote foundation..
<mrmi taung dpt ashn s mundo.. mdlas mn ntng ndi inaashn ang mlks n ulan spgkat npka tndi ng ckat ng araw..nbu2lag mn tau <at qng mdals mn umuulan ashn ntn n cckat dn c haring araw n me ksksama png rainbow..<i like the sound of that..ahuh..>
ang gusto q lng svhn is expct the unexpctd..
pdeng hapi k naun bukas ndi n..
pdeng mhal k nia naun ..
bukas ndi n..
pdeng maarw naun..
mmya umuulan n..
pdeng mgnda k naun..
buks mgnda kpa dn..,<parang ndi nge4t hihihi.>.
gets mu?..mgicp k..
……………………………………………………………………………. isng mhbng kthmikn muna…
qng ksalanan o qng msma cgro tlgng mgmhal ng sobra bka mdi ng ngksala..qng isang krimen ang mgmhal..mdmi ng nsa kangkungan naun..
sv ng lolo q.. kea mgkaloq loq ang buhay ng mga tito q..
dhil s kbiguan nla s pg ibg..
bkt hhyaan ntn gnun ang mangyri..
bkt kailngn icc s dhil ngmhl k..
dpt icpn ntn gnusto ntn lht ng mga ngya2ri stn..
tau ang hari ng mga sarili ntn..
ndi sila.. ndi niya ndi nyo..
ikaw mismo srili mu..
dnya k mn ng puso mu..wg mu ng idamay ang srili mu..
msrp mgmhal.. d mn siya ang mgng tamang pgibg pra sau dpt m22 taung 2mnggp..
wg taung ggwa ng bgay n pgcchn ntn bndang huli..
lht ng mga bgay n gngwa ntn gnusto ntn..
wlng mggwa ang kht cnu ..kpg gs2 o ayw mu..
s mga tito q n ngmhal at nbgo.. ndi mn s mga tito q qndi s lht..
hanga aq s tndi niu mgmhal..pro ngng mhna kau..
ngng mhina ang icp niu..ndi niu n ngwng mkpgicp n me mgndang buhay..
maaring mgng huli n ang lhat..pro kaya p yn..
s lht ng mga nbgyn ng award.. nbigo mn kau s mga la2king inakala niu ngng 22o s iniu..wg kau magalala me karma hihihi..
ang mga award n ntnggp niu alm qng cla ang mgbbgy ng mgndng bgong buhay pra s inyo pktatag.. ndi mn mdli pro kkyanin,s tulong ni god evrythngs is possible.
korek..itayo ang bandera ng kba2ihn..\
and hgt s lht..
pray lng..
and have faith in him..
siya mklmtn mn ntn siya pra s iba..
siya lng ang mkkpgmhal stn ng 22o at tpt..
sa knya di tau mkkrns ng kht anung kbiguan..
tapat siya..
<ang atng god> ^^, qng mdmi lng snang nka2alm nun..
s earth mdmi taung mttnggp n mskt n kbiguan as in ang earth prng mini hell.. hihihi
s earth kelngn u knw how 2 play.. qng ndi.. ma2ty k.. mdmi ang ibg svhn s cnv qng un.. qng marunng kng mgicp,..mai2cp mu un..
<game over> wuuujjaaa ^^, yeah boi.. ;D
ginapamangkot ta ka haw..??
|
|
shiroi
New Member
kohai kun hi nice to meet you heheh
Posts: 10
|
Post by shiroi on Oct 5, 2008 22:16:19 GMT 8
I;m a painter,,, and my paintings will tell you the level of my talent... hehehe tensai akong painter so high-level din ang painting ko
|
|
|
Post by *~♥sayuri•♣ on Oct 7, 2008 14:31:49 GMT 8
I;m a painter,,, and my paintings will tell you the level of my talent... hehehe tensai akong painter so high-level din ang painting ko shiroi asan yung painting mo???hehe....tlaga bang painter you? ?? ....hehhehe..
|
|
|
Post by --suMMerfieL-- on Oct 13, 2008 22:38:27 GMT 8
twiNie...
uR beSt frIend??
|
|
zhai'zhai
Neophyte
I'll bite you to death..
Posts: 77
|
Post by zhai'zhai on Oct 21, 2008 15:14:29 GMT 8
um.. talent q?? dancer aq..^^ nsale kame ng mga kagrupo sa iba't ibang dance contest^^ ahha peo my kaunting nangyare kaya ngstop na q sumayaw.. mas priority q nlang naun stud q..
talent q din mng'okray.. ahha ang sama q nu?? peo inde aq mxado msama^^ ahah ngsasabe lang aq ng totoo kesa mgsinungaling aq.. bahagi un ng kpraningan q sa buhay^^
|
|
cutejan19
Neophyte
Zodiac Brave Warrior, let me protect you from MONSTER! ^_^
Posts: 73
|
Post by cutejan19 on Nov 6, 2008 21:26:43 GMT 8
gus2 ko ring makita ang painting mo shiroi...^_^
|
|
☻cherry☺
Neophyte
my love for you...
Posts: 824
|
Post by ☻cherry☺ on Nov 7, 2008 14:48:42 GMT 8
ako din kuya shiroi.,!
gusto koe makita ung.,
painting mu.,
hahaha!
|
|
mrs. nestle fuji
Neophyte
even if i'll marry someone and reach fifty, you will always be my hubby FUJI. :p
Posts: 371
|
Post by mrs. nestle fuji on Nov 14, 2008 16:31:32 GMT 8
wuuuu....may poem akong ginawa ngayon lang...para sa aking crush...na si RJ DOSDOS! (FUJI-ko wag kang magalit ha!? hehehe...crush lang naman yan...heheehehe) ito ang first meeting namin ni RJ!! hehehehehe.... wala na naman itong title kayo nalang ang magbigay...hehehehe
++that day i was totally bored++ ++so i decided to read something on he bulletin board++ ++suddenly i felt there is someone in my back++ ++when i turn around...i was shocked!++ ++i was hypnotized for a while++ ++and mezmerized by his seductive smile++
waaaaaaaaaaaaaa...d pa tapos!!! hehehe ala nang tym...cge cg bye bye!!!
|
|
kukai
Neophyte
ako ang resident babaeng bakla dito...ang kumontra di na sisikatan ng araw....wahahaha
Posts: 169
|
Post by kukai on Nov 18, 2008 9:41:52 GMT 8
ako nga din pasali..... sinulat ko to para sa tanging irog ko na "hanggang friends nlng dw kme" huhuhu...so sad... this is for you...V.T.
JUZ A FRIEND
you were juz a friend..... a friend i count on in times of need, my crying shoulder in times of pain... a friend that i thought to be juz a friend
you were juz a friend... but, what is this i feel inside? something strong, i cant be wrong... to a friend my heart belongs
you were juz a friend... and now i want it more than that.. coz i wanna be with you all my life; to share this feeling i feel inside
BUT, you were juz a friend... that treats me no more than a friend; though you no i love you so, still you take it as a joke... and tell me it will never work.....
|
|
Yuki
Neophyte
"Do you know why the snow is white?...Because it forgot what colour it was" -C.C.
Posts: 631
|
Post by Yuki on Dec 10, 2008 18:15:32 GMT 8
TWINIE...ahm, sa christmas vacation malapit nang lumabas ang story namin ni bestfriend ko, sige, with matching pictures pa yan...hehe, i'm planning to erase my other posts here na din pala, yung mga naunang novel...wala lang...basta, siguro kapag natapos ko na yung novel saka ko buburahin yung mga unfinished novel ko dito....
Sige, malimit na ko nakakadaan dito...its something personal kaya nangyayari yun, its not the people around me or my environment, its about me, myself and i.
Thanks po sa mga pumuri noon sa mga novel ko...pasensya na din po sa mga napangakuan ko na gagawan ko ng novel, try ko pa rin kayong gawan kaso...feeling ko na ang novel namin ni bestfriend ang magiging last novel na gagawin ko sa henerasyong ito.
Again, THANK YOU PO.
^_^
|
|