|
Post by soniafrancesca on Feb 28, 2007 22:52:57 GMT 8
curious lang.. ano ba ang meron sa Letter " A " " R " " D " at lagi jan nag sisimula ang name ng mga heros at heroine mo? aki, arwen, alexiel, alec, aya, ace, avery, aleister, atasha, alexandros, eto pa.. combi.. axel drake! reiji, reika, rinoa, rally, randolf, raven, roanne, rhome, rex, rath, reeve, rushell, rajin, raju, rachelle, ryan, reed, raizen! duke, denniz, dallas, darwin, donn, dax, dunkey, dex, dwight! pinapatanong din ni pretzel. sino daw si 'rachelle' sa listahan mo? di daw siya yan hehehe... teka, kukunin ko lang muna itong mga questions mo at sa bahay ko na lang sasagutin then send ko uli dito kasi wala na internet shop na malapit sa amin eh sensiya na walang period ;D
|
|
|
Post by soniafrancesca on Feb 28, 2007 23:00:23 GMT 8
napansin ko nga rin yan eh. naisip ko pa nga na yung "D" ay dun sa first love niya. Yung "R" kay SM. yung A.....hindi ko maisip.hehe! mga lukring tlaga kayo! i-associate daw bah! naloloka na ako sa inyo. wala lang iyan hehehe
|
|
|
Post by soniafrancesca on Feb 28, 2007 23:03:26 GMT 8
pareho tayo ng naisip avon.. " A " para kay avery de guzman ng missent? or gusto nya sa A mag sisimula ng names ng anak nila? hehehe... darlen my darleng.......ang imagination mo...umaarangkada. hehehe grbae talaga ang mga isip nyo magtrabaho. ako nga di ko naiisip iyan....ang galing nyo talaga....
|
|
|
Post by soniafrancesca on Feb 28, 2007 23:11:47 GMT 8
ate che just asking... is PHILIPPINE STATS... famous magazine sa Billionaire boys Club derived from PHILIPPINE TATLER magazine??? wla lng wla kasi akong maisip itanong...heheheh yes! dun talaga iyon. nakabasa kasi ako ng isang back issue ng Tatler na nabili ko sa recto for 20 only kasi naka-feature ung mga single prince ng ibat ibang bansa at kung magkano worth nila. e andun si prince william kaya binili ko kahti namamahalan ako. oo mahal na sa akin ng beinte pesso. anyway, habang binabasa ko iyon ay nanonood naman ako ng isang episode ng Crime/Suspense sa cable at na-feature dun ang BILLIONAIRE BOYS CLUB ng america na very controversial. then naisip ko, uy okay to. guwapo kasi ung lider ng bbc dun na si joe hunt kaya ayun,gumawa ako ng romantic version ng bBC. so dun na nagumpisa ang philppine stats. layo no? hehehe
|
|
|
Post by soniafrancesca on Feb 28, 2007 23:14:42 GMT 8
ako may tanong...hehehe...sino ang inspiration niyo nung likhain niyo ang BBC?..hehehe...curious talaga ako...thanks.=) inspiration ko for the bbc boys? ....hmmm wala naman eh. basta lang naisip ko lang magsulat ng ganon. pag gumagawa kasi ako ng series, dapat equally distributed agn mga karakters. dapat may designated na masungit, mabait playboy ganyan. tapos, un na, gagawan ko na ng stories. sa mga aspiring writers dyan, iyan ang isa sa mga tips ko sa inyo.
|
|
macky
Neophyte
with Diosa
Posts: 1,408
|
Post by macky on Mar 4, 2007 16:23:28 GMT 8
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 7, 2007 14:33:53 GMT 8
curious lang.. ano ba ang meron sa Letter " A " " R " " D " at lagi jan nag sisimula ang name ng mga heros at heroine mo? aki, arwen, alexiel, alec, aya, ace, avery, aleister, atasha, alexandros, eto pa.. combi.. axel drake! reiji, reika, rinoa, rally, randolf, raven, roanne, rhome, rex, rath, reeve, rushell, rajin, raju, rachelle, ryan, reed, raizen! duke, denniz, dallas, darwin, donn, dax, dunkey, dex, dwight! marami pang darating diyan…rider, river, raiden, reigan, rodjan, Alizia, Diosa, Agnes, Ami…. malulukring na talaga ako sa inyo. Pati ba naman ito napansin nyo pa? tsk tsk tsk… Pero ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit karamihan sa mga nagagamit kong pangalan sa nobela ko e nagsisimula sa A,R at D. nagkakataon lang siguro iyan. kapag nag-iisip ako ng pangalan para sa mga tauhan ko, kung ano ang maganda sa pandinig ko at spelling, ayos na. wala naman talagang significance ang mga letters na iyan. at hindi iyan dahil sa dalawang lalaking nagdaan sa buhay ko! My gollygawgaw ha? pero si Dwight, oo, kanya ngang name iyon. his real name is Dwight Darwin. uuuyyy…. hehehehe
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 7, 2007 14:35:03 GMT 8
eto pa.. lagi ko lang nakakalimutan.. san ba galing un name ng resto na cafe helena's? wala naman me name na helena sa apat na original na me ari? ang name na café helenas ay nabuo nung college pa lang ako. minsan kaming nangarap ng mga kabarkada ko na magtayo ng negosyo. Internet café/restaurant dahil adik kami noon sa internet chatting at naiinggit kami sa mga kapwa estudyante na kumakain sa mga malalaking canteen sa skul namin habang kami ay sa turu-turo lang. drama no? hehehe Pero un nga. I think si Rushell ang nagsabi ng name na iyon eh. Café helenas. But it was supposed to be ‘Heleinas’. Nagkroon lang ako ng typo error nang i-include ko iyon sa mga nauna kong nobela at dahil naka-typewriter pa ako noon, tinamad na akong itama ang spelling. Ngayon ay nakakakain na kami sa lahat ng restaurant na gusto naming kainan….at malapit na ring matupad ang pangarap naming magkaroon ng internet shop…
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 7, 2007 14:36:07 GMT 8
ahahaha.. may tanong rin ako.. bakit paborito ninyo ang sagada? tsaka bakit sabi ni ate jeje, takot ka raw sa dagat?? kasi napakalayo sa sibilisasyon ang sagada. At sa tulad naming lumaki na sa Maynila buong buhay namin, natural lang na maghanap kami ng kaunting katahimikan paminsan-minsan. sagada could offer such peace. Bawal yata kasi mag-ingay dun. At may curfew ng, take this…9pm! Yep, as in. pagpatak ng oras na iyan, tutunog na kampana ng simbahan at sarado na lahat ng establishment pati na ang mga hotels at inns. Galing no? at legal sa kanila ang uminom araw-araw. Siguro kasi napakalamig ng lugar na iyon at pampainit nga naman ng katawan ang alak. Pero from 6-9pm lang. ako, personally, talgang paborito ko ang sagada. Doon lang kasi ako nakakapagpahinga nang husto. walang maingay na radyo o tv. Pero may tv at radyo naman doon. hindi rin maingay makipagusap ang mga tao. doon lang ako nakakatulog ng more than 18hours ng wlang istorbong mga kapitbahay at ingay ng pamilya ko hehehehe. Sabi ko nga kay jeje minsan, kapag nabigo ako at bigla nalang nawala, sa isang lugar lang nila ako hanapin. As for the dagat. Hindi naman sa takot ako sa dagat. Ayoko lang talaga dun. Ayoko kasi ng maiinit na lugar. Hindi ako nakkapagrelax. E takaw relax pa nman ako. at well, may konting phobia na rin kasi nung maliit pa ako, umuwi kami ng probinsya ng pamilya namin. tapos nakita kong umaandar na ung barko e wala pa ang nanay ko sa tabi namin. nagtalukbong na lnag ako ng kumot at umiyak ng umiyak. Akala ko kasi aalis na ang barko ng wala nanay ko. un pala, nagmamaniobra lang ang barko at hindi pa talaga aalis. Hehehe Natakot ako. un lang. bow.
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 7, 2007 14:39:48 GMT 8
kasunod na tanong...hahaha...demanding...anong nangyari kay mr. S.M.?..hehehe...atribida...ahm..ayos lang kahit 'di niyo sagutin..i understand..hehehe anong nangyari sa kanya? i dont know. natakot yata sa akin. na-trauma kaya ayun, di na nagpapakita sa ofis...hhehehe joke lang. nag-focus na yata siya sa bago niyang work ngayon eh. si sofia ang tanungin ninyo dahil silang dalawa ang laging magkausap. ako...well, wala. pa-cute lang hehehe
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 7, 2007 14:41:30 GMT 8
Waaaaaaaaaaaaaah! Bigla tuloy akong nakonsencya *meron ka pala non?*, kaya icocopy and paste ko na lang din sya d2 *tamad eh! Hehehe* kaya eto na…. Tandararaaann……. ATE CHE: may tanong ako, hehehe: napansin ko kasi sa ilan sa mga novels mo, laging kontrabida si michelle, (sa story ni rachel, ni thad, at ng ilan pa na thanx to my memory de palyado ay di ko na maalala). ang tanong ko, *seryoso ah* sino ba itong impaktang babaeng to? at bakit lagi siyang kontrabida? may ginawa ba siyang kabulastugan sayo? waaaaaah! sabihin mo lang, reading ready ko siyang resbakan para sayo. Eto pala yong url add ng skyesestate. Sana tama ako, hehe! Minsan kasi mali-mali rin ako at di makapasok doon, whahehhe www.skyesestate.proboards66.com/salamat at handa kang ipagtanggol ako sa kanya. fortunately, hindi mo na kailangang mag-effort kasi di naman nag-e-exist si michelle. Again, nagkataon na naman iyan gaya ng pagkakataon sa mga pangalan ng mga heroes and heroines ko. pero si ‘ron’ ng Los Caballeros book 6, totoo iyon. resbakan mo na siya para sa akin. hehehe
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 7, 2007 14:52:22 GMT 8
oh, by the way, may tanong ako kay ate che... i was reading again "Biru-biruan ng Puso"(uy,thanks ulit ate len!) and naalala ko si Ramon Santillian. wala ba siyang love story??? hallu! hmm, mukhang nasagot ko na ito. pero uulitin ko na rin... wala siyang story. as ive told you before, ang mga pangalan ang pang-akit sa akin para bigyan ng story ang isang character. doon kasi ako humuhugot ng inspirasyon kung paano ko sila pagagalawin. ewan ko kung maiintindihan ninyo ang kabaliwan kong ito pero kapag nakakakita kasi ako ng name na gusto ko,nakikita ko rin ang karakter nun. labo no? basta un na iyon. so ang name na ramon is just an ordinary name for me (sorry sa mga may names na ramon). nakapaka-common kasi. but then again, there were other writers na paborito ang pangalang iyan. di na ako magbabanggit ng pangalan. pero at least, di magtatampo sa akin ang mga ramon sa mundo kasi nagiging bida rin naman sila. hindi nga lang sa mga gawa ko. unless of course, may kakilala akong taong ramon ang name at alam ko na ang karakter niya ay kakaiba. nevertheless, kung hindi ko siya kilala,wala talagang dating sa akin ang mga ordinary names....bow.
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 7, 2007 14:57:29 GMT 8
may tanong po ako.. bkit ganito? bkit sa series.. ung 2 huling bida laging magkaribal sa isang babae? like.. Zech and Lantis.. magkaribal ke Karina.. if im not mistaken.. and.. Reiji and Maverick .. ke Elaiza naman.. tapos e2 pa.. ung cousin ni Zech .. na c Rinoa ang makakatuluyan ni Lantis.. tapos ung cousin ni Reiji na c Aya ang makakatuluyan ni Maverick.. may similarities ... hmm... curious lng.. (prang alam ko kung san nakuha ung Aya Shinimori.. sa Knight Hunters po yan no? ung kapatid n Aya'ng babae..) tama po ba? mukhang ito man ay nasagot ko na rin...pero di ko na sasagutin.hehehe kayang kaya na itong ipaliwanag ni macky dahil nasagot ko ito sa kanya nang magkausap kami sa YM. macky..take the floor... at yung tanong mo na kung sino si Aya..yep, sa knight hunters nga siya. ung kapatid ni ran na lider ng mga guwapong assassins na iyon. shinimori came from aoshi shinimori (tama ba itong pinagsusulat ko?) basta. siya ung kalaban ni battosai bago niya naging friend. ung bishounen na inili-link nila kay misao. un.
|
|
|
Post by Sonia Franncesca on Mar 10, 2007 21:41:02 GMT 8
ayyyy!!!! nakapasok na ako!! salamat fridz, di bale pag di na ako tamarin nanakawin ko yng mga previous copies sa buk ni ate che sa bukstore sis ko padala ko sau. for rent lang kasi. ate che, me tanong ako. yong stallion sana pero nasagot mo na. ahm, nabasa ko ulit yong Let me call you sweetheart. wala bang kwento sina Lindy at Boris? ahahaha. crush ko kasi si boris. wala tlaga silang kuwento. nilagayn ko lang ng konting spice ung cameo role nila para di naman boring ang magiging character nila sa kuwento. para pansinin din sila kumbaga...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Mar 18, 2007 17:20:20 GMT 8
meron pa akong tanong. sina vladimir ba at da gang eh taga rancho din? kasi yong kwento nila---nakalimutan ko-- eh may cameo role dun si leira. yes. kaya kung mapapansin ninyo sa kuwento nina Vladimir at Vida, di ako nagbabanggit ng pangalan ng village nila. same with Maya and Reeve's story. walang nabanggit na village pero nakita nyo naman na may CApe's Corner doon (from Vladimir's story).....epal kasi ako. pasaway ever hehehe
|
|