|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 20:35:44 GMT 8
ate che question. si temarrie ba sa kwento ni jubei eh si temarrie ng naruto na kapatid ni gaara at luvteam ni shikamaru na katean ni ino na kalaban ni sakura ke sasuke na bestfriend ni naruto?? hehehe MAGALING! MAGALING! MAGALING! opo. dun ko nga kinuha ang name ni temarrie. at si jubei naman sa getbackers.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 20:39:40 GMT 8
kau pa din ba ni sofia ang gagawa ng batch 2 ng stallion? grabe na to! di pa nga narerelease lahat eh me batch 2 na! yep. kami pa rin. actually, bago pa ma-release ang stallion, kumpleto na lahat ng stories hanggang batch 2. para raw di na kami habulin for the batch 2. sa batch3, si jeje na lang. namaalam na naman akohehehe
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 18, 2007 19:22:43 GMT 8
te che kelan ung calle pogi? hehehe ewan ko po. pakitanong si pretzel. siya ang kapartner ko sa bagong series na ito...hokey?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 18, 2007 20:00:08 GMT 8
ano un calle pogi macky? di ko din natiis nabasa ko na din u stallion kahit kulang pa ng apat! ang tanong ko.. nakakaloka un tungkol sa palawan.. joke ba un? una ko kc un nadinig sa mommy ni ace.. five years ago.. bigla na lang sya kumuha ng passport, nun tinanong namin kung bakit.. wala naman un balak mag abroad eh.. ang sabi nya sasakay daw sya ng eroplano papunta ng palawan.. bka hanapan sya ng passport sa airport! kakaloka noh? oy!.. ano pabango ni eneru?.. bathsoap ba un? or deodorant na sumama sa amoy ng katawan nya? un tipong natural scent? ganun kc si jet ko.. ang bango! bakit eneru at junnicka ang name? dahil january at june ang birthday? calle pogi. bagong series. sa isip ko hehehe. lolz! si mommy anding talaga! pareho kami ng wavelength hehehe old joke namin iyon ng mga friendship ko. kahit nga pagsakay lang ng jeep, nagsasabi pa kmi na magsusulatan. ganon. korny kami eh. pero dahil kay mommy anding, cool na kame yahooo! hmm, di ko rin naisip kung ano ang pabango ni eneru. basta mabango siya. amoy pogi. ;D bakit eneru at jhunnica? wala naman, tripko lang ang name ni eneru (ONE PIECE) at si jhunnica ay isa sa mga readers na napalapit na sa akin. i wrote eneru for her as a birhtday gift. mali pa ang sfeling ng birhtdya ko. ... ay ewan basta kaarawan un sa tagalog.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 18, 2007 20:03:23 GMT 8
ang question ni rej at mhelai... question lang ate che.. pupunta ba ako sa precious para sa registration ng workshop o tatawag na lang ako sa ofis nyo. bwahahahah.. interesado talaga ako. bwahahahah... mageemote ako run! wish ko lang pumasa ako. nakapunta na sila sa ofis at nakapag-screening. sana nga pumasa sila.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 21, 2007 21:24:19 GMT 8
question... defend ba sa mood ng writter kung pano sya mag sulat? kunwari malungkot.. malungkot din ba ung story ? o pipilitin nya gawing masaya? hehehe ang labo ko tlga neyahahha!! not necessarily. kaya lang, kapag malungkot ang eksena, dapat maramdaman mo ang lungkot na nararamdaman ng karakter mo para mai-describe mo ng malinaw ung nararamdaman niya. kasi naman, kung malungkot ang eksena mo tapos nanonood ka naman ng Ang Cute Ng Ina Mo, hindi mo maire-relate ng maayos iyon. di rin mararamdaman ng mga magbabasa ang pakiramdam ng malungkot mong bida. ako naman, gawain ko kapag hindi ko na ma-take ang drama, sumisingit ako ng mga punchlines para paunti-unti, mailayo ko sa mabibigat na drama ang eksena. tapos iyon, ligtas na ako. balik na ako sa lighter world. mejo hindi talaga ako kumportable sa mga madramang eksena kaya kung mapapansin ninyo, as much as possible, nasa mga light na eksena ang mga tauhan ko.pero iba iba ang trip ng mga writers. merong nagpapakapraning sa drama, meron din namang sa action. at ipinauubaya ko na sa kanila iyon. dito na lang ako sa mga kabulastugan na kinalilibangan ko.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 21, 2007 21:26:19 GMT 8
baket naging calle pogi ang naisip nyo na bagong series...? natuwa lang ako sa pangalan ng brgy/street na iyon sa Laguna. ibinalita kasi iyon nung nakaraang pasko. cute ung pangalan ng lugar nila di ba? kaya naisp kong gawan ng story. totoong nag-e-exist ang calle pogi at sa laguna nga iyon.
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 13, 2007 15:13:51 GMT 8
woooooooo! mahal ko n c Dominique bwahahah.... I WABSHU te CHEEE!! ganda ng story ni Reigan ^___^ waheheh... question... kasama ba sa batch 2.. cla Zell, Dominique, Reid at ang Kambal na Trigger at Jigger? sina zell nasa batch 2. i just dont know kung sa batch2 rin inilagay ni jeje si reid kasi nga may batch 3 siya di ba? di ko na tinanong kung sino-sino mga papables niya roon basta ako, tapos na. yahoooooooo!!!!
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 13, 2007 15:15:20 GMT 8
ate che, pwede din ba akong bumisita dun kasama ang aking horsey na si arabica??? hahaha kneel aking horse, kneel! (talent ng aking horsey) yay! may horsey-horsey ka, dawn? saya naman! sige, padalawin mo. okay lang sa akin. si jeje lang naman ang medyo istrikto hehehe. sa akin open to all ang stallion, basta mabait, no problemo sa akin.. ;D
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 13, 2007 15:17:10 GMT 8
may tanong ako. kinda confidential , how much yung ibinabayad ng precious for 1 story? alam ko may nabasa akong 6 thou a story somewhere pero parang mababa masyado? 6k nga starting. pero kung may pangalan ka na sa mundo ng romance writing, i dont think bibigyan ka nila ng ganon kababa. pero sa lahat ng publishing houses, ang precious na ang may pinakamalaking offer para sa mga newbies. martha cecilia is...hmmm, secret hehehehehe
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 26, 2007 21:49:39 GMT 8
ngee...opo ate che, tig-isa kami ng ate ko. di ko nga lang alam kung saan ninakaw ng tatay ko. moon ang name ng horsey(ponny-tama ba?) ng ate ko. hehe. @ ate che ibig sabihin ba nito eh milyonarya kana? kayo ni ate je? eh ang sikat nyo na eh. pano ba yan? pinapaiyak mo ako, 'ne. wish ko nga lang e kasing yaman na kami ni martha na once a month lang nagsusulat. o kung kelan lang niya type. alikabok lang po ang suweldo namin sa suweldo niya. imaginin nyo na lang..
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 26, 2007 21:54:23 GMT 8
sa batch 2 and 3, isa ka pa rin sa magsusulat? ahmm.. kelan irerelease yung calle pogi na yan? in fairness.. ang cute I wonder kung ano ang cover theme? batch2 and 3 ng? release ng calle pogi...pag na-release na rin ang mga kuwento sa utak ko hehehe. di ko pa sila naisusulat. nag-eepal lagn ako. kunwari may bagong series. ;D PHR lang ako ngayon. independent. inilabas ko na rin doon ang kuwento ni Dani from Send In My Prince Charming at si Tommy na kapatid ni Ran Fontanilla of BBC batch1. under sila ng phr.
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 26, 2007 22:00:36 GMT 8
ate che,,anong bang meron sa novel mo???bat nkka addict???nlgyan u ba un ng gyuma????hahaha binubudburan ko nga ng dinurog na marijuana ang mga books ko...er, pano nyo kaya nasisinghot iyon e iba manuscript sa pocketbook na mismo? oh, yeah. matalino nga pala ako hihihi ayan, napapraning na naman ako. i just want you all to enjoy my books kaya siguro, ginagalingan ko. nasa isip ko kayong lahat na magbabasa ng mga gawa ko kapag nagsusulat ako....no wonder baliktad din ang utak ng mga karakters ko...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 9, 2007 18:39:58 GMT 8
ms sonia pwede ba maging bida nman c michelle sa novel nyo or khit misheeco na lng hehehe humirit pa/thanx poh yep. i was thinking of writing a novel na ang mga michelles naman ang bida. kasi masyado ko na pala silang naapi. sorry po sa mga michelle sa mundo. hindi ko po talaga napansn na ang mga extrang girl na di maganda ang papel e michelle pala karamihan. so ngayon babawi ako. michelle anman ang girl ko. i was thinking of giving her a nick of 'michi'. ok ba?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 9, 2007 18:59:14 GMT 8
gawa rin ni ate che er...sonia francesca. its title is "CAPTAIN OF MY HEART" Waah!! Isa yan sa gusto kong mabasa, yung kay papa Calvin!!! Pahiram naman ako! ^.^ Ate che(close na tayo! hekhekhek) question lang po: Totoo po bang may Stallion riding Club? Ipinatatanong ng kapwa ko tindera ng celphone At chaka, what age ka po ng makuha kang writer ng Precious? at huling tanong.... Ang Hitachiin brothers po na si Hikaru at Kaoru ng Ouran High School Host po ba ang ginawa niyong basehan sa love kong kambal na sina Jigger at Trigger? Wala lang, napansin ko kasing parang magkasing kulit sila.... hehehe love you Trigger at Jigger! *love love mode* una po, hinid po totoo ang stallion riding club although may pinagbasehan kami ng place. ang TAgaytay HIghlands sa Zamboanga. joke! siyempre sa Tagaytay. minsan ipinasyal kami roon ni sir bossing at talaga nga namang para silang may sariling mundo roon. napakaelegante ng lugar at lahat e may tatak ng 'mayaman ako' sa kanilang noo. kaso walang pogi. si bossing lang. tagilid pa. hay..what age ako ng magign writer ng precious? 21 yata. 3rd year college. ang hitachiin bros ang pinagbasehan ko ng Samaniego twins? nope. nang isulat ko ang kambal na iyon, o kaht na sina Rath at Rex, dehins pa ako aware na may OUran Highschool Host Club pala. this year ko lang napanood ang OUran. i wrote jigger and trigger two years ago. the Lagdameo twins a year ago. but i like the idea na naiko-compare ang mga twins ko sa hitachiin bros. sosyal na ako. aw!
|
|