|
Post by soniafrancesca on Mar 25, 2007 17:46:34 GMT 8
meron pa akong tanong. sina vladimir ba at da gang eh taga rancho din? kasi yong kwento nila---nakalimutan ko-- eh may cameo role dun si leira. yep. di ko lang binanggit ang name ng village nila para di na kuwestuynin. ang mga matatalas lang talaga ang mga matang tulad ninyo ang makakahalata hehehe. MAGALING! MAGALING! MAGALING!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Mar 25, 2007 17:51:50 GMT 8
gano ka katagal maka buo ng isang novel? ano ang pinaka mabilis mong novel natapos? un pinaka matagal bago mo natapos? me seremonyas ka ba bago ka mag simula gumawa ng novel? ano un? usually ba sa gabi talaga ang oras mo ng pag susulat? bakit? di ba pwede sa araw? hehehe.. Pinakamabilis na novel kong natapos?ung Missent. three days lang ata yun. inspired eh hehhe (ronski, hayuf kah...) pinakamatagal? ung Love Lies and Alibis. a year. kasi na-rejct iyon and then after ko lang maka-graduate tsaka ko naisip na ayoko pala ng may nakikita akong rejected work. kaya ni-revise ko uli at ipinasa. ayos naaman. seremonya before writing?meron. magpalit ng wallpaper ng computer for 3 hrs.totoo iyan. tanong niyo pa kay sofia. di ako nagsusulat sa araw dahil madali akong ma-distract. sa ingay sa liwanag sa mga taong gumagalaw, sa init. e sa madaling araw,tulog lahat. tahimik ang mundo ko at maaaliwalas ang panahon.gutom nga lagn ako lagi. walang makain sa ref kaya isang drum na kape na lang iniinom ko.hmmm, wala ng kuneksyon sinasabi ko...next question tayo..
|
|
|
Post by soniafrancesca on Mar 25, 2007 17:55:21 GMT 8
Ate Che..matinong tanong po ito! Te lalaki po ba c EL PARADO? yung artist? kasi gustong gusto mga drawings niya..magaling din nman c Annie...pero xia yung dahilan kung bakit nakilala kita..nagandahan ako dun sa cover ng The Way You love me eh...xia yung nagpinta...matanda na po ba xia? pkikumusta po ako sa kanya! Idol ko tlga xia! yun lang! ; P ay pareho pala tayo ng type na cover ng mga naging novels ko. gusto ko rin ung cover ng the way you love me. crush ko ung guy kasi long hair hhehe at connie dear, magsaya ka dahil bata pa si el. i think he's only in his twenties. pinakabata rin yata siya sa mga lalaking illustrator. si annie ang tanging babae. pero safe ka sa kanya kasi may family na si annie. itsura ni el? cutie pie siya. maputi at medyo kulot ang hair.ganda rin eyes. hehehe gusto mo kunin ko number niya? tuwing tuesday kasi nagpapakita ang mga illustrators sa precious eh.you like?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Mar 25, 2007 17:59:45 GMT 8
ate che ako may tanong.. bkit c ate lai PASAWAY? tsk tsk tsk... bkit sa ibang mga novels mo.. puro businessman ang bida? wala bang detective? ^^ mas malawak kasi ang specs ng mundo ng mga negosyante kaysa dun sa mga professionals. kaya mas maluwag silagn bigyan ng karakter. kng mapapansin mo sa ibang mga writers usually businessmen ang mga gawa nila. kapag kasi gumawa kami ng ibang trabaho for the men,masyadng sensitive iyon kasi dapat tama lahat. e hindi naman namin alam ang mga malulupit na bagay sa mga taong iyon.kapag nagkamali kami, kukuwestiyunin na agad ng mga editors at for revision na agad iyon. kapag gusto naman naming magmarunong,magre-research kami nang husto.pero konting ingat pa rin..
|
|
|
Post by soniafrancesca on Mar 25, 2007 18:05:53 GMT 8
at ako din me tanong. te kelangan ba talaga na adults na yong bida sa mga stories? pero free din ba kayong gumawa ng mga teenager lang yong bida. kumbaga chick flick lang. hahaha ah, mejo. puede ung kuwento mag-start as teenagers up to the later part of the novel. pero dapat mag-end siya na mga adults na ang gma bida. para yata iyon di na malaswang pagnasaan ang mga lalaki?hehehe
|
|
|
Post by soniafrancesca on Mar 25, 2007 18:07:39 GMT 8
Ako may tanong. Ate che, wala bang story ang kambal na sila james at bea? Nakakamiss rin kasi ang kakulitan ng dalawang kutong lupang yon. hehe nakalimutan ko na ang dalaawang ito. salamat sa pagpapaalala. oo nga, sila ang nauna kong naging paboritong kambal bago lumabas sina jigger at trigger. but i think they are older than the samaniego twins by five years.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 19:43:38 GMT 8
yes may story rin sina Queen Bea...jejeje Ate Che may Hacienda heights ba talaga o gawa gawa mo lang?... d ba M Heights lugar nu?... may hacienda heights talaga...katapat lang ng rancho estate village....yep, marikina heights kami.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 19:46:23 GMT 8
huhuhu... ndi nasagot ang katanungan natin rhej.. ngek! ano na nga katanungan ninyo..di ko yata na-gets eh..hehehe sorry...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 19:51:26 GMT 8
may tanogn ako te che... sa story ni Vida at ni Vlademir(tama b spelling ko?) ... may love story rin ba c (Dani at Jessica?) ....... may story si dani at jessica.. i just dont knw kung kailan ko sila mahaharap. pro definitely meron. ewan bassta. siguro lalabas na lang sila one of these days...hehehe
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 19:58:33 GMT 8
question po... dun ba kayo nakatira dun sa malapit sa marist school?...(balak sugurin sa bahay..=)) tsaka may kilala po ba kayong mangkukulam?..may papakulam lang akong babae na umagaw sa aking kasiyahan...hahaha malapit sa amin ang marist school. pero ang kalapt talaga nun ay ang rancho estate village mismo. kaharap lng nila. tita ko, may alam sa black magic. kasi iyon ang ginagamit niya pag nalalaman niyang nambababae si tito. pinalalaki niya 'yung ano..hehehe censord. hehehe pero di na siya gumagamit kasi nga talagang may balik iyon eh. masama isa always masama no matter how much good your intentions are.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 20:01:43 GMT 8
okay balik sa question: ate che, marunong ka bang magluto? hindi. pero marunong akong kumain ;D
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 20:09:42 GMT 8
ako may question... pano ba mag isip ang isang writter? saan nag sisimula ng kwento? sa una? sa gitna? o sa dulo? kung series naman eh.. pano napagkokonekonekta ang mga chars? sya nga pala ate che.. nabasa ko ung mga gawa nila elizabeth, vanessa and others.. marunong cla kung marunong.. pero may napansin akong kulang sa knila.. at un lng ang makikita sa gawa mo.. ung excitement saka thrill.. mga twists and turn.. kya masasabi kong the best ka tlga ! ^^.. gud luck.. and happy holy week ^^ sus, macky! nambola ka na naman! pero salamat! hehehe paano mag-isp ang mga writers? iba-iba trip namin sa buhay. ako nakakapag-isip ng kuwento kapag nasa CR ;D at naglalaba. nagsisimula ako ng kuwento as in meeting,prob, then ending. walang elaborationkasi nasa isip ko pa lang iyon. tas pagagalawin ko sa imagination, hence, ang aking 'lumilipad ang isip' mode. then isulat ko sa paper in draft. mas mapa-polish ang kkuwento once na isinulat ko na siya sa computer. ganon. sa series naman, iniisp ko muna ang individual characters nila. masungit, mabait,playboy,suplado, laidback. dpt iyan ang distinct features nila. ska ko sila bubuuin sa isip ko, then sa draft, then sa novel na.ganon. kaya kung mapapansin ninyo, sa mga series novels ko, may isang sira-ulo, may parang kriminal ang mood, may isang santo, may hayok sa babae...doon ako nag-start pag may sereis...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 20:15:52 GMT 8
singit lng.... since college pa sila.... tma ba ako ate che... yep. since college. so...mga nine years na kaming friendships hehehe. so far, everythings going out smoothly. may isa lng na nawala. si jereth. we had a fallout of some sort. sayang.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 20:25:48 GMT 8
pano po ba mag pakatino ? gusto ko na mag pakabait!!! ilayo nyo po ako kay macky ate che!!! ako pa tinanong mo e napapraning ako kapag nagpakatino ako. siguro ....matulog ka na lang. siguradong titino ka na nun. pag nagising ka, e, tsaka ka nalang uli mamuroblema kung paano tumino. isipin mo na lang na shinigami si macky...at ikaw ay si ryuk? hehehheh gulo. magdasal ka.everyday.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 11, 2007 20:31:41 GMT 8
isa pang tanong.... ano ba ang gusto mong ambiance ng lugar pag nagsusulat ka? tahimik o maingay? tahimik na maingay. tama ba? tahimik ang paligid ko pero maingay ang nasa tenga ko. to be mroe precise...sa madaling araw ako nagsusulat kpag tulog na lahat ng tao sa pinas habang naghuhumiyaw ang asian kung fu generation at l' arc en ciel (jap bands) sa tenga ko. hindi ko rin alam kung bakit gnyan. basta kapag nalulunod n kasi ako sa choice of music ko, parang blockout narin lahat sa paligid ko. nagkakaroon na kao ng sarili kong mundo at once na may nakita akong gumalaw na tao sa paligid ko, distracted na ako. magpapalit na naman ako ng wallpaper sa computer ko ng mga...3 hours.
|
|