|
Post by soniafrancesca on Oct 5, 2012 6:39:06 GMT 8
Okay, this thread is for the excerpts of novels that will be released soon. Bakit ko ito ginawa? Para lang magkaroon kayo ng idea na totoong nagsusulat pa po ako hehe!
Enjoy!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jun 12, 2013 3:09:46 GMT 8
Stallion: Revisited 6: RUSHMORE FORTEZA
“O, RUSHMORE. LONG TIME NO SEE.” Daig pa ni Maora ang nakakita ng aparisyon nang salubungin sila ng pagbati mula sa vocalist ng Sentinel na si Tommy. Sa dressing room ng banda sila nakarating ni Rushmore pagkatapos nitong kausapin kanina ang manager ng banda na siyang nagbigay din sa kanila ng puwesto malapit sa stage para mapanuod ng maayos ang performance ng Sentinel.
Akala niya ay langit ng maituturing niya ang makalapit ng ganon sa stage. Pero meron pa palang mas magandang supresa sa kanya si Rushmore. Nang magkaroon ng five-minute break ang banda para sa paghahanda ng mga ito sa huling bahagi ng concert, muling nilapitan ni Rushmore ang manager ng banda at ilang sandali pa ay inihahatid na sila nito sa dressing room ng Sentinel. And now…she was face to face with her ultimate band.
“Hey, Tommy. Good to see you too.” Nakipag-shakehands pa si Rushmore kay Tommy. “By the way, puwede kayong maistorbo sandali? Gusto lang magpa-autograph at magpa-picture ng kasam ako.”
“Girlfriend mo?”
“Hindi,” singit na niya. “Magkasama lang talaga kami. Hi, Tommy…ang pogi mo…”
“Salamat. Pero pogi rin naman itong…kasama mo.”
“Cut the teasing, Tommy. Just give her what she wants.”
Nakangiti lang si Tommy nang pumirma ito sa notebook na ibinigay niya rito. Nagpiyesta rin siya sa pagkuha ng larawan nito gamit ang kanyang cellphone.
“Ano iyan, ha?” Lancer, the band’s lead guitarist, just came in. “O, Rushmore. Naligaw ka uli sa concert namin. Sino iyang kasama mo? Girlfriend mo?”
“Magkasama lang daw sila,” sagot ni Tommy na ipinasa naman kay Lancer ang notebook. “Sign for her.”
“Hindi kayo magkasintahan pero magkasama kayo sa concert namin. Ah, I know. You’re on a date? Sweet.”
“Ah, we’re not together,” pagtatama uli niya.
Ang bassist namang si Jaycob ang sunod na pumasok. “Hey, man. Good to see you again. Oh. Kasama mo ang girlfriend mo. That’s nice. Hope you’re enjoying our concert.”
“They’re not together,” pagtatama Lancer sabay bigay ng notebook dito. “Give her your autograph. Gayahin mo ‘yung dedication namin nina Lancer at Tommy.”
“Rushmore, dude!” It was Raijin, the band’s drummer. “Uy, may girlf—“
“They’re not together!” sabay-sabay na sagot ng mga kabanda nito. Sabay salpak ni Lancer ng notebook sa kabanda nito. “Pumirma ka na lang.”
“You’re not together? So bakit kayo magkasama? Magpinsan kayo? Magkapatid sa labas?”
“Just sign the darn notebook,” iritadong wika ni Rushmore.
Parang gusto niya itong sawayin sa paraan nito ng pakikipag-usap sa pinakasikat na banda sa bansa. Pero mukhang normal na lang sa mga ito ang ganong klase na usapan base na rin sa pagiging kumportable ng mga ito sa isa’t isa. Big time talaga itong si Rushmore. Stallion boy na nga, kadikit pa ang Sentinel band.
Puwede kaya niya itong kaibiganin?
Hindi puwede. Pinapalayas ka na nga niya sa buhay niya, hindi ba?
“O, picture naman bago kami bumalik sa stage.”
Hindi na niya maitago ang kanyang kasiyahan nang dumikit sa kanya ang mga band members lalo na nang umakbay pa si Raijin sa kanya. Mula sa likod ng hawak nitong cellphone na gagamitin para sa camera niyon, nakita niyang nagsalubong ang mga kilay ni Rushmore.
“Take your arm off Maora’s shoulders, Raijin.” Isa iyong matinding utos.
“Bakit?”
“A, hindi. Okay lang iyan!” singit niya.
“Sa akin hindi okay.”
“Ha?”
“Ayokong makakita ng pagdanak ng dugo rito kapag nagselos ang fiancee niyang si Hellene.”
“Oh, don’t worry. Hindi naman selosa si Hellene ko pagdating sa mga fans ko.” Idinikit pa ni Raijin ang mukha nito sa mukha niya. “Game na!” Pinaganda niya nang husto ang kanyang ngiti. Pero ang lolo Rushmore, tila wala pang balak na kuhaan sila ng larawan. Pinandilatan niya ito nang husto. Hanggang sa wakas ay kumilos na rin ito at tuluyan na silang kinuhaan ng larawan. Tamang-tama namang pagpasok ng manager ng mga ito.
“Let’s go, guys. Encore na.”
Nagpaalam na ang Sentinel band at nagmamadali na ang mga itong lumabas ng dressing room. Nang mapag-isa ay excited niyang tiningnan ang cellphone ni Rushmore upang tingnan ang nakuhang larawan doon.
“Bakit puro bumbunan lang ng Sentinel ‘to?! Ni hindi ako nakuha sa picture!”
“Burahin natin kung ayaw mo.”
At bago pa man siya makapag-react ay nabura na nito ang larawan. Hindi na niya halos matandaan kung kailan ang huling beses siyang naiyak. At mukhang ngayon na lang uli mauulit iyon.
“Rushmore, you’re a jerk!” Iyon lang at nagmartsa na siya palabas ng dressing room. [/size]
|
|