|
Kai
Dec 6, 2011 14:42:17 GMT 8
Post by soniafrancesca on Dec 6, 2011 14:42:17 GMT 8
Mag-iipon lang ng eksena bago mag-proceed sa nobela.
|
|
|
Kai
Dec 6, 2011 14:43:15 GMT 8
Post by soniafrancesca on Dec 6, 2011 14:43:15 GMT 8
***TAHOOOOOOO!***
Eros: “Tang, pabili ho ng taho.” Kai *looks over*: “Ano iyan?” Eros: “Taho. Gusto mo?” Kai: “Masarap ba iyan?” Eros: “Saang bundok ka ba nanggaling at hindi mo alam kung ano ang taho?” Kai: “Wala niyan sa Japan eh.” Eros: “A, Japan...” *tango tango* “Hindi ka naman mukhang Hapon.” Kai *still looking over the taho*: “Mukhang tofu.” Eros *pabulong*: “Kawawa namang bata ito.” *baling sa magtataho* “Tatang, pabili pa ng isang cup. ‘Yung tig-dos lang. Baka kasi hindi naman magustuhan ng isang ito e masayang lang.”
Kai enjoyed the taho, kaya sinundan si Magtataho para bumili ulet. Eros sumunod din, feeling kasi mukhang sira ulo si Kai. Baka mapagtripan ng mga tambay. Hindi pa rin nilubayan ni Kai ang Magtataho. Sumama pa ito at sumigaw. Nagpahinga ang Magtataho dahil napagod.
Eros: “Tang, ilang taon na kayo?” Magtataho: “Naku, magsisingkuwenta na ako, ineng.” Eros: “Mukhang pagod na kayo. Gusto ho ninyo ng tulong?” Magtataho: “Naku, huwag na. Sanay na ako sa ganitong trabaho.” *nilingon si Kai na nagse-salestalk ng taho sa mga dumadaang tao* “Nakakatuwa ang binatang iyon. Mukhang inosenteng inosente.” Eros: “Mas tamang term ang ignorante, Tatang.”
Nilingon ni Eros ang pinanggalingan. Ang paligid. Hindi na siya pamilyar sa mga nakikita kaya siguradong malayo na ang narating niya sa kakasunod sa ignoranteng Hapon na iyon. Ano ba kasi ang nakain niya at sinundan-sundan pa niya ito? Pati tuloy siya napapahamak.
Eros: “Kai!” Kai *lapit*: “Nani?” Eros: “Nani nani ka diyan. Naliligaw na tayo!” Magtataho: “Huwag kayong mag-alala. Sundan lang ninyo ang pinanggalingan natin at makakabalik na kayo kung saan man kayo nakatira.”
Tumayo ang Magtataho at nahilo yata ito kaya medyo gumewang ang paglalakad nito. Mabuti na lang at nasalo ito ni Kai kung hindi ay bumagsak na ito sa mabatong kalsada.
Eros: “Okay lang ba kayo, Tatang?” Magtataho: “Ayos lang ako. Kailangan ko pa sigurong magpahinga pa ng konti.” Kai: “Namumutla na kayo.” Magtataho: “Ayos lang talaga ako.” Kai: “Huwag na kayong magtrabaho ngayon, Tatang. Bibilhin ko na lang lahat itong taho ninyo.” Magtataho: “Naku, nakakahiya naman sa iyo, iho. Marami pa itong taho ko. Hindi mo ito mauubos.” Kai: “Ako na ho ang bahala.” *Kai gave all his money from his wallet*
Luwa ang mata nina Eros at ng Magtataho. Ang daming pera. Hapon nga siguro si Kai. Ang daming pera, eh!
Kai: “Wag mo na ako suklian.” Eros: “Anong gagawin mo sa dami ng taho na iyan? Kapag inubos mo iyan, bukas na bukas din idedeklara kang isang malamig na bangkay.” Kai: “I’ll let the other band members try this. Siguradong magugustuhan din nila ito.” *he was looking at the taho with much interest* “Can I try this?” Eros: “Hindi mo kaya iyan. Mabigat iyan.” Kai: “Malakas ako. Kakakain ko lang ng taho. Hindi ba, Tatang?”
Tumawa lang ang magtataho. Sinubukan na ni Kai na ipasan sa balikat ang kahoy na nagdudugtong sa dalawang lata ng taho. Hindi alam ni Eros kung matatawa ba siya, maaawa o matutuwa sa ignoranteng Hapon na ito. He looked like a kid who was curious of everything and just wanted to try it at the same time. Not to mention he was kind enough to buy all those taho just to keep the old man from carrying that heavy thing.
Kai *nag-umpisa ng maglakad*: “Tahoooooooo! Taho-oooooohhh!” Bata1 *takbo palapit*: “Pambili!!” Kai *putting down the taho*: “Yosh! Ilan, o-chibi?” Bata1: “Hindi ochibi pangalan ko.” *teary eyed sabay takbo* “Waaaah! Maaamiiii!!”
Doon na tuluyang natawa si Eros. The guy looked cute looking lost and clueless as to why the kid ran away wailing.
Magtataho: “Ang mabuti ihahatid ko na lang kayo pabalik sa pinanggalingan ninyo. Alagaan mo ang binatang iyan, ha, ineng? Parang ang dali niyang makidnap, eh.” Eros: “Oo nga ho, eh.” Magtataho: “At kung gusto mo siya, dapat lagi mo nga siyang sasamahan kahit saan siya magpunta. Sayang kung may ibang makakadampot diyan.” Eros: “Tatang, alagad kayo ni Boy Abunda, ano?”
Pero tila nangulot ang buhok sa ilong ni Eros nang makitang may tatlong babae ang lumapit kay Kai. Isang tingin lang niya, sigurado na siyang si Kai ang gustong bilhin ng mga ito at hindi ang taho nito. Kaya nilapitan na niya ang mga ito.
Girl1: “Pogi, magkano ang taho mo?” Kai *beaming*: “DOS LANG!” *sabay peace sign*
|
|
|
Kai
Dec 15, 2011 0:54:52 GMT 8
Post by soniafrancesca on Dec 15, 2011 0:54:52 GMT 8
“HAPPY BIRTHDAY, EROS!”
Bored si Eros kaya umalis ng bahay at bumili ng ice cream in cone sa grocery store na malapit sa kanila. Ayaw pa niyang umuwi dahil wala naman siyang kasama sa bahay nila kundi ang dalawa nilang katulong. Naupo siya sa bench sa park na malapit doon para mag-isip ng iba pang puwede niyang gawin at puntahan sa araw na iyon. Nang marinig niya ang malamyos na tunog ng gitara sa likuran niya. Baliktaran kasi ang upuan ng mga benches doon kaya nang lingunin niya iyon ay nakita niyang tutok na tutok sa pagkalabit ng gitara nito ang lalaking magtataho, also known as Kai.
Hindi pa siya nito napapansin kaya siguro hindi pa ito lumilingon din sa kanya. Gusto sana niya itong malakas na hampasin sa balikat nito pero naeengganyo siya sa tunog ng gitara nito na tila pinagpa-praktisan pa lang ang kung anomang musikang napili nitong tugtugin. Isa pa...nang mga sandaling iyon ay tila gusto lang niya itong pagmasdan.
Kai had an unsually cute face for a guy with his height and built. His stylish messy hair which she knew was the common hairstyle in the country he came from, suited him well. His eyes were warm and friendly. And when he smiles, everything seemed to be cute and cuddly like him. If there was such a thing.
Hindi niya kokontrahin ang sariling assessment na iyon sa binata. Ganon naman talaga si Kai. Kaya nga siguro maraming babaeng parang laging nama-magnet dito. His innocent charm was irresistible and his friendly nature would make you feel so good about yourself. No wonder pinagmamasdan lang niya ito ngayon. Sa unang pagkakataon mula nang mag-umpisa ang araw niya, ngayon lang siya nakaramdam na okay pa rin pala ang lahat kahit hindi tulad ng mga inaasahan niya ang nangyayari.
Huminto ito sa ginagawa at nag-angat ng tingin. Enjoy pa siya sa ginagawang pagtitig dito kaya huling-huli tuloy siya nito nang bumaling ito sa kanya.
“Oh. Konichiwa, Eros-chan.”
Napakurap-kurap siya. “Ha?”
“I just said ‘hi’.” And then she smiles.
And she forgave him immediately. “Oh. Hi din.”
“Kanina ka pa dito? Ngayon lang kasi kita napansin.”
“Hindi. Kadarating ko lang. Galing akong grocery.” Itinaas niya ang biniling ice cream. “Sorry isa lang ito kaya hindi kita mahahatian.”
“Ayos lang.” Ipinatong nito ang isang braso sa sandalan ng bench na nakapagitan sa kanila. “Anong okasyon?”
Nagulat siya sa tanong nito. “Bakit mo tinatanong?”
“Hindi mo kasi ako pinapagalitan. Usually, kapag nakikita mo ako, nakakunot na agad ang noo mo. At kapag kinakausap mo ako, lagi kang highblood.”
“Oy, Kai. Masama ang magbintang.” Inirapan pa niya ito saka binalikan ang pagkutkot sa kanyang ice cream.
“Okay lang naman iyon sa akin. Pasaway naman talaga ako kaya nga lagi akong pinapalayas ng mga ka-banda ko sa pad namin.” Binalikan na nito ang pagtipa sa gitara at muling ipinagpatuloy ang pag-e-ensayo.
Kai was cute, charming, friendly and nice. She couldn’t stay irritated with him for a long time. Even if that was kinda weird.
“Nagpa-practice ka?” tanong niya rito mayamaya. “Bano mo naman tumugtog ng gitara.”
Tumawa lang ito. “Pasensiya na. Drums kasi ang forte ko.”
When would this guy ever learn not to be too nice? And too cute? “Kung ganon bakit pinagtitiyagaan mo pang mag-aral niyan? Mag-stick ka na lang sa kung saan ka magaling.”
“Hindi ko naman kasi puwedeng laging dalhin ang drum set ko kahit saan ako magpunta. Nag-aaral lang akong mag-gitara pampalipas oras kapag nasa labas ako.”
Oo nga naman. “Bakit hindi ka na lang magpaturo kina Uruha at Aoi? O kay Reita.”
“Walang tiyagang magturo ang mga iyon. Si Ruki naman gusto niya ng genius na estudyante. ‘Yung kuha agad ang mga sinasabi at itinuturo niya sa loob lang ng ilang segundo.”
“Baliw ba iyang si Ruki?”
“Madalas,” natatawa nitong sagot. “Anyway, may isang guitar piece akong pinag-aaralan at feeling ko ay malapit ko na iyong makuha.”
“Ow? Parinig nga at nang malait kita pagkatapos.”
“Nah. Hindi ko pa masyadong gamay iyon kaya baka masira lang ang araw mo kapag narinig mo.”
At that moment, with Kai giving her a charming innocent smile, she felt like she wanted to make him happy in return. “Kanina pa sira ang araw ko kaya walang maiiba pa kung dagdagan mo man ang pagka-badtrip ko ngayong araw.”
He took the ice cream from her and peeled its paper cover for her before giving it back. Sa isa pang pagkakataon, ginulat siya ng kakaibang lalaking ito.
“Okay. But don’t say I didn’t warn you,” wika nito pagkatapos saka nag-umpisang tumugtog. Paminsan-minsan ay pumapalya nga ang pagkalabit nito sa mga strings pero nakakabuo na ito ng musika.
At pamilyar sa kanya ang musikang iyon.
Then Kai started singing. “Happy birthday to you...happy birthday to you...ha-happy...birth...birthday...happy birthday...haaaaapy birthday...” He turned to her with a smile. “To you~.”
The song ended. The music stopped. Her heart started thumping like crazy. She felt like melting under those nice smile and warm gaze.
“Eros, baby!”
Nilingon niya ng sumigaw na iyon. It was her father. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kinauupuan niya, bitbit ang isang boquet ng mga bulaklak at isang karton na alam niyang cake dahil sa tatak niyon.
“Happy birthday!” Her father looked so proud. “Akala mo nakalimutan ko na, ano? Well, biro ko lang ‘yung sinabi ko sa iyon na maghapon akong may meeting sa barangay hall. Gusto lang talaga kitang sorpresahin.”
“Birthday mo pala ngayon?” narinig niyang tanong ni Kai.
Tumango lang siya. Ibinigay niya rito ang kanyang ice cream bago tumayo at nilapitan ang kanyang ama.
“My baby’s crying. Masyado ka bang na-touched sa surpresa ni Papa sa iyo? Hmm?”
Ngumiti lang siya saka tinuyo ng kanyang kamay ang namuong luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos ay kinuha niya rito ang mga bulaklak at itinulak na ito para maglakad na sila patungo sa kanilang bahay.
“Sino iyon?” tanong ng kanyang ama.
“Si Kai.”
“Boyfriend mo?”
“No.”
“Manliligaw?”
“No.”
“Crush mo?” Hindi na siya sumagot. “Ah! Dalaga na nga ang anak ko. May crush-crush na siyang nalalaman ngayon.”
“Pa, twenty five na ako.”
Nilingon nito si Kai. “Guwapo, anak. Medyo magulo lang ang buhok at kakaiba ang taste niya sa pananamit. Pero bagay naman sa kanya kaya boto na rin ako sa kanya.”
“Pa.”
“O.”
“Nakatingin pa ba siya sa atin?”
“Oo. Nakatayo na nga at nag-bow pa.”
She suppressed a big smile on her lips and walked as elegantly as she could.
|
|