|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:40:37 GMT 8
Since minsan na lang ako maligaw rito, maglalabas ako ng list of upcoming novels ni SF. Yun nga lang, hindi na as SONIA FRANCESCA. Yes. Nagsusulat na po sa ibang publication si Ms. Sonia Francesca.
Sana po, tangkilikin nyo pa rin ang mga gawa niya sa ibang publication.
But, dont worry people. She's still with PHR. Yun pa rin ang kanyang mother publication.XD
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:41:22 GMT 8
NOBODY BUT YOU by Marrion Grace from My Special Valentine
Nakarating siya sa kusina sa paghahanap sa lintik na lalaki nang bumukas ang pinto ng banyo roon. Mula roon ay lumabas ang isang lalaki na naka-sweat pants lang at pinupunasan pa ng tuwalya ang basang buhok. Mukhang katatapos lang nitong maligo. Her eyes roamed over his body. From his broad shoulders, sturdy-looking arms, wide expanse of chest and tapered waist. Napalingon ito sa kanya.
“Ang kapal naman ng mukha ng Knight na iyon,” malakas niyang sambit. “Talagang nagdala pa ng excess baggage.” Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa bat. “Where’s that idiot?”
“Who?”
“That idiot who brought you here. Knight Hontiveros.”
“That idiot is right in front of you.”
“What?”
Isinampay nito ang tuwalya sa balikat saka naglakad patungo sa kanya. Tumayo ito sa harapan niya at doon lang niya pinagtuunan ng pansin ang kabuuan ng itsura nito. Kung itsura pa ngang matatawag ang itsura nito. Balbas, bigote, may kahabaan na buhok na tila wala naman sa ayos ang pagkakagupit. Kung hindi lang dahil sa malinis naman nitong pangangatawan, masasabi na niyang kumpol lang ito ng buhok na tinubuan ng pagkatao. Nevertheless, he was hot.
d**n it. ‘Must get back on track again…
“And who the hell are you?” he demanded. The nerve. “Where’s Ruth Jean?”
“Huwag mo sabi akong tatawaging Ruth Jean!” He smelled good too. “At puwede bang magbihis ka naman? Naeeskandalo ang utak ko sa iyo!”
Saglit itong natahimik na tila ba tinitimbang ang mga sinabi niya. “Ikaw si Ruth Jean? Pero imposible iyon. Pangit ‘yun nung mga bata pa kami. At mataba. Ikaw, maganda at seksi. Kung may pagkakapareho man kayo, siguro iyon ang pagiging mabango ninyong dalawa.”
“Wala na bang karapatang gumanda ang isang ugly duckling?” Mabuti na lang bumawi ito sa mga huling sinabi dahil kung hindi, ang baseball bat niya ang huling bagay na makikita nito bago mawalan ng ulirat.
“Ruth Jean’s not an ugly duckling. She’s the Anti-Christ in the making when we were young.”
“And you’re really starting to annoy me.” Tinalikuran na niya ito. “Magbihis ka at saka tayo mag-usap ng maayos.”
“Kung ganon magbihis ka na rin. You look too uptight with your clothes.” Kiniuha nito ang t-shirt na nakasampay sa likod ng isang silya. “Nakakahinga ka pa ba ng maayos niyan?”
“Huwag mong pakialaman ang damit ko.”
“Hmm.” Isinuot na nito ang t-shirt. “Oo nga pala, nasaan si Ruth Jean?”
Ang kulit!
“Hindi ba’t pangit at mataba si Ruth Jean? Bakit mo pa siya hinahanap?”
“Because I miss her,” simplengsagot nito. “Ang tagal na naming hindi nagkita. Gusto ko sanang yakapin ang pangit at matabang iyon.”
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:42:27 GMT 8
A LITTLE NOT OVER YOU by Sumire Villegas from Dream Love ***Dream Love is PHR's sister publication***
ANG INIT NG sikat ng araw. Nangangawit na rin ang mga braso ni Liezel sa mga bitbit na grocery bags kaya nagpahinga na muna siya sa harap ng isang bahay na may libreng waiting shed. Alas onse pa lang ng umaga kaya medyo masakit pa sa balat ang araw. Naisipan niyang mag-grocery dahil tinatamad pa siyang magtrabaho sa harap ng kanyang computer.
Nakakailang paypay pa lang siya ng kamay sa pawisan niyang mukha nang bumukas ang gate at lumabas doon si Ross. May hawak itong liyabe habang hinuhubad ang suot na guwantes. Mukhang katatapos lang nitong magkutingkitng ng sasakyan dahil may mga gurlis pa ng grasa ang damit at mukha nito. Nakalilis din ang manggas ng suot nitong t-shirt kaya malinaw na malinaw sa kanyang mga mata ang toned muscles sa mga braso at biceps nito. Parang ang sarap pisil-pisilin.
Muntik na niyang masampal ang sarili dahil sa mga naiisip na iyon. “Haiz! Bakit ba nagawi pa ako rito? Makaalis na nga lang.”
Pero huli na dahil napadako na sa kanya ang atensyon nito. Saglit silang nagkahulihan ng tingin bago siya may narinig na malakas na tunog. Ipinalo pala nito ang hawak na liyabe sa gate para marahil gisingin siya. Nang mapakislot siya ay sumilay na naman ang nakakalokong ngiti sa labi nito.
“Huwag kang mag-alala, aalis na rin ako.”
“Hindi naman kita pinapaalis.” Napakunot-noo pa siya nang lumapit ito. “Nag-grocery ka?”
“Hindi. Namundok ako.”
How could this guy looked so hot even in his greasy state? Goodness!
“Nagsusungit ka na naman, Liezel.”
“Ikaw diyan ang nangungulit.” Inilayo niya rito ang mga grocery bags nang tangkain nitong silipin iyon sa pamamagitan ng liyabe nito. “Huwag mo akong kausapin.”
“O, galit ka na naman. Masama sa puso ang laging highblood.”
“Huwag kang magpakita sa akin at nang hindi ako hina-highblood.”
“Ikaw kaya ang nagpakita rito.”
“Kaya nga lalayas na ako.”
“Teka lang.” Hinawakan siya nito sa kanyang braso at hinila pabalik sa kinauupuan niya kanina. “Mag-usap nga tayo ng masinsinan, Liezel. Galit ka ba sa akin?”
“Oo.”
“Ikaw naman. Hindi ka man lang nagpakipot ng sagot.”
Inilayo niya rito ang kanyang braso. “Aalis na ako.”
“Agad? Magpalamig ka muna sa loob. Siguradong nainitan ka sa paglalakad mula sa grocery store.” Diskumpiyado niya itong tiningnan. Balewala lang itong ngumiti sa kanya. “I’m being nice to you, Liezel. For old time’s sake. So come on, loosen up.”
“I am!” gigil niyang wika rito.
“Good.” Kinuha nito sa kanya ang mga grocery bags. “Ako na.”
Maybe she needed to loosen up a bit when it comes to him. Napapagod na rin siyang makipagpatintero rito kapag nagkakataong magkita sila ng hindi sinasadya. At mas lalong wala siyang balak na mapagkamalang iniiwasan ito.
“Kaya mo ba?” tanong niya rito. “Baka magka-maskels ka.”
“Anong palagay mo sa mga muscles ko, pipitsugin? Huwag mong igagaya ito sa mga muscles mong sagana sa steroid.”
“Sapakin kita riyan, eh.”
Tumawa lang ito saka inisahang bitbit ang mga grocery bags at nauna ng naglakad papasok ng bahay nito. Sumunod na lang siya. Ah, see? It was easier to just let every disagreement pass and move on. Maaaring hindi na sila ganon ka-close ni Ross gaya noong mga bata pa sila. But they were still friends, despite their constant bickering.
“Pakisara po yung gate,” baling nito sa kanya. “Baka may makapasok na mga asong ulol at pusang gala.”
“Wala namang ganon sa barangay natin.”
“Mabuti na ang sigurado. Para ikaw na lang ang iintindihin ko.”
“Kagatin kaya kita?”
“O, nanggigigil ka na naman sa kakisigan ko. Liezel, behave yourself.”
“I’m really gonna bite your head off.” Pero isinara na rin niya ang gate bago sumunod dito. Malaki at malawak ang lupain ng mga Dominguez na mukhang ipinamana kay Ross ng mga magulang nito dahil ito na lang ang nag-iisang nakatira roon kasama ng matagal ng kawaksi ng pamilya nito na si Manang Nati.
“Aba, mabuti naman at naligaw ka uli dito, Liezel,” nakangiting bati ng matanda pagpasok nila ng kusina. “Ang tagal mo na ring hindi nakakapunta rito, akala ko talagang nag-break na kayo ni Ross.”
“Break? Naku, Manang, hindi ho ako pumapatol sa mga girl.”
“Mas lalong hindi ako pumapatol sa mga boy,” singit ni Ross.
“Heh!”
Tumango lang ito at inilagay sa ibabaw ng kitchen table ang mga grocery bag bago pumasok sa banyo. Para maglinis siguro ng mga dumi sa katawan. Paglabas, mukha pa rin itong madungis. Pero guwapong madungis.
Liezel, saway ng munting tinig sa isip niya. Behave.
“Busy lang iyan sa pagpapayaman, Manang,” wika ni Ross. “Ayaw paistorbo. Ayaw ding mamahagi ng pera. Madamot.” Winisikan pa siya nito ng tubig bago nagpunas ng kamay. “Kumusta nga pala si Tita Milagros?”
“’Ayun, busy pa rin sa krusada niyang magka-boyfriend ang kanyang unica hija.”
“Hindi pa rin siya sumusuko?” Naupo sa bakanteng silya si Ross pagkatapos maglabas ng mga ingredients para sa sandwich na gagawin. “Sabihin mo sa kanya, mabubuhay na lang uli ang mga dinosaur pero ikaw, hinding-hindi na makakatikim ng biyaya ng Diyos sa kababaihan.”
“Sinabi ko na iyan sa kanya. Ang sabi niya, kahit mukhang dinosaur daw ay pikit-mata na niyang tatanggapin basta magka-boyfriend lang ako.” Dumampot siya ng isang piraso ng loaf bread. “Ewan ko ba sa nanay kong iyon. Ang kulit.”
Inagaw nito sa kanya ang tinapay at pinalitan iyon ng bagong gawa nitong sandwich. “Kunsabagay, hindi ko siya masisisi. Nag-iisa ka nga naman niyang anak. Tsk. Ang malas ni Tita. At ilang taon ka na nga? Forty? Hay, ang malas talaga ni Tita.”
“Anong forty? Hoy, twenty nine pa lang ako next month.”
“A, akala ko forty.” Tumango-tango lang ito. “So, bakit nga ba wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon? Don’t tell me you’re still carrying a torch for me.”
“Yeah, dude,” asar niyang wika rito. “Ang galing ng English mo pero hindi ko naintindihan.”
“Are you still inlove with me, Liezel?”
“Dude, wala namang bastusan.”
Tumawa lang si Ross. Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang ginawa nitong sandwich para sa kanya. Masarap pa rin gaya ng dati. Yep, noong close pa sila ni Ross ay hobby na nitong pakainin siya ng mga gawa nitong pagkain.
Ah, she missed this too…
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:44:15 GMT 8
LOVING ALUCARD by CHERIE LEI from Chapters and Pages
Teaser#
Abala sa pagra-rally sa kalye si Juyi Mei nang makilala niya si Alucard Montefalco, ang lalaking weird na ang pangalan e weird pa ang pananamit. Pero sa lahat ng weird, ito na yata ang pinakaguwapo.
The only problem is, she hated him. He’s an egoistic maniac who doesn’t have a care in the world besides his world. At bilang kasapi ng isang women organization, sigurado siyang ito ang tipo ng lalaking buong buhay niyang kakalabanin. Mabuti na lang at magkaiba ang mundo nila kaya hindi na sila magkikita pa. Good.
Pero nagtagpo uli ang kanilang mga landas ng kidnapin nito ang pinakamamahal niyang aso. Ang ransom? Magpo-propose siya ng kasal dito.
Siya. Magpo-propose ng kasal. Dito.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“WALA AKONG balak na pag-aksayahan ng panahon ang mga weird-ong katulad niya. At mas lalong wala akong balak na utus-utusan ng isang lalaki. Manigas siya. Kahit sa panaginip, hindi ako papatol sa kanya.”
Alucard couldn’t help smiling when he caught Juyi Mei’s words. Hindi kasi agad siya tuluyang umalis dahil gusto niyang marinig ang magiging reaksyon ng babae sa kanyang idineklara. Inaasahan niyang magagalit ito at todo ang magiging pagtanggi sa mga sinabi niya. Ngunit nagulat siya nang imbes na ipamukha sa kanya ang kalokohang inalok niya rito ay inignora lang nito iyon at itinama pa siya na ang lalaki dapat ang nagpo-propose sa babae.
“And she even declared me a wierdo,” he muttered as he finally walked out of the place. “Interesting.”
Ngayon lang siya nakatanggap ng ganong kabrutal na description ng isang tao sa kanya. At galing pa sa isang babae.
Noong unang beses niyang nakatagpo si Juyi Mei sa rally kahapon, gustong-gusto na niya itong itupi at paliparin sa ere na parang eroplanong papel para lang mawala ito agad sa paningin niya. Hindi siya sanay sa mga ganong reaksyon lalo na sa isang babae. Iyon marahil ang dahilan kung bakit sa kabila ng pagiging ordinaryo nito ay hindi ito agad nawala sa kanyang isipan. He would even smile sometimes as he recalled that annoying look on her face as they sped away.
“Tingnan natin kung ano ang gagawin mo mamaya, Juyi Mei. May siyam na araw pa ako bago ang deadline ni Klein. So maybe I’ll just enjoy myself a little bit longer.” Pagsakay niya ng sasakyan ay agad niyang tinawagan ang inupahang private investigator. “Medyo mali-late ako ng kaunti sa usapan natin. Masyadong ma-traffic ngayon sa Metro Manila.”
“Okay lang, Sir. Hihintayin na lang namin kayo. Ako na muna ang bahala sa bisita natin tutal hindi pa rin naman siya dumarating.”
“Wala pa siya? Baka naman maunahan ko pa siyang dumating diyan.”
“Dont worry, Mr. Montefalco. He’ll be here just in time.”
“Make sure of that. And what about that Prince thing?”
“Its already here, Sir. Si Mr. Pondevida na lang ang hinihintay ko. maayos na ang lahat.”
“Good. I’ll see you then.”
Ini-off niya ang cellphone saka sumandal sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata. Ang iritadong mukha agad ni Juyi Mei ang agad na pumasok sa kanyang isipan.
“Ang babaeng iyon. Anong karapatan niyang pasukin ang isipan ko?” He opened his eyes and smiled.
Napabuntunghininga na lang siya nang ibaling sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan ang atensyon niya. Maraming makikitang establishments at kung ano-anong eksana sa labas ngunit wala roon ang pansin niya. His mind was set on one particular feisty woman who called him names he couldn’t even imagined of.
Tuluyan na niyang hinayaang mag-swimming ang imahe ni Juyi Mei sa isip niya. Ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng walang pakundangan kung ipamukha sa kanya na hindi nito gusto ang kahit na anong bahagi ng kanyang pagkatao. Well, he doesn’t care. She was just a woman, anyway. Dinampot niya ang kanyang cellphone at tinawagan ang numero ni Juyi Mei.
“Hello?” came a demanding voice.
“Its me. Alucard.”
A pause. “Anong Alucard?”
Nahalata niyang gusto lang nitong mang-asar. “That’s my name.”
“Hindi iyon pangalan. Isa iyong sumpa.”
Hindi na yata mawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Masyadong matapang at walang galang sa dala niyang pangalan. Mukhang hindi pa nito talaga naiintindihan ang kahihinatnan ng buhay nito sa pagdating niya.
“Oo nga pala,” patuloy nito sa patay na boses. “’Yung basurang iniwan mo rito, isasanla ko iyon, ha? Sayang naman kasi kung itatapon ko lang.”
“Kung gagawin mo iyan, ano ang ibibigay mo sa akin mamaya sa proposal mo?”
“Hanggang ngayon ba’y nananaginip ka pa rin ng gising? Hindi ako magpapakasal sa iyo kahit anong gawin mo. Kahit Jupiter pa ang ialay mo sa akin.”
“Hindi naman para sa iyo ang singsing na iyan.”
“Ah, oo nga pala. Sinabi mo nga na ito ang engagement ring ko para sa iyo. Hindi ko talaga maiintindihan ang kabaliwan mo pero alam mo, mas bagay itong singsing sa sanglaan.”
He has a big grin on his face now. “Okay lang, marami naman ako niyan. Huwag mo lang kalilimutan ang usapan natin mamayang gabi. Kung gusto mo pang makita ang pinakamamahal mong si Prince.”
Katahimikan ang sumunod. Mahabang-mahabang katahimikan. Nainip tuloy siya.
“Hey, huwag mo akong tulugan. Kinakausap pa kita.”
“A-anong…ginawa mo kay Prince?”
“Well, depende iyan sa gagawin mo mamayang gabi.”
“How dare you!” galit na ang boses nito. “Kapag may nangyaring masama kay Prince, I swear, kakatayin kita ng walang anaesthesia!”
“Kung ganon, magkita na lang tayo mamayang gabi. By the way, gusto ko ng unique proposal. A unique and the best proposal. I’m a Montefalco and someone like me deserves only the best. Huwag mong kalilimutan iyan.”
“Sira ulo ka—“
“I’ll just pretend I didn’t hear that.”
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:46:56 GMT 8
FOR THE LOVE OF JEREMIAH by CHERIE LEI from Chapters and Pages ***Ito po ang huling kwento sa Sentinel Series na hindi nakapasa sa precious pages.Remember the producer?
Teaser
Iniwan si Janeth ng kanyang ka-date na si Jaycob at nagtapat ng pagmamahal sa ibang. Ayos lang. Dahil hindi naman ang bassist ng sikat na bandang Sentinel ang puntirya niya nang gabing iyon kundi ang guwapong record producer ng banda.
Si Jeremiah.
She could say na crush niya ito noong una pa lang niya itong makita. Kaya nga nang magkaroon siya ng pagkakataon na muli itong makita, hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. IYon ang nagbigay daan para magkalapit sila ng binata at makilala ito ng husto. Her crushed bloosommed into love because he was eveyrthing any woman was looking for in man.
And kaso, may girlfriend na ang lolo.
Kaya pa kaya niyang makipagsabayan sa girlfriend nito? tutal naman, gilfriend pa lang, puwede pa siguro. All is fair in love and war naman, di ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
WALANG MASABI si Janeth nang mapanood ang video ng Sentinel kahit hindi pa iyon pulido at na-e-edit nang husto.
“Ano sa tingin mo?” tanong ni Jeremiah sa kanyang tabi. “Marami pang kulang, ano? Dapat ay nakukuhaan ang lahat ng anggulo ng banda. And the lights should have been a lot more paler. Hindi ba?”
“Nagrereklamo ka pa ng lagay na iyan? E kahit ngayon puwedeng-puwede mo ng ilabas iyan sa media. Its that good already, Jeremiah.”
“I don’t want it to be good. I want it to be the best, just like the other music videos of the Sentinel.”
“Oo nga, tama ka.” Nakita niyang napangiti na lang ang direktor. “Sumang-ayon ka, kuya. Pinuri ka namin.”
Tumawa lang ito. “Kung hindi ka pa satisfied, Jeremiah, puwede pa nating ayusin ang mga nakikita mong kulang. Sabihin mo lang at akong bahala kumuha ng detalye. Gusto ko uli ng Music Video of the Year award, he-he.”
Napansin niyang natahimik sa kanyang tabi si Jeremiah kaya nilingon niya ito. Nakatingin lang ito sa kinaroroonan ng mga instrumentong inabandona nina Tommy, tila ba may kung ano itong hinahanap doon. Without looking and still in deep thought, he picked up another piece of lemon tart from the tupperware he hostaged.
Ang guwapo ng mama’ng ito talaga. Take note, nahalikan pa siya nito. Muli niyang idinampi ang kanyang palad sa pisngi niyang ninakawan nito ng halik. Impit siyang natawa. Narinig yata siya nito kaya lumingon ito sa kanya.
“Something wrong?” tanong nito.
“Wala naman.” Pa-kiss uli, puwede? “May dumi ka sa gilid ng bibig mo.”
“Hmm?”
“May dumi ka sa gilid ng bibig mo,” ulit niya saka iminuwestra ang kanyang bibig. “Dahan-dahan lang sa pagkain, Jeremiah. Wala namang aagaw sa iyo niyan.”
“Naninigurado lang.” He swiped his finger on the side of his mouth and licked his finger.
Inay ko po! Inaakit ako! At naaakit ako!
“Siyanga pala, pasensiya na sa ginawa ko kanina. I couldn’t help kissing you. You were just so cute looking so excited and I felt like I had to kiss your pretty little cheek.”
“Okay lang. Enjoy naman ako, eh.”
Hindi yata nito inaasahan ang naging sagot niya kaya saglit itong natigilan. Pero agad din itong nakabawi at nakangiting iiling-iling na lang.
“You really are something, Janeth.”
“Oye!”
Tumawa na ang direktor na kanina pa nanonod sa kanila. “Miss, I like you. Can I court you?”
“Just stick to your camera, Dan.” Pagkatapos ay hinila siya ni Jeremiah patungo sa kinaroroonan ng mga instrumento ng Sentinel.
Pigil na pigil ang kanyang pagngiti habang sumusunod na lang dito. Kanina, kiss. Ngayon naman, holding hands. There is God! Pero binitiwan na nito agad ang kanyang kamay paglapit nila sa harapan niyon, kaya medyo sumemplang ang pantasya niya.
“Huwag mong pansinin si Dan.”
“Hindi talaga,” mabilis niyang sagot. “I mean, hindi ko siya type.”
“Good.”
It was her turn to smile. Masaya ito na wala siyang gusto sa tsismoso’t malanding direktor nito kaya kahit sandali ay hinayaan niya ang sariling magpatuloy sa kanyang pantasya. Na may gusto ito sa kanya, kahit paano.
Wagi ang pakiramdam, sister…
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:51:41 GMT 8
I LOVE HOW YOU LOVE ME by CHERIE LEI from Chapters and Pages
Teaser:
Kailangan ni Mari ng pera kaya laking pasasalamat niya nang dumating sa kanya ang pagkakataon na kumita ng malaki. May natulungan kasi siyang matanda at inalok siya nito ng magandang trabaho bilang caregiver ng apo nito. Agad niya iyong tinanggap. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang kanyang aalagaan. Railan Castillo was probably the most irritating person that ever walked on the planet, in crutches. Unang tuntong pa lang niya sa bahay nito sa Baguio ay pinalayas na siya nito at nasugatan pa siya dahil din sa kagagawan nito. Papatulan na sana niya ito kung hindi lang niya iniisip ang malaking suweldo niya.
At kung hindi lang nagpakita ng kaibaitan ang lalaki sa kanya. Idagdag pa ang pasulpot-sulpot nitong ka-sweet-an. Pera lang ang habol niya rito kaya nga niya pinagtitiyagaan ang sama ng ugali nito. Kaya lang, nagbago ito. Unti-unti, nagbago ito. Until he became the sweetest most gentle person in the world, who made her feel beautiful and treasured. Pero kung kailan naman handa na siyang tanggapin ang nararamdaman niya rito, saka naman siya nito binanatan ng,
“I want you to come with me to visit my fiancee.”
Wapak!
~~~~~~~~~~~~~~
NAGISING SI Mari nang maramdaman ang pagkirot sa kanyang kamay. Nang tuluyang luminaw ang kanyang isip at mag-focus ang mga mata, nakita niyang abala ang isang lalaki sa pagbabalot ng benda sa kanyang kamay.
Kamay…
Bumalik sa alaala niya ang duguang kamay kanina kaya napabalikwas siya ng bangon.
“Mabuti naman at gising ka na,” wika ng lalaki nang iligpit ang mga ginamit sa pag-aasikaso sa sugat niya. “Ngayong maayos na ang pinsala mo, puwede ka ng umalis.”
Hindi niya ito pinansin. Nasa nakabendang sugat niya kasi napunta ang kanyang atensyon. Pero teka, ang alam niya, sa sahig siya nawalan ng malay kanina. Paano siyang nakarating sa sofa na iyon…
Nilingon niya ito. “Binuhat mo ako?”
Masamang tingin ang ibinigay nito sa kanya. “And you said you’re here to help me? You’re making me laugh.”
“And you pushed me.” Itinaas niya rito ang nakabenda niyang kamay. “Kaya ako nagkasugat.”
“Huh. You dare talk back at me?”
She backed off. “Nagpapaliwanag lang naman ako, dude.”
Lalong sumama ang tingin nito sa kanya. Halatang hindi nito nagustuhan ang pagsagot niya. Aaminin niyang sa kabila ng nag-uumapaw na hindi nito kagandahan ng ugali, hindi pa rin maikakaila ang kaguwapuhan nito. He was handsome alright, in a grumpy kind of way.
“I don’t need any help from anyone, and I specially don’t need an annoying person inside my house.”
“I’m not annoying. Hindi ako—“ Nahagip ng tingin niya ang naka-cast nitong binti. Natigatig siya nang ma-realize ang ginawa nitong pagbuhat nito sa kanya nang himatayin siya kanina. “Look, alam kong ayaw mong nandito. Pero kinuha ng lola mo ang serbisyo ko para alagaan ka. Kung ako lang ang masusunod, pagbibigyan kita. Ang kaso, nabayaran na nga kasi ako. At hindi naman ako mapagsamantalang tao na ikatutuwa pa ang umalis dala ang perang hindi naman pinaghirapan. Hindi iyon kaya ng kunsensiya ko.”
“I still don’t need anyone.”
Hay, talaga nga naman. Hindi lang ito mahilig manindak, matigas pa ang ulo. Nilingon nito ang kinaroroonan ng mga saklay nito. Na mga ilang metro rin ang layo sa kinauupuan nitong mesita. Sa kalagayan nito ngayon, dusa ang aabutin nito kapag pinilit nitong kunin ang mga saklay nito kahit gumapang pa ito patungo roon. Gusto niyang ngumisi.
Dont need anyone pala, huh. Sige, abutin mo ang langit.
“What are you sneering at?” iritadong tanong nito.
“Hindi ako tumatawa.” Nilingon din niya ang saklay at muli itong binalingan. “Kailangan mo ng tulong para abutin ang saklay mo? Malayo iyon. Mahihirapan kang kunin.”
Kulang na lang ay bugahan siya nito ng apoy sa paraan nito ng pagtitig sa kanya. Nagkibit lang siya ng balikat.
“Nagmamagandang loob lang naman ako,” wika niya.
Hindi na siya nagtaka nang pinilit nitong tumayo na ilang minuto rin siguro ang inabot bago tuluyang nakatayo ng maayos. Pagkatapos ay iika-ikang naglakad patungo sa kinaroroonan ng saklay. Kung hindi siya nagkakamali, aabutin ng mga forty thousand years bago nito mapasakamay ang mga saklay. Kaya nagkusa na siyang ibigay iyon dito.
He didn’t like it.
“Hindi mo na kailangang mag-thank you,” wika na lang niya nang hablutin sa kanya ang mga saklay. “Bayad ko na iyon sa ginawa mong pag-asikaso sa sugat ko.”
~~~~~~~~~
“Diretsuhin mo lang kalsada sa labas at makakarating ka na sa pinaka-highway,” wika nito na iminuwestra pa ang pinto. “Private road ang kalsada sa labas kaya walang dumadaan na public vehicle dito. Kung aalis ka na ngayon, mas maganda. Hindi maganda ang maabutan ng dilim sa daan.”
“Salamat sa concern. Pero dito na muna ako ngayon.” Agad nagsalubong ang mga kilay nito. “Ah, sabi ng lola mo kasi, dadagdagan niya ang suweldo ko kapag inalagaan kita—“
“Doboblehin ko ang suweldo mo. Umalis ka lang.”
“Sinabi ko na sa iyo. Hindi ako tumatanggap ng perang hindi ko pinaghihirapan.” She stretched her arms. “Nasaan ang kusina mo? Doon ba? Sige, maghahanda na ako ng makakain mo. Ano ba ang gusto mong kainin? Sabihin mo lang at iluluto ko iyon para sa iyo. Kung hindi mo kasi naitatanong, naging chef na rin ako minsan sa buhay ko.”
Chef sa isang karinderya, to be exact.
“I want you to get out.”
“Two months ang kontrata ko sa lola mo para maging tagapag-alaga ko. Kailangan ko ng pera kaya pasensiya ka na.”
“Get out or I’ll throw you out of my house!”
Eksaherado lang siyang kumilos at naglakad patungong kusina habang nang-aasar pa itong nilingon. “Eeeh…habulin mo ako…”
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:54:00 GMT 8
LOVING REITA by CHERIE LEI from Chapters and Pages
Teaser
Walang ibang kinikilala sa buhay si Shayne kundi pera, salapi at lahat ng may monetary sign. Masaya siya kapag nakakakulimbat siya ng kayamanan. Pero lahat ng iyon ay kinukuha naman niya sa mabuting paraan. Takot kasi siyang makarma.
At sa kalagitnaan ng pangangalap niya ng panibagong mapagkakakitaan ay nakilala niya si Reita, ang half-Japanese na napadpad sa Pilipinas dahil nagmahal ng mga Pinay ang dalawa nitong ka-banda. Dahil humarang sa daraanan niya kaya hindi rin nakaligtas si Reita sa mga kuko niya. Nagkaroon ito ng instant utang sa kanya na ayaw bayaran ng binata dahil isa nga lang naman iyong malaking kalokohan.
Tama naman ito. Gusto lang niyang makita ang lalaki lagi kaya gumawa siya ng hokus pokus sa naging utang nito sa kanya. Hanggang sa makita niya ang girlfriend nito. Sa isang iglap, parang gusto niyang magselos. Parang gusto niyang…kanya na lang si Reita.
And so she made him hers. Paano? Pinabayaran niya ang utang nito sa pamamagitan ng pagpapanggap nito bilang boyfriend niya. Bongga, di ba?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
“So, nandito rin si Reita?”
“Hindi ko alam kung sumunod siya sa amin. Hindi kasi namin siya kasabay nung bumiyahe kami rito. Bakit, hinahanap mo siya?”
“Oo. May utang pa siya sa akin.”
Its been almost a month since she had last seen that moron. Oo, isang buwan na. Ang damuho, pagkatapos niyang sabihin dito ang gusto niyang maging kabayaran ng mga nasira nitong gamit niya ay sumama pa rin ito sa babae nito at hindi na nagpakita pa. Dapat talaga ay nagpagawa siya ng kasulatan tungkol doon. Ngayon tuloy, wala na nga siyang mga bagong camera e wala pa siyang boyfriend.
“Shayne, may nangyari ba sa inyo ni Reita-kun?”
“Meron. Hindi pa niya binabayaran ang utang niya sa akin.”
“Kasi naman…paanong lumubo ng ganon kalaki ang utang ni Reita? That was just ridiculous.”
“May sinabi ba akong maniwala kayo? Kayo lang naman ang nag-assume na totoo iyon. Kung binalewala ninyo iyon…” tulad ng ginawa ng impaktong Reita na yun. “…wala namang problema.”
“Right, right. Ah, well, kung anoman ang isyu sa pagitan ninyo ni Reita-kun, sana maayos na at nang makabalik na rin kami sa concentration namin sa trabaho. Ibabalik ko na kay Lauren itong cellphone.”
Pakialam ko naman sa concentration ninyo.
“Hello, Boss. Ibababa ko na ‘tong phone, ha? Kumikirot na naman kasi ang ulo ko.”
“Tse. Ang sabihin mo istorbo lang ako sa inyo ni Uruha mo. Sige na. Babay na. Pagaling ka agad.”
“Yes, Boss. Ah, Boss, narinig ko yung usapan ninyo ni Uruha. Kung sakaling magkita kayo ngayon ni Reita, anong gagawin mo?”
“Pakakainin ko siya ng alikabok.”
Tumawa lang si Lauren at tuluyan na itong nagpaalam. Ibinubulsa na niya ang cellphone at kakaway na lang ng tricycle nang mamataan niya ang isang pamilyar na pigura ilang metro ang layo sa kanya. Mag-a-alas diyes na rin ng gabi at ang tanging pinanggagalingan ng liwanag doon ay ang ilaw sa mga poste. Pero hinding-hindi siya maaaring magkamali sa kanyang nakikita.
Lalo lang niyang napatunayan ang hinala niya nang lumapit ito sa kanya.
“Hindi ako kumakain ng alikabok.” Si Reita. Nakapamulsa pa ito nang huminto sa harapan niya. “Konbanwa, Shayne-chan.”
That tone. Smooth, suave and quiet as though she was the only one he ever wanted to talk to. She remembered that same tone he used when he gave her back her shoes and tied her shoelaces for her. That same time she let herself got carried away by her feelings. And just got hurt in the end. Ang pinakamasaklap, wala itong kasalanan. It was her fault she fell for him and had her heart torn into pieces. Pero natuto na siya. Wala na siyang balak na magpakatanga na naman sa iisang lalaki.
Never again.
“Anong ginagawa mo rito?” buong taray niyang tanong. “Kung magkakalat ka rin lang naman ng virus, maghanap ka na lang ng ibang biktima. Hindi ako tinatablan niyan.” Nilagpasan na niya ito nang may maalala at nilingon nito. “Kailan ka nga pala magbabayad ng utang mo?”
“Wala bang cut-off time ang pagkabig mo ng pera? Kahit mga malalaking bangko sa ibang bansa nagsasara rin after office hours.”
“Wala akong pakialam sa kanila.” Inilahad niya ang kanyang palad. “O, ano, magbabayad ka na ba? Bilis at tumatakbo ang metro ko.”
“Ibang klase ka talaga kahit kailan, Shayne.” He gave he a half-smile that almost brought her to her knees. “Sige, magbabayad na po.”
Muntik na siyang mawala sa kanyang wisyo nang pagsalikupin nito ang kanilang mga kamay. Their fingers sweetly engtangled.
“A-anong ginagawa mo?”
“Nagbabayad ng utang. Hindi ba’t ang maging boyfriend mo ang gusto mong maging kabayaran ng utang ko sa iyo?” Inipit pa nito ang braso niya sa pagitan ng sarili nitong braso at idinikit sa dibdib nito ang magkahawak nilang mga kamay. “We, Japanese, never back out on our words. Ah, bukas pa ang McDonalds. Kumain ka na ba? Kumain na muna tayo bago kita ihatid sa bahay mo.”
At bago pa siya makapagsalita ay nahila na siya nito patungong 24-hour fastfood chain.
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 4, 2010 11:55:08 GMT 8
MY PRECIOUS YOU by CHERIE LEI from Chapters and Pages
“Ang ganda pala talaga rito,” baling ulet niya kay Syrus. “Totoo nga ang nababalitaan ko sa mga articles tungkol sa Pueblo Por La Playa. Akala ko drawing lang ang lahat ng papuri sa lugar na ‘to.”
“Salamat sa pagbabago ng opinyon.”
She turned around to see who just spoke.
“Drake,” wika rito ni Syrus.
“Glad you arrived safely, brod.”
“Thanks.” Nagkamay ang dalawang lalaki. Gaya ni Markus na nauna na niyang nakilala sa LME, guwapo at matangkad din si Drake. He looked like every inch a gentleman. Habang patuloy siyang nasusuong sa mundo ni Syrus, mas lalo niyang napapatunayan na may mga rare species pa ng mga lalaking nabubuhay sa mundo.
“You’re Ani Gomez,” baling nito sa kanya. “Nice to finally meet you in person.”
“Hello.” Tinanggap niya ang kamay nito. “At hindi ko na babawiin ang sinabi ko sa resort mo. This place was great.”
“Thank you.” Binalingan ulet nito si Syrus. “Mabuti naman at marunong ka ng pumili ngayon, Sy.”
“Shut up, man.”
“At marunong ka na ring mahiya.”
Kahit siya ay napatingin kay Syrus. Nahalata rin kasi niya ang tila biglang paglitaw ang pagiging mahiyain sa boses nito. Ngunit naisuot na nito ang sunglasses nito kaya hindi na rin niya nakita ang buong reaksyon ng mukha nito.
Mahiyain talaga?
“Kami ba ang unang dumating? Wala yata akong nakikitang ibang miyembro ng batch natin na pagala-gala rito.”
“Hindi mo napansin si Avex?” Itinuro nito ang isang bahagi ng lobby kung saan naroon ang isang grand piano. At natutulog sa upuan niyon ang isang lalaki. “He arrived last night. Mukhang napagod nang husto sa naging concert niya sa Vienna kaya hanggang ngayon e tulog pa rin.”
“Hindi na siya nakarating sa resthouse niya dahil sa pagod.”
Isa pang lalaki ang sumulpot sa grupo nila. Sa pagkakataong iyon, kilala na niya ang bagong salta. Senator Jamic Realista.
“Poor guy.” Dinampot nito ang pentel pen sa desk. “Bagay siguro sa kanya ang tatlong nunal sa ilong.” Nang mapalingon ito sa kanya ay ibinalik nito ang pentel pen. “Joke lang.” Inilahad nito ang kamay sa kanya pagkatapos. “You’re Ani Gomez. I’m Jamic Realista. Puwede ko bang makuha ang serbisyo mo para sa kampanya ko sa susunod na eleksyon? The people loves you. Makakatulong ka sa kandidatura ko.”
“Ha? E…”
“Dalawang taon pa bago ang eleksyon, Jamic,” wika ni Syrus. “Mahiya ka naman.”
“Ako ang susunod na presidente ng Pilipinas kaya walanghiya talaga ako.”
“Jamic, where’s the others?” pag-iiba na lang ni Drake sa usapan.
Mabuti na lang. Ilag kasi siya talaga sa mga politiko.
“Nasa beachfront sila,” sagot nito na masama pa rin ang tingin sa pentel pen. “Nakikibahagi sa pagsagip sa mga dolphins na nagpapanggap na kaawa-awa para mas lalong maging guwapo sa paningin ng mga babaeng bisita ang mga kaibigan ninyo.”
“Bakit nandito ka pa? Hindi ka makikisali sa pagpapapogi nila?”
“Naghahanap pa ako ng drive para tumulong.” Nilingon siya nito at ngumiti. “You wanna see us, gentlemen, trying to save dolphins?”
“May bayad?”
“Wala. Para sa iyo, just cheer for us and we’ll even save this freakin’ world.”
No matter how much she wanted to stay away from this weird politician, she just couldn’t help but be swayed by his eccentric charm. Natatawa siya na hindi niya maintindihan sa mga pinagsasasabi nito dahilan upang matunaw ang anomang pagkailang niya sa mga kalahi nitong politiko.
“Huwag kang magpapaniwala riyan,” wika ni Syrus. “May kamandag ang bawat salita niyan.”
“You’re just jealous.”
“Oh, shut up, Jamic.”
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 5, 2010 14:33:19 GMT 8
Since may mga nagPM for details... Sagutin ko na rin.
---Andyan na po sa mga post. Pero, since mukhang hindi mo napansin, sasabihin ko.
MY SPECIAL VALENTINE. DREAM LOVE. CHAPTER AND PAGES.
-Yes. Bago pa lang po sa romance novel publishing ang publication na iyon kaya wala ka pang makikita. Pero ayun kay SF, Malawak naman raw ang distribution nila. So... ayon. Pwede kayong makakuha ng kopya kahit nasa malayong lugar kayo.
|
|
|
Post by len on Oct 12, 2010 18:00:13 GMT 8
mhelai.. andami nito pano naman ako makakabili?? san c ate che? sa kanya na lng ako magpapabili.
|
|
|
Post by Mhelai on Oct 22, 2010 13:05:05 GMT 8
Haha! Yun pa rin po ang hindi ko alam, kamahalang Len. Basta po, I'll give you updates if these novels had been released already or kung saan pwedeng bumili.XD
Si Ate Che po? nasa Marikina. Dakilang tagabenta ng mga lutong ulam. Hehe!
|
|