|
Post by soniafrancesca on May 6, 2009 22:08:13 GMT 8
here it is....
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 6, 2009 22:10:16 GMT 8
The Beginning of the Start
Huwag ninyong pansinin ang pamagat ng entry ko na ito. Epekto lang iyan ng isang drum na kape na katatapos ko lang ilabas sa CR.
Anyway, dahil ako¡¯y ¡®high¡¯ pa sa kape e bigla kong nilayasan ang nobelang dapat ay noong nakaraang anim na buwan natapos at inumpisahan kong isulat ang kabalbalang ito. Bakit? Wala lang. Napagod lang kasi ako sa pagre-revise ng kuwento nina Jigger at Nova, ang mga karakter sa nobela kong matatapos na lang e hindi pa ako satistfied. Naisip ko kasi bigla ang mga blog entries na na nakasulat sa pinaghirapan kong english. Kaya sabi tuloy ng hibang na bahagi ng pagkatao ko, dapat daw ay magsulat ako sa salitang hindi pilit magpa-cute at lalabas ang natural na kapraningan ko. and voila! Heto na nga po iyon¡¦pagtiyagaan na lang ng kung sinomang maliligaw para basahin ito. Kung ayaw ninyo, e di huwag.
Paalala lang, kampo ito ng isang romance writer na walang magawa sa buhay at frustrated sa mga editors dahil ayaw pasahan ng nobela. He-he-he. So kung anoman ang mabasa ninyo ritong mga blah-blahs, lahat iyon TUNGKOL SA AKIN. Ganyan ko kamahal ang sarili ko.
Anyway ulit, siguro dapat ko na munang ipakilala ang sarili ko. Ako¡¯y isang average manunulat ng romance novels na pagkatapos ng mahigit anim na taon sa industriya, e masasabing ¡®struggliing¡¯ pa rin ako hanggang ngayon. Struggling sa mga berdugong editors na ang tanging kasiyahan na yata sa buhay ay i-reject ang gawa ko. Pero wala akong sama ng loob sa kanila, nililinaw ko lang.
**tinamad na akong ituloy kaya next time na lang ulit**
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 6, 2009 22:11:42 GMT 8
**after two days, ako¡¯y nagbabalik*
Nasaan na ba ako? Ah. So, iyon nga¡¦.
Wala na akong maisulat na kasunod kaya ibang topic na lang. Hmm, ano pa ba ang dapat kong ikuwento tungkol sa aking pinakamamahal na sarili? Sige, ¡®yung history ko na lang kung bakit ako naging manunulat.
Ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit. In fact, nang mag-aral ako ng college, hindi ko akalaing may career pala na tinatawag na ¡®romance writing¡¯. Basta ang alam ko lang, mahilig akong magbasa ng mga libro. Noong elementary at highschool. Tirador ako ng lahat ng libro ng mga pinsan kong mayayaman. Feeling ko nga dati, puwede na akong maging doktor dahil kabisado ko na ang lahat ng sakit at gamot sa isang medical book ng pinsan kong Physical Therapy student. Lahat ng libro sa bahay, hindi ko pinapalagpas. Pati mga childrens books. Kaya siguro nung nag-college ako, nawala na ako ng interes magbasa. Naubusan na siguro ng space sa utak ko hehe. Teka, bakit nga ba ayaw ko na magbasa nung college ako? Hmm¡¦hindi ko na maalala kaya hindi ko na hahayaang sumakit ang battered brain ko na mag-isip.
Nasa huling taon ako ng elementary nang basta na lang ako bigyan isa kong kaklase ng manipis na notebook at ballpen. Tandang-tanda ko pa ang eksenang iyon¡¦
Hinarang ni Josephine. Isinalpak ang notebook at ballpen. ¡°Cherie, igawa mo ako ng kuwento.¡±
Ako naman si eng-eng, nagsulat nga. Hmm, mukhang natural na sa akin ang laging lumulutang ang utak, kahit hindi nakalaklak ng kape. At ang kuwentong iyon ang unang ¡®nobelang¡¯ nagawa ko. Nang panahong iyon, hindi ko pa alam na napaka-rare ng ginawa ko bilang isang grade six student. Kung hindi ako nagkakamali, romance story na iyon. Kasi kuwento iyon ni Josephine at ng crush niya.
From notebooks, nabaling ang atensyon ko sa mga komiks. May kaibigan kasi ako at kapitbahay na may koleksyon ng mga komiks ang tatay. Hihiramin ko ang mga iyon at magdo-drawing (o mangongopya) gamit ang tracing paper at carbon papers. Mga eksena sa naturang mga komiks ang mga pinagsasama ko sa mga malilinis na banpeypers (bondpapers) saka ko nilagyan ng sarili kong dialogues. So kahit iba-iba ang itsura ng mga karakters sa bawat eksena ko, magkakarugtong namna ang kuwento. Kaya hayun, iyon ang unang nagawa ko namang komiks.
Ang sumunod kong projects ay noong highschool na ako. First year, first day. Nasa likuran ako dahil sa kasamaang palad e letter ¡®R¡¯ ang epilyido ko. Mula sa kinaroroonan ko ay nakita kong parang nagbago ang mundo ko. Kasi mula white e naging light blue na ang kulay ng mga uniforms namin. Babaw ¡®no? Pero ganon talaga naging tingin ko. At dahil bagong mga super elyens ang mga nakakasalamuha ko at wala akong kakilala talaga, gumawa ako ng sarili kong mundo. Nagsulat ako ng kuwento. In a way, iyon ang naging paraan ko para kahit walang kumakausap sa akin e may pinagkakaabalahan ako. Parang kagaya lang iyan sa isang date kapag ayaw ninyo sa isa¡¯t isa. Props ang text.
Pero isang araw, may isang pakialamera akong kaklase na binasa ang sulat ko sa isang notebook. Pagbalik ko galing canteen, hayun at nagkakagulo na ang mga kaklase kong babae kung sino sila sa mga characters ko. Parang nung mga panahon ng kasagsagan ng Bioman.
¡®Ako si Pink Five!¡¯ ¡®Ako si Yellow Four!¡¯ ¡®Ako si Fuma Lai Ang¡¯
*sings theme song* Shiki, shiki¡¦chuchuchuchu¡¦uh-ai¡¦
Sa madaling salita, inangkin nila ang mga karakters sa isinusulat kong ¡®nobela¡¯. Sampung highschool girls kasi ang bida roon na ang kapartners e mga officers nila sa Citizens Army Training o CAT. Very highschoolish di ba? In reality though, bawal ang relationship sa pagitan ng mga cadettess at officers. Well, kaya nga pauso ko lang yung kwento e. Nagustuhan lang nila kasi, ahm¡¦walang magawa ang mga kaklase ko noon? Needless to say, sa maliit at inosenteng notebook na iyon nagsimula ang barkada ko noong highschool. ASTIGirls94-ever. From then on, mas marami pa akong nagawang kuwento. At mas lalo ring dumami ang kasapi ng aming organisasyon. Mas dumami ang kaibigan namin, naging miyembro ng barkadahan na nakatambay sa ilalim ng flagpole kapag recess at bago mag-uwian sa kani-kanilang mga lungga.
**tinamad na naman ako. So next time na lang uli ako magkukuwento tungkol sa sarili ko**
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 6, 2009 22:13:48 GMT 8
**isang araw lang naman ang lumipas¡¦*
At mas dumami rin ang kaaway ng grupo namin. Hindi naman kasi sa pagmamalaki, pero ang gaganda naman kasi ng mga kaibigan ko sa grupong iyon. Matatalino pa dahil nasa star section kami. Kaya kapag nasa flagpole kami nakatambay noon, nakatanaw mula sa mga corridors ng buildings namin ang mga boys. Yiiiha! Hehehe! Hindi nga lang ako kabilang sa mga magagandang iyon. doon ako sa¡¦matatalino. Teka, lumalayo tayo sa kuwento ng buhay ko. Dapat ako bida rito. Iyon nga. From then on, nadagdagan pa ang mga naisulat kong nobela dahil nagkaroon na ako ng inspirasyon. Ang mga kaibigan ko nga. Naaalala ko pa minsan na sinabihan ako ng isa kong kabarkada-slash-kaklase na ang landi ko raw dahil napaiyak ko siya sa kuwentong ginawa ko na nabasa nya. Nagtaka lang ako kung paano siya nakabasa e hindi ko naman siya pinahiram. Isa ko pang kaklase ang nagsabi ng parehong komento. Sa tingin ko, ¡®yung kuwentong drama ang nasikwat nila at nabasa. Minsan kasi itinatago ko ang mga ginagawa ko lalo na kapag ongoing pa lang ang pagsusulat ko niyon. E mukhang gawain din ng mga kaklase kong i-nenok ang mga iyon para basahin.
Ang isa sa mga paborito kong gawa noon ay ¡®yung tungkol sa space battle-slash-love story. Hanggang ngayon, naalala ko pa ang pangalan ng pinaka-bidang babae roon. Adora. Hindi ko na matandaan ang kabuuan ng kwento nun basta ang naaalala ko na lang, e para siyang scrambled Bioman, Maskman at kung ano-ano pang ¡®Man¡¯ na pauso ng mga Hapon dati. With a touch of Shaider, of course.
*sings theme song ulet* Shiki, shiki¡¦chuchuchuchu¡¦uh-ai¡¦
Maraming nag-encourage sa akin na magpasa sa mga publications pero gaya ng mga ¡®closet writers¡¯ na nagkalat ngayon sa Pilipinas, hindi ko pinakinggan ang mga sulsulerang iyon. Ayoko. Wala akong tapang at kapal ng mukha para magpasa sa mga publication. Feeling ko kasi, mga kaklase kong mabababaw lang ang kaligayahan ang magkakagusto sa mga gawa ko. Pero may isang nakalusot sa mga sulsulerang iyon. Ang nanay ko. Nagsulat ako ng ¡®seryosong nobela¡¯ at ipinasa sa BOOKWARE PUBLISHINGS. Kasama ko pa nun ang nanay ko, palibhasa kaga-graduate ko lang ng highschool. Kaso, reject.
Sabi nung publisher, ¡®may potential kang magsulat. Bumalik ka rito para kumuha ng workshop.¡¯
Hindi na ako bumalik. Naaalala ko pa nung time na umuwi kami ng nanay ko, bitbit ang itinaboy na nobela ng publisher. Oo, gusto kong ipakain sa publisher na iyon ang nobela ko kasi feeling ko talaga nilait lang niya ang gawa ko at hindi naman niya binasa. Pride. Naglalakad ako nun na parang walang direksyon. Narinig ko na lang ang nanay ko na nagsalita.
¡®gusto mo ng bananacue?¡¯
In short, kinalimutan ko na ang pagsusulat pagkatapos kong kumain ng bananacue. Hindi ako nakapasok ng college sa loob ng isang taon. Walang pera eh. Kaya tumulong na lang ako sa negosyo ng aking dakilang ina. Isang taon din akong nagpaypay ng uling kung saan iniihaw ang mga lamanloob ng manok, mamoy at maka. Joke, hehe! Pagkatapos ay kumuha na ako ng entrace exam sa PUP at nakapasa naman, awa ng Diyos. Gusto kong Psychology ang kunin kong course noon pero sabi ng nanay ko, mag-Masscom daw ako. Matigas ang ulo ko kaya nagsumikmik ako nun sa Psychology Department kaso puno na ang slot. So takbo ako sa second choice, Masscom. Tinanong ako kung ano talent ko. Sabi ko, magsulat. Pinasulat nila ako ng tula. Sumulat ako ng nobela, habang kumakanta at sumasayaw ang dalawang kasabayan ko sa magkabilang panig ko. sila ang ginawa kong characters sa impromptu novel ko. Nakapasa naman sa interviewer ko ang isinulat kong ¡®tula¡¯. Kaya sa English Journalism nila ako itinapon.
Pansamantala kong nakalimutan ang pagsusulat nun dahil naaliw ako sa mga bago kong kaklase, bagong mga kaibigan, at bagong mga super elyens na professors. Hanggang sa makakilala ako ng dalawang kaklase na mahilig din palang magsulat. Sila ang dalawa sa siyam na naging pinakamalalapit kong kaibigan noong college (running ten years na ang barkada namin as of this year, 2008). Medyo bold ang dalawang iyon sa pagsusulat nila. Ako, nakikinig lang pero interesado talaga ako sa mga kuwento nila. Siguro nabubuhay ang parte ko bilang manunulat. Hanggang sa namalayan ko na lang na nagsusulat ulit ako. Still, wala akong pinapabasa nun. I guess ganon talaga ang mga nagsisimulang mga writers. Ayaw ipabasa sa iba ang gawa dahil baka pangit. Walang self-confidence. Pero dumating din ang time na nabasa rin ng barkada ko ang kuwento ko. At lahat sila, sinabing maganda ang gawa ko at ipasa ko raw sa mga publications. As usual, bangenge ako nun kaya parang tumalbog lang sa tenga ko ang mga sinabi nila. Binalewala ko. Still, nagpatuloy ako sa pagsusulat. Para sa akin, sapat ng masabihan ng mga kaibigan ko na maganda ang gawa ko. Kuntento na ako sa mga papuri nila sa hobby ko.
Hanggang sa yayain ako ng dalawa kong kaibigang ¡®writer¡¯ sa isang workshop. Precious Hearts Romances Summer Writing Workshop2001. Sumama ako sa kanila na walang kaide-ideya kung saan at bakit kami pupunta dun. Siguro nag-bounce away na naman sa tenga ko ang mga sinabi nila. Kaya hayun, sumagot kami ng questionaires para sa screening habang nagbabanggaan ang mga ngipin namin sa sobrang lamig ng aircon. Awa ng Diyos, nakatapos naman kami nang hindi nagyeyelo. Kung hindi ako nagkakamali, bara-bara ang ginawa kong pagsusulat ng sagot sa isang situation doon. Ang alam ko, kahit nung time na iyon ay comedy pa rin ang ginawa kong kuwento. Something about payong, tubig-baha, at kokak. Hindi ako umaasang makakapasa dahil wala talagang kakuwenta-kuwenta ang mga isinulat ko. Kasi nga naging frozen delight na ang utak ko sa lamig ng aircon. Kya nagulat ako nang may tumawag sa aking editor daw ng Precious at sinabing nakapasa ako sa workshop. Nagtaka pa ako noon kung anong workshop ang sinasabi ng caller. Naliwanagan lang ako nang tumawag sa akin ang dalawa kong kaibigan na kasama kong kumuha ng exam for screening ng Precious.
Ayun, nagworkshop nga kami. May 2001 yata iyon. Every Sunday. Kung saan every time ay inaatake rin ako ng hyperacidity dahil sa lamig ng conference room. Dusa ang inabot ko yata nun tuwing umaga sa pag-atake ng sakit ko. Pero nakatapos din naman ako. Naka-graduate ng workshop na may natutunan din kahit paano.
Ang unang nobelang naisulat ko, project ko pa iyon sa Creative Writing subject sa school. Ang ibang kaklase ko, tula at short stories ang ginawa. Ako, talagang nobela. Pumasa sa prof ko kaya ipinasa ko sa Precious. Reject. Tatlong page yata ang comment nila nun sa gawa ko. Balak ko na naman iyong kalimutan nang mapansin kong kaya ko naman palang ayusin ang gawa ko. Kaya inayos ko. Hindi ko na maalala kung nakailang revisions ang ginawa ko sa nobelang iyon hanggang sa magsawa na siguro ang mga editors at ipinasa na rin nila sa wakas. Kissing Miss Wrong ang pamagat ng una kong nobelang iyon. Iyon din ang nagbukas ng gate ng mga tauhan ko mula sa pinakasikat na village na naisulat ko. Ang Rancho Estate.
Nasa fourth year ako sa college nang magsimula ang career ko sa pagsusulat. Kaya halos isang beses sa isang buwan lang ako magpasa. O kapag sinisipag ako nang husto, mga isang nobela sa loob ng tatlong buwan.
Huwag ninyong isipin na hindi na ako nakatikim ng reject o revision noon mula sa mga editors. Nope. In fact, hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ako ng reject at revisions na iyon. Pero kasama talaga iyon sa buhay-manunulat. Para siguro mas ma-polish pa ang mga gawa ko. Which is totoo naman.
Ang una kong formal series na nagawa ay ang Billionaire Boys Club. Kung hindi pa rin ako nagkakamali, lima sa mga nobela kong iyon ang sunod-sunod, kung hindi man sabay-sabay, na ni-reject ng editor ko. Action-packed iyon. mala-Arielle ang theme. Ganon talaga ang mga baguhang writer. Malaki ang tendency na isunod sa paborito nilang manunulat ang sarili nilang gawa. Hindi ako exception. At hindi iyon umubra. Hindi ko raw kaya ang style ni Arielle. Gusto ko ng taniman ng bomba ang Precious nun. Nakakasama ng loob, eh. At talagang balak ko ng iwan ang pagsusulat dahil feeling ko, wala naman akong talent dahil nga sa LIMANG REJECTS ko. Hanggang sa naabutan ako ng editor kong iyon sa CR. Gusto ko na kasing i-flush ang sarili ko sa toilet. Ang sabi niya, gumawa raw ako ng kuwento na ayon sa forte ko. Hindi ko siya naintindihan.
Anong ¡®forte¡¯? Ang sabihin mo, ayaw mo talaga sa nobela ko!
Sarado utak ko dahil ang alam ko lang e reject ang gawa ko. Reject, reject, REJEEEEEEEECT!
Pagdating ko sa bahay, itatapon ko na talaga ang mga nobela kong iyon. Pero umiral yata ang katigasan ng ulo ko kaya pagharap ko sa computer ay nag-umpisa uli akong magsulat. Sa maniwala kayo at sa hindi, wala sa isip ko na magsulat ng naaayon sa aking ¡®forte¡¯. Isinulat ko lang ang bagong version ng Billionaire Boys Club para sana asarin ang editor ko. Kaya hindi ko inaasahan na makakapasa ang mga iyon. AT! Isang beses lang akong binigyan ng revision. Minor problem pa. Sa book iyon ni Yeoji, na naging pinakapaboritong kuwento ng kaibigan kong sosyalerang si Cherry, hehe.
Ang sumunod kong series na naisulat pagkatapos kong magpaikot-ikot sa mga independent novels ay ang Rancho Estate Series. Ang kuwento ng siyam na magkakaibigan. Actually, dedicated ko iyon sa mga kabarkada ko na sumuporta talaga sa akin na ituloy ko ang pagsusulat dahil ¡®I was made for great things¡¯, according sa very pretty kong friend na si Cherry. Ang iba kong barkada ay super suporta sa pamamagitan ng pagtawa sa ibabaw ng bubong ng bahay nila habang nagbabasa ng mga gawa ko, at pamumudmod ng mga nobela ko sa mga pinsan nila, kakilala ng mga pinsan, kaibigan ng mga pinsan, kapitbahay, kapitbahay ng mga pinsan, kaibigan ng kapitbahay, kaklase ng mga pinsan, kaklase ng mga kapitbahay at mga manok.
Sa Rancho Estate Series ako hindi nakatikim kahit isang revision o reject. Napakalaking achievement niyon para sa akin. Sinabihan lang ako ng editor ko na naiiba raw ang nakasulat sa hard copy kaysa roon sa ipinapasa kong soft copies. Ngiti lang ako. Pa-cute. Muntik na akong ihulog ng editor ko sa verandah. Hehe.
So, as they say, the rest is history. Naging regular na akong manunulat ng Precious kaya naging madalas na rin ang paglabas ng mga gawa ko sa market hanggang sa kahit paano ay naka-pick up na rin ng mga constant readers. Hanggang ngayon, sagana pa rin ako sa mga revisions at rejects. Pero ayos lang, para rin iyon sa ikagaganda ng mga nobela ko. Na nakikita naman siguro ninyo sa mga nakakabasa ng mga gawa ko.
*hikab*
Hindi pa ako inaantok. Naghikab lang talaga ako. Anyway, hayan ang kuwento ng masalimuot kong buhay. Bahala na kayo kung may mapupulot kayong lesson diyan. Basta ang masasabi ko lang, lahat ng tao ay binigyan ng talent ng Diyos. Kaya marapat lang na gamitin mo iyon para hindi masayang. Dahil hindi kayo magkakaroon ng isang bagay na wala ang iba, kung wala iyong silbi sa inyo. Nagkaroon ka ng magandang boses para kumanta. May makapal kang mukha para maging politiko. Nagkaroon ka ng talent gumawa ng kwento para maging manunulat ka.
Everyone has talent. Explore it and then use it, for the good
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 6, 2009 22:15:10 GMT 8
**Love Life? **
Ang sabi nila kapag naging writer ka raw, sa malamang at hindi e wala kang magandang lovelife. Either wala kang asawa, boyfriend o manliligaw. In short, kawawa ang lovelife mo.
Naniniwala ba ako rito? Oo. Noon. Dalawa lang ang nakikita kong reality ng personal na lovelife ng mga writers. Hiwalay sa asawa, o kaya ay totally walang keychain. As in boyfriend o girlfriend.
**tinamad na naman ako kaya next time ulit¡¦**
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 6, 2009 22:15:47 GMT 8
**ako¡¯y nagbabalik pagkatapos ng¡¦ilang araw nga ba?**
May isa akong theory kung bakit malaki ang percentage ng mga writers na maging bokya sa lovelife. Una, dahil kapag nagsulat ang mga writers ay hindi puwedeng kalahati ng isip nila ay nasa kuwento nila at ang kalahati ay nasa kusina, sala at banyo ng bahay. Kapag naging manunulat ka, kailangan buong atensyon, oras at konsentrasyon mo ay nasa isinusulat mo. Kung hindi, sampung oras kang makikipagtitigan lang sa computer mo at makikipagkindatan sa cursor. Iyon din ang nagiging dahilan kung bakit hindi yata nakakaya ng mga writers na mag-alaga ng isang relasyon. Kapag nagsulat kasi, nagkakaroon na sila ng sariling mundo at sariling oras. In short, nagiging autistic sila.
**bored ako kaya hanggang dito na lnag muna¡¦*
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 6, 2009 22:19:20 GMT 8
MY WORKPLACE IS A NIGHTMARE¡¦for everyone else in our family
Tinatamad pa akong tapusin ang nobela ko kaya iba na muna ang pagtutuunan ko ng pansin¡¦
Nasisilip ko ang mga alikabok sa ilalim ng computer table ko. Ang kapal na pala. Parang mini version ng Gobi desert. Aminado naman akong tamad ako. At ang computer table ko ang isa sa mga patunay niyon. Ni hindi ko iyon madampian man lang ng basahan sa buong panahon nagsusulat ako. Sa tuwing nasisira lang ang pc ko tsaka ko naiisipang linisan iyon.
Kapag nakaramdam lang ako ng magaspang sa dinadaanan ng mouse ko, kaunting pagpag lang ng kamay, okay na uli. Sa taas ng computer table ko, naroon nakadikit ang iba¡¯t ibang reminders, from novels to my never-ending payment bills. Puwede na ngang lumipad ang computer table ko kasi mukha ng pakpak ang mga nakadikit na Post-It doon. Patung-patong din ang mga CDs ng iba¡¯t ibang anime at koreanovela¡¯ng My Name Is Kim Sam Soon doon, kasama ng tatlong English pocketbooks. Yep, tatlo. Lang. Hindi kasi ako mahilig magbasa kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paanong pagsusulat ang naging career path ko. Oh well, back to business. Nasa taas din ng computer table ko ang isang basket ng mga loveletters, hateletters at fans mails. Kapitbahay din nila ang telepono naming puwede ng tubuan ng kamote sa sobrang kapal ng alikabok. At sa ilalim ng ng computer table ko ay¡¦nevermind.
Bangungot ang aabutin mo kapag sinilip mo iyon. Ang CPU ko naman, since open ang isang cover nun sa gilid, may free access ang lahat ng organisms na magtayo ng settlement sa loob ng CPU. The last time I checked, there was a strange specie of spider weaving its freaking web on my computer¡¯s central system. Pero dahil napakasipag ko, hinipan ko lang sila at nang magtakbuhan ang mga ¡®strangers¡¯ e okay na uli ako. Tuloy ang ligaya.
My computer table is a mess, thanks primarily to my one and only niece who tore it to pieces when she was just two years old. I don¡¯t know why she finds it fascinating hanging on my table¡¯s drawer. And so, to make the story short, my drawer is now a history. What was left of it was those two steel bars on either side where the now-history-drawer used to cling. The only purpose of that skeleton drawer now was to cut through my skin everytime I forgot it was existing.
Oh, my poor, poor legs¡¦
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jan 27, 2010 13:03:56 GMT 8
tinggal ko ang lovelife updates ko kasi wala namang updates haha!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 26, 2010 11:53:21 GMT 8
wala pa ring updates sa lovelife. grabe, ako na yata ang may pinakaboring na lovelife sa buong milky way... hay...saan na ba ang mga papalets ko...
|
|
|
Post by pretskipopski on Jul 20, 2011 2:08:25 GMT 8
"..grabe, ako na yata ang may pinakaboring na lovelife sa buong milky way..." -- kung ikaw na ang may pinakaboring na lovelife sa buong milky way.. saan na ako lulugar nito, mamita? floating debris na lang ako ganoon?
|
|