Post by len on Feb 23, 2009 21:34:49 GMT 8
Kelly hated playboys. Kaya nga mainit ang dugo niya sa kapitbahay niyang si Buwi. Paborito niyang ireklamo ito sa barangay nila for indecent display of a killer body. Yeah, well, it was true. He had a killer body. Anyway, hot bod aside, she didn’t like him.
Pero ano itong nararamdaman niya tuwing nakikita niyang nakikipag-usap at nakikipagtawanan ito sa mga babae? Naiinis siya. Gusto niyang sabunutan ang mga iyon at ibalot naman ng makapal na tela si Buwi. Ibig bang sabihin niyon ay nagkakagusto na rin siya sa isang playboy?
But she hated playboys…
post credited to Jen from PHR forums
Calle Pogi Series 2: Waki
Idol ni Jazzy ang kanyang kuya. Kaya na-disappoint siya nang bigla na lamang nitong iwan ang trabaho nito para maging kapitan ng isang maliit na barangay sa Laguna. Sinundan niya ito para kumbinsihin ito na magbago ang isip.
Doon niya nakilala si Waki. Sa simula pa lamang ay bad trip na siya rito. Nayayabangan siya rito. Pero dahil sa isang aksidente ay napilitan siyang maging alalay nito sa loob ng isang buwan.
She expected one month of torture. Pero taliwas doon ang nangyari. Sa halip na siya ang maging alalay nito ay ito ang laging nakaalalay sa kanya. Feeling yata nito ay knight in shining armor ito at damsel in distress siya.
Kung type nitong maging alalay, pagbibigyan niya ito¡¦
post credited: jen of PHR forum
Calle Pogi Series 5: Haru by Sonia Francesca
Umuwing pilay ang sikat at guwapong news and documentary reporter na si Haru Esteban mula sa assignment nito sa kaguluhan sa Afghanistan.
Sanay na si Fara sa mga ganoong sitwasyon ng binatang kaibigan at kapitbahay niya. Parang naging ritwal na sa kanila na tuwing uuwi itong sugatan dahil sa trabaho nito ay siya ang nag-aasikaso rito.
Harmonious. Iyon ang matatawag niya sa relasyon nila. Nagulo lamang iyon nang mag-umpisang magpakita ito ng mga senyales na higit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya.
Dahil mabilis namang maka-pick up ang puso niya at may lihim siyang pagmamahal dito ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Pero hindi ang inaasahan niya ang naging tugon nito.
“Thanks for the feelings, Fara.”
Ganoon lamang ba iyon? Paano na ang puso niyang binulabog nito?
Calle Pogi Series 8: Ryu
Grabeng sama ng loob ang nadama ni Carmi nang marinig niya ang usapan ng boyfriend niya at ng stepmother niya. May usapan pala ang mga ito na paibigin siya at pagkatapos ay unti-unting kukunin sa kanya ang mga kayamanang naiwan ng kanyang ama.
Dahil natatakot siya para sa kanyang buhay, nagpasya siyang kumuha ng bodyguard sa katauhan ni Jazzy. Dinala siya nito sa Calle Pogi. Mapapangalagaan daw kasi siya ng mga residente roon. Mukha ngang mabait ang mga tagaroon maliban sa isang lalaki--si Ryu.
Dahil sa halip na protektahan, ginawa siya nitong katulong nang masira niya ang bukbuking gate ng mas bukbuking bahay nito.
They clashed every time they saw each other. Gayunpaman, tuwing nalalagay ang kanyang buhay sa panganib ay ang antipatikong binata ang laging nasa frontline.
Kamukat-mukat niya, in love na siya rito. At dahil sa thoughtful ito, hindi tuloy niya maiwasang isipin na maaaring may pagtingin ito sa kanya.
Uuuy, tsismis!
Calle Pogi Series 10: Bucho
Crista had always liked Bucho, their barangay’s beloved captain. Hindi niya ikinahihiya iyon. In fact, natutuwa pa nga siya kapag may nanunukso sa kanya. Pabor iyon sa kanya. Kapag tinatanong siya kung may gusto siya rito, “oo” agad ang sagot niya.
Everything was simpleto her. Para sa kanya, kung gusto mo ang isang tao, dapat sabihin at ipakita. Ang problema, ang pagkakaalam niya ay “gusto” lamang niya si Bucho. Hindi niya napaghandaan na puwede pa palang mas lumalim ang damdamin niya para dito.
Hanggang dumating na nga ang araw na iyon. She fell in love with him. Maaamin pa rin kaya niya iyon sa harap ng maraming tao? O sa harap mismo ng lalaking minamahal niya?