Post by len on Feb 23, 2009 21:58:15 GMT 8
PHR 2801 Addicted To Love
Saia and Hadji started out as enemies--well, at least on Saia’s part--dahil wala namang ginawa si Hadji kundi ang kunin ang amor niya tuwing magkakaroon ito ng pagkakataon. Kaya naman hindi na kataka-takang may maramdaman silang kaguluhan sa kanilang mga sarili na dulot ng isa’t isa.
Isang gabi, nagpasya silang alamin kung ano ang dahilan ng lahat ng nangyayaring iyon sa kanila. They started going out. And then they found out they weren’t really that bad. Hanggang sa namalayan na lang ni Saia na nagmamahal na pala siya. Pero pinigil niya iyon. Dahil nakatali na siya sa obligasyon niya sa kanyang mga magulang.
Makakaya kaya ng pagmamahal ni Hadji na mabawi ang puso niya mula sa obligasyong iyon?
For The Love Of Julie by Sonia Francesca
Bisperas ng ikadalawampu't walong kaarawan ni Julie nang humiling siya sa Diyos ng isang regalo. “Isang lalaki po na mamahalin ko. At kung puwede po sana, mabait at guwapo siya. Puwede rin pong mayaman siya at may magandang kotse para puwede niya akong ihatid-sundo sa opisina ko araw-araw.”
Afterwards, she went out for a walk. At nagkabanggaan sila ni Lancer na ikinatumba niya. Walang kaabug-abog na pinasan siya nito para dalhin sa ospital. Pero nagulat siya nang pagkatapos siyang ideposito nito sa sasakyan nito ay basta na lamang siya hinalikan nito.
“Happy birthday, Julie Anne,” sabi nito kapagkuwan.
He was her first kiss. Could he also be the first man she would ever love? Pero ayaw niya rito. Hindi ito pasado sa standards niya para sa isang lalaking mamahalin niya. Ngunit bakit ganoon? Bakit parang iba naman ang sinasabi ng kanyang puso?
Something was wrong with her heart...
FOR THE LOVE OF MYLA
Hinahangaan ni Myla ang bandang Sentinel maliban sa isang miyembro niyon--ang playboy na bass guitarist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil dito.
Sa kasamaang-palad, sa isa sa mga performances ng mga ito ay di-sinasadyang napunta sa kanya ang cell phone nito. Pinagbintangan siya nitong magnanakaw at ipapakulong daw siya nito.
Kahit anong paliwanag niya ay ayaw nitong pakinggan. Naiyak na siya dahil sa nalalapit na pagkasira ng kanyang buhay. Laking pagtataka niya nang biglang nagbago ang isip nito.
“Para iyon lang, umiyak ka na. Oo na, oo na.” He reached out a hand and gently brushed away the tears on her cheeks. “Huwag ka nang umiyak. Hindi na kita ipapakulong.”
Ano ang nakain nito? Bakit biglang bumait ito?
HELLO, LOVE... ONCE AGAIN
Four years after na mabigo si Kookie sa isang pag-ibig ay bumalik siya sa bansa at nagtayo ng isang learning center for kids. Everything was doing fine until she realized that her neighbor just across the spaceous parking lot of the business complex they were in, was a bar and restaurant owned by none other than the very person who broke her heart four years ago. Si Jairus.
Sinabi niya sa kanyang sarili na hinding-hindi na siya muling iibig pa. Ngunit natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na muling nagmamahal sa lalaking siya ring naging dahilan ng pagluluksa niya sa pag-ibig.
`Cannot be! `Cannot be! sigaw ng isip niya.
Ang kaso, makinig naman kaya ang kanyang puso?
--------------------------------
cover and teaser from: Ms. Jen of PHR Forum
Let Me In Your Heart
Xycie was turning twenty-eight pero magulo pa rin ang utak niya. Tila walang patutunguhan ang kanyang buhay. Ayaw na rin niyang pamahalaan ang furniture business ng pamilya nila. Hanggang sa magpasya ang kanyang mga magulang na isara na lamang iyon.
Matutuwa na sana siya pero biglang umentra sa eksena si Jethro, her brother-in-law’s estranged brother. Nag-request ito na sa kompanya nila mag-training. Ang dating magulo na niyang utak ay lalong nagulo, lalo na sa tuwing makikita niya ang guwapong mukha nito.
Bigla ay ayaw na niyang magsara ang kompanya nila. Sa pamamagitan lamang niyon niya makakasama palagi si Jethro. Ang kaso, ayaw pumayag ng kanyang mga magulang.
Ngayon ay may dalawang bagay siyang dapat patunayan: una, na karapat-dapat siyang bigyan ng ikalawang pagkakataon ng kanyang mga magulang na pamahalaan ang kompanya nila; pangalawa, ang patunayan kay Jethro na siya ang babaeng itinakda para dito.
Mapagtagumpayan kaya niya ang mga iyon?
For The Love Of Hellene
Minsan na siyang sinaktan ni Raijin kaya ayaw nang magtiwala uli ni Hellene dito. Wala siyang balak na patawarin ito kahit paulit-ulit pa itong humingi ng tawad sa kanya. Pero sa walang-sawang panunuyo nito at walang-tigil na pagdedeklara nito—saan man naroroon ito—na mahal na mahal pa rin siya nito ay unti-unti nang natitibag ang yelong nakabalot sa kanyang puso.
Ngunit kailangan niyang magpakatatag. Hanggang kailan kaya ang itatagal niya bago tuluyang sumuko ang kanyang puso?
Take My Love
Nagbakasyon si Maja sa probinsiya kung saan naninilbihan ang tiyahin niya. Isang araw ay nag-volunteer siya na magmaneho para sunduin ang anak ng amo nito—si Glenn. What she thought was a wonderful vacation turned out to be a disastrous one.
Nagkaroon ng amnesia si Glenn nang dahil sa kanya. What was worse, siya pa ang napili nito na palaging dikitan dahil siya lang daw ang link nito sa kung sino ito. She thought it was just right since it was, after all, her fault why he lost his memory.
Hanggang sa mamalayan na lang niyang naglaho na ang lahat ng negative impression niya rito. Ibang-iba kasi ito noong unang nakilala niya ito. Tuluyan nang nahulog ang loob niya rito at nadoble pa ang kasiyahan niya nang magtapat ito sa kanya.
Pero nagbalik ang alaala nito. At hindi na siya maalala nito. Ano na ang gagawin niya ngayong nakuha na nito ang puso niya?