Post by len on Feb 23, 2009 21:52:31 GMT 8
I Love You, I Love You Not... I Love You A Little, I Love You A Lot
Pangarap ni Zyren ang ma-in love nang totoo gaya ng mga napapanood niya sa mga paborito niyang Koreanovelas. Kaya naman nang dumating ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay, hindi na siya nag-aksaya ng panahon. She made her existence known to the man of her dreams. Nagpanggap siyang katulong para lang mapalapit dito.
Pero ang naging tingin nito sa kanya ay isang bangungot na hindi nito maalis-alis sa tabi nito. Tuloy ay laging mainit ang ulo nito, lagi siyang inuutusan, sinisigawan, at pinagbabagsakan ng pinto. Pero hindi siya sumuko. Bale-wala iyon sa kanya as long as hindi siya pinapalayas nito sa bahay nito sa kabila ng gabundok niyang kapalpakan.
Hanggang isang araw, dumating ang sarili niyang bangungot. Sa katauhan ng fiancee nito...
Hooked On A Feeling
Isang lalaki ang nakakuha ng interes ni Sasha habang nakikipaggitgitan siya sa MRT. Nagka-crush siya lalo rito nang ipagtanggol siya nito sa babaeng nagtaray sa kanya. At pagkatapos niyon ay pinaupo pa siya nito. Ang buong akala niya ay hanggang doon na lamang ang kanilang pagtatagpo. Hindi niya inakala na pagdating niya sa opisina ay matutuklasan niya na ito pala ang bagong amo niya na si Mr. Raiden Altavano. Paano kaya siya makakapagtrabaho nang maayos kung palagi siyang madi-distract sa ngiti at kaguwapuhan nito?
FUNNY VALENTINE
"Well, I'm sorry, all right? I'm sorry for protecting your feelings! I'm sorry for thinking I was doing the right thing for you! And I'm sorry... for loving you that much!"
Eunice hated Valentine's Day. Napakasama kasi ng experience niya sa araw na iyon. Ang tanging lalaking minahal niya ay nahuli niyang may ibang babae sa mismong araw na iyon. Walong taon na nang nakalilipas mula nang mangyari iyon ngunit tuwing papasok ang Pebrero, palagi siyang pinaaalalahanan ng masakit na pangyayaring iyon.
Hanggang ipasya niyang mamundok, kung saan hindi siya makakarinig ng kahit anong love song o makakaita ng kahit katiting na indikasyon na araw na naman ng mga puso. She found the perfect place. May isa lang problema: ang lalaking dumurog sa kanyang puso noon at dahilan ng pagtatago niya ay naroon din. What was worse, katabi niya ito ng silid sa hotel na tinutuluyan niya.
Paano na ngayon ang misyon niyang kalimutan ito at ang lintik na Valentine's Day?
SOMETHING LIKE LOVE
Tomboyish si Alexi. Playboy naman si Jonathan.
Nang nagkatagpo ang mga landas nila ay dahil na rin sa kagagawan ng kanilang mga ama, kinailangan nilang magtulungan upang masagip ang dalawang taong mahalaga sa kanila.
Ngunit paano sila magkakasundo kung sa bawat sandali ay nagka-clash ang kanilang mga personalidad? May pag-asa pa kayang umusbong ang pag-ibig sa puso ng isang tumatangging magmahal at ng pusong palaging handang magmahal?
Exclusively Yours
Walang interes na magka-boyfriend si Madison sa kabila ng paggigiit ng kanyang ina na mag-asawa na siya. Ngunit dahil sa larawan ng isang lalaking nagsa-shower y nabuhay ang interes niya sa opposit sex.
Until she met the man-in-the-shower. Dylan Mikagallo was sinfully gorgeous. May kaunting problema lang. Ayaw sa kanya ng antipatikong writer. Ano kaya ang puwede niyang gawin para lumambot ang puso nito sa kanya?

this certain feeling
Nagpapayaman sa kanyang flower and vegetable farm si Gigi nang makilala niya ang bored na playboy na si Zeek. Kaya nang ideklara nitong liligawan siya nito, walang kakurap-kurap na binasted niya ito. Ang akala niya ay titigil na ito ngunit pursigido itong ligawan siya. Kaya kinompronta na niya ito.
"Paano ako mai-in love sa isang taong alam kong nagpapalipas lamang ng oras sa pamamagitan ng panliligaw sa akin?"
Kung ganoon nga, bakit sa tuwing tititigan niya ito ay nagbablush siya?
TRUST ME YOUR HEART
Guia was a walking nightmare, literally and figuratively. kapag nakikita siya ng mga tao ay nagtatakbuhan palayo ang mga ito at dumidiretso sa mga simbahan para magpabasbas upang hindi raw niya dalawin ang mga ito sa panaginip. Dahil doon kaya ipinasya na lang niyang magkulong na lang sa kanyang madilim na silid----kapiling ang mga horror movies na kinahihiligan niya. She would have stayed out of everyone's sight if it hadn't been for Jed, a playboy who was desperately in need of a household help.
basta na lang siya kinuha nito sa kanilang bahay at dinala sa kung saang lupalop ng daigdig upang magpaturo ng mga gawaing bahay. Obvious na hindi sila kailanman magkakasundo.
pero bakit iba na yata ang nararamdaman niya habng lumilipas ang mga araw na kapiling niya ito? Was she starting to fall for him?
CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE
Labis ang paghanga ni Sassa para kay Tommy Fontanilla, ang vocalist ng paborito niyang banda-- ang Sentinel.
Sa palagay niya ay mahal na nga niya ito dahil pati poster nito ay kinakausap niya.
Tuwang-tuwa siya nang malaman niyang mai-interview niya ito. Ngunit dahil sobra-sobra ang paghanga niya rito ay pumalpak siya. Sa halip kasi na tanungin ito ay tulalang nakatingin lamang siya rito. Na-starstruck talaga siya rito.
Iyak siya ng iyak hanggang sa pag-uwi niya dahil sa kapalpakang iyon kaya naibuhos niya ang kanyang sama ng loob pati sa driver ng taxi na nasakyan niya. Ikinuwento niya rito kung gaano niya kamahal si Tommy na ngayon ay siguradong naiinis na sa kanya dahil sa kinalabasan ng interview na iyon.
Ang hindi niya alam, si Tommy na pala mismo ang driver na kausap niya! Ang kotse nito ang nasakyan niya nang hindi sinasadya! Ano na ngayon ang gagawin niya?
LOVING FAUST
Positibo pa rin ang pananaw ni Raia sa buhay. Kahit pa tila siya ang nakasalo ng lahat ng problema sa mundo. Tulad na lang ng muntik pa siyang masagasaan dahil sa pakikipaghabulan niya sa mga pulis bilang illegal vendor. Mabuti na lang at may sumagip sa kanya – si Faustino Valles. Guwapo, mukhang anghel, at mayaman; pero suplado, antipatiko, walang puso at manhid.
Tagilid pa yata ang magiging knight in shining armor niya. Paano na ang kanyang kagandahan?[/color]
PAINT MY HEART
Dani never did soften up to love. Nadala na kasi siyang umibig kaya ibinaling niya sa pagpipinta ang kanyang atensiyon. Kung mayroon mang nagtatangkang manligaw sa kanya ay dumadaan ang mga ito sa butas ng karayom.
Hanggang sa makilala niya si Justy Ueki Tyler. The guy was sinfully gorgeous. She just loved this slightly arrogant, slightly selfish, overly handsome and totally great guy. Pero biglang kumulo ang dugo niya rito nang marinig niyang laitin nito ang kanyang mga obra-maestra.
How dare the man! Wala itong alam sa art kaya wala itong karapatang insultuhin siya. Kaya nga nang makilala niya ang kapatid nito na si Ginny—isa sa masusugid na tagahanga niya ang dalaga—at pakiusapan siyang akitin ang workaholic monster na kuya nito, she did exactly what she was not supposed to do.[/color]
CATCH ME I'M FALLING FOR YOU
Abala c Dawn sa pagluluksa sa kanyang sugatang puso nang sumulpot sa harap niya ang pilotong si Ivan Drake. Kinausap siya nito ngunit dala ng pagdadalamhati ay halos hindi niya naririnig ang mga sinasabi nito. Nainis yata ito kaya binuhusan siya ng nito ng isang palanggana ng malamig na tubig.
Natauhan siya ng wala sa oras. Galit na galit na hinarap niya ito. "Bakit mo ako binuhusan ng tubig?"
"Style," nakangiting sagot nito.
She hated his style. Pero ang sugatang puso niya ay tila iba ang pananaw. Dahil tuwing nakakaramdam siya ng kalungkutan, ang "style" ni Ivan ang laging hinahanap niyon...
MAYBE YOU’RE MY LOVE
Problemado sa pera sina Juni at ang kanyang mga kaibigan. Kaya naisipan niyang isangla muna ang pinakamamahal niyang laptop computer.
Ngunit dahil okupado ang kanyang isip, muntik na siyang madisgrasya. Ang masaklap, ang pinakamamahal niyang laptop ang nadali dahil iyon ang sumabit sa kotseng muntik nang makabundol sa kanya. Nagkapira-piraso ang kanyang laptop.
Frustrated with everything in her life, she started crying in the middle of the street. Hanggang isang anghel ang lumapit sa kanya sa katauhan ni Forrester Caldona, ang may-ari ng sasakyang muntik nang makadisgrasya sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang lahat ng pag-aaring dala nito sa katawan para lang tumigil siya sa pag-iyak.
Nang makita niya ang guwapong mukha nito, parang hindi lamang ang kayamanan nito ang gusto niyang ibigay nito sa kanya. She wanted to own his heart and love, too.
WAKE UP, PRETTY LITTLE HEART
Serge and Aera had been best friends since childhood. May isa pang pinagkakasunduan ang dalawa: ang lihim na pagsinta ni Aera sa nakatatandang kapatid ni Serge na si Gian. Sa binata siya nanghihingi ng mga advice at kung anu-anong impormasyon tungkol sa kuya nito dahil hindi niya magawang makalapit at makausap nang maayos ans kanyang sinisinta.
Pero isang araw, nagalit na si Serge. “Gian, Gian! Puro ka na lang Gian! Pagbubuhulin ko kayong dalawa riyan!”
Hala! Anong nangyari? At bakit nang dumating ang pagkakataong makadaupang-palad niya ang kanyang pangarap na Prince Charming, ibang charming prince na ang hinahanap-hanap ng puso niya?
RETURN TO LOVE
Hindi inakala ni Elyunor na isang harmless na pagdya-jogging isang madaling-araw ay magiging umpisa ng walang katapusang kaguluhan sa kanyang buhay. At ang lahat ng iyon ay dahil lamang nabangga siya ni Jin, ang lalaki na kahit nagluluksa pa rin sa kamatayan ng kasintahan nito ay nagagawa pa ring magsungit sa kanya.
Isang gabi, nagkabanggaan na naman sila at nakapagbitiw siya ng masasakit na salita rito. wala siyang balak na makonsensiya kung hindi lamang ito nawalan ng malay dahil sa kalasingan.
"Help... me..."
Puso na niya ang nag-utos sa kanya na tulungan ito. Yeah, as in heart. Pambihira! Nahulog pa yata ang kanyang loob sa bigong lalaking ito!
TELL ME WHEN TO LOVE YOU
[/b]Mainit ang ulo ni Annejo nang araw na iyon. Lahat ay tila kinabubwisitan niya. Parang kahit tangke na panggiyera ay hindi niya uurungan. Ngiti lang ng isang matandang babae ang kahit papano ang nakapagsubside ng ngitngit niya sa mundo, na agad din namang naglaho nang makilala niya ang amo nitong si Eugene Montenola, isang mayamang negosyante na hindi marunong ngumitio magpakumbaba man lang. nang magkrus ang mga landas nila, tila hindi na magkakaroon ng katapusan ang iringan nila.
Pero nakialam ang tadhana
pati na ang kanilang mga puso...[/color][/font]
WANDERING HEART
Jesi was a perfect girlfriend material. She was smart, sexy, beautiful, successful, rich. Kaya nga laking pagtataka niya kung bakit naunahan pa siya ng mga walang-pakielam-sa-lalaking kaibigan niya. Kasal na ang isa at magpapakasal na ang isa pa. Samantalang siya, ni boyfriend ay wala.
She started asking herself. Hindi kaya pangit siya? Isa lang ang malakas ang loob na sumagot niyon-- si Sky, ang nerd na kapitbahay niya.
"Kung maganda ka, bakit kailangan mo pa ang opinyon ko?"
Anak ng patis! Hindi na dapat siya nagtanong pa. Ayaw niyang tanggapin ang naging kasagutan nito kaya nagbanta siya na hinding-hindi siya aalis ng bahay nito hangga't hindi ito naaakit sa karisma niya. Pero bakit tuwing titingnan niya ito ay hindi isang nerd ang nakikita niya? Ang mas masaklap, parang siya pa ang naaakit sa karisma nito! Baliktad yata.