Post by len on Feb 23, 2009 21:51:25 GMT 8
OPTION 5: LOVE ME, MY DARLING ENEMY
May malaking problema ang magkapitbahay na sina Marx at Jersey.
Problema nila ang isa't-isa.
Asar si Marx dahil palaging pinakikielaman ni Jersey ang kanyang sex life. Inis naman dito si Jersey dahil palagi siyang inaasar nito. Wala silang pinipiling oras at araw kung magbangayan. At madalas, naaapektuhan na ang mga kapitbahay nila.
So, their neighbors suggested a plan. Liligawan ni Marx si Jersey para mapabait ito. Jersey learned about the plan and came up with her counterattack.
Hinayaan niyang isipin ni Marx na nadadala siya sa mga ngiti at pagpapa-charming nito.
Pero kalaunan, bakit naaapektuhan na siya ng "panunuyo" nito?
BACK TO YOUR HEART
Minsan nang pinakawalan ni Illiana si Van at pinagsisihan niya nang labis iyon. Pinakawalan niya ang isang lalaking halos sambahin na siya.
Kaya ngayong muling nagkrus ang kanilang mga landas ay gagawin niya ang lahat mahalin lamang uli suya nito.
Pero tila walang epekto rito ang mga ginagawa niya.
Hindi na ba siya mahal nito?
LET ME CALL YOU SWEETHEART
Kung may pinakamatinding salitang makapag-lalarawan sa inis, iyon na ang nararamdaman ni Moira para kay Chance, ang best friend ng kuya niya. Misyon yata nito sa buhay ang galitin siya. Pikon pa naman siya kaya sa tuwina ay nasasaktan niya ito.
Ang hindi niya maintindihan, bakit sa kabila ng mga sakit na tinatamo nito sa kanya ay balik ito ng balik? Nakaka-addict ba ang mga hampas at tadyak niya rito?
Hindi na nakatiis ang kuya niya sa pagsasakitan nila ni Chance kaya nakielam na ito. "Kaya balik nang balik 'yon ay dahil mahal ka ng ugok na 'yon, sis."
Mahal siya ni Chance? Ang saksakan ng guwapong lalaking 'yon, torpe?
Ha-ha! Lagot ka sa akin, Chance!
LOVE COMES KNOCKIN'
Matindi ang pagkaka-crush ni Yanna kay Jordan. Hindi niya mapigilan ang sariling titigan ito, sadyain ito sa opisina nito, at sundan-sundan ito para lang mapansin siya nito.
Kaya labis syang natuwa nang kausapin siya nito. Nasundan iyon nang nasundan hanggang sa maging magkaibigan na sila.
Ngunit isang araw ay nalaman niyang may minamahal na ito. Ang masakit pa, patay na ang babae pero patuloy na minamahal ito ni Jordan.
Paano siya makikipag kumpitensiya sa isang taong hindi na nag-e-exist pero patuloy na minamahal ng lalaking mahal niya?
SEND IN MY PRINCE CHARMING
Hindi namalayan ni Vida na habang tumatagal ay lalo palang nadaragdagan ang paghanga niya sa guwapong may-ari ng Cape's Corner na si Vladimir. Hanggang sa matanto niyang mahal na pala niya ito.
May problema nga lang. Parang worlds apart ang mga personalidad nila. Seryoso ito, mababaw lang ang kaligayahan niya. Masyadong organized ito samantalang siya ay makalat. Mahilg ito sa mga makabuluhang pelikula, habang siya ay masaya na kay SpongeBob.
Pero mahal nga niya ito. Paano niya paglalapitin ang kanilang magkaibang mundo?
THE LOVE NEXT DOOR
Friends can be lovers but lovers can't be friends. Iyon ang nakatatak sa isip ni Leila kapag magsusulat siya ng nobela. Kahit kailan ay hindi siya nagsulat ng kwento na ang mga tauhan niya ay magkaibigan na nagkabalikan. Ilang beses na kasing na-reject ang kanyang mga gawang may ganoong tema. So she made it a point not to have that kind of relationship, in reel or real life. Enter her gorgeous next-door neighbor, Jace Oliveira. Great smile, suave voice, bedroom eyes and all. He was perfect. But he was also her friend.
BAD CASE OF LOVING YOU
Natagpuan ni Roanne ang isang perpektong lalaki sa katauhan ni Patrick Suarez nang mga panahong nagpasya siyang tigilan na ang pakikipagsapalaran sa larangan ng pag-ibig. He revived her hopes and dreams in the love department. At dahil bago sa kanya ang kakaibang damdaming iyon na dito lamang niya naramdaman, sinapian siya ng espiritu ni Gat Andres Bonifacio. Bigla na lang siyang nagtapat sa binata.
"I think I like you, Patrick."
His answer was a warm and understanding smile. Pero hindi iyon ang kailangan niya. Mukhang pinakinggan naman siya ng langit. She got his answer.
"It's not that I don't like you, Roanne. It's just that... I'm currently unavailable."
Nais niyang panghinaan ng loob. Isang kabiguan na naman yata ang hatid nito sa kanya...
THE LOVE CHARM
Minamalas si Tiffany. Tila sa bawat kilos niya ay nadidisgrasya siya. Kaya ang ginawa niya, sinunod niya ang payo ng matandang Intsik na nakatira din sa apartment building niya. Ayon dito, magsindi siya ng sticks ng insenso upang itaboy ang kamalasan sa kanyang paligid.
Upang tuluyan nang mawala ang kamalasan, dinamihan niya ang sticks na kanyang sinindihan. Tuloy ay inakalang nasusunog na ang unit niya dahil sa kapal ng usok na lumalabas doon!
Mabuti na lang at dumating ang magigiting na miyembro ng fire brigade volunteer team. Natuwa ang lahat maliban kay Dex, ang leader ng mga firemen. Ayon dito, tinakot niya ang ibang tenants ng building dahil sa kapabayaan niya.
Imbyerna ang beauty niya. Napakasungit ng pinakaguwapong bomberong nakita niya. Kung ganoon, bakit nahulog ang kanyang loob dito?
I HATE YOU BECAUSE I LOVE YOU
Rebelde si Yuri dahil na rin sa pambabale-wala sa kanya ng sariling ama. She hated everything around her--her so-called friends, her suitors, the plants in their house, the plants in their neighbor's house, her father, her father's girlfriend.
Hanggang sa makilala niya ang pamangkin ng girlfriend ng kanyang ama. Si Mark. She didn't like him the first time they met. Pero nang minsang halikan siya nito, tila naging santa ang pakiramdam niya dahil hindi niya nagawang pagalitan ito. Ni wala siyang naging reaksyon dito kundi ang mapatulala na lamang sa guwapong mukha nito.
Sa isang iglap, parang gusto na niya ng world peace.
PALAGAY KO MAHAL KITA
It was the worst day of Vivi's life. Natuluyan na ang naghihingalong printer niya, nasira ang computer niya at ang diskette na kinalalagyan ng lahat ng mga nobelang naisulat na niya ay nadampot pa ng ibang tao!
Dahil batid niyang masisiraan siya ng ulo kapag hindi niya nakuha ang diskette, gumawa siya ng paraan upang matunton ang taong nakakuha niyon. That person was Alexandros Llanzana--half Greek-half Filipino, and a hundred percent drop-dead gorgeous.
Tulala ang beauty niya. Tuloy ay parang hindi lang diskette niya ang nais niyang makuha sa opisina ng binata.
Kundi pati puso nito...
DON'T MESS WITH MY LOVE
Wala sa bokabularyo ni Maya ang mag-asawa o magka-boyriend man lang. Para sa kanya, sakit lang ng ulo iyon. Subalit nagbago ang pananaw niyang iyon sa buhay nang mapagtuunan niya ng pansin ang kapitbahay nilang si Reeve. "Masungit" at "bigo." Iyon ang description ng mga tao sa binata.
Pero para sa kanya, he was more than just a grumpy brokenhearted man. Napatunayan niya iyon nang magkasakit siya at alagaan siya nito nang walang hinihinging kapalit. Idagdag pa na sa kabila ng kasungitan nito, hindi siya pinagtataasan ng boses nito. Nakakatuwa rin itong textmate.
Hmm, aalagaan din kaya uli siya nito kung sakaling magpaalaga siya rito kahit wala siyang sakit?
==============================================
Published by: Precious Pages Corporation
*cover and teaser submitted by: Ace and Len