“YOU’VE made the right decision, hija.”
Tumungo nalang si Nami habang dinadama ang mainit na tasa ng kape na hawak niya. Kahit malakas ang ulan, sumugod na siya sa hotel na tinutuluyan ni Mrs. Mariko Izumi sa isla para sabihin na rito ang desisyon niya sa inaalok nito.
Pumayag na siya sa gusto nito. “Kung…pwede po sana, hihingi po ako ng maliit na pabor bilang kapalit ng pagtanggap ko sa alok nyo.”
Umayos naman ito ng upo at tiningnan siya. “Sige, sabihin mo lang. Kulang pa ba ang halagang inialok ko sayo—“
“H-Hindi po. Gusto ko lang po sanang humingi ng tulong sa inyo para mabawi ko yung isang titulo na hindi naman dapat nakasama dun sa mga naibigay ko kay Chief Luis. Importante po kasi iyon para sa angkan namin.”
Tumango naman kaagad ito at ngumiti sa kanya. “Sige, wag kang mag-alala.”
Nakahinga naman siya ng maluwag. “Salamat po.”
“Alam kong mahirap itong desisyon na kailangan mong gawin.Kasalanan ko rin dahil hindi ko muna ipinaliwanag sa iyo ng mabuti ang mga gagawin mo kaya mali kaagad ang naisip mo.”
Napangiwi naman siya. Inaamin niya na sa sobrang pagkagulat niya sa sinabi nito, nakalimutan na niyang linawin ang lahat. “Pasensya na ho. Magulung-magulo na ho kasi ang isip ko nung araw na iyon kaya wala na sa isip ko ang mga naririnig ko.”
Mariko smiled. “Napakabata mo pa para sa mga ganitong problema. Alam kong matalino kang bata at sigurado akong magagawa mo ito ng maayos.”
Naghintay naman siya sa sasabihin nito.
“I told you that you’ll be working as a concubine for my grandson. Pero hindi iyon gaya ng iniisip mo. You don’t need to deal with him…sexually. You’ll only serve as his companion, and all you have to do is to do everything to make him happy.”
Sa mga sinabi nito ay tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Masyado lang siyang paranoid. “You mean patatawanin ko siya? Hindi naman ho ako clown ah. hindi rin ho ako comedienne.”
“You don’t need to be one, hija. Being yourself makes everyone seeing you smile,”nakangiting tugon nito.
Ganon? Hindi niya alam yun ah. “Pero bakit nga ho ako? Marami naman pong iba diyan na kaya at willing gawin ang inaalok niyo. Pwede nyo naman sigurong pakiusapan ang asawa niya—”
Natawa ito. “My grandson was never been married, hija.”
Siyempre nagulat siya. “Oh.” Tapos concubine siya? Ang gulo yata?
“Isa pa, wala na akong panahong maghanap ng iba. Nang makita kita kahapon, magaan kaagad ang loob ko sa iyo. And I’m sure that I could trust you.”
Hindi na siya nakapagsalita. Parang biglang lumobo ang puso niya. Ngayon lang nangyari na may nagtiwala kaagad sa kanya ng ganoon kabilis.
“And besides, importanteng katangian ang mahaba mong pasensya para sa trabaho mong ito.”
Sa sinabi nito ay napaisip siya. Mukhang napakalaking sakit ng ulo ang apo nito. “Wag ho kayong mag-alala, I’ll try my best.”
Ngumiti naman ito. “Good. Now, for the conditions. My grandson will be arriving tomorrow night. At dahil pumayag kana, you have to be there earlier.”
“S-Saan po?”
“In his mansion. Kailangan mong tumira roon kasama niya sa loob ng tatlong buwan. Assist him with everything he will be doing. Sasamahan mo siyang kumain, kukwentuhan ng kahit ano, and the likes to make him happy.”
Isinulat naman niya lahat ng iyon sa isang papel na ibinigay ng sekretarya nito sa kanya.
Madali lang pala eh. Kering-keri. “However though, there is only one thing you should consider.”
“Ano ho iyon?”aniya habang tinitiyak kung kumpleto ang mga naisulat niya.
“He has this unusual habit. Ayaw niya ng may nakakakita sa kanya ng personal.”
Napatigil siya sa pagsusulat. “T-Teka lang ho, parang ang hirap naman ho yata non? Paano ko ho siya pasasayahin kung hindi ko siya makikita?” Isang kabaliwan. Ano ito, Pinoy Big Brother?
Bumuntong-hininga ito. “I know. Sana, maintindihan mo. And I suggest that you bear with him—at all times. And above all, I need your patience with him.”
Napakamot nalang siya ng kilay. Mukhang susubukan ng matandang iyon ang kaya niyang gawin. Pwes, makikita nito. Patutunayan niya ang kayang gawin ng isang Nami Trivinio.
DAHIL tuluyan na siyang pinalayas ng tiyahin, ikinuha siya ng isang kwarto ni Mrs. Mariko sa hotel. Responsibilidad na raw siya nito ngayon dahil sa trabahong naghihintay sa kanya.
Kinabukasan ay ibinilin siya nito sa sekretarya nitong nagpakilala sa kanya bilang Miss A. Ito na raw ang bahalang maghatid sa kanya sa bahay ng bagong amo niya. Ito na rin daw ang bahalang kumausap kay Chief Luis tungkol sa maliit na pabor na hiniling niya.
Pagsakay nila sa kotse ay isang envelop kaagad ang iniabot nito sa kanya. “Yan na ang downpayment na napgkasunduan ninyo ni
Mrs. Izumi. Pwede mong bilangin kung gusto mo.”
Tinanggap nalang niya iyon. “Hindi na. May tiwala naman ako sa inyo.”
“Good. Ihahatid ka namin sa Mansyon Langot gaya ng sinabi mo sa akin kanina. Didiretso na kaagad tayo sa misyon mo pagkatapos.”
“Pero papa’ano ang tiyuhin ko?”
“Nagpadala na ako ng mga tao at sila na ang bahalang maghatid sa kanya. Ayon sa napag-alaman namin, marami pa rin ang nagtatangka sa buhay niya sa lugar niyo. Don’t worry, ligtas siya sa pagdadalhan namin sa kanya. At tanging malalaman lang niya ay bumalik ka na ng Maynila, gaya ng gusto mong iparating sa kanya.”
“Salamat.” Mabuti na iyon. Sigurado kasi siyang maghuhuramentado ito kapag nalaman nito ang balak niyang gawin.
“Naayos ko na rin ang mga naiwan mong problema sa Maynila. Kaya wala ka ng ibang iisipin ngayon kundi ang trabaho mo.”
Ilang sandali pa at nasa harap na sila ng Langot mansion. Sinamahan siya ni Miss A na pumasok doon. Ibinigay niya ang halagang kailangan para mapalaya ng mga ito ang tiyuhin niya. Nag-usap sina Miss A at Chief Langot at ilang sandal ay ipinakita sa kanya ang isang brown envelope.
“Nariyan ba ang hinahanap mo?”
Tinignan niya ang nilalaman niyon. Napamura siya ng mahina. Wala roon ang titulo. Lumabas naman si Chief Luis.
“Sinabi ko na sa inyo, yan lang ang mga titulong nasa akin. Teka, dapat ay idemanda pa kita dahil hindi mo sinunod ang usapan—“
“I am representing in behalf of Mrs. Mariko Izumi, sir. At ako na ang bahala sa problemang yan ni Miss Travinio.”
Nagulat siya pero hindi na siya nakapagreact dahil biglang pumasok nalang sa loob ng opisina si Ms. A at kinausap muli ang lalaki.
Ilang sandali pa ay narinig niya ang boses ng tiyuhin niya. Nagtago naman siya. mahirap na kapag nakita pa siya nito. Ayos na sa kanya na alam niyang ligtas itong kasama ang dalawang babaeng tauhan ng mga Izumi na nang mga oras na iyon ay naka-civilian at nagpakilalang mga kaibigan niya.
Nagsimula na bumiyahe ang sasakyan nila patungo sa mansion ng magiging “companion” niya. Ayon kay Miss A, makikita iyon sa isang private island at kailangan pa nilang sumakay ng helicopter para makarating doon.
Habang daan ay muling lumipad ang isip niya sa naghihintay na mga mangyayari sa kanya. Anong klaseng tao kaya ito? Hindi naman nabanggit ni Mrs. Mariko kung ilan taon na ito kaya wala siyang ideya kung paano niya ito pakikitunguhan.
“Miss A, ikaw ba, nakita mo na ba ang apo ni Mrs. Mariko sa personal?”tanong niya.
Nagdududang tiningnan niya ito. “Masyado ka ng maraming inuusisa.”
“Nagtatanong lang naman eh.”
Bilang kasagutan ay umiling ito. “Tanging si Mrs. Izumi lang ang nakakakita sa kanya ng personal. Pero bilang nag-iisang apo nito, malaki ang respeto namin sa kanya.”
Natigilan naman siya. Kung ganoon ay hindi naman pala siya nag-iisa sa sitwasyon niyang iyon. Sa nalaman niya, lalo lang tuloy siyang na-curious.
Hindi kaya may sa halimaw ang apo nito?
Napapitlag siya bigla nang biglang tumunog ang cellphone nito. Habang nakikipag-usap ito roon ay ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat nag-iisip ng kung anu-anong kalokohan sa magiging trabaho niya.
Ang seventy million. Iyon ang isipin mo. Ang dapat lang naman niyang gawin ay ang pasayahin ito. Iyon lang.
Mayamaya ay namalayan nalang niya na abala sa pagse-setup ng dala nitong laptop si Miss A. Bago pa siya makapagtanong ay isinuot na nito sa kanya ang isang headphone.
“Ano’ng—“
“Kakausapin ka raw ni boss,”anito.
“Si Mrs. Mariko?”
“Hindi. Yung apo niya.”
Bumagsak ang panga niya. “Ha!? T-Teka lang hindi pa ako ready—“
Pumailanlang sa pandinig niya ang isang weird na music box tone. Napalunok nalang siya nang iharap sa kanya ni Miss A ang monitor ng laptop. Wala siyang nakikita roon kundi ang isang black window.
“Pwede ka ng magsalita,”udyok sa kanya ni Miss A.
Sinubukan niya pero parang may kung anong nakabara sa lalamunan niya. parang katulad iyon ng isang eksena sa isang Japanese movie na napanood niya noon.
Sa huli ay nagawa na rin niyang makapagsalita. “H-Hello?”
“Ikaw si Nami?,”anang boses-chipmunk sa kabilang linya. Muli siyang napanganga. Magiging concubine siya ng isang bata?!
Napalingon siya kay Miss A. Pero nakakunot lang ang noo nito.
“Y-yes sir.”
“Call me Ryo.”
Ryo? “O-Okay…S-Sir Ryo.”
Tumawa ito. pero biglang nagbago ang pitch ng boses nito. It changed into the lowest pitch.
He’s using a pitch shifter! Kung ganoon ay hindi pa man siya nag-uumpisa ay pinaglalaruan na siya nito.
“I don’t like you.”
Kasabay niyon ay isang tunog na napakasakit sa tainga ang pumailanlang. Hinubad niya kaagad ang headphone. Pagkatapos niyon ay tumigil ang tunog at nawala na ito sa linya.
Nang makabawi ay nakaramdam siya ng matinding inis. Ang lakas ng loob ng Ryo na iyon na gawin yon? And oh, did he say, “I don’t like you” to her?
Sa nangyari ay napalitan ng determinasyon ang kanina’y matinding kaba na nararamdaman niya. Kung ayaw ng Ryo na iyon sa kanya, problema na nito iyon. Basta gagawin niya ang trabaho niya at sigurado siyang hindi siya patatalo dito.
“We’re here,”mayamaya’y anunsyo sa kanya ni Miss A. Bumukas na rin ang pintuan sa side niya.
PAGLAPAG ng helicopter sa isla ay kaagad niyang naramdaman ang matinding lamig sa kabila ng makapal na jacket na ipinasuot sa kanya ni Miss A. Kaagad niyang natanaw ang mansyon, dahil iyon lang ang nag-iisang bahay na may liwanag.
Ilang sandali pa at lumapag na sila sa helipad di kalayuan sa mansyon. Kaagad siyang pinapasok ni Miss A sa loob kaya hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na makita ang paligid niyon.
When they reached inside, she could only let herself be stunned. The place was magnificent. Sa mga pahina lang ng international magazine lang siya nakakita ng katulad ng nakikita niya nang mga oras na iyon. Huge, red-carpet staircase, Turkish carpeted floor, expensive furnitures and paintings, and life-sized Greek mythology structures. Mayroon ding malaking crystal chandelier sa mataas na kisame ng kinalalagyan nila.
Lahat ng nakikita niya, maliit na bahagi lang sa buong kabuuan ng mansyong kinalalagyan niya. Parang isang panaginip. At doon siya mamamalagi sa loob ng tatlong buwan.
Iyon ay kung makakatagal siya sa ugali ng Ryo na iyon.
Ha! Hinding-hindi ako magpapatalo sa kumag na yon!“May mga katulong kayong makakasama rito, kaya wala kang magiging problema sa mga paglilinis ng buong mansion, kung iyon ang inaalala mo,”narinig nalang niyang sabi ni Miss A. “Ang tanging aalalahanin mo lang ay ang mga ipag-uutos sa iyo ni Master Ryo.”
Iyon nga at sunud-sunod na nagsilabasan ang mga katulong at malugod na binati sila. Halos nasa beinte ang mga ito, kasama na ang mga kalalakihan.
Bago umalis si Miss A ay iniabot nito ang isang cellphone na siyang magiging link niya rito at kay Ryo. Tinapik siya nito sa balikat.
“Alam kong kaya mo yan. Goodluck.”
She smiled. “Sana, pagkatapos nito, pwede ko ng malaman ang birthname mo.”
Ngumiti lang ito at lumabas na. Hindi nagtagal at narinig nalang niya ang papaalis ng helicopter.
“Miss Nami, ihahatid ko na po kayo sa magiging silid nyo,”untag sa kanya ng isang katulong.
“Salamat,”tugon niya at sumunod na rito. Magsisimula na ang trabaho niya sa oras na iyon. Kailangan nalang niyang hintayin ang pagdating ni Ryo.
NAGISING si Nami sa mahinang tunog na tila ba ingit ng pinto. Sa kakahintay niya kay Ryo, at dala na rin ng matinding pagod sa mahaba-haba din nilang biyahe, hindi na niya namalayan na nakatulog na pala siya sa kanyang silid.
Bumangon siya at hindi na binuksan pa ang mga ilaw. Napakaganda kasing pagmasdan ang ilaw na nagmumula sa floor-to-ceiling na bintana ng silid niya. Lumapit siya roon. Malalim na pala ang gabi. Eksakto alas-sais nang lumapag nang makarating sila sa islang iyon. Kung ganoon, matagal na rin pala siyang naghihintay.
Nang maihatid siya ng katulong sa magiging silid niya—na sinlaki yata ng isang presidential suite sa isang mamahaling hotel—kaagad siyang naligo at nagbihis. Halos malula siya nang makita niya ang laman ng kanyang closet. Punung-puno iyon ng mamahaling gamit gaya ng damit at sapatos. May nakita siyang maliit na note sa ibabaw niyon at napangiti siya nang mapag-alamang galing iyon lahat kay Mrs. Mariko.
Pagkatapos ay kumain na siya ng pagkaing inihanda ng mga katulong.
Makalipas ang isang oras ay nagbalik siya sa silid niya. Doon ay nag-isip siya ng mga bagay na gagawin niya para mapasaya si Ryo. Sa ginawa nito kanina, mukhang napakalaki nga ng problema rito ng lola nito. Hindi uubra dito ang mga simpleng patawa.
Nang wala siyang sapat na maisip, nagpasya muna siyang magpahinga para handa na siya kapag nagkita sila ni Ryo.
Tinanaw niya ang harapan ng mansion. Wala ni isa mang sasakyang nakaparada roon.
Nasan na kaya yon? Gaya ng inaasahan, namamahay siya. Matatagalan bago siya dalawin ulit ng antok.
“Hinihintay mo ba ako?”
Kaagad na napapitlag siya at kaagad hinanap ang kung sinuman iyon na nagsalita.
“Diyan ka lang,”anitong muli.