thankzz..sige..i papaste ko na...filipino sakin..kay janna ang english..
OH YEAHHHHHHHHHHHHHH....ITO NAMAN PARA SA MGA TINARAYDOR NG KANILANG FRIENDSSS NA PALAGING NANGYAYARI DAHIL SA MGA BOYYYYYYYSSSSSS...na di ko na experience pero lagi kong nababasa at naririniggggggggg..
LIHIM NA KAAWAY
Kung meron man sa'king nakakakilala
'Yun ay ang kasama sa tuwi-tuwina
Ikay laging nakaantabay
Sa aki'y laging gumagabay
Di alam na lihim na naiingit
Na sa loob ay lihim na nagngingitngit
Na'kong malalaman ay magugulat
At mamumulat sa rebelasyong kagulat-gulat
Na pwera siya'y aking kaibigan
At lubusan ko nang napagkakatiwalaan
Ako pala'y lihim na sinisiraan
Sa paaralan at kung saan saan
Nang dahils sa isang lalaki
Ang pagkakaibiga'y isinantabi
Hangga't isang araw ay mahuli
Na ako'y sinisira't iyong sarili'y ipinagmamalaki
Di ko noon pinaniwalaan ang sabi ng iba
Pagkat ako sayo'y naniniwala
Ngayon ko lang napagtanto
Na MATALIK NA KAIBIGAN DIN ANG MAAARING TUMARAYDOR SAYO
5/6/07
PALARUAN
Dito tayo nagsimula
At bumuo ng mga ala-ala
nang tayo'y mga bata pa
Ay dito unang pinagtagpo ng tadhana.
Dito nabuo ang pagkakaibigan
Na tumagal hanggang magkagulang
Lagi tayong nagkakaunawaan
Kaya tampuha'y na iiwasan.
Pero habang tumatagal ay nadaragdagan
Ang aking lihim na nararamdaman
Na kalaunay nalamang pag-ibig pala
Na para maiwasan ang problema ay sinupil ko na.
Pero ito'y 'di ko nagawa
Pag may kasama kang iba'y lihim akong nagwawala
Ang 'di ko alam ay napansin mo pala
Kaya tinanong kung ako'y may dinaramdam ba.
Pero ito'y iyong nalaman
Sa isa sa'yong kaibigan
Ako'y iyong iniwasan
At nalamang ika'y lilisan.
Sampung taon ang matuling lumipas
natatandaang umalis ka sa gulang na labing - apat
Kung saan nag iwan ka ng isang sulat
N may lamang lubos kung ikinagulat.
Mahal mo na ako noon pa man
Pero di na yun ang tamang panahon
Na balang araw sa palaruan
Tayo'y magkikita't maguusap.
Di namalayang ako'y lumuluha na
Habang ika'y inaalala
Nang may nagbigay sa akin ng panyo
at sinabing "TINUPAD KO ANG AKING PANGAKO".
(Ito ang unang unang tulang nagawa ko..)
5/27/07
kAYA AKO INIWAN
Noon tayo'y magkasintahan
At kapwa nagmamahalan
Pero ika'y biglang lumisan
sa di malamang dahilan
Mundo ko'y nawalan ng kulay
Dahil sa pag alis ng biglaan
Mula noo'y naging malumbay
Kaya mga kaibigan ay gumawa ng paraan
Kanilang nalaman ang isang lihim
At na sa aki'y iyong inilihim
na pag aking nalaman
tiyak na sakit ang mararamdaman
Pero mga kaibiga'y nabuko
Habang naguusap ng lihim sayo
At and dahilan ng iyong paglayo
na kaya inilihim ay para sa ikabubuti ko
Ika'y mayroong sakit
na matagal na sayong nagpapasakit
Na kaya ako'y iyong iniwan
ay para makahanap ng ibang KALIGAYAHAN.
..nakabasa kasi ako ng sad short story na nalimutan ko na ung title...may version din ito..un namang guy ung nag eexplain....{from simple tensai and kawaii}
..yeah yeah yeah..ur simpleng tensai and kawaii is here....ITO NAMAN YUNG VERSION NG GUY DOON SA GIRL....(panu ba ako nakakagawa ng ganitong kadramahan??)oh WELL,IM TENSAI AND KAWAII KASI...FILIPINO VERSION TALAGA....suppose to be story to pero nagrirhyme ang words kaya ginawa ko nalang narrative poem.....
5/7/07-5/8/07
SANA NOON PA
Noon ako'y nakaratay
Kamataya'y malungkot na hinihintay
Nang ako'y may naisip na hakbang
At ito'y sinabi sa aking magulan
Na mamuhay ng pangkaraniwan
At maramdaman ang kailanma'y di nakagisnan
Ang magkaroon ng kaibigan
Na kailanma'y di naranasan
Pero ang di ko inaasahan
Ay higit pa ang aking mararahasan
Nang aksidenteng siya'y aking makilala
Di na nawala sa aking gunita
Naramdamang siya'y maypagtingin din
Kaya di nag alinlangang siya'y mahalin
Kami'y naging magkaibigan
At di kalauna'y siya'y aking niligawan
Panandaliang nakalimutang maysakit
Na sa aki'y nagpapasakit
At pag - ikay nakikita
Araw ko'y kompleto na
Labis ang aking kasiyahan
Nang pag-ibig ko'y iyong sinuklian
Ito'y di ko inaasahan
Maramdaman ang ganitong kasiyahan
Ngunit ganoon nalang ang kalungkutan
Nang sakit ay biglang nagparamdam
Nakalimutan ang dalawang buwang taning
Na ngayo'y malapit nang dumating
Kailangan ko ngayong magsinungaling
Para pagtingin mo'y sa iba mabaling
Alam kong ika'y aking nasaktan
Ngunit dobleng sakit ang aking naramdaman
Ngayon ako'y muling naghihintay
Aking buhay puno ulit ng lumbay
Pero ako ngayo'y di na nanunumbat
Bagkus sa diyos ay nagpapasalamat...
MERON PA PALANG ISA...for my classmate and friend ng 4th year...na padangaton(love) si 'dont deserve guy'..hehehe...AKALA NYO AKO ANG NAKA EXPERIENCE..YEAH WELL....HEHEHE...KAYA NAGIGING MAS TENSAI AKO EH..IM THINKING OF DOING IT AS A STORY PERO ITO ANG NAGAWA KO...
9/17/07
SANA
Noong una tayong magkakilala
Sa puso ko'y may kakaibang nadama
Pero sa halip na tayo'y maging magkaibigan
Tayo'y laging nagbabangayan
Pero ang di mo alam
Ika'y aking lihim na inaasam
Kahit na tayo'y nagbabangayan
Sa puso ko ika'y laging nariyan
Ang akala ko ay may katugon ito
Nararamdaman kong lihim sayo
Yun pala ay kaibigan lang ang turing mo
Kaya ng malama'y sakit ang idinulot nito
Ako'y iyo lamang pinaasa
Kahit na ito'y di sinasadya
Kung alam kong ganito ang mararamdaman
Sana'y di nalang kita inasam
Ngayon akoy may iba na
'Pagkat pag-ibig ko'y iyong ipinagwalang bahala
Sana sa kanya ko maranasan
Pag-ibig na sayo'y di ko naramdaman..
WUHHHHHHHHH...SINASAPIAN TALAGA AKO NI BALAGTAS KAYA ITO PA.........
ITO NAMAN YUNG KADALASANG THEME NG NOVEL NI MS SONIA F. O ATE CHERIE.....
5/6/07
PARA MAPANSIN
Ako'y naghahanap ng magiging kaibigan
Pero sa halip ay ikaw ang aking natagpuan
Palagi mo akong kinokonta't sinasaling
Akala mo kung sinong magaling
Palagi kaming nag-aasaran
At kung minsan ay nag babangayan
Pero isang araw ay biglang nagulat
Dahil saking puso'y may sumambulat
Ako sayo'y may pagtingin
Di alam kung paano susupilin
Umuusbong na pagtingin
Na nararamdamang may katugon din
Isang araw ako'y nabigla
Nang ika'y dumating at may dala-dala
Sinabi sakin ang iyon damdamin
Na kaya nang-aasar ay PARA MAPANSIN..
..parang ung kay marx at jersey..hehehe..
5/06/07
DI SINASADYA
Nagmamadali ako nga araw na iyon
Sa sobrang pagmamadali'y libro nati'y kapwa tumilapon
Yun pala ay dahil nabangga kita
Ika'y nagulat rin sa nakita
Tinulungan mo ako sa pag aayos ng libro ko
At pagkatapos ay nagpaalam na rin ako...
Di namalayang nagkapalit ng aklat
Kaya ito'y aking sinipat- sipat
At nalaman ang iyong ngalan at antas
Nagmamadaling pinuntahan at daa'y binagtas
Di alam kung saan kumuha ng lakas
Ako'y nabigla ng pinto'y biglang bumukas...
Mula noo'y nagkaroon ng kulay
Ang noo'y ordinaryo kong buhay
Nagsimulang mag isip kung anong meron ka
At sa isip ay di ka mawala
Konsentrasyon sa paglalakad ay nawala
Nang matigas na bagay saki'y bumangga
Aking katawa'y bumigay
Buti nalang at mayroong saki'y umalalay
Laking gulat ng mukha'y makita
Di kaya't ako'y nababaliw na?
Siya yon,ang aking nabangga
Sa pagmamadali'y nakilala ng di sinasadya..
.ate mas maganda ako diyan..actually marami na talaga akong nagawa..mostly pag bakasyon..nakagawa pala ako kagabi..hihihi..for ONE OF MY CLOSEST FRIEND NICCA PRANING NA ANG LAKAS NG LOOB MAGSABING SILA RAW NI "CEDRIC" PERO DI ALAM NI CEDRIC...
..PARA SA MADE IN DIAMOND ANG PUSO.IT IS QUITE IMPOSSIBLE TO MAKE A POEM OF LOVE PERO I CAN DO IT BECAUSE IM A TENSAI...AND IM SO KIND IN HEART..ANG BAIT KO AS IN...dapat talaga story to pero nag ra rhyme talaga..
..KAYA KO TO PINOPOST FOR UR COMMENTS GUYS...WALA LANG..TRIP..AT MAHILIG AKO SI MAY "DI" ANG TITLE...TULAD NITO..
11/17/08
DI INAASAHAN
Noong una kitang makilala
Ako'y may kakaibang nadama
Ika'y guwapo at mukhang matalino
Kaya pag ika'y nakikita ,akoy nalilito
Simula noo'y laging napapansin
Pag lapit mo'y nagpapakaba sa akin
Pag ika'y nakikita,mukha ko'y umaaliwalas
Pero maya-maya,ako'y aalis at iiwas
Ayaw kong mapansin mo
At baka mabasa mo ang nararamdaman ko
Maiparating ko pa kaya?
O itatago k nalang hanggang mawala
Dahil ang tingin dito ay isa lamang atraksyon
Na lilipas din pagdating ng panahon
Magsasawa din ako sayo
Tulad ng ibang nagustuhan ko
Pero bakit ganun ang tadhana
At talagang mapagbiru talaga!
Kung sino pa ang iyong iniiwasan
Ay siya pa ang makakasama ng di inaasahan
..ANG SWEET NG POEM NA ITO..I HOPE U LIKE IT TOO....DI PA TAPOS ANG LOVESTORY NILA...
HEHEHE...SO SWEET!!
5/7/07
PANAKIP BUTAS
Noong una tayong magkakilala
Ika'y di na nawaglit sa aking ala ala
Ika'y aking naging kaibigan
At di kalaunan ay aking niligawan
Dahil nakita mong ako'y tapat
Sinabi mong ako'y karapat dapat
Pero ako'y may nakikita sayong mga mata
Kalungkutang tinatago sayong mga tawa
Dahil sa natuklasa'y aking inalam
Malungkot na bahagi ng iyong nakaraan
Aking nalamang ika'y iniwan
Ng iyong kasintahan para sa'yong kaibigan
Di alam kung anong gagawin
Lungkot mo'y paano papawiin
Ano ang aking gagawin
Sapat kayang ika'y palayain?
Hangga't iy0ng nalamang siya'y bumalik
Kasiyahan sa mukha mo'y nanumbalik
Ika'y nalito kung sinong pipiliin
Kaya napag desisyunan ang aking dapat gawin
Ika'y dapat ko ng palayain
Masakit man pero kailangang gawin
Ito lamang ang magiging lunas
Kahit na malamang ako'y naging PANAKIP BUTAS
TSK TSK TSK..Meron pa bang lalaking tulad nito??
TUNAY NA KAIBIGAN
Kabrad,katropa at kabardaka
Iyan ang ibang tawag sa kanila
Kasa kasama sa hirap at saya
Kasa kasama sa problema at ligaya
Di ka nila iiwan
Ngayon, bukas o kailan man
Sila'y laging nariyan
At hinding hindi ka pababayaan
Sa oras ng pangangailangan ay matatakbuhan
Sila'y tutulong ano man ang kahihinatnan
Sama sam sa anomang kalalabasan
Positibo o negatibo man yan
Pag sila'y nariyan ika'y sasaya
At nararamdamang di ka nag iisa
Nakakaramdam ka ng kakontentuhan
Na mararamdaman lang sa mga TUNAY NA KAIBIGAN
PAG ASA
Sinasabing kami ang pag asa
Upang mundo'y maalis sa dusa
Pero hindi ito ang realisasyon
At ngayon palang kailangan ng mag desisyon
Ang totoo naming kalagayan
Ay wala kaming boses tungo sa kaunlaran
Nitong inang bayan
Na patuloy na sinisira't nilalapastangan
Kami'y nasa isang tabi lang
Ni hindi nakikita at napapansin
Ng aming mga magulang
At ng sino mang may gulang
Aming puso'y lumuluha na
Pero kami'y walang magawa
'Pagkat kami'y bata pa
At babalewalain lang ang pwedeng magawa
Kailan kaya kami mapapansin
At sila'y tuluyang magigising
Hihintayin pa ba nilang mundoy masira?
O gagawa na ng paraan para ito'y masalba
(hehehe...yeah..serious din ako paminsan minsan...)