|
Post by Julienne on Oct 22, 2009 22:09:13 GMT 8
let's talk about love
Well,ako muna huh?
Kilala ko sya mula grade 6 pa lang ako (second year hs na ako). Well, isa sya sa mga cutest and most popular guy sa school namin, marami naloloka sa kanya noon, even my 2 bestfriends, pag nakita nila si 'R', napapatili sila at mga kinikilig pero hindi ako. Kasi, hindi ako ang tipo na in love sa tao because he's good looking. So, sa maka-tuwid, deadma lang sa akin ung alindog nya...
Lumipat ako ng school noon, sa Letran. Pero bumalik din ako sa aking alma matter (ate gemme, alam mu na kung saan, pareho lang tau), Ngayong second year na ako, biglang may nag txt sa akin, and i asked who is he...edie un nga, nagpakilala sya, well, shocks ako kasi, hindi ko inaasahan na darating ang panahon na mapapansin nya ako, pero ayun na nga, naging close kami, tapos kung itrato nya ako ay special.
Noong una, sabi ko, attracted lang ako at humahanga sa kanya. Na hindi ako pwedeng ma-in love sa katulad nya kasi mukha syang playboy. pero habang tumatagal, lalong lumalalim, hanggang sa ayun na...BOOM! tinanggap ko na sya sa buhay ko, mahal ko na sya at natatakot na ako. That was the first time na natakot ako sa buhay. andun yung takot at saya...magka-halo talaga sya...
Naging kami, pina-amin nya kasi ako. Syempre, since mahal ko na nga, go-go-go na... Pero nag alangan na ako, kasi parang hindi ko maramdaman yung love, parang kulang, parang hindi sya seryoso, kasi biruin mo, it takes 2 days, bago nya ako nasabihan na mahal nya ako.
Sobra ko syang minahal na handa ako mag-mukhang tanga para lang sa kanya. Nakagawa ako ng 3 poem para sa kanya...hanggang sa sinabi nya sa akin na "Huwag mo akong mahalin ng sobra", ayun, bumalik nanaman yung takot. tapos the next day, ganun nanaman sya, tapos the next day ulit, wala na.
Dahilan: hindi nya daw ma handle yung relationship namin.
tinanong ko sya kung bakit. sabi nya basta, sabi ko, "anong ba kasi ang tunay na dahilan?" sabi nya sa akin, may iba daw sya...which is hindi ako naniniwala.
umiyak ako nun ng ilang araw, hanggang sa school, naiyak ako sa mga friends ko. upto now, hindi ko sya makalimutan. wala na yung galit at sama ng loob eh. pero andito pa rin yung pain at love. Sobra ko pa rin syang mahal...nakiusap ako sa mga friends ko na kung sakali na malaman nila na mag bago na si 'R' na gf, please lang, wag nang sabihin sa akin at hindi ko makakaya...
He's the only one i ever love like this. hindi ko makakaya pag nalaman kong may iba na sya...
un lng...
|
|
mhaee
New Member
Posts: 19
|
Post by mhaee on Oct 24, 2009 18:49:48 GMT 8
join ako dito...
second year high school ako nun unang lumandi...birthday niya kahapon..hahaha
mayabang siya (un tingin ko sa kanya nung na-meet ko siya nung first year...) para sakin pinagti-trip-an niya lang ako...marami kaming common friends eh..at alam ko na mahilig siya sa magaganda eh hindi naman ako maganda...pero pareho kaming mahilig sa sports. sabi niya yun yung reason kung bakit niya ako nagustuhan (na chorva lang sa tingin ko.)
ayun, niligaw-ligawan niya ako for a year...at dahil sa kakasulsol ng friends namin dahil ako lang ang wala pa at hindi pa nagkaka-boyfriend,sinagot ko siya...crush ko na din naman siya by that time..
at gaya ng sinasabi nila, sa umpisa lang masaya ang relationship. dami kasi namin naging problema bago pa kami naka-one year...ayaw ng parents ko na mag-boyfriend ako kasi thirteen pa lang ako..may issue na may iba siyang babae..nalulong ako sa sports..magkaiba kami ng school at lumayo pa talaga siya the following year.
pero dahil matibay kaming dalawa,nag-survive kami sa first year ng relationship namin. nakakagawa kami ng way para magkita at magturuan ng assignments. masaya ng ako ng ganun (ang babaw ko no?)
akala ko tuluy-tuloy na na ok kami nung third year high school na kami..wala lang naman samin na magka-crush sa iba kasi aware naman kami sa mga crush ng isa't isa..hanggang dumating sa buhay ko sa pj..nagulo ang kautakan ko!
ang tuksuhan na nagsimula sa panaginip ay nauwi sa isang seryosong problema namin ni irog ko..muntik na kaming mag-break dahil kay fafa pj..hindi ko na lang kasi siya basta crush.. feeling ko nung time na yun,na-i-inlove na ako sa kanya..at dahil honest akong girlfriend,sinabi ko sa kay irog..ayun,he freaked out!
matagal kaming galit-galit ni irog ko..pero di kami break..galit-galit lang..nakokonsensiya na ako pero gusto ko na siyang i-give up that time..kasi aside sa marami kaming problema, lagi pa siyang nasa malayo..si pj yung lagi kong kasama..lagi akong hinahatid pauwi and everything...pero dahil nga matibay kami at nanghihinayang ako sa time na pinagsamahan namin,di pa rin ako nakipag-break..wala din naman siyang planong makipag-break (mambabae lang..)
bukod kay pj, si grandmama niya ang isa sa pinakamalaking problema namin during our relationship..nung high school..graduation nila nung high school (nauna kami sa kanila) naglunch kami sa bahay nila..with his parents,his lola and our friends..super bati ako sa lola niya kahit kinakabahan ako..and as usual,na-snob na naman ako...di man lang tiningnan..ang sa bi ni lola niya,di daw kami bagay ni irog kasi may pera sila,kami...wala?at di naman daw ako maganda..at lalo siyang nang-galaiti nung close na ako sa family nila,pati sa unang great grand daughter niya..sinabi daw niya na kahit magkapera kami,di pa rin niya ako magugustuhan..oh di ba,pang-teleserye!
we broke up few weeks after that...nasa isang elite school siya at ako ay isang iskolar ng bayan sa sta. mesa...pero nakakaloka na nagkikita at lumalabas pa rin kami paminsan-minsa..hanggang nag-reunite kami...tapos nalaman ko na lang na okay na yung papers niya para pumunta sa europe..dun na siya mag-aaral..ayaw lang daw niya mabakante kaya nag-enroll pa siya dito..ok lang naman sakin na aalis siya (pero sabi ko lang yun..sinabi ko pa nga sa kanya na pwede namang dito na lang siya mag-college..dahil ayoko siyang umalis!as in ayoko talaga!)
alam ko naman na ayaw niya ring umalis..wala lang siyang choice (sabi niya)..andito kasi yung family and friends niya...we gave him the space he needed para makapag-adjust sa buhay na malayo sa nakasanayan niya..
hanggang...
ten days after ng seventeenth birthday ko..sa may mcdonald's cubao (malapit sa araneta coliseum)..i saw him with someone..holding hands!at ang mas malala pa,kasama nila yung friends namin..nagulat siya nung nakita niya ako kasi kasagsagan yung mga production na ginagawa namin as broadcomm students...ang tibay ka nga kasi nakuha ko pang ngumuti..tapos tinawag niya ako..di ko siya pinansin..paglagpag na paglagpas ko sa kanya,nararamdaman ko nang iiyak na ako pero pinigil ko...sabi ko sa sarili ko "ANG PANGIT NIYA!" at di ko siya iiyakan..pero di pa nakakasakay ng jeep di ko na napigilan pa..nakakahiya kasi sa jeep pa ako humahagulhol..eh ano naman magagawa ako?ang sakit kaya!binigay ko sa kanya yung space na kailangan niya tapos kaartehan lang pala niya yun...dun pa sila nagdate sa madalas naming puntahan..gusto ko na tuloy isumpa ang mcdonald's that time..favorite kaya namin yun..badtrip talaga siya!
bakit kasi naisipan ko pa magmcdo nung araw na yun!
ang tagal naming nag-uasap pero siyempre nagkabati pa rin kami..di ko siya kayang tiisin kasi siya lang yung nag-iisang tao na minahal ko ng sobra..siya lang pala yung lalaking minahal ko,bukod sa mga lalaki sa pamilya namin..
(next time na kasunod..masakit na yung eyes ko..mahaba pa to..kasi nilalandi pa rin niya ako til now..at nagpapalandi naman ako..can't help it..siya pa rin kasi yung mahal ko hanggang ngayon)
|
|
|
Post by Julienne on Oct 24, 2009 21:06:22 GMT 8
iba talaga pag sobrang mahal no? anhirap mag move on...halos isumpa ko na ang love eh...
|
|
|
Post by Julienne on Oct 24, 2009 21:10:08 GMT 8
haist...I saw him this day... tlaga naman oh! xa na nasa utak ko...tanong ako ng tanong na "asan kaya sya? kumaen nba xa?" tapos ung mga friends ko biglang nag iritan tapos sinabi na ayun daw sya...pag lingon ko, ayun na nga! whew! long hair na ang mahal ko....
|
|
kindy
New Member
baliw na baliw aq... yohoho!
Posts: 20
|
Post by kindy on Dec 16, 2010 22:27:40 GMT 8
sali aqoh! hehe!
tutal di nio naman aqoh kilala, mkapals ang mukha qoh
itago na lng natin siya sa pngalang 'alien' so.. yun di aq masyadong marunong mag-summarize ng kwento pero i'll try my best.. *buntong hininga* highschool rin aq nung tumibok ang nanahimik kong puso... uuuyy! im a loner before, a silent killer, nasa loob ang kulo.. (na lumabas na ngaun) i just have dis one frend i joke with, i laf with, and im contented. heto nga, dahil nsa loob ang kulo... nag-aadik aq ng mag-isa sa isa pang libro na kinalolokohan q, bukod pa sa libro ni ms sonia. and dat is twilight. grabe ang kabaliwan ko don. pinanood q ung mga movie and buy those 4 books. bulag ata aq nun dhil prang nag-ka crush pa ata aq non kay robert pattinson, then one day dahil sa malilikot naming mga mata, we saw him. kamukha siya ni rpatts kya yun. hindi na namin siya nilubayan ng tingin. ngyun hindi nman gwapo si rpattz and.. oops.. no offense means for those fans of his... let me rephrase it. hindi naman gwapo si rpattz kpg hindi niya inahit yung mga balbas niya sa mukha. hayun... uhhh, in short di nga sya kagwapuhan. (ang galing ko! dami ko pang paliwanag grabe!) hayun, edi asar to the max q xa kay C. si alin nmn walang kamalay-malay sa mga nangyayari. hayun nga, nagpatuloy ang asaran namin hanggang sa matpos ang taon. first year pa lng aq neto kya hnd q inakalang mangyayari to. ang pagkakaalm namin ni C, 4th year na siya. kya panay ang asar q sa kanya.. "ahhh, ga-graduate na siya..." asar q sa kanya.but wen i went home, wla sa sariling napaiyak aq. hayun, then his not-so-handsome-face cross my mind. hindi ko alam i had fallen for him na pla... buti pa nga kau, nagkaroon kau ng chance na maging magsyota kau. peo aus lang kc mula sa mga nbsa q. prang d q mkakaya ung sakit.......... heto ang punchline: magka-school mate kmi ngaun.......... WHAT AM I GOING TO DO? TELL HIM I LOVE HIM
OR
LOVE HIM SECRETLY>>>>>
again?
|
|
|
Post by mymyarmy on Jul 2, 2011 21:49:47 GMT 8
Mag-sshare din ako? Wag na ata. Nahihiya naman ako XD
|
|
|
Post by airaykopo on Jul 13, 2011 13:35:34 GMT 8
may mai-sshare ba ako?? wla ata ehh. HAHA.
|
|
iamnorayn
New Member
im funny,witty and pretty,.dare me?!
Posts: 26
|
Post by iamnorayn on Jul 19, 2011 16:34:02 GMT 8
ako pasali!! ah sa lablife ko.,., ahmmmmmz,.. zero yta hahaha,.., aw,, wla lng prang ang boring ng lablife ko.,.,
|
|
☻cherry☺
Neophyte
my love for you...
Posts: 824
|
Post by ☻cherry☺ on Jul 24, 2011 3:27:01 GMT 8
makikibasa muna ako hahah basted ako ei hahah
|
|
lhiza
Neophyte
kawaii.....
Posts: 191
|
Post by lhiza on Aug 9, 2011 7:58:44 GMT 8
for me aman, pasali din.
ako ang taong sawi, hehehehehe. gitarist sya ng isang band. yung band na yun ay di kilala, kasi ang tinutugtog lang nila ay mga anime songs lang. kilala sila sa anime world kung baga. nung una isa lang ako sa mga fan nila hanggang sa nag karoon ako ng privilege na makilala at maka usap hanggang sa naging mag kakaibigan kami. from the start na makita ko sila sa isang anime convention, nag ka-crush na ako sa isa sa gitarist nila. hanggang sa ayun, friend-friend kami. may time na sinasama nila ako sa mga gig ng group. walang nakakaalam na crush ko si "L". and then one day, nalaman ko na sila na pala nung isa sa mga vocalist nila. nung una wala alng eh. di ko pinapansin yung nararamdaman ko hanggang sa di ko na kinaya at shinare ko sa best friend ko. sabi ko crush ko lang naman sya eh, wala lang sakin to. wala nga akong pakiaalam kung may gf sila eh, crush lang naman. pag crush ko kasi at nalaman ko na may gf na sya, wala lang sakin. pero yung kanya, bigla ko na lang naramdaman yung sakit na nababasa ko lang sa mga pocketbook. then nakwento ko sya sa bestfriend ko, isa lang ang nasabi nya na ikinawindang ko. "YOURE IN LOVE WITH HIM" nawindang talaga ako sa sinabi bya then ayun hanggang sa napatahimik ako sa isaing tabi at iniisip yung mga sinabi nya.
mahirap pala talaga ang mainlove no. sobrang sakit. di ko alam ang gagawin ko. hanggang nakapag pasya akong mag pakalayo layo. tinanggap ko ang offer sakin na work sa ibang bansa. ngayon nag aayos na ako ng mga papers ko para mag work sa ibang bansa para lumayo at makalimot.
hayzzzztttt
|
|
|
Post by 0agnes0 on Jan 25, 2012 14:22:12 GMT 8
Hindi ko alam kung bakit aq nagsususulat ngayon. Siguro kasi pag sinabi ko sa besfriend ko, ang siguradong isasagot nya saken eh, ‘engot ka ba? Bat ganun pa yung ginawa mo?’ tapos babatukan nya ako. O kaya naman ayoko lang na kaawaan nya ako. Hindi kasi bagay sa image ko. ako kasi yung klase ng tao na laging cool lang. sabi nga nila, masyado daw akong reserved. Ako din kasi yung madalas takbuhan nung mga tao sa paligid ko para sa advices. Logical daw kasi akong tao. Pero magiging logical ka pa ba pag feelings mo na mismo yung pinag uusapan? Alam ko naguguluhan pa kayo sa mga pinagsasasabi ko. you see, the person I love told me that his love for me was not as strong as before (sa phone po kami nag uusap). Hindi pa nadigest nung utak ko yung sinabi nya nung una. Kung dj nga lang kame sa radio malamang natanggal na kame dahil sa sobrang katahimikan. Dead air ba. Tinanung ko sya, ‘joke ba yan? Hindi ka kasi nakakatuwa’. Nung hindi sya sumagot, saka ko lang naisip na hindi nga sya nakikipaglokohan. Hindi ulit ako nakaimik. Sobrang nabigla kasi ako sa sinabi nya. Anak ng teteng galing lang sya dito sa bahay kanina. Nag usap kame, nagkwentuhan, na katulad ng dati. Nag isip ako, may ginawa ba akong mali? Alam kong childish ako minsan pero bearable naman. Kapag naiinis ako sa kanya, pinipilit kong wag magalit para hindi kame magkagulo. Iniintindi ko naman sya, sinusuportahan ko sya sa lahat ng desisyon nya. Alam kong walang perpektong tao pero sa tingin ko mabait naman aq at deserving sabihing swerte syang naging girlfriend nya ako. (ang yabang ko haha) I tried so hard not to cry. Sabi ko sa sarili ko kailangan kong maging levelheaded. Kailangan kong magisip ng mabuti at wag magpapadala sa nararamdaman kong sakit. Kailangan maintindihan ko lahat. Tinanong ko sya kung kelan pa nya narealize yung pagbabago sa nararamdaman nya. (masokista po ako no?) sabi nya hindi pa naman daw matagal. Nung narinig ko yung sagot nya, naisip ko, ang nararamdaman mo ba para sa isang tao may expiration date? Sabi nila, ang utak daw ng tao nagpoproduce ng hormones na naigigng reason para makaramdam tayo ng pagkakaba pag nakikita naten ang isang tao. Kung bakit tayo nagbablush, kung bakit tayo kinakabahan pero Masaya. Pinagpapawisan kahit na malamig. In short, para mafall in love. Pero sabi din nila after a year or 2 daw namamatay na yung hormones. Panu na? Pagkatapos nun, tinanung ko kung kung bkit sa tingin nya eh nabawasn na yung pagmamahal nya saken. Bumuntung hininga xa. Alam kong mahirap din sa kanya yung ginagawa kong pagtatanung sa kanya. Sya kasi yung klase ng tao na ayaw ng nakakapanakit ng kapwa. Sabi nya, kung dati daw, yung simpleng pagsabi ko sa kanya ng iloveyou nakakapagpangiti na agad sa kanya, ngayon yung pagdinig nun galing sakin eh parang isang natural na bagay na lang. na nakasanayan na. yung pakiramdam natin sa mga maliliit na bagay sa paligid naten na lagi nating nakikita, gaya ng puno, ibon, at halaman. Dahil sa nakasanayan na, wala ka ng nararamdamang pagbabago o kakaiba. Hindi na tayo naeexcite kumbaga. Sabi ko sa sarili ko, ‘iha, masyado ka na bang dense at hindi mo man lang napapansin yung nararamdaman nya?’ Tinanung ko ulit sya, kung anung gusto nyang mangyari. Sabi nya mag cool off daw muna kami. Kailangan daw namin ng time para sa sarili namin at para na din isort out yung fellings namen. Pagkarinig ko plang naiyak na ako agad kahit pa gusto kong pigilan. Umayaw ako. Sabi ko sa kanya hindi ko kaya. Maisip ko palang na maghihiwalay kame ang sakit sakit na. sabi ko baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo. Baka dahil matagal lang tayong hindi nagkasama ulit. Pathetic na kung pathetic pero hindi ko talaga kaya. Mahal ko sya.sa totoo lang gusto kong syang sigawan. Gusto kong sabihin sa kanya na napaka unfair nya. Bakit ako hindi nagbabago yung nararamdaman ko para sakanya? BAKIT SYA GANUN? Bakit kailangan kong maramdaman yung ganung sakit? Panu ku pa sya mamahalin ngayon na katulad ng dati? Ngayon lagi ng may reservation. Hindi ko na maibibigay lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Kailangan ko ng maglagay ng defense para sa sarili ko para ndi masaktan ng sobra. Lahat naman natatakot masaktan dba? Lahat tayo gustong maging Masaya. Iyak ako ng iyak habang paulit-ulit kong sinasabi na ayaw ko sa gusto nyang mangyari. Sa huli, ang sabi nya, yung pagmamahal na nararamdaman nya para sakin eh enough para mag hold on sa relationship namen. I felt relieved, pero hindi ko alam kong matutuwa ako. Sa likod kasi ng isip ko, alam kong may nagbago na. nagpasalamat ako sa kanya. Sabi nya imbes daw na magpasalamat ako eh dapat nagagalit ako sa kanya dahil sinaktan nya ako. Pero sabi ko, hindi lahat ng lalaki kayang gawin yung ginawa nya. Hindi lahat ng lalaki kayang sabihin yung ganung bagay sa mga karelasyon nila. Kadalasan yung iba eh, bigla na lang manlalamig at ipaparamdam sa mga girlfriends nila na hindi na sila mahal nito. Nung sinabi kong sana hindi nya na lang sinabi sa akin yun, ang sabi nya para sa akin din naman daw yun. Karapatan kong malaman yun dahil ako na yung concern. Kung alam ko yung problema pwede kong pagisipan at solusyunan. Humiling lang ako ng isang bagay sa kanya. Na kung sasbihin kong mahal ko sya, sasagot pa din sya gaya ng dati tutal naman mahal pa din naman nya ako. Siguro ayaw kong tanggapin sa sarili ko yung mga sinabi nya. Ngayon tinutuloy namen yung relasyon naming dalawa. Ayaw ko mang tanggapin, pero alam kong may mga nagbago na. gusto kong ibaon sa limot yung nangyari pero alam kong hindi pwede. Ngayon everytime na nag aaway kame pinipilit kong ayusin agad. Lagi kasi akong takot na baka dahil sa mga ganung bagay bigla na lang nya akong hiwalayan. Pinipilit kong maging maayos lahat sa aming dalwa. Kung itatanung nyo kung Masaya ako, oo yung isasagot ko. dahil nanjan sya. kapag nakakausap ko sya at nakakasama nawawala lahat ng doubt at fears ko. pero alam kong malaki yung posibilidad na mawala din sya sa akin. nasip ko panu kung pumayag ako dati sa sinabi nya, anung mangyayari? Mas maganda kayang nakipaghiwalay na lang ako sa kanya para isang bagsakan na lang yung sakit na mararamdaman ko at hindi gaya ngayon na laging may takot sa isip ko? pero ayaw ko kasing bigla na lang gumive up na lang ng wala man lang ginagawa. Ayokong magsisi sa huli. Ayoko ng mga what ifs sa buhay ko? what if pinaglaban ko sya? what if mas nag effort pa ako para sa aming dalawa. Kung sakaling mawala man sya sa akin ngayon at least alam ko sa sarili ko na ginawa ko lahat db? Lahat tayo gustong maging Masaya. Lahat tayo gustong mahalin ng taong mahal natin. Pero dumarating yung oras na kailangan nating dumaan sa pagsubok para mas lalong maging strong at matuto ng mga bagong bagay. Pag natapos na yung problema, pwede tayong magmalaki at sabihin sa sarili natin na ‘congrats girl! Malaki ka na!’. kung sakaling maayos pa gaya ng dati yung relasyon namen, at nag look back ako sa nangyari ngayon, ipagmamalaki ko yung sarili ko sa ginawa ko. pero kung hindi man, tatanggapin ko na lang na siguro hindi nga kami para saq isa’t isa. Salamat sa pagbabasa ng kwentong hindi ko kayang sabihin sa iba..
|
|
angie
Neophyte
love the life you live., live the life you love.:D
Posts: 71
|
Post by angie on Feb 1, 2012 4:24:59 GMT 8
i enjoy reading your love stories.. haha. dont worry mga ate, nasa tabi2 lan mga prince charming nyo. just wait for the right time patiently. parte yan ng paglaki. yeboi! wala pa kong lovelife. february na db? makasali nga sa mga dating contest sa school, bka sakaling magkaroon ako. joke lng.. itsitsika ko din yan sa iyo pg meron na. haha. shing shing!
|
|
|
Post by rosevier on Feb 1, 2012 9:20:50 GMT 8
argie_pareho pala tayo walang love life natatakot kasi akong mainlove eh...... dedma lng ang mga suitors ko...if they are willing to wait,study muna ako.....haixt gud sa akin exam na namin ngayon for the midterm............
|
|
|
Post by vanvan on Aug 9, 2012 1:42:25 GMT 8
hindi ko alam kung kasama ito sa category na usapang pag-ibig..mas okay yatang tawagin na usapang sawi itong ishshare ko sa inyo...oh well, blah blah.. okay start na.. i am vanvan, i'm a girl...nickname ko lang ung vanvan...minsan napagkakamalan na ivan daw...hahaha...tunog panglalaki kasi, eh.. i want to share my love story to all of you lalo na po sa inyo ate che..sana po ay kahit papano ay mabasa nyo ang buhay pag-ibig ko..gusto ko lang ishare ito kasi sa tingin ko ako lang ang may ganitong klase ng kwentong pag-ibig..sabi nga ng mga barkada ko pangnobela daw ung story ko.. ito na talaga...start na ako... ;D nagkaroon ako ng gusto sa isang lalaki for 4 years na siguro...1st year college pa lang ako gsuto ko na sya and ngayon nasa 4th year college na ako ay gusto ko pa rin sya...ang tagal na pala.. lahat ng kakilala ko alam na gusto ko sya...mga kaibigan ko, mga classmate ko...basta lahat...sya na lang ata ang hindi nakakaalam na may gusto ako sa kanya... senior ko sya..una ko syang nakita dun sa pinakatuktok nung building ng school namin, nginangata ko ung straw ng iniinom kong juice habang paakyat ako ng hagdan kasama ko ung isa kong friend..nang magsawa na ko dun sa straw tinapon ko na sa trash can..., tas sinundan ko ung friend ko na umupo sa isa sa mga sofa dun...so nakiupo na din ako tapos kinuha ko ung notebook ko tas nagstart akong magdrawing(past time ko kc ang pagdodrawing ng kung anu-ano)...kasalukuyan akong nag-eenjoy sa pagdodrawing ng parang may mapansin ako na nakatingin sa akin..tas dahan-dahan akong nag-angat ng tingin....and boom!!!..i saw a pair of brown eyes looking starightly at me...at nakipagtitigan pa sya.!..at ako naman sa sobrang taranta, eh agad na nagbawi ng tingin at nagsungitsungitan...kaya ayun ung dinodrawing ko naging pangit.. un ung unang pagkikita namin..and duon din nag-umpisa ang pag-usbong ng mumunting crush ko sa kanya.. mabilis ang pagdaan ng mga araw, buwan at taon..nagkaroon ako ng ibang mga crushes pero kahit ganon ang nangyari, eh, ung lalaking un pa rin ang talagang pinapansin ng bonggang-bongga ng puso ko...his name is arjay.. ;D masungit yun, or baka iniisip ko lang..ay1...mabait din naman sya..^_^ when i reached 2nd year college naging member ako ng club kung saan kasali sya...and ang saya-saya ko nun dahil syempre parang we have something in common na... ;D every meeting ng club namin palagi akong present..syempre para masilayan ko sya..merong pagkakataon pa nga dun na magkatalikuran kami sa upuan..as in super dikit nung likod namin..and syempre super kilig naman ako... ;D nung nag3rd year ako sa college medyo nakalimutan ko na muna sya..naging busy kasi ako sa ibang bagay..studies, you know..DL kasi ako at nakasalalay sa grades ko ang pambayad ko sa school..kaya kailangang kumayod..dun ko naman nakilala ung bago kong kaibigan..girl sya..her name is jerra..medyo matanda ako sa kanya kaya ate ang tawag nya sa akin.. kasalukuyan syang brokenhearted nun (si jerra)...ako ung nagcocomfort sa kanya...tagabigay ng advice para lang magmove on sya..which is nakatulong naman..kasi nakapagmove on nga sya.. ;D ..at dahil dun mas lalong tumindi ung friendship naming dalawa...alam nya rin ung tungkol kay arjay.. at ngayon nga 4th year na ko... ...konting tiis na lang byebye na ko sa college.. hindi ko inaasahan na babalik ang nararamdaman ko para kay arjay..hindi ko inaasahan na sa tagal ng panahon na hindi ko sya pinansin ay may nageexist pa palang love dito sa puso ko para sa kanya..one sided love nga lang... haayyy...tas heto na nag hindi ko inaasahan na mangyari.. niligawan ni arjay si jerra..yeah!..my first love and my little sis... balitang-balita yun sa buong campus.. yan yung pinaka naging struggle ko...yan yung dahilan kung bakit lalo akong nasaktan..lalo na at naging malapit na kami ni arjay..ung as in close na close...ung nasasabi ko sa kanya yung mga problema ko at sya din ganun.. naalala ko nga nung sinabi nya sa akin na may babae na nagpapasaya sa kanya..and ako naman hinulaan ko...tama naman ung hula ko...si jerra nga yung girl na nagpapasaya sa kanya... i cried that same night..sobrang iyak ko nun.. imagine sinabi sa yo ng lalaking pinakamamahal mo na masaya sya ngayon sa piling ng ibang babae..ang tanging bagay na nasabi ko nun ay.."i'm happy for you pare".."pare" kasi ang tawag namin sa isa't isa.. after 2 weeks naging sila ni jerra...feeling ko nun pinagsakloban ako ng langit at lupa.. hindi ko naman kayang magalit kay jerra kasi wala naman akong karapatan na magalit..sa kahit mahirap...paunti-unti kong tinanggap na hindi si arjay ang lalaking para sa akin.. after a week of crying nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin kay jerra ang nararamdaman ko through text..i told her i'm still hurting and i need some space and time to heal,.. sinabi ko rin sa kanya nya hindi ko muna magagampanan ang pagiging ate ko sa kanya..and sinabi ko na ingatan nya si arjay....nagsorry sya sa kin dahil daw nasaktan nya ako..and nagthank you rin kasi inintindi ko sya.ayoko na rin naman kasing makitang masaktan si jerra..kasi nakita ko na syang nasaktan datidun sa una...^_^ un din ung ginawa ko kay arjay...kinonggratulate ko sya and jerra...and pinagpromise ko sya na wag na wag nyang lolokohin si jerra kung hindi ako ang makakalaban nya...^_^ sabi ko nga mas okay pang ako na lang ung masaktan kesa sila...atleast ako, alam ko na kaya kong maghilom mag-isa.. un ung love story ko... sabi ni arjay sa akin na i deserve someone better.. i don't know kung alam na nya ang nararamdaman ko for him...?..sabagay wala na rin namang halaga sa akin un... ginive-up ko na si arjay kay God.. pero hindi ako nagsisisi na minahal ko si arjay...^_^ isa sya sa mga magagandang bagay na nangyari sa buhay ko... i'm still moving on now...^_^ pero alam ko kaya ko naman... kasama ko naman si Daddy God, eh...and I know Daddy god loves me so much...at ikaw din po ate che,,. at lahat tayo..^_^ ate che sana po mabasa nyo itong buhay pag-ibig ko... ;D God bless you po...
|
|
jona17
New Member
@jo&arz
Posts: 34
|
Post by jona17 on Aug 10, 2012 15:57:42 GMT 8
Uyyyyyy PEEL ko 'to...nyahahaha Ako simple lang ang love story na masasabi kong totoo...at especial.... He's my childhood friend/kalaro/ka-love team. Si Rommel *ngiti* Wala naman...just an ordinary start of a so-called-childhood-love-story... he likes me..I like him a lot....but sad to say...that time kailangan na nilang lumipat ng house....malayo sa amin...that's really really sad to my part at ganun din siguro sa kanya... we never talk....as in di kami kibuan-dili..... I dont know the reason why... masakit/malungkot sa bata kong puso....pero ano magagawa ko...mahiyain ako nun...di ko pa keri na maunang kumausap sa kanya...at lalong di pa ganun kakapal ang feslak ko days passed really really quick...time na para umalis sila... Hindi ako lumalabas ng bahay nun...basta...feel ko lang mag-emo mag-isa tho hindi ko pa alam ang meaning ng emo that time...what I really know is that i'm deeply hurt... Maraming tanong din ang pumapasok sa utak ko..Magkikita pa ba kami? Saan? Kailan? Matagal ba? Ilang oras? Then I wake up lazily that day...knowing na wala na siya/sila sa lugar namin... I open my window...Tumingin-tingin ako sa paligid...at bumuntong-hininga... he's gone... Yumuko ako nun kasi naiiyak na ako nun....ayoko makita ng mga kapit-bahay namin Then suddenly something caught my attention... there's a flowers near the window na sa wari ba ay pwersahang pinitas dahil nalagas na yung ibang petals nya....Kulay white na bulaklak na parang kapatid ng Sampaguita...kaso may reddish siya sa petals kaya malabong Sampaguita yun... nagtataka ako kung kanino galing yun o sino ang naglagay...apparently wala kaming tanim na ganun...at walang sira-ulong nilalang ang maglalagay ng ganun sa tapat ng bintana ko...parang pam-patay e.. GROSS! hahaha Itinabi ko yung bulaklak rather inipit sa pinaglumaang notebook...ewan ko ba kung bakit ko ginawa iyon..knowing na hindi ko naman kilala kung sinong herodes ang naglagay... then after a few hours I was playing with my NEYBURHUD....then napag-kuwentuhan namin si Rommel at ang pag-alis nila... Di ko na lang pinakita na sobrang sad ako...mahirap na baka malaman pa na sobrang love ko si Rommel nun...then nabanggit ko sa kanya yung nakita kong bulaklak...sabi niya... "Si Ume ang naglagay nun. Kita ko siya kanina. Pinitas niya yun sa bakuran nila" Iniwan ko yung kalaro ko..bahala na kung magtaka pa sya...Umuwi ako sa amin..tinigan yung bulaklak...as in nakatitig lang ng matagal dun. I smiled. Think of him. Yung time na kalaro at kaasaran ko siya. Kinilig ang bata kong puwet nun... I Love him... Honestly hanggang ngayon. Wala na akong balita sa kanya ngayon... pero If ever na makikita ko siya ulit... maybe..hmmm~ I'm still the old little girl who'll stared at him with so much love... Just like the old times... wala akong sasabihin...basta tititigan ko lang siya... If ever he turned away... Okay lang... Ang mahalaga natitigan ko ulit siya... My second best love... syempre si Papa pa rin ang first love ko. The man who put me in this amazing crazy world I loved my love story Sa ngayon kung tatanungin ninyo ako kung naghihintay ako ng 'LIGAW'... o ng isag taong mamahalin... who doesnt.... pero masaya na ako sa pagiging single e... kung iyon ang tadhana...walang magagawa...atleast i'm free to make pagnanasa sa mga LALAKE ni ate Che minus SUNG SI KYUNG...bawal e...may nakasabit sa leeg ni SSK na 'HIGH VOLTAGE..GOOD FOR CHERIE ONLY' >.< NP: Scent Of Love by Sung Si Kyung ps: LSS ako sa song na ito...I dont know why >.<
|
|