|
Post by soniafrancesca on Apr 27, 2012 1:25:58 GMT 8
ate che, wala pa po bang karugtong yung BLUE NIGHT? hehe, nakakaintriga talaga un > EWAN KO KUNG NABALITAAN MO NA TO, ARLYN (OO, ARLYN TALAGA ). PERO NASA FREE READING NA NG PHR ANG KABUUAN NG BLUE NIGHTS. DUN MO NA LANG HANAPIN ANG KASAGUTAN SA MGA MALILIIT NA TINIG NG KATANUNGAN SA IYONG ISIPAN.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 27, 2012 1:30:46 GMT 8
Hi po, Ate Che! Ask kp lang po kung may kwento sila James at Bea (not sure sa name) ung kambal din po na kababata nila Trigger and Jigger? Eggcited much. > DEAR, BABAENG MAGANDA. HMM, SUPPOSEDLY MAY KUWENTO TALAGA SILA. ANG KASO, LAGI KONG NAKAKALIMUTAN. AH, I REALLY NEEDED THOSE BRAIN VITAMINS...MEMOGOLD BA UN? EYNG!
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 27, 2012 1:51:11 GMT 8
i just wanna ask lang po if hindi na po ba talaga i.didistribute ung copies ng mga gawa ni ms. son?, gaya nung BBC? kasi kaka.sign up ko lang dito dahil nabasa ko so comments nah nagbibigay kayo na copies of her novels....taga.province kasi aq, ta's nang pumunta kami sa cities at sa kakalibot ko sa national bookstore, hindi ko matagpuan yung novels na hinahanap ko.... T.T i really wanna have some copies....kahit yung whole series po nang BBC lang.... > WHAT DO YOU MEAN 'NAMIMIGAY'? ANG YAMAN NAMAN NUN...HEHE! MEDYO MABAGAL TALAGA ANG DATING NG MGA PB PAG OUTSIDE METRO MANILA NA. SIGURO KASI UN DISTANSIYA ANG PROBLEMA. IN ANY CASE, KUNG TRIP MO PA RING MAGKA-COPY, TRY MO MAGHANAP NG MGA ONLINE SELLERS SA FACEBOOK. MATUTULUNGAN KA NG MGA IYON. INGAT KA NGA LANG AT SIGURADUHIN MONG MAPAGKAKAKATIWALAAN ANG ONLINE SELLERS NA KAKAUSAPIN MO. DAMI KASI MANLOLOKO SA FB EH.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 27, 2012 1:57:08 GMT 8
hello po ako ay matagal ng lagalag dito kaso patingin tingin lang basa dito basa jan hihihihihi kaso nacuriuos na po akong mag tanong sa inyo ms.sf about dun sa unang nagtayo ng cafe helenas ung tropa po ni Skye at ung kapatid ni Dallas.. may story po ba sila Luanne, Becky and the rest of the gang??? thank you po ^_____________^ >MAY NAGTANONG NA DIN SA AKIN NITO EH. SINA PRIX AT SKYE LANG ANG NABIGYAN KO NG KUWENTO DITO. SI SKYE NG dear lies AT PRIX NG my lord Ace. THE REST, WALA NA. BAKIT? KSI.....NAGKAROON NA NG 'PITONG BERDUGO'.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Apr 27, 2012 2:06:13 GMT 8
hi po! i just want to know kung sino ang inspiration mo for the characters of jeuliette and trigger? > AH...SINO? E...WALA AKONG NATATANDAANG INSPIRASYON KO FOR ANY OF THEM. I JUST WROTE THEM ACCORDING TO THE IMAGE I SEE OF THEM IN MY MIND. KUMBAGA, NAGKAKAROON SILA NG SARILI NILANG KARAKTER HBANG TUMATAGAL SILANG NAKABABAD SA SERIES NA IYON. AS FOR THEIR FACES, ANDRES VALENCOSO ANG MUKHA NG SAMANIEGO TWINS NA GINAMIT KO. FOR JUELIETTE, NONE. BAHALA NA ANG READERS KUNG ANO ANG MAGIGING ITSURA NIYA SA MGA ISIP NILA. ALTHOUGH YUNG NAME, HINIRAM KO LANG IYAN SA ISA KONG READER NA NAGING FRIEND KO NA DATI PA AS MY BIRTHDAY GIFT TO HER.
|
|
|
Post by karenjoy on May 24, 2012 1:23:07 GMT 8
Hi Po sa napakamatalino at nuknukan ng talentong si Ms. SF!
Newbie po ako sa mundo ng pocketbooks. this year lang po kase ako nahawaan nung classmate ko na si sarah perez ( lagi po sya pumupunta sa meet ups nyo) ng pocketbook fever.hehe.
at dahil don, ngayon lang ako nakabili ng mga obra nyo. and unfortunately, some of stallion series books are not yet reprinted.kelan po ba magkakaroon ng copy kay reid 1, cloud, reiven, at ian jack? makakabili po ba ako sa mismong factory?kase sobrang desperada po talaga akong makumpleto yun.pati po rancho estate 1 at 9 wala din. tsaka ngayon ko lang nalaman na may story pala yung ibang characters dun. ano pong name nung series na yun?
sowri po kung masyadong mahaba tong message ko. kase avid fan nyo po talaga ako. kung di nyo naitatanong bumili po ako nung iba nyong likha. nakakatuwa po kase mga story nyo eh. hindi super seryoso, tsaka nakakainsipire for hopless romantics like me.hehehe. sana mag book sign po kayo sa sm fairview para mapapirma ko po mga books ko sa inyo.
ay nga po pala huling katanungan po, itutuloy nyo po ba yung stallion revisited?sobrang nabitin po kase ako eh.nangangati na mata ko sa pagbasa non. sana po ituloy nyo.
Sana po magpatuloy po kayong gumawa ng mga libro and series. kase po kahit na wala akong social life, parang nakakahalubilo na rin ako sa mga tao through your works. always God bless po! Saranghaeyo Sonia-ssi! hwaiting! \(^_^)/
|
|
angie
Neophyte
love the life you live., live the life you love.:D
Posts: 71
|
Post by angie on Jun 8, 2012 15:12:01 GMT 8
ate che, panu ba nagiging reader's choice ang mga pocketbook? botohan ba yun? kung oo, panu???
, tsaka ate,regarding dun sa tanung ni aelec.. wla bang magiging kwento c leila b yun? yung magaling sa sugal na kaibigan ni prix??
|
|
|
Post by marialuz143 on Jun 25, 2012 20:13:51 GMT 8
ate che, magkatulong po ba kayo ni ate pret sa paggawa nung "dark manga" something?... its interesting tsaka po, may upcoming series po ba kayo aside sa stallion revisited?
thanks po *bow*
|
|
|
Post by soniafrancesca on Jul 13, 2012 0:55:03 GMT 8
Karenjoy: Check mo na lang dito sa link na to yung mga titles and teasers. Hindi ko na kasi kabisado lahat ng mga may kinalaman sa rancho series eh. As for the Stallion, meron pa siguro sa warehouse ng precious. pero kung ako sa iyo, try mo muna pumunta sa national bookstores sa gateway sa cubao. alam ko kumpleto pa sila dun ng lahat ng series. baka makita mo rin dun ang rancho series na hinahanap mo. SRC Revisited? Yep, may karugtong pa iyon, dont worry. Medyo matagal nga lang talaga mag-release at di ko alam kung bakti hehhe! Angie: Mga editors ang nagboboto kung ano ang magiging readers choice. Ah, wala sa isip kong bigyan ng kuwento ang mga kaibigan ni Prix. Marialuz: Yes, dalawa nga kami ni Keene sa 'dark manga' na iyan. Medyo iyan ang kumukuha ng kalahati ng utak ko these days dahil ang hirap hirap niyang isulat sa totoo lang. Hindi kasi siya typical love story. Upcoming series? Hmm, may continuous series of stories akong sinusulat. 'Yung karugtong ng kuwento nina Raoul. Yung story ng mga kaibigan niya ang isinusunod ko ngayon.
|
|
ice
Neophyte
Posts: 140
|
Post by ice on Jul 29, 2012 1:02:05 GMT 8
ate che, wala pa po bang karugtong yung BLUE NIGHT? hehe, nakakaintriga talaga un > EWAN KO KUNG NABALITAAN MO NA TO, ARLYN (OO, ARLYN TALAGA ). PERO NASA FREE READING NA NG PHR ANG KABUUAN NG BLUE NIGHTS. DUN MO NA LANG HANAPIN ANG KASAGUTAN SA MGA MALILIIT NA TINIG NG KATANUNGAN SA IYONG ISIPAN. ATE CHEEE! Wrong spelling. ARLENE po yun, hahahaha! Sobrang miss ko na si David Klein te, parang awa mo na pabalikin mo sya sa sirkulasyon! ;D ;D
|
|
mayangb
New Member
great artist... AT HEART!
Posts: 4
|
Post by mayangb on Jul 30, 2012 2:10:18 GMT 8
Ate Che...... Sure na po ba yung pag-publish kay Devon? When po kung alam mo?
|
|
angelique
Neophyte
we love sonia francesca :)
Posts: 98
|
Post by angelique on Aug 5, 2012 12:04:18 GMT 8
ate may aabangan ba ulit kming novel muh sa free reading ng phr?...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Aug 6, 2012 5:41:20 GMT 8
ARLENE (hayan, tama na isfeling): May update na akong nilagay kay David Klein. Mahaba iyon. PRAMIS.
Mayangb: Hindi ko pa rin alam kung kailan ang release ng kay Devon. Wala kasing alam ang mga writers pagdating sa kung kailan ang mga release dates ng PHR.
Angel: Hmm...pag-iisipan ko pa kung may ilalagay ulet ako dun.hehe!
|
|
mayangb
New Member
great artist... AT HEART!
Posts: 4
|
Post by mayangb on Aug 6, 2012 14:52:39 GMT 8
Salamat ate Che! Si Emaii to A.k.A, mayangB! XD
|
|
angelique
Neophyte
we love sonia francesca :)
Posts: 98
|
Post by angelique on Aug 8, 2012 22:16:44 GMT 8
ate sonia, ask ko lang ung chapter 1-2 ng dark manga meron pa po ba?..... di ko pokc naabutan un ei....
|
|