|
Post by soniafrancesca on Oct 6, 2011 23:51:40 GMT 8
BELLE, IKAW PLA UN? HAHA! SALAMAT! DAMI MO NA NAITULONG SA AKIN SA PANGHAHARBAT KO NG MGA PANGALAN SA NET. THANK YOU THANK YOU!
|
|
belle0625
New Member
i'm an artist at heart, in action and in words.
Posts: 19
|
Post by belle0625 on Oct 7, 2011 15:45:38 GMT 8
your welcome ate che.. ^_^ basta ikaw... kung kailangan mo pa ng mga names, akong bahala... hekhekhek.. just say the word and I shall give! XD
ayiie! *gulong-gulong sa sahig* pinasalamatan ako ng idol kong author! waaah!!!!
*kunwari matino na..* actually, mas nagpapasalamat ako sa novels mo, ate che.
salamat, kasi kahit sa pocketbooks lang, parang kilala na kita, kung sino ka at kung ano ang pinagdaanan mo... parang dahil sa stories mo, naging friend na kita...
napapatawa mo ako sa simpleng hirit ng characters mo at naiiyak sa intense na emotion na ipinapakita nila....
kahit magmukhang timang na ako kakatawa sa stories mo, at maiiyak dahil may halong drama, wala akong pakialam. Basta love ko stories mo at iyon ang nararamdaman ko sa tuwing nagbabasa ng buk mo. I feel like I'm actually talking to you, through your books. sa paningin ko, hindi sina Majarlika, Junnifer Joi, Xycie, Hven.. etc. ang bida sa stories na binabasa ko kungdi ikaw, ate che...
you are the original and simply the best, Miss SF.. ^_^
continue to be beautiful at ako nama'y maghihintay sa nobela mong darating dito sa 'min.. kahit tumirik na ang mga mata ko sa paghihintay, okay lang... -end of drama- *kuha ng tissue at pahid sa mga matang umiiyak*
may tanong lang ako ate che...
Saan mo po ba kinukuha ang simpleng hirit ng mga characters mo? ang cute kasi, eh... kakakilig.
(kahit saan talaga.. sa fb o sa forum na itey, ang haba lagi ng sinasabi ko... ang daldal ko talaga... Xb sorry ate che...)
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 7, 2011 17:44:51 GMT 8
Namali yata ng napuntahan ang post mong itey haha! Nah, okay lang iyan. Hay naku, dahil sa mga isiniksik mo sa utak ko about Castlevania, hayan, nangharbat na kami ni Keene Alicante ng mga characters. Ngayon, kami na ang tagapagtanggol ng sangkatauhan laban sa mga bampirang nagpapanggap na mabuti! Mabuhay ang Belmont Clan! hahahaha!
Yun tungkol naman sa tanong mo...kung saan ko nakukuha ang mga hirit ko...ahm...naiisip ko lang. Meron din kayong ganong parte ng utak. Konting luwag lang ng turnilyo at siguradong mata-tap na ninyo ang bahaging iyon ng mga brains ninyo. Un may free-flowing na kalokohan hehe!
|
|
belle0625
New Member
i'm an artist at heart, in action and in words.
Posts: 19
|
Post by belle0625 on Oct 7, 2011 22:28:03 GMT 8
hahaha.... ay naku.. pati si ate pret, nanghaharbat na rin? cool!
ewan ko lang ate che... siguro, nag-umpisang lumuwang ang turnilyo sa utak ko simula ng nagbasa ako ng gawa ninyo... matino naman akong kausap bago ako naging soniadik... nang mabasa ko na ang gawa ninyo, parang pati ako, sinapian na ng masamang espirito...ng impluwensiya ninyo...kung bad o good iyon? it depends... XD para sa kin, good, para sa biktima ko, bad...
gusto pa po ninyo ng mga pangalan? maghahalughog ulit ako dito sa aking collection ng names... fufufu.. ibibigay ko na lang sa inyo sa fb...
saka sino na po ang paborito ninyong character doon ngayon? maliban na lang kay alucard... nakita niyo na po ba ang picture nila? guwapo po ba? puwede nang maging inspirasyon? panghero na po ba ang dating?
(basta, solid Leon Belmont ako...XD)
thank you po kasi pinagtiyagaan ninyo ang kadaldalan ko...
|
|
belle0625
New Member
i'm an artist at heart, in action and in words.
Posts: 19
|
Post by belle0625 on Oct 10, 2011 11:19:19 GMT 8
ate che!!! may tanong ulit ako... (epal mode again)
si Leira po ba yung kasabay ni Vida sa FX taxi na sinakyan niya? nakita ko kasi dito na extra siya dun... binasa ko ulit yung send in my prince charming... and hindi ko nakita yung name ni Leira, pero parang siya yung nakasabayan ni Vida sa fx..
tama po ba ako?
|
|
ummi
New Member
Have a great day!!!
Posts: 3
|
Post by ummi on Oct 12, 2011 11:26:18 GMT 8
hello ate che! Newbie po ako dito sa hive niyo. Ask ko lang po kung mayroon ng karugtong yung bluenights yung chapter 9 and 10? thanks po ng marami
|
|
|
Post by giereli on Oct 12, 2011 19:59:36 GMT 8
hi ateche, makiki-ateche na rin po ako, hehe isa rin po akong newbie sa hive na ito. Ask ko lang po kung may kwento rin po si Zero (nabanggit po siya sa stolen kisses) sa stallion revisited? thank you...=)
|
|
|
Post by leanne419 on Oct 16, 2011 0:09:12 GMT 8
ate che, ask lang din. ilang novel nyo na po ang lumabas under special valentine?? matagal din kasi akong hindi nakadalaw dito kaya now ko lang nalaman na may lumabas na pala under MSV.. hindi na rin po ba kayo magsusulat under COH?? thanks po..
|
|
|
Post by leanne419 on Oct 16, 2011 23:41:29 GMT 8
ate che.. nakabili na po ako kanina ng novel mo under MSV. i love you anyway yung title.. pero wala pa rin po yung nobody but you. lahat ng bukstore malapit dito napuntahan ko na po kanina.. wala po bang reprint yun??
|
|
ice
Neophyte
Posts: 140
|
Post by ice on Oct 23, 2011 18:04:20 GMT 8
ate che wala po bang kwento si BENNY sa RETURN TO LOVE?i love his character po, nakakatuwa XD
|
|
princessmay
Neophyte
saranghe JANG KEUN SUK <3
Posts: 102
|
Post by princessmay on Oct 24, 2011 20:09:38 GMT 8
ahm . ask ko lang po if mai story po ba si SU MI , ung fwend ni ARMY sa SRC . ? ? ! kung meron po anu po ung title . ? curious po ksi ako sa kanya . ?
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 29, 2011 1:28:20 GMT 8
gusto pa po ninyo ng mga pangalan? maghahalughog ulit ako dito sa aking collection ng names... fufufu.. ibibigay ko na lang sa inyo sa fb... saka sino na po ang paborito ninyong character doon ngayon? maliban na lang kay alucard... nakita niyo na po ba ang picture nila? guwapo po ba? puwede nang maging inspirasyon? panghero na po ba ang dating? (basta, solid Leon Belmont ako...XD) thank you po kasi pinagtiyagaan ninyo ang kadaldalan ko... FAVE CHARACTER KO NGAYON? SI LEON 'THE SEXY THANG' BELMONT HAHAHA! PINAKA-SEKSING LALAKI NA NAKITA KONG MAY HAWAK NA LATIGOW.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 29, 2011 1:31:37 GMT 8
ate che!!! may tanong ulit ako... (epal mode again) si Leira po ba yung kasabay ni Vida sa FX taxi na sinakyan niya? nakita ko kasi dito na extra siya dun... binasa ko ulit yung send in my prince charming... and hindi ko nakita yung name ni Leira, pero parang siya yung nakasabayan ni Vida sa fx.. tama po ba ako? I CANT REMEMBER. WALA NA KASI AKONG STORY NI LEIRA AT MTAGAL KO NA RING HINDI NABABASA ANG STORY NA IYON KYA HINDI KITA MASASAGOT...
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 29, 2011 1:35:24 GMT 8
hello ate che! Newbie po ako dito sa hive niyo. Ask ko lang po kung mayroon ng karugtong yung bluenights yung chapter 9 and 10? thanks po ng marami MERON NA PERO HINDI KO MUNA IPO-POST. BALAK KO KASING PALITAN ANG CHAPTERS 9 AND 10 DAHIL HINDI RIN AKO SATISFIED SA ENDING NIYON. DONT WORRY, PAG NATAPOS NA, ILL LET YOU KNOW.
|
|
|
Post by soniafrancesca on Oct 29, 2011 1:37:51 GMT 8
hi ateche, makiki-ateche na rin po ako, hehe isa rin po akong newbie sa hive na ito. Ask ko lang po kung may kwento rin po si Zero (nabanggit po siya sa stolen kisses) sa stallion revisited? thank you...=) MERON. NILAGAY KO SI ZERO SA STALLION REVISITED. YOU'LL MEET HIM AGAIN SA STORY NI DEVON FABRIQUIER.
|
|