Luna Luca
New Member
♡ Barbie Doll ♡
Posts: 13
|
Post by Luna Luca on Jan 31, 2011 14:49:12 GMT 8
Ah. Jigger Samaniego, grace under fire. Ang dakilang manipulador. Pero parang eng-eng at aning-aning pagdating kay attorney rakista aka Nova Chuvava.
|
|
sahm
New Member
Posts: 4
|
Post by sahm on Feb 9, 2011 22:21:50 GMT 8
kapag kambal anak ko,,kung sakali trigger at jigger i pangalan ko,,kung makapag asawa hahaha,,,,hindi talaga ako magsasawa sa kababasa ng novel nyo,kahit ulit ilitin pa
|
|
|
Post by iamsabbie on Feb 9, 2011 22:50:51 GMT 8
Haha.. Jigger my labs. Kung 'di ka lang Fafa ni Nova inangkin na kita.
|
|
|
Post by chariznicagarcia on Feb 22, 2011 23:05:30 GMT 8
naiyak ako! akala ko namatay talaga si jigger. well, naisip ko naman na di pde yun kasi malulungkot si nova nuh. ang ganda! SOLOMOT kay mam SF at kinilig ako ng bonggang bongga. charotera ko noh? Godbless po.
|
|
|
Post by blacktulip on Mar 5, 2011 23:29:43 GMT 8
ang ganda ng kwento ni jigger.. love it..
|
|
|
Post by penthel13 on Mar 21, 2011 11:55:51 GMT 8
c JIGGER SAMANIEGO ang dahilan kung bakit nagbago na ang tingin ko sa mga lalaki.. wahaha..
share lang yung friend ko n itatago n lng ntin sa pangalang GAGAY.. ay iniyakan p ang pagbili kay jigger haha eh.. kc naman excited masyadong bumili ng stallion kya nung malamang my release n ng story ni jigger,, sumugod agad s sm manila khit alam nyang finals nila,, yung badtrip n personel or watever p don,, d p inayos yung mga pocketbook s stand kya yun naiyak c GAGAY kasi super late n sya s finals nya.. at ng makabili sya dumaan p talaga sa bahay namin dito sa valenzuela bago pumasok,, at excited n ipinagmayabang si jigger sakin.. eh ako naman inggitera,, pinaalis ko n sya agad at ipinaalala yung finals nila .. so takbo n si bruha at c precious jigger ay... naiwan nya sa aking makamundong mga kamay wahaha digital tlga ang karma ininggit nya kasi ako,, ayan tuloy ako ang unang nakabasa kay jigger ... *evil laugh !!*
|
|
|
|
Post by shirahime on Apr 16, 2011 20:39:56 GMT 8
penthel13..:-) grabe natawa naman ako dun......talagang ikaw pa ang unang nakabasa..hihi thumbs-up po!!!
|
|
|
Post by shirahime on Apr 16, 2011 20:42:30 GMT 8
but honestly sa sobrang engrossed ko sa pagbabasa sa story ni Jigger, naiyak talaga ako dun sa part na sinabing patay na siya, I cried even though alam ko na imposibleng patayin siya ni Ate Che... =one of the best stories that I read...:-)
|
|
|
Post by vunchie on Apr 16, 2011 23:22:49 GMT 8
waaah ! wala nang stallion boys . Naiyak ako nang mabasa ko yung kay Jigger . lalo na nung akala ko na patay na siya ' ang ganda ng kuwento ' sana magkaroon din ako ng isang Jigger sa buhay ko . Hehe
|
|
yuixx
Neophyte
i love SF!!!
Posts: 50
|
Post by yuixx on Apr 21, 2011 15:14:54 GMT 8
..ako rin..naiyak din ako dun sa pag'aakalang patay na si jigger...wawa masyado dun si nova... ..ang galing magnipulate ni jigger...pati mga ibang member ng SRC kasama sa kalokohan niya.. ..love this story talaga!!!! ..ang galing mo Ms. SF...!!!
|
|
|
Post by soniafrancesca on May 6, 2011 5:07:38 GMT 8
KAILANGAN KONG I-EDIT ITO. Bawal man, pasensya na po. EDIT? DAGDAGAN KO NA LANG. (MARAMI PA YATANG KULANG, EDIT KO NA LANG `TO PAG NAALALA KO NA `YUNG IBA) Kailan ba ito lumabas? Matagal na. Pero wala pang dalawang buwan mula ng makabasa ako ng isang Stallion book.
Anyway, mabalik tayo kay Fafa Jigger Samaniego (ko). *MURAAAAAAAA* Mangiyak-ngiyak ako sa part kung saan sinabi, k sa book 2 ito, na patay na daw si Jigger. Patay. Pero buti na lang isang pag-papanggap `yun kundi, kundi, umiyak na talaga ako. Haha! Well, actually, medyo may likido na sa mata ko noon.
Pero sa totoo lang, medyo nainis ako dito kay Jigger. Especially noong nalaman kong medyo hawig si Yeti kay Nova, naisip ko kasing gusto niya lang si Nova dahil kamukha niya si Yeti. Pero salamat sa usapang-lasing portion napatunayan kong si Nova ang mahal ni Jigger.
Pramis. Ang ganda ng flow ng stroy nito. Hindi ako nabored na nagbasa kasi... kasi... bawat part ng story exciting, syempre gawa ni Ate Che eh. Nakahanap kasi ng katapat si Jigger dito eh. Syempre book niya, stroy niya. AYIEEEEEEEEEE! Basta, maganda ito. Maganda. Maganda. MAGANDA. Kung hindi ako nagkakamali, nakapang-pitong ulit na akong basa kay Jigger Samaniego ( ko, sana) pero parang wala akong balak magsawa. Fafa Jigger, I love you. Forever.Marami pala dito ang nakakaiyak na parts. Sobra. Ako lang itong nagpipigil noong unang nagbasa dahil ayaw kong masabihang baliw. Magshare na lang ako thoughts ko dito sa kwentong ito. 1. I love Nova. Pero mas mahal ko pa rin si Jigger. 2. Magaling si Jigger dahil nakahalik na siya kay Nova e hindi pa sila. Pero mas magaling si Nova dahil abogado siya at drummer pa at hindi siya masyadong nagpa-uto sa manipulative skills ni Jigger. Medyo lang naman.3. Ang sakit sa puso ng ibang parts. Hindi naman nakakaiyak. Basta, masakit sa puso. a. Noong parang inamin ni Jigger na maaari niyang mahalin si Jeulitte. Buti na nga lang daw nakita niya siya. b. `Yong parang ayaw ipakilala ni Jigger sa mga kasamahan niya kung sino siya. Sheryl. c. Nang masaktan ng husto ang ego ni Jigger dahil parang nakikinita pa rin nitong mahal ni Nova si Jerk, este Jake, kahit na may halikan nang naganap, 4. Nakakaiyak a. Jigger was dead. `Lang ya, kung malaman mo ba namang namatay na `yung taong mahal mo hindi ka kaya makaiyak naman? b. Nang makita ni Nova na nagbigay si Jigger kay Jeulitter ng flowers. Isama pa ang pagsisinungaling nitong si Reid ang pinuntahan. c. Barilan portion. After pala. Nang lumapit si Jigger kay Nova sabay hawak sa balikat, yata, nang mahigpit. `Yung line niya do`n naiyak ako. Ano na nga ba ulit `yun? Basta, dapat kung magpapakamatay si Nova, hindi niya dapat makita dahil ayaw niyang nakikita itong mamamatay at mag-alala siya nang lubusan. 5. Nakakakilig :3 a. LAHAT NG MGA SWEET NA NANGYARI. Natural. b. Nang umamin si Jigger niya mahal niya si Nova. Sa may sink ba `yun? Habang naghuhugas/maghuhugas ng pinggan si Nova. c. UNANG HALIK. PANGALAWANG HALIK. LAHAT NG MGA HALIKAN NILA. d. Sa may restaurant. Bago niya nasampal ang kakambal nito. `Yung sinabi niyang nakakapang-akit ang mga tingin nito na para daw bang iniimbitahan siyang halikan nito. `Yung lumalapit siya kay Nova pero ayaw ni Nova. Tapos lumapit ulit siya. Parang binibiro niya. Pero kinilig ako. e. Nang pinasakay ni Jigger si Nova sa kabayo niyang si Koolio.
Nova: Sigurado ka? Jigger: Matagal na. f. Usapang-lasing. Kung kasama man. Ayaw pang umamin noong una, Nova din naman pala isasagot. *Medyo naiyak din ako `yung part na sinabi muna niyang sikret. Tapos dagdag mo pa `yung sumunod ng mga salita doon g. Nakakakilig na mga scenes. Na nakakatawa na din at the same time.
- Inoffer ni Jigger si Nova ng sayaw. Pero tumanggi si Nova. Pinukpok ng drumsticks si Jigger. Inagaw ni Jigger. At parang pilit na pinapalit si Nova. Wa epek kay Nova.
- Nagpapansin si Jigger kay Nova. Babaliin daw ang drumsticks. Wala kay Nova. Hinulog ni Jigger sa fountain ang drumsticks. Natawa na lang si Nova. Wa epek pa rin kasi.
- Nabuking ni Jigger sila Nova. Pero okay lang daw sa kanyang binili kuno siya nito dahil gusto niya naman talaga niya itong makasama.
- Sinabi niyang cute ang mga legs ni Nova.
Jigger: Yes Attorney. By the way, Nova. You have nice legs. Wala kang tiwala sa sinabi ko? Nova: Wala. Jigger: I'm hurt. Nova: You're annoying. Jigger: And your legs are really nice. Nova: Lahat ng lalaki, gusto ang magagandang legs. Jigger: Yeah. And I particularly like yours. Ang kulit, pero panalo!
- `Yung kumakain na sila.
Nova: Mas mapapakinabangan ang kakayahan ko rito. Sa dami ba naman ng sira-ulo sa Pilipinas. Jigger: Mas marami sa Amerika. Nova: Oo. Pero mas gusto ko pa rin dito. Jigger: Ako rin. Nova: Anong ikaw rin? Jigger: Mas gusto ko rin na nandito ka.
- Nang dumating sila sa SRC. Mm, `yung ayos na sila. `Yung after ng pag-amin ni Jigger.
Jigger: Anything for you, my girl *wink* Nova: Pa-cute. Jigger: Hindi ako cute. Nova: I know. Gwapo ka kasi. Jigger: Guwapo talaga? Nova: Bakit, hindi ka naniniwala? Jigger: Kahit kailang, hindi ko pinansin ang mga sinasabi nilang gwapo ako. Akala ko kasi, bola lang iyon ng Mommy namin para mapaglubag ang loob namin. Nova: Really? Hindi ka talaga naniniwalang gwapo ka? Jigger: Naniniwala. Iba lang talaga ang dating kapag ang babaeng mahal mo na ang nagsasabi.
Medyo may pagkakorni line ni Jigger sa huli pero, panalo pa rin!
h. Trying to save Nova doon sa mga gustong pumatay sa kanya. Para na din niya kasing sinabing kaya niyang isacrifice ang buhay niya para kay Nova. i. Habang kinukunan siya ni Shin. Nakataas pa yata kanang kamay ni Jigger dun. "I love you Nova. I really do." j. Pag-alok ni Jigger ng kasal kay Nova. Kahit medyo may halong pamimilosopo, kinilig ako nang husto. "Ako, si Jigger Samaniego, nasa hustong gulang at tamang katinuan, ay nangangakong hindi na muli pang manggugulo sa buhay ng may buhay kung tatanggapin mo, Nova Suarez, ang singsing na tanda na magpapakatino na ako mula sa araw na ito. Inaalok na rin pala kita ng kasal... Sana pumayag ka. Pero kung ayaw mo pa, sa ibang araw ka na lang sumagot--- " Basta, `yun na `yun. Kinikilig ako habang medyo natawa sa huli niyang sinabi
MAHAL KO NGA TALAGA SI JIGGER. Parang hindi kasi ako napagod sa pagtype nito. Dahil nga mahal ko na talaga siya. Actually, yes. Peksyun lang naman e. Mahal ko talaga si Jigger, mahal na mahal ♥Wala na akong masabi. Basta mahal na mahal ko siya. Balak pang mang-agaw e.THE BEST NA `TO. Wala akong sawa sa pagbabasa e. WALA AKONG MASABI KUNDI................HANEP!!! Naaliw din ako ng husto sa mga sinulat mo. Naramdaman kong mahal mo na nga si Jigger. Cheers to you!!
|
|
|
Post by jennicabianca on May 7, 2011 18:54:12 GMT 8
Ate Che, nahihiya na ako. Jusko po. Salamat po sa pag-appreciate. Pasensya na din po at parang ang rami ko naman yatang naisulat at parang nobela na ang ginawang kong pocketbook review. Haha! Anyhoo, hindi lang po ako ang nagmamahal sa kanya. Marami kami sa barkada namin, Ate Che. Natutuwa po kasi kami nang sobra, mangiyak-ngiyak na din pag nagbabasa niyan. Yiee. Fangirl na kung fangirl. Hehe. PS. Ngayon lang napansin na sobrang haba pala talaga. Lupet! Wahaha
|
|
angelique
Neophyte
we love sonia francesca :)
Posts: 98
|
Post by angelique on May 12, 2011 0:04:19 GMT 8
i love jigger..... haist.. nakakmiss ang src boyz.....
|
|
vienna08
New Member
a wonderful love
Posts: 4
|
Post by vienna08 on May 12, 2011 12:27:55 GMT 8
hay..ate che ako rin..mahal na mahal si jigger..sana magkaanak sila ni nova at yun naman ang gawan mo ng kwento..hehhe..
|
|