Paalala: ang mga sumusunod na inyong mababasa ay hango pa mula sa kaibuturan ng aking puso, charing! Bwahehe! Ito ay isang nobela, pambawi sa matagal kong pagkawala! Yuhoooo! Im back, im alive, im taken! Ay mali, ung huli sa panaginip lang pala un, bwahehe! Eto na!
da-daaann..... ;D ;D ;D ;D ;D
Ate Che - ang aming dakilang reyna na hanggang ngayon wala paring natatagpuang lalaki na karapatdapat sa trono bilang isang haring – salamat, salamat sa inspirasyon, kalokohan, kabaliwan at kung anek-anek pang katarantaduhang isinishare mo sa amin sa pamamagitan ng iyong mga novela, kahit paulit-ulit kong basahin ang mga yon, wala parin akong kasawaan, at pasencya na kung minsan, isinasabuhay ko ang mga eksenang dapat sana ay mananatili na lang sa mga pahina ng libro. – praning ako eh, mana sayo! Hehe! Ang kaso, di lang ata kapraningan mo ang namana ko, pati narin ang iyong kasawian pagdating sa mga kalahi ni adan, paano naman, kahit hantaran na akong nagpapakita ng motibo *** na sabi ni
ate jeje, ay maling stratehiya ko raw *** ay di parin ako pinapansin ng hudyong kapitbahay ko. Ayon, salamat sa lahat! Asahan mo na nandito lang ako sa hirap at ginhawa, katinuan at kapraningan, kabutihan at kasamaan, sama-sama tayong maghasik ng kabaliwan at kagandahan sa mundong earth. Isa kang buhay na alamat! bwahaha
Ate Len – salamat sa lahat-lahat, sa walang sawang paghahanap mo ng mga novels ni ate che na wala ako, sa pagpapadala ng mga scan copies na pocketbooks, sa pagpapadala ng mga novels na nahanap mo para saken, sa mga jokes na nagpapatino sa utak ko, sa mga bagong informasyon na naidadagdag mo sa aking memory de palyado, sa Japanese lesson, sa every-all na kabutihang iyong isinashare, domo arigatou!
Ate Ace – sa praning na nakakasabay ko dati sa pagvisit ng café helenas tuwing madaling araw, salamat sa jokes at sa pagscan ng mga nobelang ilang dekada ko ng hinahanap, hehe. At sa patuloy na pag-intindi sa aming kabaliwan, salamat ng marami.
Avonzkie – salamat sa tahanang iyong itinayo, - ang café helenas – para sa lahat ng praning na palaboy-laboy lang dati sa friendster blog ni ate che. At sa panibagong condo ngayon, na exclusive lang sa mga magagarang praning, whahah! Sa mga kabaliwan, sa walang sawang text tuwing may mga load tayo, sa pagshashare at pag update sa mga buhay pag-ibig natin, sa mga anime na pinapanood at pinagnanasahan, sa walang sawang pag intindi sa kapraningan ng bawat isa, sa lahat ng iyon, salamat reversible-star, isa kang tunay na praning at kaibigan. Cheers!
Mhelai – pamangkin, hmmm… wala lang, ahahah! Wala akong masabi, speakless ako pagdating sayo, charing! Salamat sa suporta at pagpapalakas ng loob ko, sa pakikinig sa mga reklamo ko pag ako’y galit, sa pakikisakay sa makamundong pagnanasa ko sa mga alipores ni adan na nagpapaningning sa aking mga mata, sa hindi pambabara sa mga masasamang balak ko sa mga kalahi ni medusa, at sa lahat ng kapraningan, waaaaaaaaH! Thank you, at naging kadugo kita, isa kang astig na kapamilya, bwhahaha!
Connie: noong nakakasabay pa lang kita sa blog ni ate che, naloloka na ako sa mga post mo wala sa mundong ito, pero naintindihan ko naman yon, kasi nga d naman talaga ako tagarito, alien ako, hehe. Lagi akong kinakabag sa mga hirit mo, langya! Pang world-record kang talaga, salamat sa pagbibigay mo ng url ng café helenas, di ako nagkamali na lapitan ka. Isa ka talagang praning, ahehe. Sa lahat ng kabutihang loob at kasamaan ng mundong ibabaw na ipinamalas mo, Ne’ salamat. Isa kang magandang ehemplo sa kawalanghiyaan, hehe.
Ada: wala na, uwian na to! Ahahah! Miss na makulet na kahit madaliang araw nagtetext, ano bang pwedeng sabihin d2? Pwede wag naman salamat, nauumay na ako eh, ahahah! Joke! Sana hindi na me busy masyado para makasabay uli tayo sa ym. Miss ko na ang makulay mong background, baka bagong design na uli ng ate mo ang room, di na ako updated, hehe… baka nga mga pig na ang nakalutang imbes na heart. Newyear na kasi, tapos na valentines, hehe.
Miles: halu, halu! Gising na, hehe… sa pinakamatindi kong karibal sa pagmamahal ni rath *(bwahaha! Lotion na naman ako), salamat at kahit alam mong matindi ang pagnanasa ko sa iyong irog, ay di mo ako tinarayan, ahehe, hayaan mo, hanggang pagnanasa lang naman ako, tsaka adik lang talaga ako sa mga lalaking masunget at wafu, aheheh… wag mo akong ipa blcklist sa senado ha! Hehehe
Belle: sa kapatid kong praning na kapwa ko may pagnanasa kay fafa tezuka, peace! Hehehe… “Sa, yudan sezu ni ikou’ ahehe…
Melody: kung si ernie baron ay walking encyclopedia, ikaw naman, walking karaoke machine, napakahilig mo talaga sa kanta, bagay na bagay sayo ang iyong pangalan, under the sea, over the ocean, bwahehehe! Tama ba lyrics ko? Hehe… salamat sa kapraningan kahit madalas naloloka ang utak ko pati narin ang aking buong mukha dahil sa kakaiba mong paraan ng pagsusulat, saan kaba natuto ng alphabet? Mag aaral din ako doon, hehe!
Cocon: sa pinakamatinong praning na nakasalamuha ko sa café helenas (huwaat??! Ano daw? Aheheh!). yap, ikaw yon, hindi si kass, hehe! Ne’ ngayon nasa legal age kana, umpisahan na ang paggawa ng mga illegal na bagay, go go go! Bwahehe! Wag ka masyadong magseryoso sa course mo, baka mapraning ka na ng tuluyan nyan, dahan-dahan lang, oki! Hehe
Kass: kay bunso na laging pinagtitripan at pinagtutulungan ng mga praning, pagpasencyahan mo na lang iha mga ate mo, sabik lang kami sa bunsong kapatid na denial tulad mo, kaya ikaw tuloy lagi naming nakikita, hehehe… goodluck sa studies ne’ Gambatte!!!
Angelle: hehehehe… kumusta? Salamat sa tiwala sa pagsabi ng iyong kwento kahit di pa tayo lubusang magkakilala noon, at salamat din kahit na binalaan na kitang praning ang mga residente ng café helenas at mahahawa ka, at di ka parin nagpaawat, sumugod ka parin sa aming lungga, kaya naging magkaibigan tayong lahat ngayon… hehehe
Rej: kumusta? Buti naman nagparamdam kana uli, hehe… ikumusta mo ako kay ianne, at sana gawin mong madalas ang pagbisita d2…
To all: lubos akong nagpapasalamat at naging bahagi kayo ng aking buhay! *** masyadong seryoso, erase! Erase! Erase!*** mula sa kaibuturan ng aking puso, *anlalim* ako’y nagagalak at natutuwa, kaya magdiwang tayo kahit di ko maalala ang dahilan kung bakit kailangan nating magdiwang, hehe---