| Author | Topic: Stallion: Revisited (subok lang) (Read 536 times) |
soniafrancesca Inang Reyna
       member is offline
![[avatar]](http://i99.photobucket.com/albums/l310/skye_khaeser101/akodonyamuchachakosalikod.jpg)
Joined: Feb 2007 Posts: 386 Karma: 4 |  | Re: Stallion: Revisited (subok lang) « Reply #15 on Nov 4, 2009, 1:32am » | |
MULING NAGISING si Chi sa ingay na nagmumula kung saan. Sa pagkakataong iyon, hindi iyon nagmumula sa tugtog ng gitara ni Ruki. Because Ruki was still sleeping soundly beside her. Nakatulog na rin pala uli siya nang hindi niya namamalayan.
Inabot niya ang cellphone sa kalapit na nightstand. “Hello?”
“Chiarah, where are you?”
It was her father. “I’m, ah…bakit ho? May nangyari ba?”
“Isinugod sa emergency room ang Tita Ofelia mo. Inatake na naman siya ng sakit niya at tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil doon.”
“What?!” Napabalikwas na siya ng bangon.
“Umuwi ka muna rito sandali at alalayan mo ang Mama mo. I’m still trying to contact Satoshi. If you can, its best that you bring Ruki now with you. Hindi ko na gusto ang mga sinabi ng doktor tungkol sa kalagayan ng ninang mo.”
“Yes, Pa.” Matapos makausap ang ama ay binalingan niya si Ruki na naalimpungatan na rin. “Ruki! I need to go back to Manila. Puwede mo ba akong samahan?”
“Why? What’s wrong?”
“Its…its my mom.” Patawarin sana siya nito sa pagsisinungaling niya. Pero talagang kailangan na. “Please?”
Hindi na siya nagdalawang salita dahil agad na itong kumilos. Dinampot nito ang telepono sa tabi nito at may kung sinong tinawagan. Narinig niyang nagpahanda ito ng chopper na gagamitin nila. Pagkatapos ay mabilis itogn tumayo.
“Mabibihis lang ako.”
In a few minutes, they were already riding his horse towards the helipad where the chopper was waiting. Nakita niya ang seryoso sa mukha ng binata. Solido at buo ang mga salita nito sa mga ibinibigay na utos sa lahat ng makakatulong sa kanila. Sa isang iglap, tila nag-iba na naman ito ng pagkatao. He was showing all the signs of the true-blue Stallion boy. A man anyone could depend on in times of troubles and need. And that attitude seemed to assured her he wasn’t going anywere anytime soon.
I’m glad. Dahil marami pa tayong pag-uusapan, Ruki. Sa ngayon, your mother needed you.
Pagdating nila sa Maynila ay hindi na nila kailangan pang sumabak sa traffic dahil sa mismong helipad din ng ospital kung saan isinugod ang ninang niya sila nag-landing. Nagmamadali siyang nagtungo sa kinaroroonan ng mga magulang. Balisa nga pareho ang mga ito nang maabutan nila sa emergency room.
“Ma!” Agad niyang niyakap ang ina. “Kumusta na si Tita Ofelia?”
“Unstable pa rin daw sabi ng doktor.”
“Oh, God. Alam na ba ito ni Satoshi?”
“Na-contact ko na siya. Sa wakas ay nakumbinsi ko na rin siyang magpunta rito.”
“Let’s just pray for your ninang. She will make it, I know.” Nabaling ang atensyon ng Mama niya kay Ruki na tahimik lang na nakamasid sa kanila. “You have your mother’s eyes, Ruki.”
Nilingon niya ang binata. Wala siyang mabasang anomang reaksyon sa mukha nito. Pero hindi ito magpakita ng emosyon, alam na niya ang naglalaro sa isip nito ngayon.
“Ruki—“ Mabilis na itong nakaalis.
“Sundan mo siya, Chi,” wika ng kanyang ama. “You have to let him understand. Sa ngayon mukhang may ideya na siya sa mga nangyayari. Sabihin mo na sa kanya ang totoo.”
“Pa…”
“I know.” Nagtatakang tingin ang ibinigay niya rito.
It was her mother who answered for them. “You love him, don’t you?”
Hindi siya makapagsalita. Pero sapat na ang katahimikan niyang iyon para kumpirmahin ang sinabi ng ina.
“Hey, why the sad face?” tanong ng kanyang ama. “I always wanted you to fall inlove. Added bonus pa na si Ruki ang minahal mo. Boto ako sa kanya kahit maligalig ang pagkatao niya. Sige na, sundan mo na siya at baka biglang tumalon iyon ng building.”
“Pa, naman, eh!”
“Kaya nga sundan mo na.” Humugot pa ito ng malalim na hininga. “We have to make him understand your ninang’s condition.”
“Chi,” it was her mom. “Sige na. Baka maubusan na tayo ng oras.”
With that, mabilis na niyang sinundan si Ruki. Nararamdaman pa niya ang pagkirot ng kanyang pilay pero kaya pa niya iyon.
Saan na kaya nagpunta ang lalaking iyon…
“You’re looking for Ruki?”
Dalawang guwapong lalaki ang nalingunan niya. Nabasa niya ang pangalan ng mga ito sa suot na doctor’s robes ng mga ito. Surgeon Dr. Cloud Montanez and Pediatrician Dr. Reigan Baltazar.
“You know him?”
“We could recognized our own kind even from a mile,” wika ni Reigan. “Ang amoy ng kabayo ay napakadali naming ma-distinguished.”
“Ikaw lang.”
“Huwag ka ng mahiya, Cloud. Pare-pareho lang naman tayong amoy kabayo.”
“Ikaw lang.”
It was obvious they were members too of the Stallion Riding Club. “Alam nyo ba kung saan siya nagpunta?”
“Sa morgue.”
| |
|
soniafrancesca Inang Reyna
       member is offline
![[avatar]](http://i99.photobucket.com/albums/l310/skye_khaeser101/akodonyamuchachakosalikod.jpg)
Joined: Feb 2007 Posts: 386 Karma: 4 |  | Re: Stallion: Revisited (subok lang) « Reply #16 on Nov 4, 2009, 1:39am » | |
CHAPTER 9
NAABUTAN NGA NI Chi si Ruki sa morgue. Ang morbid ng eksena roon dahil kasalukuyang ilang bangkay ang natatakpan sa ibabaw ng mga stretchers. Gusto niyang magreklamo kung bakit doon pa nagsuot ang lalaki. Pero malakas ang kutob niyang iniligaw lang ito roon ng dalawang doktor base na rin sa nakita niyang sama ng mood nito pagbaling sa kanya nang marahil ay ma-realize nitong ginoyo ito ng mga kapwa nito Stallion boy.
Hindi siya umalis sa kinatatuyan niya sa harap ng pinto. “We need to talk, Ruki.”
“Hindi na kailangan. Naiintindihan ko na ang lahat.”
Ito ang Ruki na una niyang nakilala sa Japan. Matigas, galit at punung-puno ng hinanakit. Mahihirapan siyang kausapin ito ng masinsinan kaya kailangan niyang ibayong tapang para maiparating niya rito ang mga dapat nitong malaman.
“Get out of my way, Chi.”
“No. Your mother needs you, Ruki.”
“I don’t have a mother! She’s been dead a long time ago!”
“Hindi totoo iyan. Dahil naroon siya sa emergency room ngayon at nakikipaglaban pa sa buhay niya. Para sa iyo.”
“Whoever said I needed her?”
“Huwag mong pangunahan ng galit ang sarili mo, Ruki. Hayaan mo munang magpaliwanag ako.”
“I don’t have time for this.”
“Ruki—“
“My mother lied to me. You lied to me. And now, even my father lied to me. Why couldn’t anyone just tell me the truth for once?!”
“Ruki, ginawa lang namin iyon para sa iyo.”
“Para sa akin? For what?”
“This. Alam naming hinding-hindi ka tatapak ng Pilipinas para lang makipagkita sa Mama mo. Kaya gumawa kami ng paraan para makumbinsi kang magpunta rito.”
“No, you didn’t make a way. You lied to me. You all lied to me! I’m sick and tired of this!”
“Your mother is dying, Ruki!”
“I dont care! She’s been dead to me all these years anyway! What difference does it make now?”
Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha nito. Mabilis niyang pinagsisihan ang ginawa nang makitang agad namula ang pisngi nitong tinamaan ng palad niya. Pero hindi na niya puwedeng bawiin iyon. Siguradong buong buhay nito ay magagalit ito sa kanya kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataon ngayon na nakakausap pa niya ito. Ngunit hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsalita man lang dahil bgilang bumakas ang pinto at malakas iyong tumama sa likod niya. Dahil binabalanse pa niya ang bigat niya sa isa niyang paa para hindi mapuwersa ang iniinda ng isa niyang paa, madali siyang nawalan ng balanse at tumilapon sa isa sa stretecher. Muntik na siyang himatayin nang sumubsob siya sa isang bangkay doon.
“Putek!”
Mabilis siyang lumayo, hawak ang lumalagabog na dibdib. Paglingon niya upang harapin muli si Ruki ay wala na ito roon.
“Anong ginagawa mo rito?” wika na naka-unipormeng morgue personnel. “Bawal ang sibilyan dito.”
“Sorry. Nakita nyo ba yung guwapong lalaking kasama ko lang kanina?”
“Tao ba iyon? Akala ko kampon ng demonyo. Ang sama ng tingin, eh.”
“Tao iyon.”
“Ah. Lumabas na—“
Hindi na niya ito pinatapos sa sasabihin nito at sinundan na agad ang binata. Pero malas dahil sa paglabas niya roon ay wala na ni anino ng lalaki. Mabuti na lang at namataan na naman niya ang dalawang doktor na nakausap kanina.
“Nakatakas si Ruki. Nakita nyo ba kung saan siya nagpunta?”
“Hindi na,” wika ni Reigan. “Kung ako sa iyo, hintayin mo na lang siya sa Stallion Riding Club. Wala namang ibang pupuntahan iyon kundi doon.”
“You should take care of your foot, Miss,” wika naman ni Cloud. “Baka mapasama iyan, lalong hindi mo na mahahabol si Ruki. Tama si Reigan. Sa SRC ka maghintay. Kung hindi mo man siya makita rito, Reid would definitely picked him up somewhere. Whether he likes it or not, babalik siya ng Stallion Riding Club.”
“And another piece of advice,” natatawang wika ni Reigan. “Kung nahihirapan ka na, you could always ask the twins’ help.”
| |
|
soniafrancesca Inang Reyna
       member is offline
![[avatar]](http://i99.photobucket.com/albums/l310/skye_khaeser101/akodonyamuchachakosalikod.jpg)
Joined: Feb 2007 Posts: 386 Karma: 4 |  | Re: Stallion: Revisited (subok lang) « Reply #17 on Nov 4, 2009, 1:41am » | |
“CHI, KUMUSTA na ang ninang mo? Balita ko nasa ICU pa rin siya hanggang ngayon.”
“Oo. Under observation pa rin siya.” Palipat-lipat ng tingin si Chi sa lahat ng bahagi ng Stallion Riding Club. “Hangga’t hindi siya nailalabas sa ICU, hindi kami matatahimik.”
“Kawawa naman si Tita Ofelia. Ang bait pa naman niya. Sana gumaling na siya.” Kinalabit siya nito. “Si Ruki pa rin ba ang hinahanap mo?”
“I need to talk to him. Kailangan ko rin siyang maibalik sa ospital as soon as possible.”
“Bakit?”
“She’s Tita Ofelia’s only son.”
“Wow. As in kadugo ng suicidal na iyon ang napakabait na ninang mo?”
“Deejane.”
“Sorry, dude. Kailangan mo ng tulong?”
“Sana. Napansin mo ba si Ruki na pagala-gala rito?”
“Nope. Pero magtanong-tanong na rin tayo sa mga tao rito. Maliit lang naman ang SRC para hindi siya mamataan ng kahit na sino.”
“Sige.”
“Chi.”
Ang dalawang guwapong kambal ang nakita niyang papalapit sa kanila. “Any luck on Ruki boy?”
“Kahit naman makita ko siya, ayaw naman niyang makinig. Lagi niyang hindi pinapatapos ang mga sinasabi ko.”
“Kulitin mo,” suhestiyon ng kakambal nito. “Guys could never win against annoying women. Susuko agad iyon.”
“Paanong pangungulit?”
“Follow him everywhere. Kapag iniwan ka sa ere, sundan mo. Always make your presence known to him. Isang oras lang iyon, siguradong kulang na lang ay patayin ka nun sa asar sa iyo.”
“Mapapagod iyon sa pangungulit mo at pagbibigyan ka na lang na magsalita. That time, tell him everything you want to say. Kahit tulugan ka pa niya, sige lang. Kapag natapos ka, whether he wanted to or not, narinig na niya ang mga sinabi mo. Mag-iisip na iyon.” May kung anong nakita itong nakakuha ng atensyon nito. “Ah, speaking of the devil. There goes your Ruki.”
“Mukhang papunta siya ng Conference Hall for the induction. Let’s go, Jigs.” Nilingon siya ng ngayon ay alam na niyang si Trigger. “Goodluck on Ruki. Kung may maitutulong pa kami, just call, ah…anybody.”
Iyon lang at naglakad na palayo ang dalawa patungo sa direksyong pinuntahan ni Ruki.
“Dude, I have a bad feeling about those two.”
“Hayaan mo na. Basta kailangan kong ma-corner si Ruki.”
“Saan ka pupunta?”
“Kay Ruki.”
“’Sama ako.”
Tamang-tama na naabutan niyang malapit na sa Conference Hall si Ruki. He looked so disgruntled that it seemed like he would punch anyone who would come his way now.
“Dude, baka bigla kang upakan niyan. Hidni ka natatakot?”
“He won’t hurt me…I think. Tsk! Bahala na.” Malakas siyang tumikhim saka ito sinundan.
Nakita niyang nasa pintuan din ng Conference Hall ang kambal at may kausap ang mga itong babae. Kung hindi siya nagkakamali, tila sinadya ng kambal na humarang sa daraanan ng lalaki. Her chance. Dire-diretso siyang naglakad at sinadya rin niyang bumangga sa likuran ni Ruki.
“Ay, sorry, Sir!” kunwa ay hindi niya ito napansin agad. “Sorry, Sir—“ eksaherado siyang napasinghap. “Ruki! You’re here?! I’m Chi! Ako ang kapalaran mo…” Ruki was out of their sight and inside the conference hall in an instant. “Ruki, ah lab yu! Weeh!”
Nakita pa niyang lihim siyang binigyan ng kambal ng thumbs up bago niya tuluyang sundan ang binata sa loob. Pero inabot pa rin siya ng malas dahil imbes na manatili sa conference hall na iyon ang binata ay lumusot lang ito sa kabilang exit door.
“Anak naman ng demonyong kabayow!” asar niyang sambit saka muling lumabas.
“Problem?” tanong ng isa sa kambal.
“Ruki got away again.”
“I see. Sige, goodluck.”
Tinapik pa siya ng kambal sa balikat bilang pagbibigay siguro ng moral support. Peste.
“Ruki!”
| |
|
soniafrancesca Inang Reyna
       member is offline
![[avatar]](http://i99.photobucket.com/albums/l310/skye_khaeser101/akodonyamuchachakosalikod.jpg)
Joined: Feb 2007 Posts: 386 Karma: 4 |  | Re: Stallion: Revisited (subok lang) « Reply #18 on Nov 9, 2009, 7:46pm » | |
MALAPIT NA RING magkuwintas ng blade si Chi sa sobrang frustration. Hindi na kasi niya alam kung saan pa hahanapin si Ruki. Wala na kasing mga members ang nagpapagala-gala sa naturang riding club para mapagtanungan. Lahat ay nasa conference hall.
“Ipa-blotter na lang kaya natin siya, Chi?” tanong ni Deejane. “Grabe ng parusa ang ginagawa niya sa mga bilbil ko, eh.”
“You can rest, Dee. Ako na lang ang maghahanap sa kanya.”
“Puwede ba kitang iwan? We’re friends, you know—hey, hindi ba’t si Ruki iyon?”
Deejane was right. Si Ruki nga ang nakikita niyang pinagtutulungang kaladkarin ng mga tauhan ng club patungo sa outdoor stable.
“What the hell are they doing?” Nagmamadali niyang nilapitan ang mga ito. “Hoy! Anong ginagawa ninyo? Bitiwan ninyo si Ruki!”
“Pasensiya na, Ma’m. Pero inutusan po kami nina Sir Trigger na ikulong daw po sa isa sa mga kuwadra si Mr. Ruki.”
“What?! Bakit?”
“Hindi rin po namin alam. Basta iyon ho ang utos ni Sir, eh. Pasensiya na ho talaga, Ma’m.”
“Teka—“
Nagwawala na rin si Ruki. Namumula na ang mukha nito sa galit kaya kinailangan pa ang limang tauhan para lang mapagtulung-tulungan itong madala sa isa sa mga kuwadra roon.
“What in the world is going on here?” sambit ni Deejane sa tabi niya. “Mga baliw ba ang mga tao sa lugar na ito?”
Nag-iisip pa siya kung ano ang maaaring gawin o kung bakit ganon ang nangyayari nang lagpasan siya ng dalawang uniformed club members.
“Anong ginagawa ninyo rito? Bawal ang mga hindi club members dito, lalo na ang mga babae.”
“Bumalik na kayo doon sa Clubhouse.”
“Hindi puwede!” sigaw niya.
“Oo nga!” segunda ni Deejane.
“What the hell are you trying to do with Ruki? Bakit nyo siya ikukulong sa kuwadra? He’s not an animal! And this is violation of human rights!”
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Pagkatapos ay tatawa-tawa na lang ang mga ito nang tawagin ang mga tauhan.
“Kumusta ang hostage? Maayos na ba sa lugar niya?”
“Okay na, Sir Hans. Tahimik na rin.”
“Good. Puwede na ninyong balikan ang mga trabaho ninyo.”
Binalingan siya ng kasama ni Hans. “Puwede mo na sigurong makausap ng matino niyan si Ruki. Goodluck. Bert, pakikuha nga ang mga kabayo namin ni Hans.”
“Yes, Sir.”
“Goodluck sa iyo, Miss. Sana maayos na kayo ni Ruki.” Then he looked at Deejane. “Ikaw ang sekretarya ni Laud, hindi ba?”
“Oo.”
“He’s looking for you.”
“Ha?” Agad nataranta ang kaibigan. “Chi, I have to go. Kapag nagkaproblema ka kay Ruki, ahm, tawagan mo lang ako, ha? At sasabihin ko kung makakatakas ako kay Laud. Goodluck, friend.”
And then she was alone. Mahihilo na yata siya sa bilis ng takbo ng mga pangyayari. Ah, hindi! Isa lang ang dapat niyang isipin ngayon.
“Ruki!” Maingat ngunit mabilis niyang sinundan ang direksyon kung saan dinala ang binata. Agad naman niya itong nakita.
And he really was locked up inside one of the stables! Mabuti na lang at walang kasama itong kabayo roon dahil talagang magsasampa siya ng kaso sa ginawa ng mga tao sa lugar na iyon kay Ruki.
Sinilip niya ito sa pagitan ng mga kahoy na gate ng kuwadra. Nakaupo lang ito sa isang tabi, nakayuko at walang imik.
“Ruki, ilalabas kita rito—“
“Leave me alone.”
“Pero hindi tama ito. Hindi ka nila puwedeng basta na lang ikulong dito.”
“I dont care. Just leave me alone.”
Walang kabuhay-buhay ang boses nito. Daig pa niya ang nakakarinig ng isang taong tuluyan ng sumuko sa buhay. At siya ang dahilan ng ipinagkakaganito ng binata.
“I’m sorry, Ruki.” Hindi ito umimik. Lalong tila dinurog ang puso niya. Pero kailangan ng malaman nito ang katotohanan.
Naalala niya ang sinabi ng isa sa kambal kanina.
That time, tell him everything you want to say. Kahit tulugan ka pa niya, sige lang. Kapag natapos ka, whether he wanted to or not, narinig na niya ang mga sinabi mo.
“We didn’t mean to lie to you, Ruki. Kung nagsinungaling man kami, iyon ay dahil kailangan. Your mother was dying. And her only wish was to see you. Kung sinabi namin ang tungkol doon noong nasa Japan pa lang tayo, siguradong hindi ka papayag na tumuntong man lang ng Pilipinas. At tungkol naman sa kalagayan ng Mama mo, siya ang may gusto niyon. Ayaw kasi niyang makita mo siyang nagsa-suffer.”
Wala pa rin reaksyon mula rito. Hindi bale, mukhang gising naman ito at kahit paano, kahit hindi ito maniwala, ang importante ay narinig nito ang katotohanan.
“Gusto niyang kahit sa huling pagkakataon, maalala mo siya na malusog at walang anomang karamdaman. And, Ruki, your mother didn’t abandon you. Kagustuhan iyon ng mga lola’t lolo mo. Wala lang siyang nagawa dahil pati ang ama mo ay nalason na rin ang isip na masamang babae ang Mama mo. Napilitan siyang iwan ka dahil inisip niyang mas magkakaroon ka ng magandang buhay sa poder ng Papa mo. Buong buhay niya, ikaw lang ang inisip niya, Ruki. Akala mo ba ikaw lang ang nag-suffer sa mga nangyari? Mas higit pa ang dinanas ng Mama mo. kung hindi mo man siya mapatawad, kung hindi mo man kami mapatawad sa ginawa namin, at least, pagbigyan mo naman ang huling hiling ng Mama mo. Let her see you, Ruki. You didn’t have to talk to her if you don’t want to. Just give her a chance to see you…please…”
Hindi na niya napansin na naglandas na pala ang luha sa kanyang mga mata. At si Ruki, nanatili lang ito kung saan niya ito naabutan kanina.
“Ruki—“
“Leave me alone.”
Wala na nga siguro siyang magagawa. Hanggang dun na lang ang kaya niyang gawin para sa kanilang mag-ina. She did her best, for the woman she treasured and for the man she loves. Nakakapanghinayang lang na sa kabila ng lahat, kulang pa rin ang mga ginawa niya.
She couldn’t give them their happiness.
“Its okay, Miss.” Napatingin siya sa lalaking nagsalita.
May tao pa pala doon. Nasa kabilang kuwadra ito at mukhang katatapos lang nitong umidlip. He stood up and walked towards her.
“Let it sink in his head. He’ll come to his senses soon enough.”
Pagkatapos ay inalalayan na siya nitong makalabas ng stable na iyon. Inabutan siya nito ng panyo.
“Ayaw na ayaw kong makakita ng babaeng umiiyak. So dry your tears now. Everything will fine.”
Tinanggap niya ang panyo. “Salamat. Si Ruki…”
“Hindi naka-lock ang kuwadra. Kaya makakalabas siya kung kailan niya gusto.”
She looked back at the outdoor stable. May pakiramdam siyang ito na ang huling pagkakataon na makikita niya ang binata. Kaya kahit sulyap lang sana, makita niya ito uli. Kahit na ang lugar lang na kinaroroonan nito…
| |
|
soniafrancesca Inang Reyna
       member is offline
![[avatar]](http://i99.photobucket.com/albums/l310/skye_khaeser101/akodonyamuchachakosalikod.jpg)
Joined: Feb 2007 Posts: 386 Karma: 4 |  | Re: Stallion: Revisited (subok lang) « Reply #19 on Nov 9, 2009, 7:53pm » | |
CHAPTER 10
NAGLALAKAD SI Chi galing sa grocery store na malapit lang naman sa bahay niya. Nakita niya ang mga namumulaklak ng halaman na itinanim ng masipag nilang Mayor sa kanilang lugar. Funny how she’d been living in that neighborhood and she just noticed they had a beautiful place out there. Mukhang masyado na nga siyang nalunod sa kanyang trabaho at hindi na niya napapansin na may mga bagay pa pala sa buhay na mas maganda pa kaysa sa pera. Mabuti na lang pala at natuto siya bago pa naging huli sa kanya ang lahat. She wanted to enjoy life as it is. ‘Yung hindi niya kailangang mapagod at hindi kailangang gumastos. She couldn’t believe na matatagpuan lang pala niya iyon sa paligid niya at sa mga taong nakakasalamuha. Salamat sa nag-iisang lalaking nagpakilala sa kanya ng mga iyon.
“Hay, Chi, tama na iyan,” wika niya sa sarili habang patuloy na mabagal na naglalakad sa maaliwalas na kalyeng iyon na hindi gaanong daanan ng mga sasakyan. “There is life after Ruki, okay? Move forward. Fight-o!”
Its been two weeks since she had last seen Ruki. At doon pa iyon sa induction ng mga bagong members ng Stallion Riding Club. Pagkatapos kasi ng ‘speech’ niyang iyon ay nalaman niya sa mga magulang na nagpunta na nga si Ruki sa ospital para dalawin ang ina nito. Hindi na niya alam kung ano ang napag-usapan ng mag-ina pagkatapos niyon. Naging abala na kasi siya sa pagpapatakbo sa kanilang kumpanya na matagal din niyang hindi naasikaso dahil lagi nga siyang naghahabol kay Ruki. Ang huling nabalitaan niya ay bumalik na ito ng Japan, kasama ng mga magulang nito. Dumating kasi sa bansa si Satoshi para kunin ang ninang niya at nang magkasama-sama na ang mga ito sa naturang bansa.
Well, she was happy for them. Maganda rin namna pala ang kinalabasan ng pinaghirapan niya. Kung magkakasama na ang mga ito, siguradong masaya na rin si Ruki. Sa wakas ay dumating na rin ang ina nitong matagal nitong hinintay. Hindi nasayang ang pinagpaguran niya. Kahit na nga hindi na sila nagkausap pa ni Ruki pagkatapos niyon.
Dumarating pa rin siya sa mga panahong hinahanap niya ang lalaki. Kapag ganon ay inilulublob na lang niya ang sarili sa pagtatrabaho at lumilipas na rin naman ang pagka-miss niya rito pagkatapos. Isa pa, puwede pa rin naman niya itong makita dahil nagkalat ang mga websites sa Internet na dedicated sa banda ng mga ito. She could watch him there and stared at his pictures all day, if she wanted to. Pero as much as possible ay iniiwasan niya iyon dahil mas lalo lang niyang nararamdaman ang pangungulila rito.
“Hay, life. Parang love…walang kinalaman pero cute.” Tinawanan na lang niya ang sariling kalokohan. Hinalungkat na lang niya ang laman ng paperbag para maghanap ng chocolate na mangangata habang pauwi. Nakangiti na siya nang makakita ng isang bar ng chocolate
Pero agad ding naglaho ang kanyang ngiti at napalitan iyon ng matinding kaba sa kanyang dibdib nang may mamataang nakaupo sa bench sa parke na madadaanan niya. He was wearing a black leather jacket over a black shirt and denim pants. But even his dark sunglasses could never hide that handsome face. He was leaning forward, his arms over his legs as he seemed to be thinking of something when he sunddenly noticed her.
Lumukso ang puso niya, lalo na nang dahan-dahan itong tumayo at tila hinintay ang paglapit niya.
“Ruki…” ang tangi niyang nasambit. Hindi na siya makakilos sa kinatatayuan. Kaya marahil ay ito na ang lumapit sa kanya.
Hanggang ngayon, walang dudang ito pa rin ang tanging mahal ng puso niya. May napansin lang siya rito. Mas lalo itong naging guwapo ngayong tila maganda ang bukas ng mukha nito. Kung noong una ay napaka-gloomy ng aura nito, ngayon ay iba na.
“Wala ka noong last concert namin. I was waiting for you.”
She refused to cry. And refused to talk. Kapag nagsalita kasi siya ay maiiyak lang siya. Ang pangit pa naman niyang umiyak.
“I sent you a VIP ticket,” patuloy nito. “Did you get it?”
Tumango lang siya. Sinadya niyang hindi pumunta dahil inisip niyang galit pa rin ito sa kanya.
“Bakit hindi ka nagpunta?”
Nanatili pa rin siyang walang imik. Parang ang gusto na lang niyang gawin nang mga sandaling iyon ay pagmasdan ito. Baka kasi ito na lang ang tanging pagkakataon niya para makita ito kaya lulubus-lubusin na niya.
“I was looking for your usual crazy placards. Lalo na ‘yung isang poster na iwinagayway mo doon sa unang concert namin na napanood mo. You just don’t know how much that antic of yours made me smile.”
What? She made him smile because of that? To think na ginawa lang niya iyon para asarin ito.
“I was looking all over for you,” patuloy nito. “I waited for you until the concert was over. Naisip kong baka naligaw lang ang concert ticket sa bahay mo kaya ka na-late ng dating…I waited until all the crew left. I thought you’d suddenly come through that back door again, sat beside me and cover me with your jackets eventhough you were cold as hell.”
She bit her lower lip to stop it from quivering.
“I waited ‘till morning.”
“Morning?”
That’s when she saw that very rare smile of his. And her heart just melt for him over and over again.
“I still want to believe that you’ll be there. Kaya nang hindi ka dumating…I feel like I lost a very important thing in my life. At hindi ko iyon matanggap. Inisip ko na baka nga nasanay lang talaga ako na nandoon ka sa tabi ko. Na lagi kang nakikita, laging kausap. So I just let it go, thinking that since I just got used to having you around, maybe I’ll get used of not having you around as well. I was wrong. Its not that I got used of having you around, its really more of having a missing piece of my life finally complete me. And losing it again…well, I don’t want to lose you again.”
“Ruki…”
“One day I walked out of the house and into the snow. Once upon a time, that same snow was the saddest remembrance of my past. But on that one sad moment of my life, I met you. And the snow doesn’t seem so sad anymore. Dahil lagi kong naalala ang babaeng parang giant lumpia na ilang beses nadapa sa snow.”
“Ipaalala pa raw ba iyon?”
“Chi.”
“Ano?”
“I’m sorry kung pinahirapan kita nang husto sa Stallion Riding Club. Hindi ko lang agad natanggap na ang Mama ko na matagal kong hinanahap at sinukuan ko na rin ang paghihintay ay makikita ko pa pala. I’m not mad at you. Lumalayo lang ako sa iyo dahil ayokong pag-usapan na mawawala na naman si Mama pagkatapos kong malaman na naroon lang siya sa ospital na iyon. I don’t want to accept the fact that she’s dying and would be walking out of my life for good. Ang hirap tanggapin nun kaya pasensiya ka na.”
Tumango lang siya. Masakit na ang lalamunan niya sa pagpipigil sa kanyang mga luha. “How is Tita Ofelia?”
“She’s weakening everyday. Pero nakikita ko sa mga mata niya na masayang-masaya siya. Salamat sa lahat ng ginawa mo, Chiarah.”
“Chi.”
“Right. Chi.”
Katahimikan ang sumunod. Parang nagpapakiramdam pa sila kung sino ang unang magsasalita o kung ano ang dapat sabihin. Hanggang sa hindi na yata ito nakatiis. He suddenly cupped her face between his hands and kissed her on the lips. Nagulat pa siya sa ginawa nito kaya nabitiwan tuloy niyang bigla ang mga bitbit na grocery. Agad kumalas sa kanya si Ruki at malakas na napasinghap. Nadale pala ng grocery bag niya ang paa nito.
“Ay, sorry…”
Imbes na magreklamo ay malakas lang na natawa si Ruki. Parang bulang naglaho ang sakit na naramdaman nito sa mga paa nito.
“You really are crazy, Chi.” Iyon lang at muli na naman nitong ikinulong ang kanyang mukha sa pagitan ng mga palad nito saka siya hinalikan uli.
Sa pagkakataong iyon, nagulat man siyang muli sa ginawa nito ay wala ng grocery bag na iistorbo sa kanila. Tinanggap niya nang buong puso ang mga halik nito. Sa mga halik nito niya napatunayan niyang totoo ang naging assessment niya roon sa induction day ng Stallion Riding Club. Ruki loves her!
Hindi niya alam kung gaano katagal siyang hinalikan ni Ruki. Basta ang alam niya, para siyang naghabol ng kung ilang kilometro sa mga lintik na kabayo ng SRC dahil sa malalalim niyang paghinga. He was huffing like her but the glow in his eyes was unmistakable. He really loves her!
“Chi.”
“Yeah?”
“I don’t know the right words to say, but just so I could let you know how much I feel for you, I want you to listen to my song—“
“Kahit hindi na!”
Tumawa lang uli ito at isang beses pa siyang ginawaran ng halik sa kanyang mga labi. “Still, I want you to hear it. Sabi mo kasi, gusto mong maintindihan ang lyrics ng mga kanta namin. Well, here’s one that I wrote just for you. Remember that time when you woke up to the sound of my guitar? Nakapag-composed din ako ng kanta roon habang pinapanuod kang matulog.”
“Talaga?”
Tumango lang ito. “So now i want you to hear it. Para sa iyo lang talaga iyon. Hindi namin iyon isinama sa kahit na anong album ng banda.”
“Okay…” Naglakad itong palayo sa kanya. Bigla siyang kinabahan. Lalayo na naman ba ito sa kanya? “Ruki!”
“Stay there.”
Patungo ito sa isang malaking truck na nakaparada sa bandang likuran ng bench na kinauupuan nito kanina. Nakita niyang bumukas ang isang bahagi ng malaking truck. Nakita niya ang mga nagkukuwentuhan pa yatang miyembro ng banda nito. Nang bumukas ang truck ay saka lang kumilos ang mga ito.
“Konichiwa, Chiarah-san!” bati ni Uruha sa kanya.
Agad humarang dito si Ruki na tila ba pinagsabihan ito. Pero sina Kai at Aoi naman ang sumingit para batiin siya. Nakangiting nag-flying kiss lang si Reita. Natatawa na lang din siyang kumaway sa mga ito. Natatatandaan pa rin pala siya ng mga ito. Ilang sandaling kulitan ang lumipas ay nakapag-set up na rin sa wakas ang banda nito. Dahil kakaiba ang eksenang iyon kaya agad nakakuha ng atensyon ang naturang banda mula sa mga taong pakalat-kalat, namamasyal at mga naglalaro sa parke na iyon.
“My gas! That’s the GazettE!”
“Army-ya, nagseselos na ako.”
“Shin, pagbigyan mo na ako. Alam mo namang pinaglilihian ko ang mga legs ni Uruha.”
“You can’t even understand their songs.”
“Who cares? I just love Uruha’s legs. Period.”
Kilala niya ang lalaking mukhang Koreano na iyon pati na ang asawa nito. It was Shin and Army. At mukhang nakilala rin siya ng mag-asawa.
“Chi! Kayo na ni Ruki? Weh! Sosyal!”
Natawa na lang siya at excited na napatingin sa kinaroroonan ni Ruki nang marinig niya ang boses nitong kumanta. And he was really singing it in English!
“Nothing has changed, since that time, Before, I looked to you…Its funny, isnt it? Gradually, the distance between us increased… Until you were out of my reach, Either way, loneliness is to be expected, So what I am longing for?...I don’t seem to know anymore, Before I realized where you were, you’ve flown away, I realized that on my own, I’m powerless…And looking back, I see my shriveled self…”
“Wow…ang galing…” sambit ni Army na nakatanga na lang sa banda. Pati ang mga taong naroon ay nakatunganga na lang din sa mga ito. “Grabe…”
Siya man ay hindi na maalis ang mga mata lalo na kay Ruki. Dahil habang kumakanta ito ay lagi na lang itong nakatingin sa kanya na tila ba lihin nitong sinasabi na pakinggan niya nang husto ang nilalaman ng kanta nito. Dahil iyon agn kabuuan ng nararamdaman nito.
“When im so sad I cant stand it, Like my overflowing tears, My song tells no lies, When im so happy I cant speak, If I can just sing that song like my smile’s song…”
Parang gusto niyang maiyak. Ruki was relaying the sadness of his past.
“The violent trembling still continues, My breath is cut off, Frozen in my place, As same as that time, When I had nothing, I don’t want to go back, To those cold days…”
And she would never let him go back to those lonely days. Hindi na talaga. Lalo na ngayon na alam na niya ang nararamdama nito sa kanya. Never again…
“To the one who showed me when the pain was unbearable, To the one who supported my weakness and believed in me, I can only say it with awkward words… When im so sad I cant stand it, Like my overflowing tears, My song tells no lies, When im so happy I cant speak, If I can just sing that song like my smile’s song… Until my withered voice runs out, I want to stay here, Until my withered voice runs out..”
THE END
| |
|
soniafrancesca Inang Reyna
       member is offline
![[avatar]](http://i99.photobucket.com/albums/l310/skye_khaeser101/akodonyamuchachakosalikod.jpg)
Joined: Feb 2007 Posts: 386 Karma: 4 |  | Re: Stallion: Revisited (subok lang) « Reply #20 on Nov 9, 2009, 7:56pm » | |
ah,by the way, yung song ng Gazette, since its the Gazette, dapat may extra ang songs nila hehehe. the title of that song is Kare Uta. Withered Poem yata in English. thanks for reading this novel.
| |
| |
|